Home / Urban / Numero Unong Mandirigma / Chapter 741 - Chapter 750

All Chapters of Numero Unong Mandirigma: Chapter 741 - Chapter 750

2505 Chapters

Kabanata 741

Nagmasid si Fabian sa silid, at noong makita niya ang anak niya, nagalit siya agad, "Sino sa inyo si Fane? Bakit ayaw mong paalisin ang anak ko?" Hindi natinag si Fane noong makita niya na may mga bagong dating na palapit sa kanila habang naglalaro siya. Dahan-dahan niyang nilapag sa mesa ang cue stick at sinabing, "Ikaw ang pinuno ng Turner family, tama? Natalo ng halagang 10 billion ang anak mo nung naglaro kami ng billiards kanina, at 5 billion lang ang mayroon siya. Natalo siya, kaya, kailangang magbayad ng talunan. Hindi ko siya paaalisin hangga't hindi niya nabibigay sakin yung natitirang 5 billion.""Haha! Bata, hindi ba parang sobra naman ata yung pumusta ka ng 1 billion sa kada isang laro?" May masamang ngiti sa mukha ni Fabian habang nagsasalita siya, "Bukod dun, ikaw yung nanloko sa anak ko na hindi mo alam kung paano maglaro ng billiards, at pumusta siya ng malaking halaga dahil dun. Sigurado ka ba na karapatdapat ka sa 10 billion?" Nagkibit-balikat lamang si Fane. "Ma
Read more

Kabanata 742

Gusto ni Fabian ang sinabi ni Timothy, at malaki ang ngiti sa kanyang mukha habang nagsasalita siya, "Young Master Drake, masyado kang mabait. Ako ang dapat na magpasalamat sayo. Ang dinig ko tinanggal mo sa trabaho ang bodyguard na 'to para sa anak ko? Paano kita mapapasalamatan?" Naubos ang pasensya ni Fane nang makita niya ang inaasal ng mga taong iti, "Wala akong pakialam kung sinong manlilibre sa inyo. Kailangan mong ibigay sakin yung pinangako mong 10 billion sakin bago maubos ang pasensya ko." Bahagyang nagulat si Cadmus sa lakas ng loob ni Fane, ngunit agad din itong naglaho nang ngumisi siya. "May kadaldalan ka, bata. Ang lakas ng loob mo na magsalita ng ganun kahit na alam mong isa akong marshal?!" Mayabang na tumawa si Fane. "Haha! Bakit ko naman gagalangin ang isang marshal na hindi alam kung ano ang tama at mali? At isa ka lang marshal. Hindi ka karapatdapat sa paggalang ko." "Hay naku, napakatigas pala talaga ng bungo mo!" Kinuyom ni Cadmus ang kanyang mga kamao a
Read more

Kabanata 743

Napabuntong hininga na lamang si Tanya, na kasalukuyang nakatayo sa isang tabi. Siya, ang kanyang tatay, at si Spectre Face ay nasaksihan kung gaano kalakas si Fane. Kung sabagay, pinatay ni Fane ang 300 na tao mula sa Eagle Clan ng mag-isa. Kinikilabutan pa rin siya sa tuwing maaalala niya ang nangyari noong gabing yun. Nakita niya ang isang master na sa mga nobela lang nakikita. Iyon din ang araw na nakita niya ang isang tao na pinapatay ang mga kalaban niya ng walang pag-aalinlangan. Alam niya kung gaano kalakas si Spectre Face, at malaki ang pinagkaiba ng lakas nila ni Fane. Pinaalalahanan na ng tatay niya ang kapatid niya na huwag kakalabanin si Fane, na hindi dapat magalit si Fane sa kanila, ngunit tinanggal pa rin ng kapatid niya si Fane sa trabaho kanina lang. Isa itong malaking kawalan para sa Drake family. Hiling niya na hindi magtanim ng galit sa kanila si Fane dahil dito. "Ikaw… Hindi ka isang head commander, hindi sa lakas mong yan! Sino ka ba? Anong ranggo mo?"
Read more

