Home / Urban / Realistic / Numero Unong Mandirigma / Kabanata 401 - Kabanata 410

Lahat ng Kabanata ng Numero Unong Mandirigma: Kabanata 401 - Kabanata 410

2505 Kabanata

Kabanata 401

Nagsalita si Dennis habang nakangiti. "Anong oras yung event bukas? Siguro pupunta ako. Maganda kung may alak na maiinom!" Sinabi ni Fane nang pag-isipan niya ito. "Ang opening ceremony ay magaganap sa alas dose ng tanghali. Pero maagang dadating ang lahat. Pumunta ka nang mga alas onse!" Uminom si Dennis ng kape sa harap niya. "Mmhmm. Naaalala ko ang King of War na yun na si Magnus Sutherland. Siya ata yung tauhan ni Ethan!" Tumango si Fane. Nag-usap ang dalawa bago umalis. Kalalabas lang nila ng coffee shop nang biglang tumawag si Tanya. "May problema ba Miss Tanya?" Kaagad na nagtanong si Fane nang sagutin niya ang tawag. "Wala ka bang ginagawa ngayon? Ngayong ala una lang ng hapon. Wag mong sabihin sa akin na wala ka na agad sa trabaho? May bibilhin kami ni Yvonne pero ayaw naming magdala ng isang hukbo ng mga bodyguard! Kaya…" Nasa tono ni Tanya na handa siyang makipag-usap. "Heh. Walang problema!" Tumawa si Fane at di niya alam kung tatawa ba siya o iiya
Magbasa pa

Kabanata 402

Si Tanya na nakatayo sa gilid ay di alam kung tatawa ba siya o iiyak. Seryoso, ano bang iniisip ni Fane? Iaa lang siyang bodyguard pero naglakad siya sa tabi nila. Sa gitna pa nila siya naglakad. Di nakakapagtakang magkakamali ng intindi ang mga tao. Hinala niya ngayon na di ito sinasadya ni Fane. Pagkatapos sumigaw ni Yvonne, lumingon siya at inirapan si Fane. "Bakit ka ba naglalakad sa gitna namin mokong ka? Sa likod ka namin maglakad一di mo ba alam yun?" Ngumiti nang naiilang si Fane. "Natatakot lang ako na mapagbintangan na nakatingin sa pwet niyo kapag naglakad ako sa likod niyo. Atsaka, medyo maikli ang palda mo ngayon. Di maganda kung maglalakad ako sa likuran!" Biglang namula ang mukha ni Yvonne. Sa sobrang galit niya nagkaskasan ang mga ngipin niya. May di maipaliwanag siyang kagustuhang sunggaban at sakalin ang gag*ng ito. "Anong problema? Diba ikaw ang nagsabi sa akin na tawagan siya at samahan tayo habang bumibili Yvonne? Pinagsisisihan mo na ba ngayon?" Ngumisi
Magbasa pa

Kabanata 403

Tumango si Yvonne. Totoong ang mga Drake ang pinakamaimpluwensyang pamilya sa buong Middle Province. Maging ang apat na pinakamalakas na pamilya dito ay walang laban sa mga Drake at di nagtatapang ang mga ito na galitin sila. Anong dapat niyang ikatakot? Bukod na lang kung galing siya sa pinakamakapangyarihang pamilya sa Lone City. Higit sa lahat, ang Lone City ay ilang beses na mas malaki kaysa sa Middle Province, at natural na mas makapangyarihan sila. Ang mga aristocrat doon ay mas malakas sa mga aristocrat ng Middle Province. Doon, taglay din nila ang nakakatakot na lakas, ang natatanging lakas na kayang takutin ang mga Drake. "Tsk… tsk. Wag kang magsinungaling sa harap ko. Isang bodyguard lang ang kaya niyong bayaran. Tingin niyo matatakot niyo ako?" Tumawa si Flynn. "Ang pamilya ko ay isang second-class aristocratic family mula sa Lone City," Sinabi niya. "Ano sa tingin mo? Natatakot ka na diba?" "Di maaari. Isang second-class aristocrat? Takot na takot ako!" Nagpangg
Magbasa pa

Kabanata 404

Di alam ni Fane kung tatawa ba siya o iiyak. "Mula sa nakikita mo, medyo may itsura ka, at nakakaagaw-pansin ka sa madla," Sinabi niya. "Bakit di mo pag-isipang tulungan ako na pakintabin ang sapatos ko?" "Ikaw ingratong p*ta ka! "Tapusin niyo siya!" Galit na sumigaw si Flynn nang ikumpas niya ang kanyang kamay. Siya ay isang taong napapansin ang mga talento sa ibang tao, pero tinanggihan ng lalaking ito ang alok niya. Isa itong bagay na di niya palalampasin. "Mukhang mas magaling ang mga bodyguard na ito kaysa sa mga hinarap ko noong nakaraan. Pero mga basura pa rin sila sa mga mata ko!" Ngumisi si Fane. Humakbang siya paharap at itinikom ang kanyang kamao at naunang kumilos. Bam! Bam! Bam! Ang mga taong naunang sumugod ay nakatanggap ng isang suntok sa kanilang mukha bago pa sila makakibo. Tumalsik sila palayo at sumuka ng dugo habang nasira ang kanilang mga ngipin sa harap. "Ah!" Isa sa mga lalaki一na mukhang nasa tatlompung taong gulang一ay may napakabilis na kamao,
Magbasa pa

