Home / Urban / Numero Unong Mandirigma / Chapter 671 - Chapter 680

All Chapters of Numero Unong Mandirigma: Chapter 671 - Chapter 680

2505 Chapters

Kabanata 671

"Boss, kami… Humihingi kami ng tawad, nagkamali kami. Aalis na kami at hahayaan na namin kayo ng babaeng to, okay?" Lumuhod rin ang isang lalaki sa harapan ni Fane sa sandaling matapos niyang makabawi mula sa unang kirot ng sakit. Malamig na nagsalita si Fane nang nakakunot ang noo, "Anong pinagsasabi ninyo? Ako ang bodyguard ni Ms. Tanya! Ang lakas ng loob mo!" "O––Opo, syempre…! Si Ms. Tanya nga ang kagalang-galang at magandang babae na ito. Isa kang napakalakas na bodyguard. Ngayon nakikita ko na kung bakit isa lang ang kailangan niyang bodyguard ngayon… Isa kang one-man army na may lakas ng isang daang tao!" sabi ng lalaki habang nanginginig at pinunasan niya ang malamig na pawis sa kanyang noo nang paulit-ulit. Kung talagang si Ms. Tanya ng Drake family ang magandang babae na kanilang balak pagsamantalahan, hindi na magsasalita ang mga miyembro ng Wolf Fang Gang kahit na patayin sila rito. Ang Drake family ang pinakamalakas na pamilya; ang mga maliliit na grupong kagaya nila
Read more

Kabanata 672

"Selena, ang ganda-ganda mo! Napakasosyal mong tignan sa professional suit na to!" Tumingin si Sharon kay Selena at naiinggit na nagdagdag, "Kaya naman pala mahal na mahal ka ni Fane. Gustong-gusto ko siya pero malamig siya at wala siyang pakialam sa'kin!" Isang naiilang na ngiti ang lumitaw sa mukha ni Selena. "Sharon, hindi ganoon kabuti si Fane kagaya ng inaakala mo. Minsan may malamig rin siyang mukha, at masyado siyang tapat sa ginagawa niya. Maliban roon, hindi siya romantiko at may pagkabayolente siya. Gusto niyang ayusin ang lahat gamit ng mga kamao niya. Sobra mo siyang gusto dahil hindi mo pa siya gaanong kilala." Syempre, sinabi iyon lahat ni Selena para sumuko na si Sharon. Kahit na mabait at mayaman si Sharon, asawa niya si Fane. Bilang kanyang asawa, paanong hindi magkakaroon ng makasariling motibo si Selena?Maliban roon, pakiramdam niya ay dapat niyang pasukuin si Sharon kung hindi interesado si Fane sa kanya. "Talaga?" sagot ni Sharon, nakangiti pa rin siya. "
Read more

Kabanata 673

"Tara, uminom tayo ng wine!" sabi ni Tanya nang nakangiti habang tinaas niya ang baso niya ng wine. "Lalo na't ang mga tao mula sa tinatawag na Wild Wolf Gang ang magbabayad para sa mesang to. Sayang naman kung hindi natin mauubos ang wine na in-order natin, at marami-rami rin ang naorder natin!" "Sige," sabay ni Yvonne habang tinaas niya ang kanyang baso, "tara!" Ngumisi si Yvonne. Nagsiinuman silang lima. Kahit na hindi pa rin siya natutuwa kay Fane ay nagsalita si Sharon, "Fane, ayos lang kung hindi mo ako gusto. Kapag dumating ang araw na pagsisihan mo ang sinabi mo, hanapin mo ako. Handa akong maging second wife mo at makasama mo araw-araw. Hindi kita bibigyan ng problema, at makikisama rin ako kay Selena!" Umubo si Fane sa matapang na pahayag ni Sharon. "Ahem, ahem! Sharon, bata ka pa, at mahaba pa ang buhay. Makakakilala ka rin ng taong tunay mong magugustuhan sa hinaharap, sigurado ako roon," sabi niya bago niya ininom ang kanyang wine. "Bata pa? Bata pa?! Hindi na ak
Read more

