Home / Urban / Numero Unong Mandirigma / Chapter 751 - Chapter 760

All Chapters of Numero Unong Mandirigma: Chapter 751 - Chapter 760

2505 Chapters

Kabanata 751

Natahimik sila Andrew at Fiona. Naisip nila kung ang dalawang babae bang ito—itong mga babaeng bodyguard—ay may ginagawang kakaiba sa kanilang likuran dahil sa lagi silang nasa panig ni Fane at sinusuportahan siya. Paano niya nagawang tumigil sa trabaho na may buwanang sahod na 20 milyon? Bukod pa dun, paano nagagawa ng mga babaeng ito na maswerte ang mayaman na lalakeng yun dahil sa nagtrabaho si Fane sa kanila bilang isang bodyguard?Mapait na ngumit si Fane at sinabi kay Fiona, “Mother, pumusta ako ng isang bilyon sa isang laro laban kay Young Master Turner, at sampung beses akong nanalo ng sunud-sunod. Sigurado ba kayo na ayaw niyo ang pera na ito?” “Sigurado kami—” Sasabihin na sana ni Fiona na ‘hindi’ bago napagtanto ang lahat. “Ano?! Isang bilyon sa isang laro? At nanalo ka sa sampung laro? Edi ibig sabihin nun ay nanalo ka ng 10 bilyon?!” “Oo, 10 bilyon,” kalmadong tugon ni Fane, at dagdag pa niya. “Sa tingin niyo ba ay dapat kong sukuan na lang yundahil lang sa kinausap a
Read more

Kabanata 752

Lasing na si Timothy, at nagkataon, ang oras na yun ay ang oras na kung saan tapos nang magtrabaho si Selena at uuwi na ito. Habang masama ang loob, nag-inuman sila hanggang sa malasing ni Leo at ng iba pa bago siya umuwi. Dahil sa lasing na sila, inutusan ni Leo ang kanyang mga bodyguard na ihatid pauwi si Timothy sa bahay nito. Pero, inutusan ni Timothy ang tsuper na ihinto ang kotse nang mapadaan sila sa Drake Dynasty Real Estate. Lumingon ang bodyguard ng Turner family at tinanong si Timothy habang nakasimangot, “Ano ba yun? Nasusuka ka ba, Young Master Drake?” “Hindi, kailangan kong bumaba. May gagawin lang ako! P*ta, umiinit lang ulo ko kapag naaalala ko. Isa lang siyang bodyguard! Paano niyang nagawang hindi ako sundin at respetuhin?” Ngumiti ng masama si Young Master Drake, bumaba ng kotse, at kinausap ang bodyguard, “Hintayin mo ako dito, babalik din ako kaagad.” “Opo, Young Master Drake.” Tumango ang lalake. Pumasok si Timothy sa opisina, na medyo lasing dahil
Read more

Kabanata 753

Sumimangot si Selena ng makita niya si Timothy na pumasok sa loob ng kanyang opisina ng walang pasabi. Naging alerto siya nang mapansin niya na amoy alak ito at sinara ang pinto. Kaagad siyang tumayo at naglakad palabas ng kanyang lamesa. “Haha! Huwag kang kabahana!” Tumawa si Timothy at tinitigan si Selena habang lasing. Matagal na niyang lama na maganda si Selena, pero hindi siya interesado dahil sa kasal na ito at mas matanda sa kanya. Kahit na lasing, masigla siya at tinitigan ang magandang katawan ni Selena habang nakasuot ito ng pormal na kasuotan. Unti unti siyang lumapit kay Selena at sinabi, “Napadaan lang ako sa lugar na ito habang pauwi na ako, kaya naparito ako para silipin ang opisina. gusto kong malaman kung kamusta na ang proyekto ng South Hill Real Estate. Siya nga pala, narinig ko na iniatas mo ang walumpung porsyento ng mga materyales na gagamitin para sa proyektong ito sa Taylor family?” Nanginig ang mga kanto ng labi ni Selena ng marinig niya ito. Nag-aa
Read more

