Beranda / Urban / Numero Unong Mandirigma / Bab 711 - Bab 720

Semua Bab Numero Unong Mandirigma: Bab 711 - Bab 720

2505 Bab

Kabanata 711

Nang mapansin ni Lee na tinaas ni David and isyu, sabi niya, "Sa totoo lang, alam ko na alam mo rin na malaki ang nawala sa Eagle Clan bago ito. Nawalan kami ng 300 tao at hinahanap namin ang salarin sa likod ng pagpatay na to. Kailangan naming ipaghiganti ang kanilang kamatayan sa pamamagitan ng pagpatay sa kanya!" "Oh? Nahanap niyo na siya?" Halos tumalon ang puso ni David. Sabi niya, "Kung ganon, bakit ka pala nandito, Master Neuman? Heh. Wag mong sabihing pinagdududahan mo ang isa sa'min? Ang 300 tao mo ay mga elite mula sa headquarters. Ang isa pa sa kanila ay isa sa Four Fighters mula sa Eagle Clan. Tiyak na wala kaming paraan para pumatay ng pagkarami-raming tao!" "Nagkakamali kayo! Hindi mo ko naiintindihan, Master Wilson," nagmamadaling sagot ni Lee. "Ayaw kong gumawa ng gulo sa pagpunta ko sa'yo. Gusto kong makipagkasundo sa'yo!" Sandaling huminto si Lee at tinignan si Michael na nakatayo sa gilid. "Ayon sa imbestigasyon namin, si Fane ang pumatay sa 300 tao namin
Baca selengkapnya

Kabanata 712

Sa sandaling iyon, kakatapos lang nila Fane na kumain ng kanilang tanghalian sa hotel. Pauwi na sila pagkatapos ng kanilang masaganang tanghalian. "Hindi naman yun ganun kamahal, di ba? Seven hundred thousand lang ang nagastos natin. Akala ko aabot ng milyon ang bill!" Mayaman na si Fiona ngayon. Nang nagsalita siya, may hindi maitatangging bakas ng kayabangan sa kanyang mga salita. "Ma, talagang… Nakalimutan mo na ba ang paghihirap natin noon?" Mapait na ngumiti si Selena. Hindi niya alam kung tatawa siya o iiyak. "Ah, bakit ko ikukumpara ang sarili ko sa nakaraan? Ngayon, mayroon na akong mayamang son-in-law at malaki rin ang sinasahod ng anak ko. Dapat pagbigyan ko ang sarili ko. Ang pera ay dapat na ginagastos!" Ngumisi si Fiona at tinignan si Joan na nasa kanyang tabi. "Tara, Joan. May nakita akong magandang damit sa isang boutique kahapon. Sa tingin ko bagay yun sa'yo. Bakit di tayo mag-shopping?" "Mahal ba yun?" Kumunot ang noo ni Joan. Naalala niya kung pa
Baca selengkapnya

Kabanata 713

Mapoot na nagsalita si Flynn at nagngitngit ang kanyang ngipin sa galit at kapaitan. "Wag mong pagurin ang sarili mo. Handa na ang mga taong pinadala ko para bugbugin si Fane nang hindi siya pinapatay. Kailangan lang nating mahintay na magmukha siyang tanga at mamatay nang naghihirap sa birthday party ni Selena." Nang may masamang ngiti sa kanyang mukha, kinuha i Ken ang kanyang phone para tumawag. Hindi nagtagal, higit sa isang dosenang tao ang naglakad palabas mula sa isang eskinita. Mukha silang kaduda-duda. Kumunot ang noo ni Flynn nang tinignan niya ang mga taong mabagal na lumabas mula sa isang eskinita. "Maaasahan pa ang mag taong to, Ken?" "Wag kang mag-alala. Natatakot ako na baka mabuking ako kaya umarkila ako ng mga siga, pero may ilang malalakas sa kanila at talagang maaasahan sila!" Kampanteng sabi ni Ken. "Syempre, wala silang laban sa Fane na hindi pa nalalason, pero buti na lang at nanghihina na siya sa lason ngayon. Dalawang araw na ang nagdaan at mukhang wala
Baca selengkapnya

