“Salamat sa paalala mo, Mr. Bates, pero meron kaming importanteng misyon na kailangang tapusin. Isang gabi lang kaming mananatili dito dahil kailangan naming mahanap kaagad ang teritoryo. Aalis kami ng madaling araw!" sagot ni Gerald habang nakatingin kay Mr. Bates. Nanatili ng tahimik si Mr. Bates nang marinig niya iyon. Gayunpaman, kung papansinin ng isa ang kanyang reaksyon, makikita nila na kumikibot kumikibot ang kanyang mukha pagkatapos magsalita ni Gerald... Malalim na ang gabi bago tuluyang napagpasyahan ni Gerald at ng kanyang grupo na matulog. Para walang makalusot sa kanila ngayong gabi, iminungkahi ni Gerald na silang apat ay salit-salit na magbabantay. Si Gerald ang unang magbabantay samantalang ang iba ay natulog na. Mabuti na lang at natapos na ang shift niya at nakipagpalit na siya kay Ray, walang nangyari na kahit anong bagay buong gabi. Ang grupo ng apat ay nagising ng maaga kinaumagahan at agad na nagsimulang mag-impake. Si Gerald naman ay lumapit sa pinto
"Huwag kang mag-alala, hindi kita sasaktan. Kung tutuusin, mas pinagkakatiwalaan kita kaysa sa naunang grupo!” dagdag ni Mr. Bates nang makita ang matinding pagbabago sa ekspresyon ni Gerald. Kahit pa sinabi iyon ni Mr. Bates, nararapat lang na nag-alala pa rin si Gerald. Wala namang nakakaalam kung nagsasabi ng totoo ang taong ito, hindi ba? Sa kabila ng kanyang pag-aalala, naunawaan ni Gerald na kailangan pa rin niya ang gabay ni Mr. Bates sa ngayon. Ang magagawa niya lamang ngayon ay kumilos ng naaayon. Kapag nakita ni Gerald na may ginawang pagkakamali si Mr. Bates, papatayin niya ito ng walang awa... Pagkatapos ng awkward na pag-uusap na iyon, naglakad ang grupo ng halos isa pang oras bago tuluyang nakarating sa tila isang napakalaking Stonehenge... Nataranta si Gerald nang makita niya ito at sinabi, "Ito?" “Dito mabubuksan ang portal na patungo sa pinaka-feminine na lugar. Pagkatapos dumaan sa lugar na iyon, malapit mo nang mahanap ang teritoryo ng Phangrottom Clan. Tan
“… Sige!” sagot ni Ray sabay tango. Pagkatapos nito ay sinabi ni Gerald, “Decided na, Mr. Bates. Kaming dalawa ang papasok, kaya pakibukas ang portal para sa amin ng maaga!" Walang sinabi si Mr. Bates nang marinig niya iyon. Sa halip, naglakad siya papunta sa pinakamalaking stone pillar sa gitna ng 'Stonehenge' bago bumunot ng maliit na kutsilyo mula sa kanyang manggas... Pagkatapos nito ay gumawa ng isang maliit na hiwa sa kanyang kamay, inilagay niya ang kanyang dumudugong palad sa parang isang simbolo ng ghost eye sa may pillar... at makalipas ang ilang segundo, nagsimulang manginig ang pillar habang ang iba pang nakapaligid na mga pillar ay nagsimulang lumiwanag ng kulay blue na ilawl! Ilang sandali pa, isang kulay blue na portal ang lumitaw sa harap ni Gerald at ng kanyang grupo… "Iyan ang portal. Pumasok ka ngayon, at tandaan mo Tatlong araw na lang o hindi ka na makakaalis!" paalala ni Mr. Bates habang tumatango sina Gerald at Ray. "Nakuha ko! Huwag kang mag-alala, M
Ang city ay kilala bilang Phantom City, at ito ay isang city na ginawa para sa mga multo at espiritu. Mula sa kinatatayuan nila, nakita nina Gerald at Ray na lahat ng bagay sa city ay mukhang ancient... Nakita rin ng dalawa ang ilang multo na nagbebenta na nagkalat sa tila isang palengke sa lungsod. Alam na nila ngayon na ganito ang itsura ng spirit world, kaya nagpasya ang dalawa na magmadali at maglakad patungo sa entrance ng city.. Gayunpaman, nang makarating sila sa city gates, hinarangan agad sila ng isang lalaking maputla ang mukha na nakasuot ng mahabang itim na damit. Nakatitig siiya sa dalawa gamit ang kanyang asul na mga mata habang sinasabi niya, "Hindi kayo nabibilang dito. Umalis kayo ngayon din!” “Sino ka ba…?” tanong ni Gerald. "Ang pangalan ko ay Phanto, at ako ang phantom officer ng lugar na ito!" pakilala ni Phanto na ikinagulat nina Gerald at Ray. May ghost official pala sa lugar na ito! Para silang nasa isang television drama! Huminto ng saglit si G
