Home / Urban / Numero Unong Mandirigma / Chapter 651 - Chapter 660

All Chapters of Numero Unong Mandirigma: Chapter 651 - Chapter 660

2505 Chapters

Kabanata 651

Bukod dun, ang kanyang restawran ay araw-araw na lang lugi, at ramdam rin niya na kailangan na niyang ipasara ito. Hangga’t hindi siya singilin ni Fane ng lagpas sa sampung milyong dolyar, magiging ayos lang ang lahat! “Sige, king ganun. Umalis ka na dito!” Kinumpas ni Fane ang kanyang mga kamay at naglabas ng isang White-Sand cigarette, at sinidihan ito. “Sige, sige. Aalis na ako!” Kaagad na nilisan ng may-ari ng kalapit na restawran ang lugar na para bang mamamatay siya sa loob ng ilang segundo kapag nanantili pa siya dun. “Big Bro, maraming salamat. Hindi namin alam ang gagawin kung wala ka!” Tinignan ni Tiger si Fane pagkaalis ng may-ari ng kalapit na restawran, namumugto ang mga mata nito. “At malamang ay inapi na ng mga loko na yun ang asawa ko kung hindi ka dumating." Pakiramdam ni Tiger ay sinuwerte siya-sinuwerte siya at nauna niyang naisip si Fane at nagawa niyang maisama ito dito. Kung hindi, hindi niya magagawang matalo ang grupong yun. Higit pa dun, ang
Read more

Kabanata 652

"Daddy, Daddy. Halika ka dito. Tignan mo to. Tignan mo ang hawak ko…" Tumakbo si Kylie papunta kay Fane pagkapasok jito sa may sala ng villa, tumitili gamit ang mala-anghel na boses nito. Kaagad na naantig ang puso ni Fane ng marinig ang boses ni Kylie at ng makita ang makikislap na mata nito. Kaagad siyang yumuko para buhayin si Kylie, at hinalikan ang malusog nitong pisngi. "Ang galing! Ang munti kong dalaga ay nakakuha ng sticker!" "Tama. Sabi ng guro na isa akong mabuting estudyante!" Masigla at inosente ang ngiti ni Kylie, at bakas ang tuwa sa mga ito. "Oh? Syempre, ang anak ko ang pinakamatalino, at pinakaresponsableng bata sa klase!" Kinarga ni Fane si Kylie paakyat ng hagdan. "Tama. Kylie, gusto mo ng pabuya? Sabihin mo sa akin. Bibigyan kita!" "Sige. Dalhin mo kami ni Mommy sa aquarium sa Sabado!" Sabi ni Kylie, habang nakatingin kay Fane pagkatapos pag-isipan ito ng mabuti. "Mukhang magandang ideya yan. Dadalhin ka namin sa aquarium sa Sabado!" I
Read more

Kabanata 653

Hindi alam ni Selena kung iiyak siya o matatawa. Malamang ay gigilitan nila Ivan at Xena ang mga sarili nila kapag nalaman nila ang iniisip ni Fane. Syempre, malamang ay hindi nila iaanunsyo ang kanyang kaarawan ng ganito kung alam nilang napagalingbni Fane ang sarili niya sa pagkakalason sa kanya. "Pero kaarawan ko lang naman to. Hindi naman na kailangan na palakihin pa ito. Ang anunsyo na ay malamang ay gumulat sa lahat, na sinasabing ang pagdiriwang ng kaarawan ko ay pag-uusapan ng lahat sa siyudad hanggang sa mga susunod na taon. Gumawa pa nga sila ng countdown. Diyos ko, baka gawin pa tayong katatawanan kapag ang pagdiriwang ay naging masyadong… normal!" Sinabi ni Selena ang kanyang alalahanin ng maisip niya ito. "Hindi lang naman mamahaling pagkain ang magpapagrande ng kaarawan mo." Niyakap ni Fane si Selena, at binigyan niya ito ng isang matamis na ngiti. "Huwag kang mag-alala. Kalma ka lang. Ako na ang bahala!" “Okay!” Tinikom ni Selena ang namumula niyang labi, at
Read more

