Share

Kabanata 621

Author: Moneto
"Wag kang mag-alala; manatili ka lang sa tabi ko sa mga susunod na ilang araw. Kusa silang sumali sa nangyari kahapon kaya hindi nila maipapaliwanag ang kanilang ginawa kapag pinatay ka nila." Mapait na ngumiti si Ivan. "Buti na lang at hindi alam ni Fane na pinainom mo siya ng lason. Kung nalaman niya ang tungkol dito, hindi siya sana nag-isip ng iba pang mga bagay."

"Ano? Ininom ni Fane… ang lason?" Isang bugso ng saya ang kumalat sa buong katawan ni Ken nang marinig niya ang impormasyong ito.

Lalo na at naniniwala siya na siya ang makakakuha kay Selena sa sandaling mawala si Fane. Matagal na niyang hinihintay ang araw na ito.

Noong una ay nag-aalala siya na baka pumalpak si Xena dahil matalino si Fane at kaya niyang malaman kung anong pinaplano ni Xena. Hindi niya naisip na magtatagumpay si Xena na painumin ng lason si Fane nang hindi nahuhuli.

"Oo! Ano sa tingin mo, Young Master Clark? Maaasahan ba ako?" Nakita ni Xena kung paano nagliwanag ang ekspresyon ni Ken pagkatapos
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Margie Manglicmot
hahahhaa Yan Ang akala niyo mga bugok ilang chapter namn Po otor bago darating Ang kaarawan n Selena haay
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 622

    "Simple lang yon. Kailangan lang ni Young Master Clark na bisitahin ang Xenos family at sabihin sa kanila kung paano pinatay ni Fane ang kanilang young master. Sa ganoong paraan, malalaman ng Xenos family kung sino ang pumatay sa kanya," sabi ni Ivan. "Napakalakas nga ni Fane sa pakikipaglaban, pero ngayon na nalason siya, pwede mong sabihan ang Xenos family na kumilos pagkatapos ng ilang araw. Sa ganoong paraan, mas lalong tataas ang tyansa bilang magtagumpay," pagpaplano ni Ivan nang may simpleng ngiti sa kanyang mukha. "Syempre, ito lang ay kung nagmamadali ka na makita si Fane na mamatay sa lalong madaling panahon. Kung hindi, pwede kang maghintay at tignan kung paano siya magdudusa sa lason." Huminto sandali si Ivan bago nagdagdag, "Hindi talaga ako nagmamadali. Nasa pamumuno ko ang buong negosyo ng Taylor family, at mas kailangan ako ngayon ng kumpanya!" "Sige, maggagabi na. Tawagan ko lang si Neil at sasabihin ko to sa kanya," sabi ni Ken. "Isa talaga tong magandang usapan

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 623

    "Ininom talaga ni Fane ang lason?" Hindi makapaniwala si Neil habang dahan-dahan siyang ngumiti. "P*ta! Magandang balita nga yan! Nalason siya! Malakas ang lason na to at kaya nitong pahinain ng tuloy-tuloy ang katawan niya nang hindi niya nalalaman. Mamamatay siya pagaktapos ng isang buwan…! Haha!""Oh ano? Hindi ka lugi kung ikaw ang magbabayad para sa balitang to, di ba?" sabi ni Ken habang hindi nawala ang ngiti sa kanyang mukha. "Syempre hindi to ganoon kalaki. Ako ang magbabayad! P*ta… mamamatay na si Fane. Kakampi ko ngayon ang mga diyos!" Masayang tawa ni Neil. Isang plano ang nagsimulang mabuo sa utak ni Neil. Kapag wala na si Fane, iimbitahan niya si Ken na lumabas at papatayin siya. Lalo na't matagal nang magkakilala sina Ken at Selena at dati itong may magandang relasyon kay Selena. Gwapo at kaakit-akit si Neil pero wala siyang malalim na relasyon kay Selena kumpara kay Ken. Hindi hadlang para sa kanya si Michael; ang isang matabang baboy na kagaya niya ay hindi ma