Nakatagpo si Gerald ng isang taong maputi ang buhok na nakasuot ng mahaba at kulay gray na robe... "Hmm... nakikita ko na ikaw ay kalahating tao at kalahating multo!" sabi ng naka-robe habang tinititigan niya si Gerald mula ulo hanggang paa. Ikinagulat ito ni Gerald. Hindi niya inasahan na mapapansin agad ito ng taong ito! "…At ikaw ay si…?" tanong ni Gerald. “Ang pangalan ko ay Torme, at ako ang phantom emissary sa pinaka-feminine na lugar. Sa madaling salita, responsable ako sa pakikipag-ugnayan sa mga outsiders. Ito ang dahilan kung bakit napakadali kong nakilala ang iyong background,” paliwanag ni Torme. "…Ganoon ba… Masaya akong makilala ka, sir. Ang pangalan ko ay Gerald Crawford, at tulad ng sinabi mo, ako ay kalahating tao at multo. Gusto ko lang rin sabihin na ako ay isang cultivator!" sagot ni Gerald dahil naramdaman niya na hindi niya na ito kailangang itago pa. “Iyon siguro ang dahilan kung bakit mayroong kang napakalaking spiritblade at divine spirit sa loob ng
Pagkatapos niya itong pag-isipan ng maigi ay sinabi ni Gerald ang kanyang sagot, “…Pinipili ko na hayaan ang tadhana na gawin ang magdesisyon!” “…Oh? Isang hindi inaasahang sagot! Gusto mong ipaliwanag kung bakit?" tanong ni Torme. “Hindi isang tao ang magde-desisyon sa buhay o kamatayan ng kanilang sarili o ng iba. Sa huli, ang tadhana pa rin ang magde-desisyon ng lahat. Kung oras na para mamatay ang isang tao, hindi ito mapipigilan. Iyon ang dahilan kung bakit wala akong karapatang piliin ang mga mangyayari sa taong ito! Totoo na gusto kong mamatay ang masasamang tao, naniniwala ako na sa huli ay aanihin nila ang kanilang itinanim! Kung tutuusin, ang tadhana ang magde-desisyon ng kanilang nararapat na kamatayan!" paliwanag ni Gerald. Matapos sabihin ang lahat ng iyon, bigla siyang nakarinig ng palakpakan habang sinasabi ni Torme, "Not bad! Iba ka sa ibang kumuha ng pagsubok! Binabati kita, nakapasa ka sa unang pagsusulit!" Pagkatapos nito ay nawala ang kadiliman at bumalik sa
“Saya, poot, pera at pamilya... iyon ay maliliit na bahagi lamang ng buhay. Sa huli, ang talagang mahalaga ay ang mga desisyong ginagawa ng isang tao habang dahan-dahan silang nagpapatuloy sa cycyle ng buhay... Hindi ako sigurado kung anong mga naranasan mo noon, pero alam ko na ang buhay ay hindi palaging puno ng kalungkutan at sakit... Ang mga masasayang bahagi ng buhay ay totoo pa rin at kapag nalaman iyon ng mga indibidwal, siguradong mabubuhay sila ng mas magandang buhay sa halip na patuloy na magreklamo tungkol sa mga kawalan ng katarungan sa buhay…” paliwanag ni Gerald. Hindi pa talaga naiintindihan ni Gerald kung ano ang pagsubok na ito, pero pagkatapos niyang pag-isipan ang lahat ng ito, sigurado na siya na sinusubukan siya sa kanyang karunungan tungkol sa buhay. Napansin rin ni Gerald na ang mga eksenang pinapalabas sa screen ay mga karanasan ni Torme noong nabubuhay pa siya. Dahil diyan, sigurado si Gerald na ginawa rin ang pagsubok para matulungan si Torme na maresolba
