"Tara, uminom tayo ng wine!" sabi ni Tanya nang nakangiti habang tinaas niya ang baso niya ng wine. "Lalo na't ang mga tao mula sa tinatawag na Wild Wolf Gang ang magbabayad para sa mesang to. Sayang naman kung hindi natin mauubos ang wine na in-order natin, at marami-rami rin ang naorder natin!" "Sige," sabay ni Yvonne habang tinaas niya ang kanyang baso, "tara!" Ngumisi si Yvonne. Nagsiinuman silang lima. Kahit na hindi pa rin siya natutuwa kay Fane ay nagsalita si Sharon, "Fane, ayos lang kung hindi mo ako gusto. Kapag dumating ang araw na pagsisihan mo ang sinabi mo, hanapin mo ako. Handa akong maging second wife mo at makasama mo araw-araw. Hindi kita bibigyan ng problema, at makikisama rin ako kay Selena!" Umubo si Fane sa matapang na pahayag ni Sharon. "Ahem, ahem! Sharon, bata ka pa, at mahaba pa ang buhay. Makakakilala ka rin ng taong tunay mong magugustuhan sa hinaharap, sigurado ako roon," sabi niya bago niya ininom ang kanyang wine. "Bata pa? Bata pa?! Hindi na ak
"Aah!" Sumigaw sa sakit si Whitey. Bumakat ang mga ugat sa kanyang noo habang nawala ang kulay sa kanyang mukha. "Atakihin niyo siya!" malakas na utos ni Whitey sa kanyang mga kasamahan habang nagngingitngit ang kanyang mga ngipin. "Brother Anguis, ito ay…" Sobrang natakot ang kanyang mga kasamahan nang makita nila ang malamig na titig ni Fane. Base sa napakabilis na atake ni Fane, hindi siya isang pangkaraniwang tao. Kahit na marami sila, baka hindi nila siya malabanan. "Lumayas kayo. Wag niyong sirain ang araw ko," sabi ni Fane nang mapansin niya na mas dumami na ang taong nakapalibot sa kanya at marami sa mga bagong customer ang nakatingin sa kanila. Kaagad na tinignan ni Felix si Fane nang marinig niya ito. "B––Boss, paano naman kami? Pwede na ba kaming umalis?" "Layas! Pwede nang umalis ang bawat isa sa inyo! Sumasakit lang ang ulo ko pag nakikita ko kayo!" Naiinip siyang tinignan ni Fane at kinumpas ang kanyang kamay. "Sige! Aalis na ako!" Sobrang saya ni Felix nang m
Tumango sa pagsang-ayon si Selena. Sa sandaling iyon, naramdaman niya na ang sinabi ni Sharon tungkol kay Fane––na nararamdaman niyang ligtas siya kapag nasa paligid siya––ay totoo. …Bumalik si Selena sa opisina niya para magtrabaho pagkatapos niyang kumain ng tanghalian. Samantala, naglakad-lakad sina Fane at ang mga kasama niya sa paligid bago bumalik sa mansyon ng Drake family. Nagpahinga si Fane sa kwarto na binigyan sa kanya ng Drake family sa pagbalik nila. Handa na siyang umuwi bandang alas singko o alas sais ng hapon. Samantala, sa mansyon ng Clark family… Sobrang natuwa si Flynn nang makita niyang pumasok sa kwarto ang pinsan niyang si Ken. Kaagad siyang nagtanong, "Kumusta, Ken? Patay na ba si Fane? Anong kalagyan ng katawan niya? Hindi ba sabi mo nainom na niya ang lason? Naalala ko na nagpunta rin kayo sa Sky Dragon City para hanapin ang malalakas na martial artists ng Xenos family, di ba?" Naniniwala si Flynn na humihina si Fane bawat araw dahil dalawa o tatlon
Tumango si Ken. Kuntento siya sa ideya ni Flynn. "Haha! Ang ganda ng ideya na to! Sa ngayon, pwede natin siyang bugbugin at pahirapan sa kahit anong paraang gusto natin basta't hindi natin siya papatayin. Maghihintay tayo hanggang sa kaarawan ni Selena kapag napahiya na siya bago natin siya hahayaang mamatay nang nahihirapan." "Sakto ang naisip mo!" sagot ni Flynn, ang kanyang mga mata ay puno ng pagkamuhi. "Narinig ko na napakaganda ng asawa niya." Nagngitngit ang ngipin ni Flynn, "Hmph! Kapag nawala na siya, papaluhurin ko ang asawa niya sa paanan ko at magmamakaawa siya sa'kin na paglaruanko siya…! Magsasaya ako na pahirapan siya!" Nang marinig ito ay kaagad na nagalit si Ken, "Pinsan, hindi mo pwedeng gawin yan. Matagal ko nang inaaying si Selena kaya hindi mo siya pwedeng hawakan!" Syempre ay hindi ito nagustuhan ni Flynn. "Ken, gusto ko lang naman maghiganti at hindi mo pa tutuparin ang pakiusap ko? Na… Nawalan ako ng binti…! Hindi ko maibubunton ang galit ko kapag hindi ko
