Home / Urban / Numero Unong Mandirigma / Chapter 731 - Chapter 740

All Chapters of Numero Unong Mandirigma: Chapter 731 - Chapter 740

2505 Chapters

Kabanata 731

"Sige pala!" Tumaas ang gilid ng bibig ni Leo. Sa sumunod na segundo, pinatamaan ang cue ball nang may malakas na pwersa na nagpakalat sa mga pulang bola sa ibabaw ng mesa. Ngunit, sa kasamaang palad, wala sa mga bola ang nalaglag sa mga butas. "Hah, Young Master Leo, mukhang hindi ka swinerte ngayon!" Hindi mapigilan ni Fane na tumawa sa kanyang laro. "Ngayon, ako naman! Maganda ang posisyon ng puting cue ball, at ilang pulang bola ang malapit sa mga butas!" "Oo. Maganda ang posisyon ng puting cue ball, pero para sa isang baguhang kagaya mo, wala man akong planong dumepensa. Haha! Kinalat ko ang mga bola para mabilis kitang matatalo mamaya!" Tumawa si Leo. Ngumiti rin si Timothy sa sitwasyong ito. Ngumisi siya, "Mukha itong simple. Pero kapag wala siyang maipasok na bola, malalaman niya kung ano ang isang magaling ka billiard player!" Thud! Sa sandaling marinig ang huling patnig ng salita, ginaya ni Fane ang tindig ni Leo kanina at pinatong ang kanyang tiyan sa
Read more

Kabanata 732

"Nakapasok pa siya ng isa pang bola? Grabe!" Sabik na tumatalon si Tanya na bihirang dumikit sa lapag ang kanyang mga paa. Kung ang unang puntos ay dahil lang sa swerte, paano naman ngayon? Hindi lang naipasok ni Fane ang isang six-pointer, pero huminto rin ang cue ball sa isang magandang posisyon kung saan may ilang pulang bola na madaling maipapasok. "Mukhang alam talaga ni Fane kung paano planuhin ang posisyon ng cue ball!" Halos hindi maitago ni Sharon ang kanyang pagkasabik na umangat-baba ang kanyang dibdib sa lalim ng kanyang paghinga. Nilapitan ng boss ng lugar ang grupo. Tinulungan niya si Fane na tanggalin ang bola na tumulong na maipasok ang six-pointer sa butas, inayos ito, sabay nginitian si Fane, "Binata, kung ito ang unang beses mong maglaro ng billiard, ang bilis mong natuto. Tiyak lalo kang gagaling pagkatapos ng isa o dalawang araw na paglalaro nito!" Ngumiti si Fane pabalik. "Wag lang mag-alala, napag-aralan ko ang laro nila kanina at alam ko na kung pa
Read more

Kabanata 733

"Tama ka!" Doon lang nalinawan si Tanya. Kahit na mapasok ni Leo ang lahat ng natitirang mga bola sa mesa, ang pinakamataas na puntos ay siyamnapu't pito lamang, habang ang kabuuang puntos ay isang daan at apatnapu't pito. Ngayon na higit sa kalahati ang puntos ni Fane, hindi ibig sabihin nito ay nanalo siya? "Na… Nanalo ako sa round na to?" Nagblangko ang mukha ni Fane at naguluhan siya, pagkatapos ay binuksan niya ang kanyang bibig, "Pero… di ba may natitira pang ilang bola sa mesa?" "Ikaw… Wala akong masabi. Ang pinakamataas na puntos na makukuha ng isang tao ay 147 dahil ang kabuuang puntos ay 147 lamang. Nakapuntos ka na ng 80 mula rito. Kaya, kahit na maipasok ni Leo ang lahat ng bola sa mesa, imposible na para sa kanya na makapuntos pa ng higit sa'yo!" Matiyagang paliwanag ni Yvonne. "Hehe! Mukhang tama ka!" Napuno ng saya si Fane sabay tinignan si Leo. "Ngayon, Young Master Leo, ikaw naman!" Sa puntong ito, halos maihi si Leo sa kanyang pantalon, lumitaw an
Read more

