/ Urban / Numero Unong Mandirigma / 챕터 411 - 챕터 420

Numero Unong Mandirigma의 모든 챕터: 챕터 411 - 챕터 420

2505 챕터

Kabanata 411

Mapait na ngumiti si Fane nang mapansin niya ang shades sa mga mukha nila. "Ano bang alam mo? Gusto naming hindi mapansin, lalo na at ang aming pinakamamahal at dakilang second daughter ng Master Drake, si Ms. Tanya, ay napakadaling makilala ng mga tao kapag lumabas kami!" Sambit ni Yvonne. "Wag kayong mag-aalala! Kahit na makilala pa kayo, ligtas kayo sa'kin!" Tinanggal ni Fane ang mga shades na nakasabit sa kanilang mga mukha. "Mas maganda kayong tingnan ngayon!" Papuri ni Fane. Biglang namula ang mga pisngi nila bang marinig nila ang papuri na binigay sa kanila. "Hmph! Akala ko pa naman hindi mo alam kung paano pahalagahan ang ganda namin!" Hindi masyadong naniwala si Yvonne nang bumalik ang kanyang alaala sa araw na sinabihan siya ni Fane na hindi raw siya kasing ganda ng asawa nito. "Tao rin ako. Natural lang na alam ko kung paano pahalagahan ang mga magagandang bagay!" Pilit na ngumiti si Fane at nagpatuloy, "Tara na! Saan ba tayo pupunta para maghapuna
더 보기

Kabanata 412

"Oh! Ang dalawang magaganda, ang tagal niyo nang hindi bumibisita sa stall ko! Mabuti at nagpunta kayo rito!" Lumapit ang nakakalbong may-ari ng stall kina Tanya at Yvonne nang may malaking ngiti sa sandaling nakita niya sila mula sa malayo. Mukhang masayahin ang may-ari nito! "Halika, banda rito, bakante ang sulok ng compartment; yan ang paborito ninyong pwesto!" Tumawa ang may-ari habang hinimas ang kanyang anit. Ngunit, bahagyang nagbago ang kanyang mukha nang mapansin niya ang presensya ni Fane. "Uy, munting ganda, boyfriend mo ba ang lalaking to? Gwapo siya at lalaking-lalaki." Tanong niya. "Oh, tignan niyo ang tayo niya, matikas at matibay! Mukhang naging sundalo ang binatang to noon, tama ba?" Pagpapatuloy niya. Mayaman ang munting ganda na ito base sa alaalang nakaimbak sa kanyang utak. Kahit na hindi siya malapit sa dalawang magagandang babae na ito, dati silang pumupunta rito para maghapunan kasama ng pito hanggang walong bodyguard sa kanilang tabi. Hihintayin sila
더 보기

Kabanata 413

Ngumiti ang mga labi ni Tanya. Ang kanyang ngiti ay maganda at kaaya-aya! Simula nang dumating ang dalawang magagandang babae, hindi mapigilan ng mga customer sa ibang mesa na sumilip sa gilid. Ang iba sa kanila ay nainggit kay Fane na nagkaroon ng pagkakataon na uminom kasama ng dalawang kaakit-akit na mga babae. Magiging isang magandang karanasan sa buhay na makainuman ang dalawang magagandang babae! Maliban roon, kapag nalasing ang dalawang babae, baka may tyansa pa si Fane na… Sapat na ang isipin nila ito masabik at sumigaw ang kanilang mga katawan! Pagkatapos ng ilang sandali, nagdala ang may-ari ng isang malaking mangkok ng crayfish at kuhol at nag-utos sa dalawang waiter na pagsilbihan sila sa buong gabi. Nagdala rin sila ng siyam na baso ng malamig na beer! Hindi mga ordinaryong baso ang mga baso ng beer na ito. Mas malaki ang mga ito at kayang punuan ng halos dalawa at kalahating bote ng beer. Malakas na ang isang tao kung mauubos nila ang isang baso!" "Tara, Gwapong
더 보기