Kabanata 654

Lalong sumama ang ekspresyon ng pinuno ng Green Sky Hall. Nung hapon ding yun, nalaman niya na sila Bob ay naospital matapos mabugbog. Napuruhan ng husto ang isang binti nito, kaya kailangan nang putulin. Iniisp pa rin noya king ano ang gagawain niya bukas—kung palalampasin niya ba ang nangyari para sa bodyguard ng Drake family na yun. Hindi noya inaasahan na gagapang nanaman papunta sa kanya ang kanyang mga tauhan. "Sabihin mo sa akin ang nangyari. Bakit nabugbog si Luke?" Dahan dahan na tanong ng pinuno ng Green Sky Hall pagkatapos nanatiling tahimik ng ilang sandali. Kinuwento ng tauhan ni Luke ang buong pangyayari. Pagkatapos niyang magkuwento, sinabi nito, "Hindi ko alam kung ang taong yun ay nagbabanta lang, pero sabi niya ay manggugulo daw siya bukas ng umaga dito sa Green Sky Hall! Hahabulin niya daw yung kulang namin na limampung libong dolyar!” “P*ta!” Galit na galit ang lalake. Hinampas niya ang lamesa na nasa tabi niya at ng may malakas na tunog, nagkapira-pi
Read more

Kabanata 655

"Talaga? Gumastos siguro siya ng malaking halaga. Meron ba talaga siyang ganung kalaking pera para gastusin? O hindi kaya binigyan siya ng old master ng Taylor family ng pera para ipagdiwang ang kaarawan ng Young Miss Taylor?" Napasimangot si Hector. "Mukhang hindi. Sabi niya ay nakakahiya na gamitin ang pera ng Taylor family. Isa pa, isa lang siyang son-in-law. Walang sinuman ang magiging mabait sa isang tulad niya.” “Mmhmm. Paghandaan na lang muna natin ang lahat para bukas!” Nagsalita ang elder pagkalipas ng ilang sandali ng pagmumuni-muni. “Kapag pumunta siya mag-isa at umasta na parang siga, pwede natin siyang mapatay dahil dun. Walang sinuman ang makakapagturo na tayo ang pumatay sa kanya kung mawawala ang kanyang bangkay. Kapag sinabi natin na hindi siya dumating, hindi naman susugod ang mga God of War para durugin ang buong grupo natin para lang ipaghiganti siya.” Tumango si Hector. "Tama kayo. Ang lalakeng yun ang nagligtas sa buhay ng Goddess of War, pero malamang
Read more

Kabanata 656

Bang! Nang makita niya na gumawa ng hakbang ang kanyang kalaban, kaagad na sumuntok paharap si Fane. Bigla itong bumangga sa kamao ng isa pang maskuladong lalake. Sa sandaling yun, naging tahimik ang paligid at nasundan ng isang tunog na parang may bumagsak. Pagkatapos, tumalsik din ang isa pang maskuladong lalake, katulad ng janyang kasama. Malayo rin ang tinalsik nito, nakakaladkad din ang paa nito bago huminto. “Mmph!” Ang maskuladong lalake ay nilura ang dugo sa kanyang bibig. "Magaling!" Dalawang malaking lalake ang lumapit. Ipinalakpak nila ang kanilang mga kamao sa kanilang palad pagkatapos tignan si Fane, at bahagyang yumuko. Pagkatapos, ay tumabi sila sa gilid. “Clap, clap!” Sa sandaling yun, tumayo din si Hector, pumapalakpak habang naglalakad kasama ang iban pa na nasa kanyang likuran. "Hah. Magaling ka. Hindi ko inaasahan na ang son-in-law ng Taylor family ay ganito kalakas!" "Hah. Master Zaborowski. Narinig ko na ang una mong pangaln ay Hector, t
Read more

Kabanata 657

Nanatiling nakangiti si Hector ng marinig niya ang sinabi ni Fane. "Akala ko ay isa itong seryosong bagay. Narinig ko na nasira mo na ang memory card. Kaya, hindi ba't ayos na ang gulo na to? Ano pa ba ang gusto mo mula sa amin?" Huminto siya sa pagsasalita ng panandalian, bago nagpatuloy ng may nviti, "Hah. Alam ko na. Gusto mo ng pera mula sa amin bilang kabayaran sa naging kawalan mo, tama? Normal lang naman para mag-isip ng ganyan. Nauunawaan kita! Sabihin mo, magkano ba ang kailangan mo?" Kaagad na sumagot si Fane. "Hindi ko kailangan ng pera para sa bagay na to. Simple lang ang pakiusap ko. Huwag niyo nang uulitin pa ang bagay na to. Sirain niyo na ang anumang naitabi niyong backup ng mga larawan. Naiintindihan niyo?" Nanginig ang kanto ng labi ni Hector. "Pinagbabantaan mo ba ako?" "Heh. Hindi ko na uusisain pa ang bagay na to. Alam ko naman na alam na alam mo na pinagbabantaan ko kayong lahat dito. Kapag hindi niyo sinira ang mga itinabi niyong mga backup at pinagpa
Read more