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 624

    Ilang mga kotse ang umandar papunta sa Sky Dragon City kinabukasan. Medyo malayo ang Sky Dragon City mula sa Middle Province; inabot sila ng dalawa hanggang tatlong oras para makarating roon sakay ng kotse. Nakarating rin sina Neil at Ken sa probinsya ng Sky Dragon City bandang alas dose ng tanghali. Mas malaki nga ng dalawa o tatlong beses ang Sky Dragon City kumpara sa Middle Province. Maraming malalakas pero marahas na mga tao ang nasa lungsod na ito kaya siniguro nina Neil at ng iba pa na magtino habang naglalakad sila sa banyagang lungsod. Nakahanap muna sila ng isang restaurant at kumain ng simpleng tanghalian bago sila nagtanong-tanong kung nasaan ang Xenos family. "Ano? Dalawa ang Xenos family rito? Ang isa ay malaki at ang isa ay mahina?" Nabigla si Ken sa impormasyon na natanggap niya mula sa isang tao sa daan na kanilang tinanong. Mapait na ngumiti ang taong iyon. "Oo, Sir. Dati dalawa ang Xenos family rito, pero ngayon iisa na lang ang natira. May umubos sa mas

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 625

    Nanahimik si Ken ng ilang segundo bago siya naglabas ng ilang daan at inabot ito sa lalaki. "Salamat sa oras mo, Brother. Para sa'yo to, pambili mo ng sigarilyo." "Wow, salamat! Salamat, Young Master!" Sa sobrang tuwa, nagpapasalamat na tinanggap ng lalaki ang pera at naglakad papalayo. "Young Master Clark, bakit di ko maintindihan ang mga nangyayari?" Tinignan ni Neil si Ken na nasa kanyang harapan at nagtanong, "Ano nang gagawin natin ngayon?" Bumuntong hininga si Ken. "Anong magagawa natin? Patay na ang lahat ng tao sa Xenos family kaya babalik na lang tayo sa Middle Province. Swinerte si Fane ngayon; nakailag siya sa problema. Kahit na ganoon, hindi nito mababago ang katotohanan na nalason pa rin siya. Haha! Wala rin sa'tin ang antidote at huli na ang lahat sa sandaling mapansin niya na mayroong mali sa katawan niya." "Oo. Mukhang ginalit ng young master ng Xenos family ang isang King of War. Sobra siguro siyang nagalit para atakihin ang Xenos family," sabi ni Neil. "Ang ba

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 626

    Sa sumunod na araw… Kakatapos lang kumain nina Fane at Selena ng agahan nang lumapit sa kanila si Ben. Tahimik na nakatayo si Ben sa harapan nila nang nakayuko––sa loob ng mahabang oras––bago siya bumulong, "Brother-in-law, Ate, may sasabihin ako sa inyo. Pwede ba tayong mag-usap sa labas?" Nagkatinginan sina Fane at Selena at napaisip kung gumanda na ba ang pakiramdam ni Ben. Tumango sila at naglakad palabas kasama ni Ben. Paglabas nila sa bakuran ay nagsalita si Ben, "Balak kong maghanap ng trabaho pero hindi ako nakapag-aral sa mataas na antas kaya hindi ko alam kung anong magagawa ko. Balak kong magbukas ng isang shop pero wala akong pera." Huminto si Ben sandali bago itinaas ang kanyang mukha at nagsabing, "Isa akong lalaki, hindi isang talunan sa mata ng iba. Gusto kong magbago. Napagtanto ko ngayon na isa akong g*go na walang alam gawin kundi magloko at hindi pahalagahan ang mayroon ako. Noong naghirap ang pamilya namin at namulot ng basura ang ate ko para kumita ng pe