Kabanata 744

Nakatayo si Cadmus sa harap ni Fane, ngunit malakas ang loob ni Fane nang sabihin niya na hindi siya kayang pigilan ng isang marshal na gaya ni Cadmus. Kung ganun, talagang napakadominante niya. Hindi siya mangangahas na magsalita ng ganito kung hindi niya taglay ang lakas ng isang marshal o ng isang King of War! "Ito ay…" Dahil ayaw niyang bayaran ng 10 billion si Fane, tumingin si Fabian kay Cadmus. Kung sabagay, isang kalapastanganan kay Cadmus ang mga sinabi ni Fane. Umaasa siya ba magagalit si Cadmus sa mga sinabi ni Fane. Naniniwala si Fabian na mananalo si Cadmus laban kay Fane kapag ginamit niya ang buong lakas niya. Subalit, hindi siya pinansin ni Cadmus at nilihis niya ang kanyang tingin. Dahil hindi na niya alam ang sasabihin niya, pinagbalingan niya ang walang hiya niyang anak, "Babayaran ko ang 5 billion para sayo, pero kailangan ikaw yung magbayad sa natitira!" "Sige, Dad…" Mapait ang ekspresyon sa mukha ni Leo at pakiramdam niya ay hindi patas na nalagay siya
Read more

Kabanata 745

Hindi na napigilang magtanong ni Leo kung bakit hindi na nilabanan ni Cadmus si Fane, "Marshal Cadmus, ganun ba talaga kalakas si Fane, o mas pinili mo lang talagang sumuko sa laban? Malamang may mga malakas kang boxing moves na hindi ginamit kanina, tama ba? "Hindi ako naniniwala na matatalo ka niya kapag ginamit mo ang buong lakas mo kanina. Walang laban sayo yung lalaking yun, di ba?" "Mahirap tantyahin ang lakas ng taong yun. Hindi ako sigurado na mananalo ako kapag talagang naglaban kami." Tumingin si Cadmus sa second floor, kung nasaan ang bilyaran. Muli siyang humithit ng sigarilyo at nagsalita, "Naiintindihan ko siya. Naiintindihan ko kung bakit ganun inasal at ginawa niya pagkatapos maliitin at insultuhin ni cousin Leo ang mga sundalo at mga beterano!" "Ikaw! Bakit pumayag ka na pumusta ng isang bilyon kada laro? Bakit hindi mo inisip kung bakit pumayag siya agad sa isang pustahan na ganun kalaki ang pusta? Naisip mo ba kung anong mangyayari kapag natalo ka?!" Nagngitngi
Read more

Kabanata 746

Pagkatapos lisanin nila Timothy at ng iba pa ang bulwagan, nilingon ni Fane ang nga babae at sinabi, "Kailangan na rin nating umalis ngayon. Kahit na hindi na ako nagtatrabaho sa inyo, magkakaibigan pa rin tayo. Ihahatid ko na kayo pauwi." "Fane, nasabi lang ng kapatid ko ang lahat ng yun kasi nagalit siya. Bibitiw ka na lang sa trabaho ng ganun na lang?" Hindi pa rin tinigilan ng nanghihinayang na Tanya ang panunuyo kay Fane, kahit na nilinaw na nito ang desisyon niya kanina. Si Yvonne, ang pinsan niya, ay nanghihinayang din. "Fane, pag-isipan mo muna to ng maigi. Mahirap makahanap ng trabaho ngayon na nagpapasahod ng dalawampung milyon kada buwan!" Kahit na iniirita siya ng lalakeng to paminsan-minsan, malulungkot siya kapag umalis ito. “Wala akong pinagsisisihan kapag buo na ang pasya ko!” Tumawa si Fane. “Bukod pa dun, hindi ba’t nanalo ako ng 10 bilyong mula sa ilang rounds ng bilyar? Kailangan kong magtrabaho ng ilang taon bago makaipon ng 10 bilyon, tama?” Wala nang masa
Read more

Kabanata 747

Umupo si Tanya ng nakasimangot. “Nakipagpustahan nanaman ba ang hangal na yun sa bilyaran?” Kaagad na naglaho ang ngiti sa mukha ni James at napalitan ng simangot. Habang tumatagal ay nagiging sakit sa ulo niya si Timothy. Puro kalokohan lang ang inaatupag nito kasama si Young Master Leoat hindi ginagawa ang trabaho nito. “Wala akong pakialam kung ilang laro pa ng bilyar ang pustahan niya. Lumabas kami kasama si Fane para maglaro ng bilyar, pero ginulo kami ni Young Master Leo. Bukod sa hindi niya kami kinampihan ni Fane, tinanggal pa niya sa trabaho si Fane kahit na anong pakiusap at pagbabanta ko! Ngayon na wala na si Fane, malamang ay hindi na babalik yun!” Nagngingitngit sa galit si Tanya habang nagsasalita, kahit na ang maganda niyang mukha ay nagpamukha lang siyang kaibig-ibig kahit na galit. “Tinanggal sa trabaho?” Dumilim ang mukha ni James nang marinig niya ito. “Anong nangyari? Bakit tinanggal ng tanga na yun si Fane? Sabihin mo sa akin ang lahat.” Tumango si Tanya
Read more