Kabanata 658

"Heh. Alam kong gusto mo akong patayin, pero hindi ko hahayaan na magawa mo ang bagay na yun!" Nagpakita ng isang malamig na ngiti si Fane ng marinig niya ito. Kung hindi sana umasta ng ganito ang matandang babae na to na nagmula sa Green Sky Hall, hindi niya ito dudurugin kaagad. Lalo na, ang Kingston Hall ang sumosoporta sa Green Sky Hall. Hindi dahil sa takot si Fane sa Kingston Hall. Alam nila Tanya, Yvonne, at Sharon ang insidenteng ito. Gagawa ng isang malaking ingay kapag tuluyang nawala ang Kingston Hall. Maraming tao ang pagdududahan ang kanyang pagkatao. Hindi na niya magagawang mamuhay ng payapa na tulad ng gusto niya. Lalo na, ang Kingston Hall ay ang pinakamakapangyarihan na organisasyon sa Middle Province at ang pinakamalakas sa ng gang. Hindi sila natatakot sa presensya ng Drake Family. "Talaga? Kung magsalita ka ay para bang kaya mong pumatay kung kelan mo gusto!" Pakiramdam ng matandang babae ay minamaliit siya ni Fane. Matanda lang siya, pero a
Read more

Kabanata 659

Gayunpaman, hindi niya inakala na ang pwersa mula sa kaswal na pagsalo ni Fane ng kanyang tungkod ay masyadong malakas na nasira ang dulo ng tungkod na hawak niya. Ang pambihirang lakas na ito ay gumapang sa buo niyang kamay, na nagpayanig sa kanyang kamay habang pilit niyang hinahawakan ng maigi ang kanyang tungkod. “Ah!”Napaurong ng dalawang hakbang ang matandang babae at hindi pa rin tumitigil sa pagyanig ang kanyang kanang kamay. Tinitigan niya si Fane na bakas sa mga mata nito ang takot at respeto. Nakamamangha ang lakas ni Fane at ang kasing bilis siya ng kidlat. Naramdaman din ng matandang babae na pinaglalaruan lang siya ni Fane at hindi pa nito ipinapakita ang buo nitong lakas—ang lakas na perpekto ang pagkakatago. “Hmmm? Ano na? Suko ka na?” Ngitian ni Fane ang matandang babae at sinabi ito. “Diyos ko! Hindi ba’t ang lakas naman ng batang to? Nagawa rin niyang agawin ang tungkod ni Elder Castellano!” Isang manonood ang hindi mapigilang masabi ito sa sobrang gula
Read more

Kabanata 660

Inakala ni Hector na sapat na kung pumayag siya sa mga kagustuhan ni Fane at maiisipan na nitong umalis. Hindi niya talaga inaasahan na mag-uungkat pa ng isa pang isyu si Fane. Inobserbahan ni Fane ang mga tao na nakapaligid sa kanya at napansin na ang mga lalake na sumunod kay Brother Luke kahapon ay wala doon. Napagtanto niya na marahil ay nagpunta ito sa ospital para bisitahin ang sugatan nilang kasamahan. “Anong problema? Huwag mong sabihin na hihingi ka rin ng pera sa bandang huli?” Sabi ni Hector ng may malamig na ngiti. “Heh. Hihingi talaga ako ng pera!” Humagikgik si Fane. “May kulang na limampung libong dolyar ang inyong mga tauhan. Hindi nila magawang maglabas ng isang milyon kahapon. Nakakahiya!” “Ikaw rin ang bumugnog kay Brother Luke?” Dumilim ang ekspresyon ni Hector. Muntik na siyang himatayin mula sa sobrang galit. Naisip niya na talagang minalas siya ngayong araw na to, para makakita ng isang malakas at walang takot na mandirigma. Plinano pa naman
Read more
PREV
1
...
6465666768
...
251
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status