Kabanata 674

"Aah!" Sumigaw sa sakit si Whitey. Bumakat ang mga ugat sa kanyang noo habang nawala ang kulay sa kanyang mukha. "Atakihin niyo siya!" malakas na utos ni Whitey sa kanyang mga kasamahan habang nagngingitngit ang kanyang mga ngipin. "Brother Anguis, ito ay…" Sobrang natakot ang kanyang mga kasamahan nang makita nila ang malamig na titig ni Fane. Base sa napakabilis na atake ni Fane, hindi siya isang pangkaraniwang tao. Kahit na marami sila, baka hindi nila siya malabanan. "Lumayas kayo. Wag niyong sirain ang araw ko," sabi ni Fane nang mapansin niya na mas dumami na ang taong nakapalibot sa kanya at marami sa mga bagong customer ang nakatingin sa kanila. Kaagad na tinignan ni Felix si Fane nang marinig niya ito. "B––Boss, paano naman kami? Pwede na ba kaming umalis?" "Layas! Pwede nang umalis ang bawat isa sa inyo! Sumasakit lang ang ulo ko pag nakikita ko kayo!" Naiinip siyang tinignan ni Fane at kinumpas ang kanyang kamay. "Sige! Aalis na ako!" Sobrang saya ni Felix nang m
Read more

Kabanata 675

Tumango sa pagsang-ayon si Selena. Sa sandaling iyon, naramdaman niya na ang sinabi ni Sharon tungkol kay Fane––na nararamdaman niyang ligtas siya kapag nasa paligid siya––ay totoo. …Bumalik si Selena sa opisina niya para magtrabaho pagkatapos niyang kumain ng tanghalian. Samantala, naglakad-lakad sina Fane at ang mga kasama niya sa paligid bago bumalik sa mansyon ng Drake family. Nagpahinga si Fane sa kwarto na binigyan sa kanya ng Drake family sa pagbalik nila. Handa na siyang umuwi bandang alas singko o alas sais ng hapon. Samantala, sa mansyon ng Clark family… Sobrang natuwa si Flynn nang makita niyang pumasok sa kwarto ang pinsan niyang si Ken. Kaagad siyang nagtanong, "Kumusta, Ken? Patay na ba si Fane? Anong kalagyan ng katawan niya? Hindi ba sabi mo nainom na niya ang lason? Naalala ko na nagpunta rin kayo sa Sky Dragon City para hanapin ang malalakas na martial artists ng Xenos family, di ba?" Naniniwala si Flynn na humihina si Fane bawat araw dahil dalawa o tatlon
Read more

Kabanata 676

Tumango si Ken. Kuntento siya sa ideya ni Flynn. "Haha! Ang ganda ng ideya na to! Sa ngayon, pwede natin siyang bugbugin at pahirapan sa kahit anong paraang gusto natin basta't hindi natin siya papatayin. Maghihintay tayo hanggang sa kaarawan ni Selena kapag napahiya na siya bago natin siya hahayaang mamatay nang nahihirapan." "Sakto ang naisip mo!" sagot ni Flynn, ang kanyang mga mata ay puno ng pagkamuhi. "Narinig ko na napakaganda ng asawa niya." Nagngitngit ang ngipin ni Flynn, "Hmph! Kapag nawala na siya, papaluhurin ko ang asawa niya sa paanan ko at magmamakaawa siya sa'kin na paglaruanko siya…! Magsasaya ako na pahirapan siya!" Nang marinig ito ay kaagad na nagalit si Ken, "Pinsan, hindi mo pwedeng gawin yan. Matagal ko nang inaaying si Selena kaya hindi mo siya pwedeng hawakan!" Syempre ay hindi ito nagustuhan ni Flynn. "Ken, gusto ko lang naman maghiganti at hindi mo pa tutuparin ang pakiusap ko? Na… Nawalan ako ng binti…! Hindi ko maibubunton ang galit ko kapag hindi ko
Read more

Kabanata 677

Tumango si Ken kay Flynn nang magkasundo sila. Samantala… Nakabalik na si Fane sa kanyang villa. Naligo siya at nagpalit ng damit. Doon lamang nakauwi si Selena mula sa trabaho. "Kumusta ang trabaho, Honey? Ayos lang ba ang lahat sa kumpanya?" Malambing na tanong ni Fane nang makita niya ang asawa niya na pumasok ng kwarto. "Oo, ayos lang ang lahat. Pero… Kahit na masama siya, sinusubukan ni Ivan na ipagmayabang ang performance niya. Lahat ng materyales sa project ay nakarating sa oras at maganda rin ang kalidad nito. Sobrang kuntento ang general manager sa kanya." Nang nilapag niya ang kanyang bag, naghanap si Selena ng bagong pamalit na damit habang naghanda siya para maligo. "Talaga? Oh, sabi ni Mama inimbitahan daw tayo ni Lolo na pumunta para maghapunan, kaya sige lang at maligo ka na," sabi ni Fane nang may maliit na ngiti sa kanyang mukha. "Pagkatapos ng hapunan, maglalakad-lakad tayo sa compound." "Talaga? Niyaya tayo ni Lolo na pumunta at maghapunan? May nangyari b
Read more