Tumango si Ken kay Flynn nang magkasundo sila. Samantala… Nakabalik na si Fane sa kanyang villa. Naligo siya at nagpalit ng damit. Doon lamang nakauwi si Selena mula sa trabaho. "Kumusta ang trabaho, Honey? Ayos lang ba ang lahat sa kumpanya?" Malambing na tanong ni Fane nang makita niya ang asawa niya na pumasok ng kwarto. "Oo, ayos lang ang lahat. Pero… Kahit na masama siya, sinusubukan ni Ivan na ipagmayabang ang performance niya. Lahat ng materyales sa project ay nakarating sa oras at maganda rin ang kalidad nito. Sobrang kuntento ang general manager sa kanya." Nang nilapag niya ang kanyang bag, naghanap si Selena ng bagong pamalit na damit habang naghanda siya para maligo. "Talaga? Oh, sabi ni Mama inimbitahan daw tayo ni Lolo na pumunta para maghapunan, kaya sige lang at maligo ka na," sabi ni Fane nang may maliit na ngiti sa kanyang mukha. "Pagkatapos ng hapunan, maglalakad-lakad tayo sa compound." "Talaga? Niyaya tayo ni Lolo na pumunta at maghapunan? May nangyari b
Nang marinig ni Joan ang sinabi ni Fiona ay sumimangot siya. "Oo nga, at nag-aalala ako. Sinabi sa'kin ng nanay ni Selena na pinapunta ni Quil Xenos ang isang marshal. Kahit na hindi malakas ang taong iyon, pinapakita lang nito na napakalakas ng Xenos family dahil nakahingi sila ng tulong mula sa isang marshal!"Lalong natakot si Fiona habang mas lalo niya itong naiisip. "Lahat ng to ay dahil kay Fane, nakakainis." Tinitigan niya nang masama si Fane. "Paano niya nagawang galitin ang ganoong tao at kamuhian siya ng ibang tao?!" Nang makita niya kung saan papunta ang usapang ito, kaagad na dinepensahan si Selena si Fane. "Ma, hindi natin pwedeng sisihin si Fane," katwiran niya. "Sinabi sa'kin ni Fane na nasa veteran's gathering sila at pinatay ni Goddess of War Lana si Magnus Sutherland dahil binalak niyang pagsamantalahan ang dalawang artista. Ang Magnus na to ay god-brother ng tatay ni Quil at tinatawag niya si Magnus na 'tito'!" Huminto si Selena bago nagdagdag, "Hindi inakala ng
"Mama, naiintidihan ko na napakalaking bagay para sa inyo ang pera," panimula ni Selena. "At oo, sobra kang naghirap ilang taon na ang nakakaraan. Pero hindi mo pwedeng ipahamak ang buhay natin, pati kay Fane. Paano kung talagang magpunta ang mga martial artists mula sa Xenos family at patayin tayo? Hindi ka ba talaga natatakot na mamatay?" Nagagalit si Selena sa sandaling ito. Pakiramdam niya ay sumosobra na ang kanyang ina; na hindi na niya matukoy ang tama sa mali. Ngunit wala sa kanila ang nag-akalang kakampihan ni Fane si Fiona nang nagsabi siya, "May punto ang sinabi ni Mama. Hindi natin pwedeng bigyan ng pera si Xena." Nang pinuna siya at sinagot sa kanyang mga naisip at mga opinyon, yumuko si Fiona sa hiya at hindi nagtangkang magsalita nang walang kumampi sa kanya. Hindi niya inaasahan na kakampihan siya ni Fane sa bagay na to. Kaagad na ngumiti ang kanyang mga labi habang mayabang siyang nagkomento, "Tignan ninyo, hingi lang ako ang nagsabi nito. Ganun rin ang sinasab
Nagulat si Cecilia na marinig si Selena na sumagot sa kanya sa ganitong tono. Nawala rin ang gulat na ekspresyon sa kanyang mukha nang pinakalma ni Cecilia ang kanyang sarili, arogante niyang tinupi ang kanyang mga braso sa kanyang dibdib kagaya noon. "Hah! Mukhang nagbago ang pananalita mo ngayong may pera ka na, ha? Kaya pala minamaliit mo ako. Hindi ba isa lang yang villa na nagkakahalagang ilang milyon?" Kahit na mayroong kakaibang ibig sabihin ito, hindi roon tumigil si Cecilia at nagpatuloy, "Narinig ko na ang reward ng isang commander ay nasa dalawang bilyon, pero ang liit ng nakuha mong pera pagkatapos ng limang taon. Dumaan ka pa sa maraming buwis buhay na sitwasyon pero hindi naman masyadong malaki ang nakuha mo. Bumili ka ng isang villa at ilang mga kotse, at di ba narinig ko rin na kumuha kayo ng mga bodyguard? Sa kalkulasyon ko, wala nang masyadong pera si Fane ngayon, tama? Ilang milyon na lang ang meron siya, ano?" Walang pakialam si Selena at malamig na sumagot, "
Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong
Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T
Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang
Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa
Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan
Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a
Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i
Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,
Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin