Home / Urban / Realistic / Numero Unong Mandirigma / Kabanata 631 - Kabanata 640

Lahat ng Kabanata ng Numero Unong Mandirigma: Kabanata 631 - Kabanata 640

2505 Kabanata

Kabanata 631

"Hindi ko alam na ipapaalam mo sa lahat ang birthday ng asawa mo sa ganitong paraan. Fane, tiyak na matutuwa ang asawa mo sa ganito!" Naiinggit talaga si Yvonne kay Selena. Inaanunsyo na ni Fane ang party matagal pa bago magsimula ang event. Gugustuhin niya rin kung ganito ang gagawin sa kanya ng kanyang nobyo. "Iyon nga lang, masyado itong… nakakatawag ng atensyon, sobra to. Mayroon pang countdown para sa petsa ng pate. Higit pa roon, sabi rito na ikaw ang 'tigapagligtas ng Goddess of War' at ang asawa mo ang 'number one beauty ng Taylor family'..." sabi ni Tanya habang pilit na ngumiti. "Hindi ba masyado naman tong advertisement mo? Sa ganito, alam ng buong lungsod na ikaw ang nagligtas sa buhay ng Goddess of War." Pilit na ngumiti si Fane kahit na nagdidilim ang kanyang ekspresyon. "Hindi ko ginawa ang mga flyers na to. Kahit gusto ko nga na magulat ang buong bayan at isa itong sorpresa para sa kanya, hindi ako ang gumawa ng flyers na to." "Hindi kaya ang pamilya mo ang may
Magbasa pa

Kabanata 632

"Anong ibig sabihin mo sa 'plano'? Alam mo ba kung sino ang may gawa nito?" kaagad na tanong ni Tanya. Lalo na't sabi ng lolo ni Tanya na tulungan niya si Fane sa abot ng kanyang makakaya. Importante ang pagkatao ng taong ito. Pakiramdam niya ay mas lalong nagiging mailap si Fane. Mas lalong gusto niya siyang makilala nang dahil sa misteryosong pakiramdam na ito. Naniniwala siya na basta't sadyain niyang maging malapit kay Fane, malalaman niya rin ang kanyang tunay na pagkatao. Base sa tugon ni Fane sa flyer na ito, mukhang ang publisidad na ito ay isang atake laban sa kanya. Kahit na ganoon, wala pa rin siyang ideya kung paano naging atake ang publisidad na ito. "Hindi ko alam kung sino, pero may hula ako. Hayaan mo na lang, tara na! Oras na para pumasok at magsaya!" Ngumiti si Fane at naglakad papunta sa entrance ng amusement park. Kumunot ang noo ni Tanya habang tinignan ang anyo ni Fane. Nakikita niya na may hula si Fane pero ayaw niyang magsabi. "Pag-usapan ng bu
Magbasa pa

Kabanata 633

Walang magawa ang ibang mga nagpunta sa park kundi tumingin mula sa malayo. Samantala… Isang lalaking hindi malayo sa kanila ang nakarinig sa kanilang usapan. May kasama siyang ilang lalaki at babae. "Hindi ba si Ms. Drake yun?" Alam niya na si Tanya iyon sa sandaling mapansin niya siya at nagulat siya na makita siya rito. "Tsk, tsk! At mukhang hindi lang si Tanya ang nandito. Nandito rin ang magandang si Yvonne at si Ms. Sharon. Tignan ko pa lang sila ay naiinggit na ako." "Talaga? At sino ang lalaking iyon, Young Master Lowe?" Nagtanong ang isa sa mga kasama niya, isang lalaki na nagmula sa isang second-class aristocratic family, nang nakangiti. "Ang swerte niya na makasama sa tatlong magagandang babae." Nagmula si Young Master Lowe sa isang mayamang pamilya. Kahit na ganoon, ang kanyang pamilya ay isa lamang third-class aristocratic family kaya nagawa niya lang na tumingin sa mga kasamang babae ni Fane, kahit na gusto niya ang mga magagandang babae kagaya ni Tanya at Yvonn
Magbasa pa