Kabanata 748

Tumango si James sa elder at nagpaliwanag, “Ilang taon na ang nakakalipas, may nakasalubong na babae si Ivan na may kasamang ilang kabataan, at lahat sila ay namamasyal. Si Ivan, ng masilayan ang kagandahan ng babae, ay gusto itong pagsamantalahan kaya hinipuan niya ito. At ang resulta, ang grupo ng mga binata ay binugbog si Ivan saka umalis.” humintyo saglit si James saka nagpatuloy, “Pero bago sila umalis, hiningi nila ang pangalan ni Ivan at inalam ang pagkatao nito. Binalaan nila si Ivan na paghandaan ang kanyang kamatayan, dahil sila ay mga taong hindi kayang labanan ni Ivan!” Hindi maitago ni Spectre Face ang kanyang pagkabigla ng marinig ito at sinabi, “Sino ba sila? Ganun sila kaimpluwensya kaya kaya nilang magtalaga ng isang tao na maisali sa militar?” Napatingin din si Tanya sa kanyang ama at halatang interesado sa bagay na ito. Narinig lang nila ang balita na may nakaalitan ang Taylor family at itinalaga ang kanilang pamilya na sumali sa militar. Mabuti na lang, hindi
Read more

Kabanata 749

Napasimangot si Tanya nung sinabi ni James na gusto nitong siya ang mag-asikaso sa malaking proyekto na yun. “Paano ko naman gagawin yun? Ama, hindi ko na magagawang magpakasaya kapag kinuha ko ang proyektong to. Bata pa ako! Mas mabuti kung kay Timothy mo ibibigay ang proyektong to!” “Ipamahala sa kanya?” Singhal ni James. “Babagsak ang ating pamilya sa loob lamang ng ilang araw kapag nagpatuloy siyang maglustay ng pera kakapusta sa bilyar. Hindi ko masyadong pinapansin ang bagay na ito, pero nung tinignan ko ang ng ating kompanya ilang araw na ang nakakaraan at napansin ko na ilan sa ating mga kompanya ang nawawalan ng pero nitong buwan lang na to. “Ilan sa mga proyekto natin ay nakahinto dahil sa hindi niya kaagad pinirmahan ang mga dokumento sa tamang oras, at nagbabayad tayo ng danyos dahil sa hindi natatapos sa tinakdang oras ang mga proyekto na hawak natin! Nalulugi na tayo!” Galit na galit si tanya ng marinig niya ito. “Paano nangyari yun? Kung ganun, sumosobra na si Ti
Read more

Kabanata 750

”Oh, tinanggal ka ni young Master Drake sa trabaho!” Sabi ni Fiona habang nakangiti bago napagtanto ang nangyari. “Ano?! Tinanggal ka sa trabaho? Sabi mo tinanggal ka sa trabaho? May nangyari ba? Tinanggal ka talaga nila sa trabaho?” “Anong nangyayari dito? Bakit ka sumisigaw?” Tanong ni Andrew habang naglalakad palabas sana ng bahay para maglakad-lakad.“Hubby, si Fane… Siya… Natanggal siya sa trabaho. Pakinggan mo siya! Tinanggal siya sa trabaho na may buwanang sahod na dalawampung milyon!” Padabog na binagsak ni Fiona ang kanyang mga paa sa galit at nanggagalaiti. “Ano?!” Pati si Andrew ay nagulat nang marinig ito. “Fane, nagbibiro ka ba? Nagsisinungalig ka ba sa amin? Bakit ka nila tinanggal sa trabaho? Hindi ba’t maganda naman ang relasyon mo sa mga Drake? Hindi ba’t ipinasok ka doon ni Miss Tanya? Bakit ka tinanggal ni Young Master Drake? Hindi na ba pwedeng ayusin ang sitwasyon?” Pati si Fiona ay naguguluhan at nagtatanong kung ano ba ang talagang nangyari. “Hindi naman s
Read more
PREV
1
...
7374757677
...
251
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status