Home / Urban / Realistic / Isa pala akong rich kid?! / Chapter 1861 - Chapter 1870

All Chapters of Isa pala akong rich kid?!: Chapter 1861 - Chapter 1870

2513 Chapters

Kabanata 1861

Pagkatapos nito ay inutusan ni Leandro ang kanyang mga tauhan na laslasin ang leeg ni Mr. Bates. Mabilis na umagos ang dugo dahil napakasariwa ng kanyang bangkay... Ayaw nilang hayaan si Mr. Bates na magpahinga ng mapayapa kahit na pagkatapos niyang patayin ito ng walang awa... Napakasama nila... Gayunpaman, ito ay lubos na nagpapaliwanag kung bakit nag-atubili si Mr. Bates na tulungan si Leandro at ang kanyang mga tauhan. Iyon ang dahilan kung bakit pinili ng matanda na mamatay kaysa magpa-compromise sa ganoong tao. Inakala ni Leandro na siya ay matalino sa pamamagitan ng pagkuha ng dugo ni Mr. Bates upang i-activate ang Stonehenge lookalike, pero agad niyang nalaman na hindi ito kasing-dali ng inaakala niya. Kahit na pagkatapos niyang utusan ang kanyang mga tauhan na ibuhos ang dugo ni Mr. Bates sa stone pillar ay wala pa rin nangyari. “T*ng-ina!” galit na sinabi ni Leandro habang lumalala ang kanyang galit sa bawat lumilipas na segundo. Hindi niya napigilan ang kanyang g
Read more

Kabanata 1862

Tumahimik si Ray nang marinig niya iyon at hindi man lang siya naglakas loob na huminga ng malakas... At makalipas ang ilang segundo, isang itim na figure ang biglang lumitaw sa kanilang harapan! Ang taong ito ay may hawak na scepter at may koronang gawa sa mga buto sa ibabaw ng kanyang ulo, ang kanyang maskara ay may dalawang matalim na pangil... Sa madaling salita, nakakatakot talaga ang kanyang itsura... Nakatitig sa dalawa ang taong ito habang sinasabai niya, “…Ang pangalan ko ay Grim Phantom. Ako ang pinuno ng Phangrottom Clan! Bakit kayo naparito?” Ang bawat salita na sinabi ng Grim Phantom ay dominating at nakaka-pressure sa parehong oras. Base sa kahanga-hangang aura ng taong ito, alam ni Gerald na hindi niya kayang talunin si Grim Phantom... Ang kapangyarihan ng Grim Phantom ay lampas na sa Thousand Souls Realm...! Hindi sigurado si Gerald kung gaano kalakas ang Grim Phantom! Ginawa niya ang lahat para mawala ang kanyang takot at tumahimik si Gerald bago magalang na
Read more

Kabanata 1863

"Hindi ka makakaalis kung paano ka pumasok. Alam ko na may mga taong naghihintay na sugurin ka kung babalik ka sa parehong paraan!" paliwanag ng Grim Phantom. Nagulat si Gerald nang marinig niya ang pahayag na iyon, "Sigurado ka ba, sir...?" Bago pa man dumagdag si Ray, iwinagayway ng Grim Phantom ang kanyang kamay at inilabas niya ang isang viewing portal... Tinitigan ni Gerald at Ray ang nasa loob ng portal at nakita niya na ang lugar na ipinakita sa ay walang iba kundi ang Stonehenge lookalike na nakasanayan nilang pumasok sa lugar na ito! Ang mas nakakagulat pa doon ay may ilang mga tent na itinayo sa sa paligid ng lugar na iyon, ngunit mayroon ding maraming Soul Hunter na nagpapatrolya sa bakuran! Mukhang totoo ang sinabi ng Grim Phantom! Naghihintay talaga doon ang Soul Hunters para sugurin sila sa sandaling bumalik sila! "...Mr. Crawford… Sa tingin mo ba sila Mr. Bates, Miss Zorn, at Yrsa ay…?” natulalang sinabi ni Ray. “…Huwag kang mag-alala, mukhang wala sila diyan
Read more

Kabanata 1864

Sumimangot si Gerald nang mapagtanto niya na nandoon ang mga Soul Hunters sa bahay ni Mr. Bates at ngumisi siya, “Kayong mga Soul Hunters, hindi niyo talaga alam kung kailan kayo titigil?”“Tumahimik ka at ibigay mo sa amin ang Phangrottom Talisman! Kung hindi, kami mismo ang madadala sayo sa impyerno!” babala ng gray Soul Hunter. Magiging matagumpay ang kanilang misyon kapag nakuha nila ang Phangrottom Talisman!“Hah! Managinip ka lang!” mapangasar na sinabi ni Gerald habang ipinapakita niya ang nakakatakot na aura.Nagalit ang grey Soul Hunter kaya sumigaw siya, “Sarili mo lang ang sisisihin mo sa gagawin ko sayo! Patayin niyo sila!” Mabilis na sumugod ang mga Soul Hunters pagkatapos nito!Sa isang sandali, makikita ang nakakamatay na hangarin sa mga mata ni Gerald habang nilalabas niya ang Phangrottom Talisman!Nang mahawakan niya ito, nagsimulang lumabas ang kulay purple na ilaw mula dito at naglabas ito ng malakas na wave energy! Makalipas ang ilang segundo lumabas ang ilan
Read more

Kabanata 1865

Kung hindi sila tinulungan ni Mr. Bates, hindi sana nakuha ni Gerald ang Phangrottom Talisman... Buong tapang na namatay si Mr. Bates para sa kanila, kaya talagang kailangan ni Gerald na ipaghiganti ang matanda! Parang isinasantabi niya ang lahat ng paghihirap ni Mr. Bates kung hindi niya gagawin ito! "Ipaghihiganti natin Mr. Bates...!" galit na sumigaw si Ray. “Sang-ayon ako kay Ray...! Namatay siya para protektahan kami ni Juno... Hindi na namin hahayaan na gawin ng mga Soul Hunters ang gusto nila...!" galit na idinagdag ni Yrsa. "Hindi ko hahayaan na makaalis ng buhay ang mga g*gong iyon...!" malamig na idineklara ni Gerald. Pagkatapos nito ay tumayo si Gerald bago niya sinabing, “Manatili kayong lahat dito. Tatapusin ko lang ang kailangan kong tapusin!" “Sige! Mag-ingat ka!" nag-aalalang sinabi ni Juno nang hindi niya sinubukang pigilan pa si Gerald. Tumango si Gerald saka siya tumalikod at mabilis na pumunta sa Stonehenge lookalike kung saan nagtayo ng camp ang Soul
Read more

Kabanata 1866

Nakatitig siya kay Leandro habang sinasabi niya iyon bago kinuha ni Gerald ang kanyang Astrabyss Sword... Pagkatapos nito ay kinuha niya ang Phangrottom Talisman at ipinakita ito kay Leandro habang sinasabi niya, "Sa tingin ko alam mo naman kung ano ito?" Nanlaki ang mga mata ni Leandro at hindi niya napigilang sumigaw, "Ang... Ang Phangrottom Talisman! Nakuha mo talaga ito…!" Ngayong alam niyang hawak na ni Gerald ang talisman, mas determinado si Leandro na patayin siya! Kapag nagawa na iyon, paniguradong makukuha niya ang talisman! Ang itsura niya ngayon ay binalot ng kasakiman at tiningnan ng masama ni Leandro si Gerald bago siya sumigaw, "Kapag natapos kita, mapupunta na sa akin ang talisman na ‘yan!" Pagkatapos nito, sinimulan niyang iwagayway ang kanyang mahabang espada patungo kay Gerald...! Hindi hahayaan ni Gerald na gawin niya ang gusto niya. Bago pa man siya matamaan ni Leandro, ikinaway na lang ni Gerald ang kanyang kamay... at naglabas siya ng burst energy! Wal
Read more

Kabanata 1867

Matapos lumipad sa loob ng eroplano sa loob ng isang buong araw at gabi, nakarating na rin sa kanilang city si Gerald at ang kanyang grupo. Sa buong byahe, nakatulog ng mahimbing ang apat. Kung tutuusin, ilang taon na rin ang lumipas mula nang huli silang makatulog nang maginhawa. Pagkatapos bumaba, ang apat ay sumakay ng taxi pabalik sa Sacrasolis Palace. Nang makarating sila makalipas ang kalahating oras, agad na bumuntong-hininga si Ray habang inuunat ang kanyang katawan at sinasabi, “Nakabalik na tayo sa wakas, kuya Gerald…! Napakasarap sa pakiramdam na sa wakas ay nakabalik na tayo sa city!” Sa sobrang saya ni Ray ay naramdaman niyang hindi na niya kailangang matulog muli sa bukas. Kahit papaano ay hindi na sila matutulog sa gubat sa ngayon... "Speaking of which... May matutuluyan ka ba, Ray?" tanong ni Gerald. Biglang kumunot ang noo ni Ray nang marinig niya iyon habang sumagot, “Ah… wala eh. Nagmadali akong umalis kasama mo pagkatapos pumunta dito noong huling pagkak
Read more

Kabanata 1868

Dahil alam na ni Gerald na mula sa Great Council ang nanghihingi ng tulong niya, alam ni Gerald na mas mabuti kung tutulungan niya si Harold. "...Sige, pupunta ako sa opisina mo bukas ng umaga!" sagot ni Gerald. “Natutuwa ako na marinig ito. Pinahahalagahan ko ang iyong tulong, Mr. Crawford. Hihintayin ko ang pagdating mo bukas!" magalang na sinabi ni Harold bago niya tuluyang ibinaba ang tawag. Ang Sacrasolis Palace ni Gerald ay isang kagalang-galang na lugar kahit noong una itong itinatag. Ang pinakamahusay na patunay ng pahayag na iyon ay ang katotohanan na si Gerald ang unang taong nakipag-ugnayan kay Harold upang malutas ang psychic case na ito. Malinaw na pinapakita nito na ang kakayahan ni Gerald ay kilala sa iba’t ibang dako... Sa ngayon, kailangan nilang magpahinga at silang apat ay nag-enjoy nang makakuha sila ng sapat na tulog… Kinaumagahan, ginising ni Gerald si Ray at sinabi sa kanya na papunta na sila sa Great Council. Nang makasakay sila sa sasakyan, mausisan
Read more

Kabanata 1869

Matapos basahin ito, biglang tumaas ang kilay ni Gerald habang nagtatanong, "Sino si Lord Van Tage...?" "Ah, siya ay isang tao na nagsasabing nakikita niya ang past at hinuhulaan din niya ang future ng isang tao. Napakaraming tao ang naniniwala na talagang may kapangyarihan siyang basahin ang time-based events, kaya hindi nakakapagtaka kung bakit naging sikat siya nitong mga nakaraang araw. Nagulat ako na hindi mo siya kilala, Mr. Crawford,” sagot ni Harold. Sa sobrang abala niya noon, hindi nakapagtataka kung bakit hindi nabalitaan ni Gerald ang tungkol sa lalaking iyon. Naglakad si Ray papunta kay Gerald ang bumulong, “Alam ko ang tungkol sa kanya, kuya Gerald... Nabasa ko ang kanyang mga articles at nakita ko pa ang mga video niya noon. Sa totoo lang, parang peke siya…” "Peke man o hindi, malalaman natin ito kapag nandoon na tayo!" kalmadong sinabi ni Gerald. Dahil hindi nakakakuha si Gerald ng maraming bagay mula sa file information, alam niya na ang kanilang susunod na p
Read more

Kabanata 1870

“A-akala namin napossess ka! Hindi ka sumasagot sa amin kahit anong tawag namin sayo! Alam mo bang muntikan na kaming mamatay sa takot?" sagot ng natigilan na si Rey. Hindi pinansin ni Gerald ang sinabi ni Ray, ngunit siya ay bumaba lamang sa kama bago niya sinabing, “May natuklasan akong isang mahalagang bagay!" Nakuha niya ang lahat ng atensyon ng mga tao sa kwarto at mabilis na lumapit sa kanya si Harold, "Ano ang natuklasan mo?" Itinuro niya ang mga handprint sa kisame bago sumagot si Gerald, "May mali sa mga itim na handprint na iyon!" Nalito si Harold bago siya nagtanong, “…Hindi ko masyadong naiintindihan ang sinasabi mo…” "Pag-isipan mo ito. Bakit mag-iiwan ang isang mamamatay-tao ng bulgar na clues pagkatapos niyang patayin ang isang tao?" sagot ni Gerald. Biglang sumimangot si Ray nang marinig niya iyon. Pagkatapos mag-isip ng ilang sandali ay sumagot siya, “…Sinasabi mo ba na nililito tayo ng mamamatay tao?” Tumango si Gerald bago siya sumagot, “Bingo. Pakidala
Read more
PREV
1
...
185186187188189
...
252
DMCA.com Protection Status