Kabanata 634

"Paanong nangyari yun? Isa lang siyang bulag," sagot ni Tanya habang tinignan ang bulag na lalaki. "Anong mali sa kanya?" "Oo nga. Nakakalungkot na nabulag siya sa ganitong edad," bulong ni Sharon habang tinignan niya rin ang lalaking iyon. Nakaramdam ng pagod si Fane nang marinig niya ang katwiran ng mga babaeng ito. "Tignan ninyong maigi," udyok ni Fane, "May mali sa tungkod niya. Mag-isip kayo kung bakit lagi siyang nakasunod sa mga babaeng nakasuot ng palda." Si Yvonne ang unang kumibo pagaktapos niyang marinig ang tanong ni Fane at kaagad siyang tumakbo sa bulag na lalaki na may hawak na tungkod. "P*ta! Manyak ang lalaking to," nainis siya, "at palihim siyang kumukuha ng larawan!" Galit si Yvonne sa mga manyak kagaya nito. "Paanong nangyari yun? Ang totoo ay…!" Nagalit si si Sharon nang magtanto niya kung anong nangyayari. Sumunod kay Yvonne sina Sharon, Fane, at Tanya. So Yvonne ang unang lumapit sa lalaki at tinulak niya siya sa lapag nang malakas. "Manyak ka!" "Aray
Magbasa pa

Kabanata 635

Sumingit sa gitna ng mga tao si Tanya habang sumigaw siya para depensahan ang kanyang pinsan na si Yvonne. "Tama. Nakita namin ang lahat gamit ng mga mata namin. Wala siyang makukuha sa pagiging mabuti niya sa inyo." Lumapit rin si Sharon. "Paano ninyo nasasabing nananakit siya ng isang bulag ngayong tinutulungan niya talaga kayo?!" Doon ay tinitigan nang maigi ng isang lalaki si Sharon bago nagsabing, "Uy, hindi ba siya ang eldest young miss ng George family? Narinig ko na naging isa siyang magandang babae. Hindi ko siya makikilala kung hindi ko narinig ang boses niya. Ang ganda niya talaga!" "Kung ganon, ang magandang dalaga na to ay si Ms. Tanya, tama ba?" sabi ng isa pang lalaki."Nagtataka ako kung bakit pamilyar siya… Siya nga si Ms. Tanya!" Namukhaan na rin ng ibang tao si Tanya kaya nagsimula silang magpalitan ng komento tungkol sa kanya. Hindi nila alam na makakasalubong ng isang napakaimportanteng tao. "Naniniwala ako sa sinasabi ni Ms. Tanya. Si Ms. Tanya ay isang m
Magbasa pa

Kabanata 636

Ngumiti nang walang pakialam si Fane nang makita niya kung paano kumibo ang bulag na lalaki. Direkta siyang sumuntok patungo sa ilong ng lalaki. Pero, napakabagal ng suntok ni Fane ngayon. "Anong ginagawa mo?" Kaagad na nasalo ng lalaking umaalalay sa bulag na lalaki ang braso ni Fane. "Di mo lang ninakawan ang isang bulag na lalaki, gusto mo pa siyang bugbugin? Di makatarungan ang ginagawa mong ito! Napakasam mo!" "Haha, kung tama ang hula ko, mukhang kayong tatlo ay kasabwat niya! Tama ba ako?!" Tumawa si Fane. Bahagya niyang ihinawi ang kanyang kamay at inalis ang kamay nito. Tinignan niya ang mga ito nang masama. "Sige lang, ipagpatuloy niyo lang yung pag-arte niyo!" Kaagad na naglakad paharap ang dalawang lalaki. "Bata, sumosobra ka na. Anong kalokohan ang sinasabi mo? Para sa amin, isa ka lang baliw. Anong sinasabi mong magkasabwat kami? Di mahalaga ang inapi mo ang isang bulag na lalaki, ang kapal naman ng mukha mong sirain din ang pangalan namin?" "Tama yan, bugbugi
Magbasa pa

Kabanata 637

"Para saan ang mga larawang ito?" Walang bahalang ngumiti si Fane at nagpatuloy na nagtanong. "Di mo naman siguro ito titignan nang mag-isa diba?" Tinignan ng lalaki ang iba na ginamit ang kanilang lakas para bumangon mula sa sahig bago tumango. "Oo, ito ay para tignan naming apat. Interesado kami!" "Interesado?" Naging malupit ang mukha ni Fane at mas diniinan niya ang hita nito. "Ah!" Kaagad na sumigaw nang malakas ang lalaki. Lumobo ang mga ugat sa noo niya sa sobrang sakit. Krak! Narinig nang malakas ang tunog ng nababaling buto. "Diyos ko, sobrang lakas!" "Oo, ang bodyguard ng Drake family na ito ay hindi isang simpleng tao. Nakakatakot na kaya niyang baliin ang binti ng lalaking ito sa isang apak lang!" "Haha, ang galitin ang mga tao mula sa Drake family ay pagpapakamatay. Kapag gustong pumatay ng isang miyembro ng Drake family, di ito iba sa pagpatay ng isang langgam!" Sinimulang pag-usapan ng mga tao sa paligid ang nangyari. "Ms. Tanya, Ms. Sharon, at ang ma
Magbasa pa