Kabanata 714

"Paanong nangyari yun? Isang dosena sila! Hindi ba ilang segundo pa lang? Tumumba ang bawat isa sa kanila!" Halos bumagsak sa lapag ang panga ni Ken nang makita niya ang nangyari, kung paano sila ganoon kabilis na natalo. "Hindi ba sabi mo maasahan ang mga taong kinuha mo, Ken? Tignan mo: Hindi pa tayo nagtagumpay na masubukan ang lakas ng lalaking yun. Wala man lang siyang ginawa at tumumba na lahat ng mga tao natin!" Sobrang tindi ng galit sa ekspresyon ni Flynn habang huminga siya nang malalim. "Aksidente ito, Flynn. Isa talaga tong aksidente! Hindi ko alam na malakas pala ang mga babaeng to!" Nahihiyang ngumiti si Ken. Nagawa niya lang panoorin si Fane na mabilis na naglakad papalayo at sumakay ng kanilang kotse. "Hindi lang dekorasyon ang mga babaeng bodyguard na yun!" sabi ni Flynn pagkatapos niyang pakalmahin ang kanyang sarili sa kanyang mga isipan. "Dahil natatakot na makilala ni Fane ang mga bodyguard na palagi mong kasama, ang natitirang paraan ko na lang ay ang tawaga
Baca selengkapnya

Kabanata 715

Malakas na tumawa si Fane pagkatapos nito. "Anong sinasabi mo?" Bahagyang kinurot ni Selena, na nasa kanyang tabi, ang hita ni Fane at inirapan siya. "Ayokong maging maskulado ang anak ko paglaki niya!" "Sa itsura ni Kylie, hindi siya magiging isang maskuladong babae!" sabi ni Fane nang nakangiti. "Pero, kailangan pa rin natin siyang turuan ng mga kasanayan na dapat niyang malaman para maprotektahan niya ang sarili niya. Anong mangyayari kung may makasalubong siyang masamang tao at hindi niya alam kung paano ipagtanggol ang sarili niya? Tignan mo ang anak ko: Magiging napakaganda niya paglaki niya!" Tumango si Selena sa pagsang-ayon. "Tama. Syempre, anak ko siya!" ….Hindi nagtagal, dinala ni Fane ang kanyang asawa at anak sa aquarium. Sinulit nila ang isang masayang hapon nang magkasama at umuwi nang gabi. Ang mga sumunod na araw ay mukhang pangkaraniwan. Ngunit, dalawampung araw bago ang kaarawan ni Selena ay mayroong nangyari. Habang nagmamaneho siya pauwi ay may nagpah
Baca selengkapnya

Kabanata 716

"Haha! Medyo mayabang ka bata!" Isa sa mga bodyguard ang tumawa nang mapagbanta. Itinikom nito ang kamao nito at iwinasiwas ito habang inaasinta si Fane nang makita niya itong sumusugod sa kanila. Boom! Ang mga kamao ng dalawang lalaki ay nagkabanggan at ang malakas na pwersa ay gumawa ng malakas na hangin. Ang ganitong pwersa ay nagpatalsik sa lalaki. Huff! Sumuka ng dugo ang lalaki at di makapaniwala, hindi niya inakalang ang lalaki sa harapan niya ay may ganitong lakas. Dinaig ng enerhiya ni Fane ang kanya na parang lakas ng isang bumabagsak na bundok. Blag! Bumagsak sa sahig ang lalaki at bumuhos ang dugo mula sa bibig niya. Kaagad na namutla ang kanyang mukha. Bam! Hindi huminto si Fane nang sinuntok niya ang leeg ng lalaki. Ang tunog ng may nabali ay narinig, at ang lalaki ay bumagsak nang walang buhay sa sahig. Bang! Bang! Bang! Ilang suntok lang, maraming mga master ang namatay sa isang iglap. "I一Impossible!" Ang mukha ng lalaki sa sahig ay namutla matapos
Baca selengkapnya

Kabanata 717

Nang bumitaw si Fane, bumagsak sa sahig ang lalaki habang nakadilat sa takot ang mata nito. "Mga taong gustong magpakamatay." Habang ngumingisi nang walang pakialam, bumalik si Fane sa kanyang kotse at kaagad na nilisan ang lugar. Sa pagkakataong ito, kinailangan niya talagang ipakita sa mga taong ito ang kahihinatnan dahil mahihirapan siyang mamuhay nang tahimik kung paulit-ulit nilang guguluhin ang buhay niya. … Bumiyahe palayo si Ken, habang nag-aalala pa rin nang mapansin niyang di sila sinusundan ni Fane. Nakahinga lang siya nang maluwag nang marating nila ang Clark family mansion. "Namamalikmata ba ako Flynn? May mga taong may husay na parang major sa mga master ng White family, pero si Fane… ang dali lang silang pinatay ni Fane?!" Habang lumulunok nang kabado, pinunasan ni Ken ang malamig na pawis sa kanyang noo. Kumunot ang noo ni Flynn at matagal na tumahimik bago magsalita, "Anong nangyayari? Bakit parang di nalason ang lalaking yun? Di kaya niloko tayo ni Ivan at
Baca selengkapnya