Pagkatapos sabihin iyon, tinitigan ni Gerald ng maigi ang pekeng si Juno... at sa huli, nasira ng kanyang matinding willpower ang mga ilusyon sa paligid niya! Nakita ni Gerald na bumalik sa normal ang paligid niya at nakita niya rin na gulat na nakatingin sa kanya si Torme. Hindi niya inasahan na may napakalakas na willpower ang taong ito. “Ngayon lang ako nakakita ng napakahusay na tao… Tunay na isa kang makapangyarihang indibidwal…” papuri ni Torme. “Maraming salamat sa iyong compliment, sir. Mukhang sinusubukan mo ang aking lakas?" medyo curious na tinanong ni Gerald. "Tama ka, pero masasabi ko ngayon na nakapasa ka base sa iyong willpower! Ang iyong performance hanggang sa puntong ito ay higit sa inaasahan ko!” namamangha na sinabi ni Torme. Kung ikukumpara sa lahat ng mga naunang kumuha ng pagsusulit, si Gerald ang pinakamabilis na bumasag ng ilusyon... Hindi talaga siya makapaniwala sa totoo lang. Sa oras na iyon, tumango si Gerald habang sinasabi, “Pangatlong test na
Galit na pinapanood ni Daryl ang kanyang itim na air blade na tuluyang mawala, bago siya sumigaw ng malakas, "Na-Napakalakas...!" Hindi nakagalaw si Daryl dahil sa sobrang galit, kaya sinamantala ni Gerald ang pagkakataong sumigaw, "Atake...!" Kasunod ito ay isang naglalagablab na liwanag ang nagliwanag sa buong kalangitan...! Sumabog ang energy sa lahat ng direksyon at ang devilish formation ni Daryl ay naging alikabok sa loob ng ilang segundo! "Hindi pwede…!" Sigaw ng hirap na hirap na si Daryl nang masira ang ang lupa sa ilalim niya at ang mga ulap ng alikabok sa buong lugar! Siya ay isang kaguluhan na nagkatawang-tao... ngunit ilang sandali pa, ang paligid ay tumahimik. Si Gerald ay sumuka ng maraming dugo, at nanlamig ang kanyang katawan hanggang sa mawalan na siya ng malay... Mabilis na lumipas ang tatlong taon.Ang Mayberry Commercial Street ay naging masigla gaya ng dati... "Darling, araw ng kasal ng kapatid mo... Hindi ba dapat mas maaga tayong pumunta doon? Dapat
‘Si Daryl ay sinapian ng Supreme Devilish Lord sa loob ng maraming taon, at ang lord na ito ay ginagamit ang katawan ng lolo mo para subukan ang kanyang resurrection! Ang cycle na ito ay paulit-ulit sa loob ng maraming taon, at ang Supreme Devilish Lord ay nakakuha na ng maraming tao na Yin physiques ngunit buti na lang ay nabigo siya! Sa sobrang dami ng mga nakuha niyang tao, naalerto ang Soluna Deus Sect, o Sun League kung tawagin mo ang mga ito, at sinusubukan nila ang lahat para mapalabas ang Supreme Devilish Lord!' 'Para mapigilan ang pagsisikap ng Supreme Devilish Lord, kinikidnap pa nila ang mga taong may Yin physique! Nakikita mo na ba ang buong larawan ngayon, bata?’ paliwanag ni Finnley. ‘…’Yan pala ang katotohanan... Pero kamusta naman si Mila?’ tanong ni Gerald. ‘Okay lang siya, pero depende pa ito kung mapapatay natin siya ngayon!’ sagot ng isa sa mga babaeng nakasuot ng puti. Gumaan ang pakiramdam niya nang marinig ito... Lumalabas na ang Sun League ay hindi mga k
Parang sasabog ang dibdib niya, at hindi nagtagal ay sumuka siya ng sugo. Napakatindi ng devilish power na ito...! Ngumisi ang Nirvadevil sect master, bago niya mapanuya na sinabi, "Alam kong tumaas ang level of cultivation mo dahil gusto mong matuto nang higit pa tungkol sa Sun League, pero kailangan mong malaman na ang mag devilish cultivators ay mas malakas! Naisip mo ba talaga na ang pagkakaroon ng angelic inheritance ay magbibigay sayo ng matinding kapangyarihan? Nakakatawa ka! Hindi ka ililigtas ng iyong Herculean Primordial Spirit sa pagkakataong ito!" Kumunot ang noo ni Gerald saka niya sinabi, “…Sino ka ba? Paano mo ako nakilala? Paano mo nalaman ang tungkol sa aking Herculean Primordial Spirit?" Tumawa ang sect master saka niya sinabi, “Oh, malapit mo nang malaman kung sino ako! Pero bago iyon, hayaan mo akong agawin ang iyong Herculean Primordial Spirit! Kailangan kong wasakin ito para maging mas makapangyarihan ang aking sacred Primordial Devilish Internal Pellet...!”