Kabanata 678

Nang marinig ni Joan ang sinabi ni Fiona ay sumimangot siya. "Oo nga, at nag-aalala ako. Sinabi sa'kin ng nanay ni Selena na pinapunta ni Quil Xenos ang isang marshal. Kahit na hindi malakas ang taong iyon, pinapakita lang nito na napakalakas ng Xenos family dahil nakahingi sila ng tulong mula sa isang marshal!"Lalong natakot si Fiona habang mas lalo niya itong naiisip. "Lahat ng to ay dahil kay Fane, nakakainis." Tinitigan niya nang masama si Fane. "Paano niya nagawang galitin ang ganoong tao at kamuhian siya ng ibang tao?!" Nang makita niya kung saan papunta ang usapang ito, kaagad na dinepensahan si Selena si Fane. "Ma, hindi natin pwedeng sisihin si Fane," katwiran niya. "Sinabi sa'kin ni Fane na nasa veteran's gathering sila at pinatay ni Goddess of War Lana si Magnus Sutherland dahil binalak niyang pagsamantalahan ang dalawang artista. Ang Magnus na to ay god-brother ng tatay ni Quil at tinatawag niya si Magnus na 'tito'!" Huminto si Selena bago nagdagdag, "Hindi inakala ng
Read more

Kabanata 679

"Mama, naiintidihan ko na napakalaking bagay para sa inyo ang pera," panimula ni Selena. "At oo, sobra kang naghirap ilang taon na ang nakakaraan. Pero hindi mo pwedeng ipahamak ang buhay natin, pati kay Fane. Paano kung talagang magpunta ang mga martial artists mula sa Xenos family at patayin tayo? Hindi ka ba talaga natatakot na mamatay?" Nagagalit si Selena sa sandaling ito. Pakiramdam niya ay sumosobra na ang kanyang ina; na hindi na niya matukoy ang tama sa mali. Ngunit wala sa kanila ang nag-akalang kakampihan ni Fane si Fiona nang nagsabi siya, "May punto ang sinabi ni Mama. Hindi natin pwedeng bigyan ng pera si Xena." Nang pinuna siya at sinagot sa kanyang mga naisip at mga opinyon, yumuko si Fiona sa hiya at hindi nagtangkang magsalita nang walang kumampi sa kanya. Hindi niya inaasahan na kakampihan siya ni Fane sa bagay na to. Kaagad na ngumiti ang kanyang mga labi habang mayabang siyang nagkomento, "Tignan ninyo, hingi lang ako ang nagsabi nito. Ganun rin ang sinasab
Read more

Kabanata 680

Nagulat si Cecilia na marinig si Selena na sumagot sa kanya sa ganitong tono. Nawala rin ang gulat na ekspresyon sa kanyang mukha nang pinakalma ni Cecilia ang kanyang sarili, arogante niyang tinupi ang kanyang mga braso sa kanyang dibdib kagaya noon. "Hah! Mukhang nagbago ang pananalita mo ngayong may pera ka na, ha? Kaya pala minamaliit mo ako. Hindi ba isa lang yang villa na nagkakahalagang ilang milyon?" Kahit na mayroong kakaibang ibig sabihin ito, hindi roon tumigil si Cecilia at nagpatuloy, "Narinig ko na ang reward ng isang commander ay nasa dalawang bilyon, pero ang liit ng nakuha mong pera pagkatapos ng limang taon. Dumaan ka pa sa maraming buwis buhay na sitwasyon pero hindi naman masyadong malaki ang nakuha mo. Bumili ka ng isang villa at ilang mga kotse, at di ba narinig ko rin na kumuha kayo ng mga bodyguard? Sa kalkulasyon ko, wala nang masyadong pera si Fane ngayon, tama? Ilang milyon na lang ang meron siya, ano?" Walang pakialam si Selena at malamig na sumagot, "
Read more
PREV
1
...
6667686970
...
251
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status