Share

Kabanata 655

Author: Moneto
"Talaga? Gumastos siguro siya ng malaking halaga. Meron ba talaga siyang ganung kalaking pera para gastusin? O hindi kaya binigyan siya ng old master ng Taylor family ng pera para ipagdiwang ang kaarawan ng Young Miss Taylor?"

Napasimangot si Hector. "Mukhang hindi. Sabi niya ay nakakahiya na gamitin ang pera ng Taylor family. Isa pa, isa lang siyang son-in-law. Walang sinuman ang magiging mabait sa isang tulad niya.”

“Mmhmm. Paghandaan na lang muna natin ang lahat para bukas!”

Nagsalita ang elder pagkalipas ng ilang sandali ng pagmumuni-muni. “Kapag pumunta siya mag-isa at umasta na parang siga, pwede natin siyang mapatay dahil dun. Walang sinuman ang makakapagturo na tayo ang pumatay sa kanya kung mawawala ang kanyang bangkay. Kapag sinabi natin na hindi siya dumating, hindi naman susugod ang mga God of War para durugin ang buong grupo natin para lang ipaghiganti siya.”

Tumango si Hector. "Tama kayo. Ang lalakeng yun ang nagligtas sa buhay ng Goddess of War, pero malamang
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App

Kaugnay na kabanata

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 656

    Bang! Nang makita niya na gumawa ng hakbang ang kanyang kalaban, kaagad na sumuntok paharap si Fane. Bigla itong bumangga sa kamao ng isa pang maskuladong lalake. Sa sandaling yun, naging tahimik ang paligid at nasundan ng isang tunog na parang may bumagsak. Pagkatapos, tumalsik din ang isa pang maskuladong lalake, katulad ng janyang kasama. Malayo rin ang tinalsik nito, nakakaladkad din ang paa nito bago huminto. “Mmph!” Ang maskuladong lalake ay nilura ang dugo sa kanyang bibig. "Magaling!" Dalawang malaking lalake ang lumapit. Ipinalakpak nila ang kanilang mga kamao sa kanilang palad pagkatapos tignan si Fane, at bahagyang yumuko. Pagkatapos, ay tumabi sila sa gilid. “Clap, clap!” Sa sandaling yun, tumayo din si Hector, pumapalakpak habang naglalakad kasama ang iban pa na nasa kanyang likuran. "Hah. Magaling ka. Hindi ko inaasahan na ang son-in-law ng Taylor family ay ganito kalakas!" "Hah. Master Zaborowski. Narinig ko na ang una mong pangaln ay Hector, t

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 657

    Nanatiling nakangiti si Hector ng marinig niya ang sinabi ni Fane. "Akala ko ay isa itong seryosong bagay. Narinig ko na nasira mo na ang memory card. Kaya, hindi ba't ayos na ang gulo na to? Ano pa ba ang gusto mo mula sa amin?" Huminto siya sa pagsasalita ng panandalian, bago nagpatuloy ng may nviti, "Hah. Alam ko na. Gusto mo ng pera mula sa amin bilang kabayaran sa naging kawalan mo, tama? Normal lang naman para mag-isip ng ganyan. Nauunawaan kita! Sabihin mo, magkano ba ang kailangan mo?" Kaagad na sumagot si Fane. "Hindi ko kailangan ng pera para sa bagay na to. Simple lang ang pakiusap ko. Huwag niyo nang uulitin pa ang bagay na to. Sirain niyo na ang anumang naitabi niyong backup ng mga larawan. Naiintindihan niyo?" Nanginig ang kanto ng labi ni Hector. "Pinagbabantaan mo ba ako?" "Heh. Hindi ko na uusisain pa ang bagay na to. Alam ko naman na alam na alam mo na pinagbabantaan ko kayong lahat dito. Kapag hindi niyo sinira ang mga itinabi niyong mga backup at pinagpa

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 658

    "Heh. Alam kong gusto mo akong patayin, pero hindi ko hahayaan na magawa mo ang bagay na yun!" Nagpakita ng isang malamig na ngiti si Fane ng marinig niya ito. Kung hindi sana umasta ng ganito ang matandang babae na to na nagmula sa Green Sky Hall, hindi niya ito dudurugin kaagad. Lalo na, ang Kingston Hall ang sumosoporta sa Green Sky Hall. Hindi dahil sa takot si Fane sa Kingston Hall. Alam nila Tanya, Yvonne, at Sharon ang insidenteng ito. Gagawa ng isang malaking ingay kapag tuluyang nawala ang Kingston Hall. Maraming tao ang pagdududahan ang kanyang pagkatao. Hindi na niya magagawang mamuhay ng payapa na tulad ng gusto niya. Lalo na, ang Kingston Hall ay ang pinakamakapangyarihan na organisasyon sa Middle Province at ang pinakamalakas sa ng gang. Hindi sila natatakot sa presensya ng Drake Family. "Talaga? Kung magsalita ka ay para bang kaya mong pumatay kung kelan mo gusto!" Pakiramdam ng matandang babae ay minamaliit siya ni Fane. Matanda lang siya, pero a

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 659

    Gayunpaman, hindi niya inakala na ang pwersa mula sa kaswal na pagsalo ni Fane ng kanyang tungkod ay masyadong malakas na nasira ang dulo ng tungkod na hawak niya. Ang pambihirang lakas na ito ay gumapang sa buo niyang kamay, na nagpayanig sa kanyang kamay habang pilit niyang hinahawakan ng maigi ang kanyang tungkod. “Ah!”Napaurong ng dalawang hakbang ang matandang babae at hindi pa rin tumitigil sa pagyanig ang kanyang kanang kamay. Tinitigan niya si Fane na bakas sa mga mata nito ang takot at respeto. Nakamamangha ang lakas ni Fane at ang kasing bilis siya ng kidlat. Naramdaman din ng matandang babae na pinaglalaruan lang siya ni Fane at hindi pa nito ipinapakita ang buo nitong lakas—ang lakas na perpekto ang pagkakatago. “Hmmm? Ano na? Suko ka na?” Ngitian ni Fane ang matandang babae at sinabi ito. “Diyos ko! Hindi ba’t ang lakas naman ng batang to? Nagawa rin niyang agawin ang tungkod ni Elder Castellano!” Isang manonood ang hindi mapigilang masabi ito sa sobrang gula