Kabanata 718

Di nagtagal, dinala ni Ken ang grupo sa isang hotel, kumuha ng isang pribadong kwarto at nag-order ng putahe. Ngayong tapos na silang mag-order, tinignan ni Ken si Xena at nagtanong, "Ms. Xena, sigurado ka ba na nainom ni Fane ang lason na binigay namin sa'yo?" Nabigla si Xena sa tanong at mukhang di sigurado bago siya sumagot, "Oo, nakita ko mismong ininom niya ito. Inabutan ko pa siya ng mineral water. Nakita kong ininom niya ang kalahating bote sa isang lagukan at itinapon ang natitira sa basurahan." "Di ka namin nagkamali ng alala diba?" Nagtanong ulit si Ken, nagdududa pa rin kung ano talaga ang nangyari. "Syempre hindi. Naaalala ko nang maayos ang lahat! Talagang ininom niya ito," Depensa ni Xena. "Bakit? Young Master Clark, anong nangyayari? Tingin mo ba nagsisinungaling ako?" May naisip si Xena at kaagad na naging malamig ang mukha niya. "Binuwis ko ang buhay ko ay nag-undercover para sa inyo. Alam niyo ba kung gaano ka kakabado nun? Natatakot ako na malalaman ni Fane
Baca selengkapnya

Kabanata 719

Si Xena na nakaupo sa gilid ay malalim ang iniisip at nakakunot ang noo. Di nagtagal hanggang sa kumislap ang mata niya at napasigaw siya, "Alam ko na! Siguro natatakot ang lalaking ito na gastusin ni Fiona, Ben at ng iba ang pera niya! Yan siguro ang dahilan! Narinig ko na ang mga major ay unuuwi nang may dalang isang bilyong dolyar bilang gantimpala mula sa gobyerno kapag nagretiro sila. Kung ang lalaking ito ay isang marshal, baka may ilang bilyon din siya diba?" Kaagad ding tumango si Ivan. "Tama, tama. Posible nga yan. Baka gustong itago ng lalaking ito ang katotohanan na marami siyang pera." Si Ken naman sa kabilang banda, ay may malaking ngiti sa kanyang mukha. "Siguradong nag-iilusyon kayo. Kunt may ilang bilyon si Fane, isusulat ko nang mali ang pangalan ko." "Kung ganon at sa tingin mo hindi, ano pala sa tingin mo ang dahilan Young Master Clark? Bukod sa pagiging marshal, di ako makaisip ng ibang dahilan bukod sa ayaw niyang gastusin nila Fiona, Bem at ng iba ang pera
Baca selengkapnya

Kabanata 720

"Siguro nga! Kaya pala ang lakas ng loob ng lalaking ito na magyabang na magarbo ang magiging birthday party ni Selena. Kampante soya kasi kaya niyang gawin!" Dumating ang sagot ni Ivan nang mapagtanto niya din ito. "P*ta… napakatahimik ni Fane na inakala natin ilang milyon lang ang mayroon siya. Talagang di ko naisip na may apat hanggang limang bilyon siya. Kung may ganoon kalaking halaga talaga siya, sapat na ang gumasos ng isa hanggang dalawang bilyon para sa party!" "Kainis! Hinihintay ko pa naman na ipahiya niya ang sarili niya. Kung ganon, ang galing! Di pala natin siya makikitang pumalpak tulad ng inaasahan natin. Kung ganon kaya niya pala talagang mag-host ng malaking party!" Nanggigil si Neil. Nagbuhos siya ng wine at nilagok ito. "Tara na, nandito na ang pagkain. Mag-usap tayo habang umiinom." Nang ganon na lang, sumama din ang timpla ni Ivan. "Lalo akong nagalit sa katotohanang gumastos tayo ng ilang milyon para i-advertise ang party para sa kanila, umaasang pupunta a
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1
...
7071727374
...
251
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status