Kabanata 414

"Wag kang mag-alala. May tiwala ako sa sarili ko! Hindi pa pinapanganak ang taong kaya akong lasingin!" Sumagot si Fane nang may malumanay na ngiti sa kanyang mukha. "Sige pala. Mauna na kayong uminom. Tatawagan ko sina Harvey at ang iba pa para sunduin tayo kapag nalasing ka. Kahit na hindi ito ganun kalayo, mas maganda nang mag-ingat!" Mapait na bumuntong hininga si Tanya pagkatapos niyang sabihin ang kanyang nararamdaman sa sitwasyon. "Tara, magtoast tayo! At Tanya, ikaw ang bahala kung anong gusto mong kunin!" Clink!Tinaas ni Yvonne ang baso ng beer at dinampi ito sa baso ni Fane habang bahagyang nakangiti. Pagkatapos nito, naglabas siya ng apat na raan at nagsabi sa dalawang waiter sa tabi ng kanilang mesa, "Tara rito, ito ang mga tip sa inyong dalawa, tig-dalawang daan bawat isa sa inyong dalawa! Pero tiyakin ninyo na puno ang baso ng beer namin, kailangan nito tong punuin kaagad pagkatapos ko tong ubusin, okay?" Hindi inaasahan ng dalawang waiter na napakagalante
더 보기

Kabanata 415

"Haha! Kung hindi ka talaga makapaghintay na malasing, hindi kita mapipigilan!" "Hindi sana kita gustong nalasing noong una, pero dahil sa tingin mo wala akong kwenta na hindi kayang uminom, ipapakita ko sa'yo kung gaano ako kagaling!" Nahihirapan si Fane na pigilan ang kanyang tawa. Kumuha siya ng isa pa at uminom ulit. Sa pagkakataong ito, nilunok niya ito nang mas mabilis sa kabila. Sa loob ng sampung segundo ay naiwang walang laman ang baso. "Humph!" Malamig na suminghal si Yvonne. Hingi pa rin niya nakakalimutan ang araw na nakasalubong niya si Fane habang siya ay… Nakatanim sa kanyang puso ang insidente noong araw na iyon. Dahil kampante ang lalaking ito ngayon, nasa kanya ang responsibilidad na tuluyan siyang lasingin! Suminghal siyang muli paloob. Humph! Mabilis na kumuha si Yvonne ng isa pang baso at tinungga ito!Nagsalitan ang dalawa sa pagtungga ng beer. Sa isang kurap, ang bawat isa sa kanila ay nakainom na ng lima o anim na baso. "Diyos ko… ang galing nun!
더 보기

Kabanata 416

"Kaya… Kaya ko pang uminom!" Dumighay si Yvonne. Namumula ang kanyang pisngi at malabo ang kanyang pananalita. Ang bawat isa sa kanila ay nakainom na ng labingdalawang baso sa puntong ito, at katumbas ito ng tatlompung bote ng beer kada tao! Nanahimik ang mga tao sa takot at kaba. Wala silang masabi sa sitwasyong ito. "Y––Yvonne, ikaw… lasing ka! Wag ka nang uminom. Tignan mo si Fane; hindi pa rin siya lasing. Sumuka ka na, wala lang laban sa kanya!" Malinaw para kay Tanya na hindi na tatagal si Yvonne, pero tinutulak pa rin siya ng kanyang dignidad at katigasan ng ulo. Wala siyang ibang gusto kundi makita si Fane na bumagsak sa lapag sa kanyang harapan. "Hindi ako lasing. Kaya ko pang uminom! Sa tingin ko si Fane ang susuko na, tama ba?" Lasing na tumawa si Yvonne. "Pinepeke niya lang ang kondisyon niya ngayon!" Dumaldal si Yvonne habang nangalumbaba siya. Mukhang babagsak na siya sa kahit na anong oras."Pasensya na po. Pasensya na talaga, hindi ko sinasadya na mahawakan
더 보기

Kabanata 417

"Ikaw… Anong bang problema mo?" Gustong tumayo ni Tanya at ayusin ang bagay na ito. Kinaayawan niya ang pananakit ng mga mahihina, at sinaktan pa ng siga na ito ang isang tao nang hindi man lang nakikipag-usap nang maayos. Pero bago siya makatayo, napansin niya ang mahigpit na mga kamao ni Fane. Hindi niya alam kung bakit pero nakaramdam siya ng tuwa sa kanyang kalooban. Siguro dahil hindi niya inaasahan na may pagkakapareho sila ni Fane––ayaw nila na hindi nananaig ang hustisya. "Beh! Sa tingin mo sapat na ang isang libo?" "Isang libo nga ang halaga ng damit ko, tama ka! Pero paano naman ang danyos sa pananakit mo sa'kin ngayon lang? At saka yung halaga ng pagbawas ng sampung taon ng buhay ko? Na-trauma ako!" Masamang ngumisi si Brother Tempest habang nagpatuloy, "Ayaw kong bayaran mo ang damit ko. Gusto ko yung kapareho ng damit ko! Yung suot ko ngayon bago mo to sinira! Magagawa mo ba yun?" "Ikaw––kayong lahat, sumosobra na kayo! Humingi na kami ng tawad sa'yo. Maliban
더 보기