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 627

    Ahem, ahem! Sister Orchid, dalawang beses mong sinabi…" Pinigilan ni Elaine ang kanyang ngiti bago naglakad papunta kay Fane. Nahiya si Orchid. Si Elaine ang unang nagsabi! "Master, anong maipaglilingkod namin para sa'yo? Magshoshopping ba kayo kasama ng iyong lady? Kailangan mo ba ng aming proteksyon?" sabi ni Elaine sa sandaling tumayo siya kanyang harapan. "May gagawin ang brother-in-law ko sa labas. Kayong dalawa, sundan niyo siya at protektahan," ang hindi inaasahang utos ni Fane. Nagulat si Ben nang marinig niya ito. "Hindi, hindi, sa tingin ko hindi na kailangan ng ganto. Lalaki ako. Bakit kailangan kong maprotektahan? Normal lang para kay Mama at Ate na magdala ng dalawang bodyguards kapag lalabas sila, pero bakit kailangan kong magsama ng bodyguards? Kakaiba naman yun!" "Hoy, tignan mo ang sarili mo! May pasa ka sa noo at halatang mula ito sa suntukan. Paano mo nasabing hindi mo kailangang maprotektahan dahil lalaki ka? Sa tingin ko ikaw ang pinakakailangang protekt

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 628

    Nabigla si Ben sa malakas na alok ng babae at mayroon siyang pilit na ngiti sa kanyang mukha. "Wag na lang," pagtanggi niya. "Kahit na gusto kong maghiganti, dapat ako ang gagawa nun." "Sige pala. Hindi ko alam na may buto ka pa pala!" Pagkatapos ay pinag-isipan ito ni Elaine at nag-alok, "Kung ganon, pwede kitang tulungan na lumakas tuwing wala kang ginagawa. Parang sasanayin na rin kita at palalakasin. Ano sa tingin mo?" Sandaling nanahimik si Ben bago siya tumango bilang pagsang-ayon. "Sige, tatratuhin ko to bilang pampataas ng physical fitness ko!" Sa kanilang bahay, naglakad sina Andrew at Fiona papunta kina Selena at Fane. "Selena, saan nagpunta ang kapatid mo? Sumama ba talaga si Xena kay Ivan? Hindi kami makatulog kagabi dahil dito. Natatakot kami na baka mawala sa sarili ang kapatid mo at gumawa ng masamang bagay!" Kumunot ang noo ni Fiona at bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha. "Base sa napansin ko, hindi man lang siya kumain ng agahan." "Wag kang mag-alala, Mama,

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 629

    "Fane, sa wakas nandito ka na. Namiss kita sobra!" Kaagad na tumakbo si Sharon papunta kay Fane at niyakap ang kanyang braso at inalog ito. Kaagad na nakaramdam ng mali si Fane. Halos himatayin si Fane nang lumingon siya sa gilid. Bakit nakasuot nang malalim na V-neck dress si Sharon nang walang dahilan?! Malinaw na sinusubukan niya siyang akitin. Ang punto rito, sinasadya itong gawin ng babaeng ito. Dinikit niya ang kanyang sarili sa kanyang braso at kiniskis ang kanyang sarili sa kanya. Hindi mapipigilan ng ibang lalaki ang kanilang sarili sa ganito. "Talaga? Bakit mo ko na-miss?" Naiilang na ngumiti si Fane habang sinubukan niya siyang itulak palayo nang malumanay. Pagkatapos ay umatras siya at tiniyak na mayroong distansya sa pagitan nilang dalawa. "Kailangan ko ba ng dahilan para ma-miss kita?" Namula ang mga pisngi ni Sharon. Ang totoo ay ideya ito ni Yvonne; alam niya na walang lalaki ang may ayaw sa ganito. Dahil sinabi ni Sharon ang kanyang nararamdaman para kay Fa

Pinakabagong kabanata

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2505

    Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2504

    Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2503

    Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2502

    Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2501

    Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2500

    Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2499

    Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2498

    Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2497

    Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status