Home / Urban / Numero Unong Mandirigma / Chapter 701 - Chapter 710

All Chapters of Numero Unong Mandirigma: Chapter 701 - Chapter 710

2505 Chapters

Kabanata 701

"Bakit mo siya papatayin? Papakasalan mo si Cecilia sa hinaharap at magiging in-laws mo ang Taylor family. Magiging isang pamilya na tayo sa araw na yun kaya hindi natin siya kailangang gilitan ng leeg." Diretsong nanermon ang head ng Gold family. "Papa, mayabang si Fane at palaging nagsasabi ng kung ano-ano! Sige. Kalimutan na natin ang katotohan na ininsulto niya kayo ni Lolo pero para sa ginawa niya sa Gold family ngayong araw, ang pagpatay niya sa marami sa mga tauhan natin, hindi mo ba gustong ipaghiganti ang mga namatay? "At saka kapag kumalat ang tungkol dito, anong mangyayari? Kahihiyan ito para sa Gold family! Hinamon natin sila sa duwelo, hindi isa kundi siyam na beses. Pero ano? Natalo tayo sa lahat ng round! Wala sa mga tao natin ang nanalo ni-isang round! Hindi ba nakakahiya yun?" Nanatiling malamig ang ekspresyon ni Kelly. Habang lalo niyang inaalala ang nangyari kanina, mas lalong lumalalim ang inis sa kanyang dibdib. "Hindi natin pwedeng ipasa ang lahat ng
Read more

Kabanata 702

Kinabukasan, lumabas si Kelly kasama ng ilang bodyguards para gawin ang kanilang plano. Naghintay sila hanggang sa parehong wala na sa bahay sina Fane at Selena at doon lamang siya gumastos ng pera para kumuha ng impormasyon tungkol sa mga babaeng bodyguards mula sa isang katulong ng Taylor family. Nang nakuha na niya sa wakas ang impormasyon tungkol sa sahod ng sampung magagandang bodyguards, napanganga siya at nanlaki ang kanyang mga mata. Sobra siyang nagulat. Sobrang pambihira ang lakas at kakayahan sa pakikipaglaban ng mga bodyguard na iyon. Sa ganoong kakayahan, pinakamababa na ang limampung libo kada buwan para sa kanila. Ang pinakamalaking katotohanan ay bawat isa sa magagandang bodyguards ay may mahahaba at magagandang binti. Kung ang kumuha sa kanila ay isang young master ng mga prominenteng pamilya, handa silang magbayad kahit na magkano, kahit na mawalan pa sila ng pera sa bangko! "Anong kalokohan to?! Pumayag talaga sila sa ganitong sahod?" Halos masamid
Read more

Kabanata 703

Tinanggihan rin ng isa pang magandang bodyguard ang alok ni Kelly nang hindi man lang kumukurap. Nanginig ang bibig ni Kelly na para ba siyang naii-stroke. Nagsimula siyang magtaka kung nagkamali ba siya ng dinig. Tinaasan na niya ang sahod nila mula dalawampung libo papuntang limampung libo, higit pa yun sa doble! Bakit tatanggihan ng mga babaeng ito ang kanyang alok nang hindi man lang ito pinag-iisipan? "Sige, sige, magbabayad ako ng isandaang libo. Maganda na ang isandaang libo, di ba?" Nagngitngit ang ngipin ni Kelly at iniunat ang isa pa niyang kamay, inilahad ang lahat ng daliri sa pareho niyang kamay para sumenyas ng 'sampu'. "Limang beses ang tinaas ng presyo na to kumpara sa sahod niyo ngayon. Wala kayong dahilan para tumanggi!" "Ayaw namin!" Nagkatinginan ang dalawang magagandang dilag at sabay na sumigaw. Nang marinig ang huling patnig ng salita nila, tumalikod ang dalawa at naglakad papalayo, hindi sila nagsayang ng oras na ipagpatuloy pa ang nakakabagot na
Read more

Kabanata 704

Sa huli, walang nagawa si Kelly kundi bumalik sa Gold's residence nang may nanlulumong mukha. Kumunot ang noo ng head ng Gold family nang makita niya si Kelly. Pagkatapos ay nagtanong siya, "Anong problema? Mukhang hindi ka masaya!" "Nagpunta ako sa villa ni Fane para kausapin ang mga bodyguard na yun na iwan si Fane at magtrabaho para sa'tin. Pero nauwi lang sa wala ang lahat!" Paliwanag ni Kelly at mapait na ngumiti. "Heh? Sigurado ka? Magkano ang sinasahod nila kada buwan ngayon?" Bahagyang nabigla si Ezra––ang head ng Gold family. Hindi pumasok sa kanyang isipan na hindi magtatagumpay ang kanilang pakikiusap. Dahil ba napakataas ng binabayad sa kanila ni Fane? "Dalawampung libo lang kada buwan!" Isang pilit na ngiti ang nasa mukha ni Kelly nang sumagot siya. "Dalawampung libo? Niloloko mo ba ko? Dalawampung libo lang ang sinasahod nila kada buwan at hindi mo pa sila mapilit na iwanan si Fane? Dapat ang dali lang nun!" Napuno ng gulat ang ekspresyon sa mukha
Read more

Kabanata 705

Malamig na suminghal si Elaine, isang malamig na ngiti ang nasa kanyang mga nakatikom na labi. "Ahem! Fane, dahil isa tong pambihirang pagkakataon na magsama-sama ang lahat para sa isang tanghalian, ako ang magbabayad ng bill ngayon!" Bigla na lang nagsalita si Fiona na sinundan ng isang masayang tawa. Kaagad na nagkatinginan sina Fane at Selena, hindi makapaniwala ang mga mata nila. Hindi nila kailanman naisip na magiging galante si Fiona at ililibre ng tanghalian ang lahat gamit ng kanyang sariling pera. "Mama, sigurado ka ba? Ako na ang magbabayad, okay? Wag kang mag-alala!" Isang mapagpanggap na paggalang ang lumitaw sa mukha ni Fane, ngumiti siya at nagpresenta na magbabayad. "Heh! Masaya lang ako ngayong araw. At saka, mayaman na ko ngayon, hindi na ako ang dating Fiona––mahirap at gipit sa pera. Tanghalian lang to, ako na ang magbabayad!" Tumawa si Fiona, malinaw na maganda ang timpla niya. "Tsk tsk, hindi madali para sa isang tao na magbago, Ma. Dati napa
Read more

Kabanata 706

"Base sa lakas na kailangan para pumatay nang ganoon karaming tao, halos sigurado na ako na isa siyang King of War. At tinutukoy namin ang modus operandi niya nang paulit-ulit, at lahat ng mga tao namin ay namatay ng dahil sa malinis na pagkakabali ng kanilang mga leeg. Tiyak na gawa ito ng nag-iisang tao. Mukhang walang kahit na sinong tumulong dito!" Nagdilim ang ekspresyon ni Lee. "Dahil dito, malaki ang nawala sa'min at bumaba nang malaki ang aming posisyon. Dalawa sa teritoryo namin ang naagaw ng ibang mga Hall!" Nang marinig ito ni Hector, hindi mabasa ang kanyang naging ekspresyon. "Heh. Master Neuman, wagmong sabihin gusto mo ng tulong ko para mabawi ang mga teritoryo mo? Hindi naman iyon ganoon kahalaga kung maliliit lang yun, hindi ba? At saka, problema yung ng Eagle Clan. Anong kinalaman nun sa Green Sky Hall?" Tumawa nang malakas si Lee. "Hindi ka na namin guguluhin para rito. Nagawa kong kumuha ng ilang manlalaban kamakailan lang. Ang isa sa kanila ay mas malakas pa
Read more

Kabanata 707

"Oh, talaga? Ano naman yun?" Bahagyang nabigla si Lee. Hindi niya naisip na pupuntahan ni Fane ang Green Sky Hall para sa ibang dahilan maliban sa ginawa nila kay Tiger. Sa sandaling ito, humakbang paharap ang master ng Green Sky Hall. "Ganito ang nangyari. Sangkot rin sa ibang negosyo ang mga tao ko," paliwanag niya. "Hindi lang kami nagnenegosyo sa loob ng bansa, pero nakikipagkalakalan rin kami sa mga organisasyon sa ibang bansa. Lihim kaming kumukuha ng mga larawan ng mga babae at binebenta ito…" Pagkatapos marinig ni Lee ang buong storya ay nagsalita siya, "Sumosobra na talaga si Fane. Wala itong kinalaman sa kanya. Natural para sa kanya na humingi ng danyos mula sa'yo dahil sa nangyari kay Tiger, pero hindi niyo naman nakuhanan ng larawan ng asawa niya. Bakit kailangan niyang magalit?!" "Di ba? Nagalit rin ako sa insidenteng ito!" Nanigas ang ekspresyon ni Hector, sabay nilipat niya ang kanyang tingin papunta kay Lee. Ang buong bagay na ito ay sa pagitan nilang dal
Read more

Kabanata 708

"Heh. Kaya mo ba talagang tiisin to, Hector? Napakalaking kawalan nito sa'yo! Napag-isipan mo ba talaga to? Kahit na anong mangyari, may galit ako sa batang yun!" Tumawa si Lee kahit na medyo hindi siya natutuwa. Akala niya ay papayag ang Green Sky Hall na makipagkasundo sa kanya. Lalo na't inagrabyado siya ni Fane nang sobra-sobra. Hindi niya inasahan na pipiliin ni Hector na magkompromiso sa sandaling ito. "Master Neuman, iba ang nangyari sa Green Sky Hall kumpara sa'yo. Nawalan ng 300 tao ang Eagle Clan. Mga mahahalagang kasamahan mo sila, kaya naiintindihan ko na gusto mong patayin si Fane!" Huminga si Hector. Kinuha niya ang tasa na nasa mesa at uminom mula rito. "Pero walang namatay sa amin," mabagal niyang sabi, "dalawa lang sa mga tao ko ang napuruhan. Ang isa, nabalian ng binti, at ang isa naman ay nabaog. Hindi namin kailangang galitin ang isang lalaki na may lakas ng isang King of War. Sabihin na nating lumaban tayo––malaki pa rin ang mawawala sa'tin kahit na mana
Read more

Kabanata 709

"Bakit pa natin sila pupuntahan kung hindi natin sila maasahan?" Kumunot ang noo ng elder at nagtanong muli. Mapait na ngumiti si Lee. "Hindi ba mas maganda kung magiging kakampi natin ang Wilson family habang makikipagkasundo tayo sa Green Sky Hall? Una, puntahan natin ang Wilson family at makipag-usap sa kanila. Pero wag natin tong madaliin. Planuhin natin ang susunod nating hakbang kapag sumama na sa'tin ang Green Sky Hall!" "Pero di ba mahirap na pasamahin ang Green Sky Hall? Sinabi na ni Hector na hindi niya gustong harapin si Fane kanina lang!" Sumingit ang isang babaeng may edad na at nakakunot ang noo, "Maliban na lang kung may iba ka pang plano, Master?" Hah. Syempre, may plano ako!" Tumawa nang malakas si Lee. "Imposible na hindi kinaayawan ni Hector si Fane. Gusto lang niyang manood dahil natatakot siya na wala tayong laban kay Fane. Sinadya niya pang ipaalala sa'tin ang Wilson family sa pag-asang magtutulungan kami para burahin si Fane. Para naman sa kanila
Read more

Kabanata 710

"Ma––maganda yan!" Nakahinga ng maluwag si Michael sa loob niya nang marinig niya ito. "Master, narito ang Eagle Clan para bisitahin kayo!" Sa sandaling ito ay pumasok ang isang bodyguard at nag-ulat, "Narito ang master ng Eagle Clan kasama ng ilan sa mga kasamahan niya!" Nagkatinginan sina David at Michael. Naguguluhan sila. "P*ta. Anong kailangan sa'tin ng Eagle Clan? Walang kinalaman ang mga organisasyong kagaya natin sa mga Hall na kagaya ng kanila!" Kumunot ang noo ni David. Hindi madaling maagrabyado ang Eagle Clan. Mas malakas sila kaysa sa isang second-class aristocratic family na kagaya ng kanya. Kinabahan siya sa biglaan nilang pagpunta. "Dad, wag mong sabihing naagrabyado ng isa sa mga tao natin ang Eagle Clan kaya nagpunta sila rito? Malaking gulo to pag nagkataon. Hindi magiging madali na labanan sila!" Nag-aalala rin si Michael. Tinginan ni David ang bodyguard. "Sabihin mo sa'kin, galit ba sila nang dumating sila?" tanong niya. Umiling ang bod
Read more
PREV
1
...
6970717273
...
251
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status