Kabanata 754

"Ganun ba?" Lumapit si Timothy para abutin ang baso ng maligamgam na tubig, at humakbang pa siya para lumapit kay Selena. Ang amoy ni Selena, at ang halimuyak ng pabango nito, ay kumiliti kay Timothy. "Ay naku!" Medyo nanginig ang kamay ni Timothy ng mahawakan niya ang baso, kaya natapunan ang dibdib ni Selena. "Ah!" Napasigaw sa gulat si Selena, kahit na maligamgam naman ang tubig. "Sorry, sorry… Hindi ko sinasadya. Tulungan na kitang punasan yan, Miss Selena." Handa si Timothy para dito. Habang papalapit ang kanyang kamay papunta kay Selena, nagalit ito. "Huwag kang lalapit! Kaya ko tong punasan!" Nagulat si Selena sa ginawa ni Timothy at humakbang paatras. Desidiso talaga si Timothy na pagsamantalahan siya, ang kanyang mga kamay ay ilang sentimetro na lang ang layo sa kanyang damit. Kaagad na naglabas ng ilang piraso ng tisyu si Selena at dinampian ang nabasang bahagi ng kanyang damit. Medyo nadismaya si Timothy sa mabilis na pag-iisip ni Selena, pero hindi nito nabur
Read more

Kabanata 755

“Haha! Babae ka! Sa tingin mo ba na ako, na isang lalake, ay matatakot kung may ibang makakaalam ng tungkol dito kung hindi ka isang babae? Bukod dun, sinong maniniwala na inosente ka? Hindi ba’t sasabihin lang ng lahat na inakit mo ako para sa ashod mo na isang milyon sa isang buwan? Sinong nasa kapangyarihan dito: ikaw o ako?” Tumawa si Timothy at dagdag nito, “Pag-isipan mo muna, Selena Taylor, at pag-isipan mo ng mabuti. Ako, si Timothy Drake, ay ipapaalam ngayon sayo. Wala kang ibang magagawa kung hindi ang sundin ako!” “Asa ka pa!” Galit na galit na si Selena; hindi niya naisip na napakasama pala ni Timothy. “Mas mainam kung pag-iisipan mo muna ito ng maigi. Kapag hindi ka sumunod, tatapusin ko ang kontrata namin sa Taylor family. Ang danyos na babayaran ay isang daang milyon lang, hindi naman ganung kalaki, at kaya naming bayaran yun!” Malamig na ngumuti si Timothy. “Pangalawa, tinanggal ko na sa trabaho ang asawa mo, at wala na siyang trabaho ngayon. Anong mangyayari sa pa
Read more

Kabanata 756

Tinawanan ni Timothy ang panlalaban ni Selena. “Haha! At bakit kita bibitawan? Ibigay mo na lang ang sarili mo sa akin!” Tinulak ni Timothy si Selena sa may lamesa ng buong lakas niya, handang hawakan ito. “Umalis ka sabi!” Sa kanyang takot at taranta, sinipa ni Selena si Timothy sa pagitan ng mga hita nito ng makalapit ito. “Argh!” Napasigaw sa sakit si Timothy at napaluhod. Kaagad na tumakas si Selena ng mapaluhod si Timothy, at tinitigan niya si Timothy ng masama habang nagmamdaling tumakbo palabas ng pinto. “Young Master Drake, hayop ka! Ayoko nang magtrabaho sa inyo!” Malakas na binuksan ni Selena ang pinto at tumakbo palabas. ...“Anong nangyayari? Tumakbo palabas ng opisina si Manager Taylor!” Nagulat ang mga empleyado ng makita nila si Selena na humahangos palabas ng opisina. “Nabigo ba siya? Mukhang magulo ang buhok ni Manager Taylor, pero binuksan nito ang pinto at tumakbo paalis. Mukhang umiyak pa nga ito,” sabi ni Felicia na naguguluhan. “Parang may maling nangy
Read more

Kabanata 757

"Kailangan niyang magpaliwanag sa akin," singhal ni Fane. “Huwag! Ang Drake family ang pinag-uusapan natin dito!” takot na takot si Selena nang makita niya ang galit na ekspresyon ni Fane at hinawakan ang mga kamay nito. “Honey, huwag umalis. Sila ang Drake family, at hindi isang magandang ideya ang kalabanin sila. Bukod pa dun, Hindi naman niya ako nahipuan eh. Kahit na pwersahan niya akong niyakap, nagawa ko namang makatakas!” “Wala akong pakialam doon. Ano ang mangyayari kapag hindi ka nakatakas sa kanya? Kailangan magpaliwanag ng Drake family tungkol dito! Ang lakas ng loob nilang pagsamantalahan ka!” Lalong humigpit ang pagkakatikom ng mga kamao ni Fane. Nilingon niya si Selena at, habang karga niya ito an parang bagong kasala, naglakad papunta sa kotse ng makita niya nahawak pa rin nito ang kanyang kamay. “Anong ginagawa mo? Sabi ko sayo ay huwag kang pumunta doon, diba!” Nahihiya at nag-aalala si Selena habang karga siya ni Fane na parang isang prinsesa, yun nga lang ay h
Read more

Kabanata 758

Si Timothy sa mga sandaling yun ay naalala kung paano nabigo ang isang marshal na talunin si Fane. Ng may pagsisisi, sinabi niya, “Hindi ko alam na ganun pala kalakas si Fane! Akala ko isa lang siyang head commander, at hindi karapat-dapat sa ating paghanga at respeto. Nalaman ko lang ito ng mabigong talunin ng isang marshal na mula sa Turner family si Fane, at pagkatapos yun nung tinanggal ko siya sa trabaho!”“Haha! Matagal ko nang sinabi sayo na kasing lakas siya ng isang King of War. Hindi na mahalaga kung isa lang siyang one-star King of War! Bukod pa dun, kaibigan pa niya ang Goddess of War. Hindi mo ba nakikita yun? Nakipag-usap lang sa atin ang Goddess of War dahil sa relasyon natin kay Fane!” Lalong nagalit si James ng naisip niya ang bagay na yun. “Ano naman ngayon? Pwede ko naman silang hanapin bukas at pakiusapan silang bumalik sa trabaho tulad ng dati!” Wala ng ibang magawa si Timothy kung hindi sundin ang kanyang ama pagkatapos niyang pag-isipan ito ng mabuti. Lalo na,
Read more

Kabanata 759

Sinubukan na humanap ni Timothy ng palusot sa kanyang ginawa.“Hindi ka ba natatakot na makalaban siya? Ito ang sinasabi ko sayo: Kapag nakaalitan mo siya, hindi… hindi kita maililigtas!” Sa sobrang galit ni James ay wala na siyang masabi. Nagkaroon nga siya ng anak na lalake, at naging ganito pa nga siya. “Imposible! Nagbibiro ka ba? Isa tayong first-class aristocratic family, at marami tayong mga master dito! Habang inaamin ko na magaling nga si Fane, hindi pa rin ako naniniwala na matatalo tayo sa kanya kapag nilabanan natin siya bilang isang grupo,” tugon ni Timothy na para bang wala itong pakialam sa mangyayari. Tinignan ng malamig ni James si Timothy at inanunsyo nito, “Oh, tama. Hinihintay ka namin dahil sa may kailangan kaming sabihin sayo. Pakiramdam namin ay wala ka sa pokus nitong mga nakaraan, kaya binisita ko ang South City Group para malaman lang na nalulugi na ito. Dahil dito, si Tanya na ang mamamahala sa South City Group simula bukas. Magpahinga ka na lang muna sa
Read more

Kabanata 760

”Siya… Ang lakas ng loob niya! Anong ibig niyang sabihin sa ‘gagwa siya ng hakbang’? Ama, pakinggan mo siya. Ang kanyang ginagawa ay isang malaking kalapastanganan sa Drake family!” Huminga ng malalim si Timothy ng marinig niya kung ano ang sinabi ng mga bodyguard tungkol kay Fane. Aminado siya na natatakot siya. Sinabi kaya ni Selena kung ano ang nangyari sa opisina kanina? Una niyang naalala na hindi niya nagawang pagsamantalahan si Selena. Hindi na mahalaga kung nahihiya lang ba si Selena o may balak siya na manipulahin ang Drake family; hindi niya sasabihin ang nangyari kay Fane kung ano ang nangyari sa kanilang dalawa. Ang huling bagay na inaasahan ni Timothy ay ang hanapin siya ni Fane, at isa yung malaking problema. Dahil dito, kailangan niyang sirain ang relasyon ng kanyang ama at ni Fane. “Sumosobra na siya. Ito ay pananakot na sa ating Drake family!” Isa sa mga master ng Drake family ay hindi natutuwa sa nangyayari. Ang master na ito ay mas magaling at mas malakas kes
Read more
PREV
1
...
7475767778
...
251
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status