Home / Urban / Realistic / Numero Unong Mandirigma / Chapter 621 - Chapter 630

All Chapters of Numero Unong Mandirigma: Chapter 621 - Chapter 630

2505 Chapters

Kabanata 621

"Wag kang mag-alala; manatili ka lang sa tabi ko sa mga susunod na ilang araw. Kusa silang sumali sa nangyari kahapon kaya hindi nila maipapaliwanag ang kanilang ginawa kapag pinatay ka nila." Mapait na ngumiti si Ivan. "Buti na lang at hindi alam ni Fane na pinainom mo siya ng lason. Kung nalaman niya ang tungkol dito, hindi siya sana nag-isip ng iba pang mga bagay." "Ano? Ininom ni Fane… ang lason?" Isang bugso ng saya ang kumalat sa buong katawan ni Ken nang marinig niya ang impormasyong ito. Lalo na at naniniwala siya na siya ang makakakuha kay Selena sa sandaling mawala si Fane. Matagal na niyang hinihintay ang araw na ito. Noong una ay nag-aalala siya na baka pumalpak si Xena dahil matalino si Fane at kaya niyang malaman kung anong pinaplano ni Xena. Hindi niya naisip na magtatagumpay si Xena na painumin ng lason si Fane nang hindi nahuhuli. "Oo! Ano sa tingin mo, Young Master Clark? Maaasahan ba ako?" Nakita ni Xena kung paano nagliwanag ang ekspresyon ni Ken pagkatapos
Read more

Kabanata 622

"Simple lang yon. Kailangan lang ni Young Master Clark na bisitahin ang Xenos family at sabihin sa kanila kung paano pinatay ni Fane ang kanilang young master. Sa ganoong paraan, malalaman ng Xenos family kung sino ang pumatay sa kanya," sabi ni Ivan. "Napakalakas nga ni Fane sa pakikipaglaban, pero ngayon na nalason siya, pwede mong sabihan ang Xenos family na kumilos pagkatapos ng ilang araw. Sa ganoong paraan, mas lalong tataas ang tyansa bilang magtagumpay," pagpaplano ni Ivan nang may simpleng ngiti sa kanyang mukha. "Syempre, ito lang ay kung nagmamadali ka na makita si Fane na mamatay sa lalong madaling panahon. Kung hindi, pwede kang maghintay at tignan kung paano siya magdudusa sa lason." Huminto sandali si Ivan bago nagdagdag, "Hindi talaga ako nagmamadali. Nasa pamumuno ko ang buong negosyo ng Taylor family, at mas kailangan ako ngayon ng kumpanya!" "Sige, maggagabi na. Tawagan ko lang si Neil at sasabihin ko to sa kanya," sabi ni Ken. "Isa talaga tong magandang usapan
Read more

Kabanata 623

"Ininom talaga ni Fane ang lason?" Hindi makapaniwala si Neil habang dahan-dahan siyang ngumiti. "P*ta! Magandang balita nga yan! Nalason siya! Malakas ang lason na to at kaya nitong pahinain ng tuloy-tuloy ang katawan niya nang hindi niya nalalaman. Mamamatay siya pagaktapos ng isang buwan…! Haha!""Oh ano? Hindi ka lugi kung ikaw ang magbabayad para sa balitang to, di ba?" sabi ni Ken habang hindi nawala ang ngiti sa kanyang mukha. "Syempre hindi to ganoon kalaki. Ako ang magbabayad! P*ta… mamamatay na si Fane. Kakampi ko ngayon ang mga diyos!" Masayang tawa ni Neil. Isang plano ang nagsimulang mabuo sa utak ni Neil. Kapag wala na si Fane, iimbitahan niya si Ken na lumabas at papatayin siya. Lalo na't matagal nang magkakilala sina Ken at Selena at dati itong may magandang relasyon kay Selena. Gwapo at kaakit-akit si Neil pero wala siyang malalim na relasyon kay Selena kumpara kay Ken. Hindi hadlang para sa kanya si Michael; ang isang matabang baboy na kagaya niya ay hindi ma
Read more