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 660

    Inakala ni Hector na sapat na kung pumayag siya sa mga kagustuhan ni Fane at maiisipan na nitong umalis. Hindi niya talaga inaasahan na mag-uungkat pa ng isa pang isyu si Fane. Inobserbahan ni Fane ang mga tao na nakapaligid sa kanya at napansin na ang mga lalake na sumunod kay Brother Luke kahapon ay wala doon. Napagtanto niya na marahil ay nagpunta ito sa ospital para bisitahin ang sugatan nilang kasamahan. “Anong problema? Huwag mong sabihin na hihingi ka rin ng pera sa bandang huli?” Sabi ni Hector ng may malamig na ngiti. “Heh. Hihingi talaga ako ng pera!” Humagikgik si Fane. “May kulang na limampung libong dolyar ang inyong mga tauhan. Hindi nila magawang maglabas ng isang milyon kahapon. Nakakahiya!” “Ikaw rin ang bumugnog kay Brother Luke?” Dumilim ang ekspresyon ni Hector. Muntik na siyang himatayin mula sa sobrang galit. Naisip niya na talagang minalas siya ngayong araw na to, para makakita ng isang malakas at walang takot na mandirigma. Plinano pa naman

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 661

    Tinuon ni Fane ang kanyang atensyon sa kanyang phone. ‘Skyler Celestino’ ang lumitaw sa screen ng phone. “Oh, Skyler Celestino!” Kaswal na sambit ni Fane pagkatapos niyang sagutin ang tawag. “Hehe, oo! Ayon sa porsyento ng hatian natin, makakatanggap ka ng isang daan at pitumpung bilyong dolyar. Natanggap mo na yung sayo, tama?” “Ang swerte ko naman. Hindi ko lang naibsan ang pangangati ko sa pakikipaglaban, kumita pa ako ng malaking halaga.” Umalingawngaw ang malaking boses ni Skyler sa phone. “Oo, nakuha ko na ang porsyento ko. May aasikasuhin pa ako, kaya ibaba ko na tong tawag!” Ibinaba na ni Fane ang tawag sa sumunod na segundo. Nakatayo lang malapit sa kanya ang babae, at hindi naman mahina ang boses ni Skyler sa kabilang panig ng phone. Hindi sigurado si Fane kung narinig ba ng babae ang napag-usapan nila. Sa sandaling yun, nilapitan ni Hector ang dalawa at sinabi, “Brother Fane, narinig ko na nagtatrabaho bilang bodyguard para sa Drake family, tama?” Nag

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 662

    "Skyler Celestino?" "Isang daan at pitumpu't walong bilyong dolyar?" Ang mga taong nasa lugar ay gulat na gulat. Nabalot silang lahat ng takot. Ang dalawang piraso ng impormasyon na ito ay talagang nakakagulat. "Sigurado ka ba na tama ang narinig mo? Skyler Celestino? Hindi ba't ang pangalan na ito ay kay Skyler, ang King of War? Iyon ang Eight-star King of War!" Nanigas sa kanyang kinatatayuan ang elder ng marinig ang ang bagay na ito. Nagawa lang niyang makagalaw pagkalipas ng ialng minuto. “Iisa lang ang King of War na nagngangalang Skyler Celestino!” Ang babae ay napatulala na lang dahil sa kaguluhan, hindi pa rin nakakabawi mula sa kanyang nalaman. “Kung si Skyler Celestino nga ang iyon, ang King of War, bakit naman niya biigyan ng ganung kalaking halaga si Fane? Higit sa isang daan at pitumpung bilyong dolyar! Sigurado ka ba na tama ang numerong narinig mo? Bakit niya binigyan ang bastardong yun ng ganung kalaking halaga?” Nanigas tuloy ang mga masel ni He

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 663

    “Ang p*tang *nang yun ay talagang mautak! Muntik na tayong maloko ng taong yun!” Sigaw ng isa sa mga sugatan na maskuladong lalake pagkatapos nitong paluin ang kanyang hita. “Mas tuso pa sa isang matsing ang batang yun!” sabi ng matandang lalake, na may mapait na ngiti. Nagpatuloy siya sa pagsasalita, “Natatakot siya na baka ipagpatuloy natin na maghanap ng gulo at pansamantala lang natin siyang palampasin. Kaya niya tinago ang baraha niyang to mula sa atin, para lang makaalis siya sa lugar na ito. Kung hindi, paano niya masasabi na pagkakataon lang ang lahat ng ito? Paano nagkataon ang tawag na yun nung papasahan na natin siya ng pera?” Pagkatapos nilang marinig ang detalyadong pagsusuri ng elder, napasang-ayon si Hector. Muntik na siyang maloko ng b*stardong yun! Nilingon niya ang elder at sinabi, “Elder Ward, nagpapasalamat ako sa iyong karunungan at talino. Mapalad tayo, nabuking ang batang yun dahil sa hindi kapanipaniwalang halaga ng pera na yun—isang daan at pitumpung biyo

Pinakabagong kabanata

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2505

    Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2504

    Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2503

    Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2502

    Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2501

    Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2500

    Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2499

    Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2498

    Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2497

    Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status