“…Ang formation… parang pamilyar ito,” sabi ni Sanchez. “Ganyan rin ang naisip ko. Sa tingin ko ito ang Septelic Perishment Formation ng sinaunang Black Dragon Sect!" sagot ni Gerald. "Ah, kaya pala parang pamilyar ito... Pero hindi ba nawala na noon ang formation na ito? Paano mo ito natutunan?" nagulat na tinanomg ni Sanchez. Ang legendary formation na ito, gaya ng sinabi ni Sanchez, ay nawala noong sinaunang panahon. Sa pangalan pa lang nito, maiisip na ng isang tao na ang napakalakas na formation ay ginamit laban sa mga miyembro ng Deitus Realm. Ngunit sa huli, nilipol ng mga ka-alliance ng Deitus Realm ang Black Dragon Sect, na humantong sa pagkawasak ng iba pang misteryoso at kakaibang formation ng sekta... Siniguro nilang patayin ang lahat ng miyembro para masiguro na wala sa mga ito ang makakapagbanta sa kanila sa parehong paraan... Kasunod nito ay mabilis na sumagot si Gerald, “Nabasa ko ito noon sa isang lugar. Pero hindi binanggit ng libro kung paano masira ang forma
Nang marinig ang tanong ni Gerald, ipinakita ni Lord Ethern ang ilang sample ng mga herbs na hinahanap nila... at hindi nagtagal ay kumibot ang mga mata ni Gerald sa nakita niya. Kung tutuusin, ang mga sample na iyon ay mga herbs minana ng mga ancient witches... at ang mga ito ang hinahanap rin ni Gerald. Mabilis itong na-recognize ni Marcel, at agad niyang sinabi, “…Ito…” Bumulong si Darkwind nang mapansin niyang nakatingin ang dalawa sa mga herb, "...Sa tingin ko, ang herbalist na hinahanap nila ay si Ms. Phoebe, Mr. Crawford?" “…Hindi magiging madali na masabi kung siya nga ito dahil sinabi na ni Marcel na hindi tama ang timing... pero ito ang pinakamagandang clue na nakuha natin. Ikaw si Lord Ethern, hindi ba? Pwede mo bang ipaliwanag nang kaunti pa ang iyong master?" sabi ni Gerald habang nakaharap muli sa lalaki. "Hindi ko talaga masabi...! Ang master namin ay nagpapakita sa pamamagitan ng shadow form, kaya wala ni isa sa amin ang nakakita sa kanyang mukha!” sagot ni Lord
"Flaxen, isa ka talagang taksil...!" galit na sumigaw ang tatlong lords hanggang sa puntong namula na ang mga mukha nila! Gayunpaman, wala silang panahon para manatiling galit dahil gumawa na ng move ang Blancetnoir Double Lords at si Sanchez laban sa kanila! Gaya ng inaasahan, isang round lang ang kinailangan para gumuho sa lupa ang tatlong lords na ito. Nauutal, nakadilat ang mga mata ni Lord Ethern habang sinasabi niya, “Sino… Sino ba kayo…?!” "Hindi mo kailangang malaman ang impormasyong iyon. Gusto naming malaman kung ano ang pinaplano niyong apat,” mapanuyang sinabi ni Gerald habang dahan-dahang lumapit sa tatlong talunang lalaki. “…Sino ka ba sa tingin mo? Sa tingin mo ba ay madali akong sumunod?" sabi ni Lord Ethren. Itinaas ni Gerald ang kanyang kamay nang marinig iyon... at sa loob ng ilang segundo, si Lord Ethern ay nagpakawala ng isang nakakatakot na hiyaw sa sobrang sakit. Pinutol ng mga Blancetnoir Double Lords sa magkabilang braso ng kawawang lalaki! “Kung gu
Napansin ni Gerald na silang lahat ay mga devilish cultivators. Kung tutuusin, ibang-iba ang kanilang mga aura kumpara sa mga regular cultivator tulad ni Gerald at mga demonic cultivator na tulad ni Sanchez. Nabasa na niya ang tungkol sa mga devilish cultivator dati sa isa sa mga libro ni Uncle Zeman, ngunit ito ang unang beses niyang makita ang mga ito. Maya-maya pa ay bumulong si Sanchez na nakasimangot, "Gusto nilang sugurin ang isang herb lady... Hindi kaya siya ang hinahanap namin?" Nakasimangot si Sanchez sa buong paglalakbay kasama si Gerald. Ang tanging pag-asa niya sa ngayon ay mahanap ni Gerald ang taong hinahanap niya sa lalong madaling panahon. Kung hindi, hindi niya alam kung hanggang kailan kokontrolin ng batang iyon ang kanyang buhay! Dahil dito ay agad na sinabi ni Marcel, "Pareho tayo ng iniisip, Mr. Crawford. Kung tutuusin, hindi lamang expert sa pharmacology si Phoebe, kundi pati na rin sa lahat ng uri ng mga special techniques at formation!" Tumango si Geral
Mayroong dalawang dahilan sa paglalakbay na ito. Ang una ay para mahanap si Phoebe, ang descendant ng mga sinaunang witches. Sa pamamagitan ng paghahanap sa kanya, magkakaroon si Gerald ng pagkakataong mahanap ang hideout ni Daryl... Umaasa siya na matutulungan siya ng Yinblood pellet na nasa kamay na niya ngayon... Para sa pangalawang layunin, umaasa siyang makuha ang inheritance ayon sa mga tagubilin ni Zearl. Pagkatapos ng lahat, magkakaroon lamang siya ng pagkakataong makipaglaban kay Daryl at sa Soluna Sect pagkatapos niyang makuha ang inheritance. Ang level ng cultivation ni Gerald ay kasalukuyang isa sa pinakamataas sa lahat ng cultivation realm, ngunit si Daryl ay nagsagawa pa rin ng devilish cultivation, at ang mga mula sa Soluna Deus Sect ay nasa Deitus Realm na. Sa madaling salita, isa lang siyang langgam para sa kanila, kaya sinisiguro niyang ihanda ang sarili bago harapin ang mga ito. Nararamdaman niya na hindi pa rin siya handa kahit na nasa ilalim na niya ngayon si
Dahil sinakop na sila ng Nineraid Band, ang iba pang mga big shot cultivator ay napatitig kay Gerald, alam nila na hindi nila kailanman makukuha ang kanyang mga angelic artifact. Kung tutuusin, anong laban nila kung kaya niyang ibagsak ang Blancetnoir Double Lords at si Sanchez? Sa puntong ito, kahit papaano ay nakatayo si Sanchez nang buong pagsisikap. Hindi na siya naglakas-loob na gumawa ng anumang padalus-dalos na galaw laban kay Gerald. Sa halip ay sinabi niya, “Iba ka talaga, Gerald…! Hindi ko alam kung bakit kailangan mo ang tulong namin. Pagkatapos ng lahat, hindi lamang ikaw ang tanging tao na nakakaalam ng mga sikreto sa puntod ng general, pero hawak mo na rin ang maraming angelic artifacts!" “Huwag 'kang mag-alala. Sa sobrang lakas ninyong tatlo, kailangan ko kayong gawing disciples habang papunta tayo sa North Desert para hanapin ang isang tao! Kung ako sayo, hindi ko susubukang makipaglaban sa akin para lang makawala mula sa aking kontrol." "Sa sandaling mamatay ako,