Kabanata 624

Ilang mga kotse ang umandar papunta sa Sky Dragon City kinabukasan. Medyo malayo ang Sky Dragon City mula sa Middle Province; inabot sila ng dalawa hanggang tatlong oras para makarating roon sakay ng kotse. Nakarating rin sina Neil at Ken sa probinsya ng Sky Dragon City bandang alas dose ng tanghali. Mas malaki nga ng dalawa o tatlong beses ang Sky Dragon City kumpara sa Middle Province. Maraming malalakas pero marahas na mga tao ang nasa lungsod na ito kaya siniguro nina Neil at ng iba pa na magtino habang naglalakad sila sa banyagang lungsod. Nakahanap muna sila ng isang restaurant at kumain ng simpleng tanghalian bago sila nagtanong-tanong kung nasaan ang Xenos family. "Ano? Dalawa ang Xenos family rito? Ang isa ay malaki at ang isa ay mahina?" Nabigla si Ken sa impormasyon na natanggap niya mula sa isang tao sa daan na kanilang tinanong. Mapait na ngumiti ang taong iyon. "Oo, Sir. Dati dalawa ang Xenos family rito, pero ngayon iisa na lang ang natira. May umubos sa mas
Read more

Kabanata 625

Nanahimik si Ken ng ilang segundo bago siya naglabas ng ilang daan at inabot ito sa lalaki. "Salamat sa oras mo, Brother. Para sa'yo to, pambili mo ng sigarilyo." "Wow, salamat! Salamat, Young Master!" Sa sobrang tuwa, nagpapasalamat na tinanggap ng lalaki ang pera at naglakad papalayo. "Young Master Clark, bakit di ko maintindihan ang mga nangyayari?" Tinignan ni Neil si Ken na nasa kanyang harapan at nagtanong, "Ano nang gagawin natin ngayon?" Bumuntong hininga si Ken. "Anong magagawa natin? Patay na ang lahat ng tao sa Xenos family kaya babalik na lang tayo sa Middle Province. Swinerte si Fane ngayon; nakailag siya sa problema. Kahit na ganoon, hindi nito mababago ang katotohanan na nalason pa rin siya. Haha! Wala rin sa'tin ang antidote at huli na ang lahat sa sandaling mapansin niya na mayroong mali sa katawan niya." "Oo. Mukhang ginalit ng young master ng Xenos family ang isang King of War. Sobra siguro siyang nagalit para atakihin ang Xenos family," sabi ni Neil. "Ang ba
Read more

Kabanata 626

Sa sumunod na araw… Kakatapos lang kumain nina Fane at Selena ng agahan nang lumapit sa kanila si Ben. Tahimik na nakatayo si Ben sa harapan nila nang nakayuko––sa loob ng mahabang oras––bago siya bumulong, "Brother-in-law, Ate, may sasabihin ako sa inyo. Pwede ba tayong mag-usap sa labas?" Nagkatinginan sina Fane at Selena at napaisip kung gumanda na ba ang pakiramdam ni Ben. Tumango sila at naglakad palabas kasama ni Ben. Paglabas nila sa bakuran ay nagsalita si Ben, "Balak kong maghanap ng trabaho pero hindi ako nakapag-aral sa mataas na antas kaya hindi ko alam kung anong magagawa ko. Balak kong magbukas ng isang shop pero wala akong pera." Huminto si Ben sandali bago itinaas ang kanyang mukha at nagsabing, "Isa akong lalaki, hindi isang talunan sa mata ng iba. Gusto kong magbago. Napagtanto ko ngayon na isa akong g*go na walang alam gawin kundi magloko at hindi pahalagahan ang mayroon ako. Noong naghirap ang pamilya namin at namulot ng basura ang ate ko para kumita ng pe
Read more

Kabanata 627

Ahem, ahem! Sister Orchid, dalawang beses mong sinabi…" Pinigilan ni Elaine ang kanyang ngiti bago naglakad papunta kay Fane. Nahiya si Orchid. Si Elaine ang unang nagsabi! "Master, anong maipaglilingkod namin para sa'yo? Magshoshopping ba kayo kasama ng iyong lady? Kailangan mo ba ng aming proteksyon?" sabi ni Elaine sa sandaling tumayo siya kanyang harapan. "May gagawin ang brother-in-law ko sa labas. Kayong dalawa, sundan niyo siya at protektahan," ang hindi inaasahang utos ni Fane. Nagulat si Ben nang marinig niya ito. "Hindi, hindi, sa tingin ko hindi na kailangan ng ganto. Lalaki ako. Bakit kailangan kong maprotektahan? Normal lang para kay Mama at Ate na magdala ng dalawang bodyguards kapag lalabas sila, pero bakit kailangan kong magsama ng bodyguards? Kakaiba naman yun!" "Hoy, tignan mo ang sarili mo! May pasa ka sa noo at halatang mula ito sa suntukan. Paano mo nasabing hindi mo kailangang maprotektahan dahil lalaki ka? Sa tingin ko ikaw ang pinakakailangang protekt
Read more