Kabanata 638

"Haha, natatakot ka na ba? Maaaring takot ang ibang walang kwentang mga pamilya sa Drake family mo pero di takot sa'yo ang mga tao sa Kingston Hall!" Nagsimulang tumawa nang malakas ang lalaki nang makita nito ang nagdidilim na mukha ni Tanya. "Malakas ba ang Kingston Hall? Mas malakas sa pamilya mo?" Sumimangot si Fane at nagmukhang seryoso. Alam na alam niyang walang kinatatakutan si Tanya at mahilig na gumawa ng kasiyahan para sa iba. Hindi niya pa ito nakikitang takot. Pero natatakot si Tanya sa nangyayari ngayon. Nagtaka siya dito. Hindi kaya ang mga nakatagong makapangyarihan na ito ay mas malakas sa Drake family? Tinignan ni Tanya si Fane at nagpaliwanag nang marahan. "Ang Kingston Hall na ito ay maraming mga tigasunod at tinuturing na isa sa mga pinakamakapangyarihan sa Middle Province. Bukod pa rito, marami silang magagaling na mga martial artist. Ang lakas nila ay kayang tumapat sa aming Drake family. Kapag nagsimula tayo ng away sa kanila, di natin alam kung sinong
Magbasa pa

Kabanata 639

"Green Sky Hall?" Pinag-isipan ito ni Fane at sinabi, "Sige, pwede muna kayong umuwi. Umuwi kayo at sabihin niyo sa mga tao sa Green Sky Hall na pupunta ako doon bukas. Ngayon, kailangan nating aaikasuhin ang bagay na ito at magkaroon ng isang magandang rason. Kung hindi, di niyo ako masisisi sa gagawin ko!" "Sige bata, ikaw ang nagsabi niyan. Bukas, pumunta ka nang mag-isa sa aming Green Sky Hall at hihintayin ka namin doon!" Napanatag ang loob ng lalaki. Kahit paano, makakaalis na sila ng mga kaibigan niya. Sa kanyang paningin, gustong makatakas ni Fane nang sinabi niyang pupunta siya mag-isa sa Green Sky Hall para gumawa ng gulo. Tantya niya na hindi magtatapang si Fane na pumunta sa Green Sky Hall bukas. Atsaka, kapag talagang hinamon niya ang Green Sky Hall, ibig-sabihin nito na hinahamon niya ang Kingston Hall. Kahit anong sinabi ni Fane at para mailusot ang kanyang sarili para si Tanya, na mahilig sumugod, ay di mapapahiya. Matapos niyang sabihin ito, dinampot ng tatlong
Magbasa pa

Kabanata 640

"Talagang natatangi ang lalaking ito. Nag-aalala ako sa kanya pero parang wala lang nangyari!" Itinikom ni Sharon ang kanyang bibig at pumila. "Fane, lumapit ka rin dito!" Tumakbo si Tanya sa likuran ni Fane at itinulak siya palapit nang makita nitong hindi sila nito sinamahan sa pila. "Uh, ayos lang, mauna na kayo at maglaro. Pakiramdam ko isa lang itong larong pambata at napakapambata nito!" Ngumiti si Fane nang nanlulumo at walang magawa. "Hoy, sinasabi mo bang isip-bata kami?" Lumingon si Yvonne at inirapan si Fane. "Wala akong pake. Dahil nandito na tayo ngayon, dapat samahan mo kami at laruin ang lahat ng ito." "Tama! Ipaparanas namin sa'yo ang maging bata kahit isang araw lang!" Kaagad din na sinabi ni Tanya. "Fane, mula sa tono mo. Di kaya hindi ka pa nakakapunta ng amusement park?" Naisip ni Sharon at di niya mapigilang itanong. Ngumiti nang mapait at medyo nalulungkot si Fane. "Oo, gusto kong pumunta sa lugar na ito mula pa noong bata ako. Kaso mahirap ang pamilya
Magbasa pa
PREV
1
...
6263646566
...
251
DMCA.com Protection Status