Kabanata 734

"Hay!" Nang mapansin ng kanyang isipan na watak-watak ang mga bola ay nanlumo ang kanyang puso. Bumuntong hininga siya at nakaramdam ng isang masamang pangitain na lumitaw sa kanyang puso. "Maraming salamat, Young Master Leo!" Isang simpleng ngiti ang nasa mukha ni Fane habang lumapit siya. Napaatras si Leo, tinignan niya ang kaibigan niya na nakatayo sa kanyang likuran sabay nag-utos, "Bigyan mo ko ng bote ng tubig! Napakainit dito. Bw*sit!" Kumunot ang noo ng binata, madali niyang naramdaman ang pagkataranta na nagmumula kay Leo. Kapag isang bilyon ang pusta sa bawat laro at ang isang maliit na pagkakamali ay nagkakahalagang isang bilyon, sino ang hindi matataranta? Lalo na't ang Turner family ay isa lamang third-class family at kaunti lang ang kanilang mga pagmamay-ari at yaman. Kung magpatuloy si Leo na matalo ngayon, hindi mababayaran ng kanyang limang bilyon ang pustahan nila. Mabilis na kumuha ang binata ng isang bote ng tubig at initsa ito kay Leo. Binuks
Read more

Kabanata 735

Malakas na tumawa si Fane nang marinig niya ang mga salita ni Leo. Ngumiti siya, "Sige, Young Master Leo, kung gusto mo nang umatras, ayos lang rin naman. Pero kailangan mo kong bigyan ng sampung bilyon imbis na dalawang bilyon, ayos ba?" Huminto sandali si Fane sabay nagpatuloy, "Bago ang laro, malinaw mong binanggit na kailangan nating maglaro ng sampung rounds at hindi pwedeng sumuko sa gitna nito. At kung gusto mong sumuko ngayon, ibig sabihin ay sumusuko ka sa natitirang walong rounds. Kung ganon, natalo ka sa sampung laro!" Bahagyang nanginig ang bibig ni Leo sa paalala ni Fane. Sinabi niya nga ang mga patakarang ito bago ang laro, pero hindi niya naisip na napakalakas pala ni Fane. Hindi niya kailanman naisip na matatalo siya sa billiard laban sa isang baguhang kagaya ni Fane!" Nawalan na siya ng dalawang bilyon. Kahit na piliin ng kanyang utak na magpatuloy sa paglalaro, susuko ang kanyang puso bago pa ang lahat. "Wag kang magsabi ng kalokohan. Ayaw ko na! Ibigay mo
Read more

Kabanata 736

”Brother, anong kalokohan ang sinasabi mo? Ako ang kumuha kay Fan; wala kang karapatan para tanggalin siya sa trabaho! Bukod dun, paano mo siya patatalsikin ng walang pahintulot ni ama?” Pagalit na sigaw ni Tanya. Napuno siya ng galit ng marinig ang mga sinabi ni Timothy. “Hmph! Isa lang siyang hamak na bodyguard at ako ang Young Master. Kailangan ko pa bang humingi ng pahintulot kapag magtatanggal ako ng isang bodyguard? At hindi mo ba alam ang tunay niyang pagkatao? Isa siyang head commander! Isa lang siyang head commander Diyos ko! Kailangan ba nating lumuhod sa harap niya at halikan ang pwet niya?” Malamig na tugon ni Timothy. Pakiramdam ni Tanya ay sasabog na siya sa sobrang galit at halos himatayin na siya dito. Hindi niya lubos maisip na ang kanyang kapatid ay masasabi ang mga salitang yun. Pinadyak niya ang kanyang paa at sumigaw, “Kahit ano pang sabihin mo, hindi mo pwedeng gawin yan!” “Heh! Baka nakakalimutan mo na kapatid mo ako at ang panganay na anak ng Dr
Read more

Kabanata 737

"May isang walang kaalam-alam na bata ang malinaw na nagpunta dito ng hindi dala ang utak niya ngayong araw na to. Gusto ko nang umuwi pero pinipigilan niya akong gawin yun. Alam niyo naman na ang dapat gawin, tama?" Malamig na nanghamak si Leo at nilingon si Timothy. "Young Master Drake, huwag mo silang alalahanin. Ang mga bodyguard ko ay hindi pangkaraniwan. Lumikha sila ng natatanging fighting technique na tinatawag na Invincible Spinning Void Fist na walang sinuman sa mundong to ang nakakaalam. Bukod dun, lahat sila ay mga senior at junior mula sa iisang lugar. Malalakas sila!" Natuwa ng husto si Timothy at lumipad ang kanyang pag-asa ng marinig ang mga sinabi ni Leo. Tama si Leo! Kahit na ang Turner family ay isa lamang third-class family, hindi ito nangangahulugan na wala silang magagaling na mandirigma sa kanialng pamilya. Ilang magagaling na mandirigma ay maaaring maging malapit o kaya'y may kaugnayan sa isang third-class family, at dahil sa rason na to, marahil, kaya
Read more

Kabanata 738

"Fane, narinig mo na ba ang kasabihan na, 'Maswerte ang mga taong alam kung kelan babangon at umuwi'? "Malaking halaga na ang limang milyong dolyar, at wala nang natitirang pera si Young Master Turner. Ituring mo na lang tong araw mo na swerte, dahil nagawa mong makakuha ng limang bilyong dolyar mula sa kanya," tugon ni Timothy, na may bahid ng pagmamayabang habang nginingitian si Fane. Hindi na natutuwa si Fane. Sa mayabang na pananalita palang ni Timothy sa kanya, binigyan niya ang mga ito ng isang mahigpit na ngiti. "Hindi. Alam ko na kapag naiiba ang sitwasyon, na kapag ako ang natalo, hindi niya ako paaalisin kung kulang sa sampung bilyon ang ibibigay ko sa kanya. Gusto ko lang sabihin na ang pangit din ng kakayahan mong makipag negosasyon." "Si Young Master Turner naman ang nakipag pustahan sa akin. Paano mo nasabing 'hinuthutan' ko lang siya ng pera? Hindi mo ako masisisi kung pangit ang koordinasyon niya!" "Huwag kang magmalaki. Ang young master ng Turner family ang k
Read more

Kabanata 739

”Master, may masamang nangyari!” Sabi ni Logan habang hinihingal. Dumilim ang ekspresyon ng mukha ni Master Turner habang nakatingin ng masama kay Logan. “Ano naman yun? Wala kang galang. Hindi mo ba alam na dapat ay pumunta ka muna sa housekeeper? Hindi mo nakikita na may importante akong bisita?” “Uncle, ano bang sinasabi mo? Sino ang importanteng bisita? Magkapamilya tayo; napakabuti niyo naman,” sabi ng binata na nasa tabi ni Master Turner habang umiinom ito ng tsaa, at nakangiti habang ginagawa ito. Tinignan ni Master Turner ang bodyguard—si Logan—at tinanong, “Magsalita ka. Ano ba yun? Bakit mo ako hinahanap?” Tumugon si Logan. “Hindi po maganda, Master. Si Young… Si Young Master ay natalo sa pustahan sa bilyar at nawlan ng malaking halaga ng pera!” “Nawalan ng pera? Paano nangyari yun?” Nagulat si Master Turner. “Hindi ba’t magaling siya sa paglalaro ng bilyar at laging nananalo sa mga laro? Hindi ba’t sinabi niya sa akin dalawang araw na ang nakakaraan ay nanalo siya
Read more

Kabanata 740

”Ang lakas ng loob niyang lokohin ang anak ko?!” Galit na galit, tinikom ng mahigpit ni Fabian Turner ang kanyang kamao. “Walang naglakas loob na mangialam. Siya nga naman ang bodyguard ng Drake family. Ang lakas ng loob ng lalakeng yun na magyabang pagkatapos siyang patalsikin ng Drake family!” Sumimangot si Logan at sinabi, “Wala sa katinuan ang lalakeng yun. Hindi nga rin niya pinansin ang pakiusap ni Young Master Drake para sa aming young master. Sinabihan ni Young Master Drake si Fane na respetuhin siya at tanggapin na lang ang limang bilyon mula sa aming young master, pero tinanggihan ng tangang yun!” “Haha! Meron palang ganung klase ng tao na hindi naiintindihan ang mundo, ano?” tumayo ang binatang lalake na kasamang nakaupo ni Fabian. “Sino ang taong to? Para sa isang bodyguard, ang iksi ng pasensya niya. Higit pa dun, hindi ba siya natatakot na iligpit siya ng Drake family lalo na at nakabanggaan niya si Young Master Drake?” Nang may mapait na ngiti, sumagot si Fabian, “
Read more
PREV
1
...
7273747576
...
251
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status