Kabanata 628

Nabigla si Ben sa malakas na alok ng babae at mayroon siyang pilit na ngiti sa kanyang mukha. "Wag na lang," pagtanggi niya. "Kahit na gusto kong maghiganti, dapat ako ang gagawa nun." "Sige pala. Hindi ko alam na may buto ka pa pala!" Pagkatapos ay pinag-isipan ito ni Elaine at nag-alok, "Kung ganon, pwede kitang tulungan na lumakas tuwing wala kang ginagawa. Parang sasanayin na rin kita at palalakasin. Ano sa tingin mo?" Sandaling nanahimik si Ben bago siya tumango bilang pagsang-ayon. "Sige, tatratuhin ko to bilang pampataas ng physical fitness ko!" Sa kanilang bahay, naglakad sina Andrew at Fiona papunta kina Selena at Fane. "Selena, saan nagpunta ang kapatid mo? Sumama ba talaga si Xena kay Ivan? Hindi kami makatulog kagabi dahil dito. Natatakot kami na baka mawala sa sarili ang kapatid mo at gumawa ng masamang bagay!" Kumunot ang noo ni Fiona at bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha. "Base sa napansin ko, hindi man lang siya kumain ng agahan." "Wag kang mag-alala, Mama,
Read more

Kabanata 629

"Fane, sa wakas nandito ka na. Namiss kita sobra!" Kaagad na tumakbo si Sharon papunta kay Fane at niyakap ang kanyang braso at inalog ito. Kaagad na nakaramdam ng mali si Fane. Halos himatayin si Fane nang lumingon siya sa gilid. Bakit nakasuot nang malalim na V-neck dress si Sharon nang walang dahilan?! Malinaw na sinusubukan niya siyang akitin. Ang punto rito, sinasadya itong gawin ng babaeng ito. Dinikit niya ang kanyang sarili sa kanyang braso at kiniskis ang kanyang sarili sa kanya. Hindi mapipigilan ng ibang lalaki ang kanilang sarili sa ganito. "Talaga? Bakit mo ko na-miss?" Naiilang na ngumiti si Fane habang sinubukan niya siyang itulak palayo nang malumanay. Pagkatapos ay umatras siya at tiniyak na mayroong distansya sa pagitan nilang dalawa. "Kailangan ko ba ng dahilan para ma-miss kita?" Namula ang mga pisngi ni Sharon. Ang totoo ay ideya ito ni Yvonne; alam niya na walang lalaki ang may ayaw sa ganito. Dahil sinabi ni Sharon ang kanyang nararamdaman para kay Fa
Read more

Kabanata 630

"Oo, Tanya. Totoo ang sinabi mo. Pakiramdam ko ang charming niya at matipuno. Hindi ako magkakagusto sa kanya sa isang tingin kung hindi!" Nagulat sila na lumapit pa rin si Sharon kay Fane––kahit na sinubukan niyang lumayo sa kanya––at tinignan siya na para bang nababaliw na tigahanga. Pakiramdam ni Fane ay unti-unti na siyang nababaliw. "Ms. Sharon, isa kang babae. Kailangan mong maging mahinhin!" Bahay ito ni Tanya kaya payo lang ang maibibigay niya imbis na palayasin siya. Ngunit parang mahirap para sa kanya na baguhin ang kanyang isipan sa maikling panahon nang makita niya ang kanyang mga paraan. "Talaga?" kumunot ang noo ni Sharon. "Kailangan mo ba talagang maging mahinhin? Pero di ba sabi ni Sister Yvonne gusto raw ng mga lalaki ang mga babaeng kusang lumalapit? Sinabi pa niya sa'kin na mahirap para sa mga lalaki na manligaw ng babae, pero mas madali kapag babae ang nanligaw sa lalaki!" Biglang nagdilim ang mukha ni Fane. "Ang tuso mo naman, Yvonne Drake. Tinuruan mo pa a
Read more
PREV
1
...
6162636465
...
251
DMCA.com Protection Status