Kabanata 418

Namutla ang mukha ng delivery man nang marinig niya ang suhestiyon ni Brother Tempest. Napaatras siya ng ilang hakbang at nanigas sa kanyang kinatatayuan. Hindi siya tanga; alam niya kung anong habol ng mga sigang ito. Kung hahayaan niya na hiramin nila ang asawa niya ng isang gabi, parang pinamigay niya na rin ang asawa niya para maging isang p*ta! Kahit na ganoon, malaking halaga rin para sa kanya ang isandaang libo. Hindi niya kayang maglabas ng ganoong halaga kahit na ibenta niya ang lahat ng mayroon siya. "Ikaw…" Sa sobrang galit ng babae ay namula ang kanyang mga mata, pero kasabay nito, wala rin siyang ibang magawa. Narinig niya rin na mayroong ilang mga clan; lahat sila ay nakakatakot. Mas arogante ang Eagle Clan na ito kumpara sa Dragon God Clan. Takot ang mga pangkaraniwang mamamayan na kagaya nila na kalabanin ang mga clan na ito. "Sir, parang awa niyo na, nagmamakaawa ako. Wala namang maganda sa asawa ko. Simple lang siya! At saka, meron kaming limang bu
더 보기

Kabanata 419

Kahit na ganoon, hindi importante sa ngayon ang pagbalik ni Fane. Isa lang siyang sundalo. Wala siyang paraan para talunin ang mga taong ito nang mag-isa, pati na ang galitin ang Eagle Clan. "Brother Fane… Patawad at nakita mo ko sa ganitong gulo ngayon. Nakaluhod ako sa harapan ng iba sa una nating pagkikita!" Niyuko ni Tiger ang kanyang ulo na para bang hindi naawa sa kanya ang buhay. Hindi na siya ang taong nakainuman ni Fane ilang taon na ang nagdaan; ang lalaking nangarap na magbukas at magmay-ari ng isang restaurant. Napalambot siya sa katotohanan ng buhay. Napilitan siya ng buhay na iyuko ang kanyang katawan at naging mahina siya sa realidad. "Tumayo ka!" Tumusok ang kalungkutan sa puso ni Fane na para bang libo-libong mga karayom. "Tiger, kung lalaki ka, hindi ka dapat lumuhod sa mga basurang to! Tumayo ka, ngayon din! Ako, si Fane Woods, bilang iyong big brother, ay inuutusan ka na tumayo! Ngayon na!" "Pero…" Tinaas ni Tiger ang kanyang ulo at nagmamaka
더 보기

Kabanata 420

"Ang yabang mo!" Humarap ang tatlong mga siga at kaagad na pinalibutan si Fane. Tinaas nila ang mga kamao nila at sumugod kay Fane. Boom! Bang! Pow! Parang kidlat ang bilis ng mga suntok ni Fane na halos hindi ito masundan ng mata. Ang tatlong siga na sumugod kay Fane ay nasuntok sa mukha at bumagsak sa lapag nang hindi man lang nahahawakan ang kahit isang hibla lang ng buhok ni Fane. Tumulo ang dugo mula sa kanilang gilagid at sa kanilang namamagang labi. Nang may matinding takot sa kanilang mga mata ay namatay sila. "Ito ay…?" Noong una ay mayabang na nakatayo si Brother Tempest sa isang tabi habang nakakrus ang kanyang mga braso sa kanyang dibdib, handa siyang makikita ng madugong labanan. Hindi niya inasahan na lahat ng tatlo niyang alagad ay mamamatay sa susunod na segundo! Masyado siyang nadala sa sandali at napalunok siya. "A––Ano?!" Maraming tao ang nagulat rin sa kinalabasan nito. "Pinatay niya sila… Oh Diyos ko! Paano niya nagawang patayin ang mga t
더 보기
이전
1
...
4041424344
...
251
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status