Kabanata 405

"Lumapit ka rito at labanan mo ako! Ayos ba?" Ikinimpas ulit ni Fane ang kamay niya. "Bubuhayin kita kapag kinaya mo ang isang suntok ko!" Tumaas ang dugo ni Flynn. Siya ay isang binatang laki sa layaw. Paano niya malalaman kung paano lumaban? Kapag nakatanggap siya ng isang suntok, siya ay malulumpo kahit na di siya mamatay kaagad. "Pwede b-ba natin itong gawin sa ibang paraan? Nagkamali ako!" Nagulo ang mukha ni Flynn sa gipit. Kaagad niyang napansin ang shopping mall sa harap niya. "Oo nga pala. Lumabas kayo para mamili diba, mga binibini?" Sinabi niya. "Paano kung ganito? Ako ang magbabayad sa lahat ng bibilhin niyo ngayon. Piliin niyo lang kahit anong gusto nito mula sa mall na ito. Ayos ba?" "Diyos ko, ikaw ang magbabayad? Bakit hindi? Ano sa tingin niyo mga binibini?" Ngumiti di Fane at tumingin kay Tanya at Yvonne. Kahit anong mangyari, ang taong ito ay ang young master ng isang second-class aristocratic family. Ayaw ni Fane na lumaki pa ang gulo dahil sa ayaw niy
Magbasa pa

Kabanata 406

Maraming magagaling na fighter ang Bane family. Dalawa sa kanila ay mas malakas kumpara kay Dan na pinakamalakas na fighter ng mga Clark Ngunit, hindi sila dinala ni Flynn dahil hindi niya inaasahan na mapaglalaruan sila nang ganito sa Middle Province. Pero, naniniwala pa rin siya na sapat na ang mga taong ipapadala ng pinsan niya para durugin ang bodyguard na iyon. Namili sila ng isa pang kalahating oras. Kumuha sina Tanya at Yvonne ng mga gamit na umabot sa halagang 20 milyon. Kumirot ang puso ni Flynn. Inakala niya na hindi sila gastos ng ganoon kalaking halaga habang namimili. Lalo na at hindi nila mabubuhat ang ganoon karaming mga bagay. Sinong makakaalam na bibili sila ng mga mamahaling relo, hikaw, pabango, at iba pang mga maliliit na bagay. Hindi lang sila mahal, maliliit rin ang mga ito at madaling dalhin. Sobra siyang namutla sa oras na natapos sila. "Wow, ang saya naman gumastos ng pera!" Iniunat ni Tanya ang kanyang mga braso sa taas ng kanyang ulo. Munt
Magbasa pa

Kabanata 407

"Ahem. Hindi naman sa masyado akong maraming pera, pero mahirap na makasama sa mga magagandang babae habang nagshoshopping sila. Pwede pa tayong mag-shopping ng kalahating oras!" Kahit na sumakit ang kanyang puso sa kanyang pera, nanatili si Flynn sa pagpapanggap na wala lang sa kanya ito. Gusto lang niyang patagalin pa sila sa labas. Sinong makakaalam kung makakasalubong pa niya sila sa hinaharap kung aalis siya nang ganun na lang? Maghihintay siya hanggang sa dumating ang pinsan niya at patayin ang lalaking iyon. Makikipaglaro siya sa mga babaeng ito at sabay ilalabas ang galit na kanyang kinikimkim. "Hayaan mo na. Ayaw ko nang mamili. Tara na!" Pero ayaw nina Tanya at Yvonne ang manggamit ng iba. Ginawa lang nila ito para turuan ng leksyon ang lalaking ito. Lalo na at hindi rin naman sila kulang sa pera. Pagkasabi nito, nagpunta ang tatlo sa unang palapag at lumabas ng mall. Pagkatapos pumunta ni Flynn sa entrance, hindi pa rin nakakarating sina Ken at ang iba p
Magbasa pa

Kabanata 408

"Kalimutan to? Hindi ko pwedeng gawin yun, Ken! "Nangako ka na tutulungan mo ko. Alam mo? Ibibigay ko sa'yo ang isa sa kanila!" Naging mabangis ang ekspresyon ni Flynn habang nagsalita siya nang nakangisi. "Young Master Bane, wag ka nang magsalita. Gusto mo bang mamatay?" Sobrang dilim ng ekspresyon ni Dan at mukhang natatakpan ito ng mga maiitim na ulap. Tinitigan niya nang masama si Flynn. "Ano? Mamamatay ako? Heh. Anong ibig niyong sabihin? Imposible na hindi ninyo matalo ang batang to!" Wala pa ring kaalam-alam si Flynn sa sitwasyon; nagsalita siya habang tumatawa. "Sinabihan ka nila na manahimik. Hindi mo ba naririnig iyon?" Ayaw ni Fane na magsayang ng oras sa lalaking ito. Sinipa ni Fane ang lapag at tumalon paharap. Sa susunod na segundo, nakatayo na siya kaagad sa harapan ni Flynn. Sinampal niya ang lalaki gamit ng likod ng kanyang kamay. Bam! Lumipad si Flynn at bumagsak sa lapag nang may malutong na tunog. Tumulo ang dugo mula sa kanyang bibig at
Magbasa pa

Kabanata 409

"Opo, ma'am!" Tumango si Fane. Lalo na at inagrabyado rin sila ng g*gong ito noon. Maliban roon, tinangka niyang pahiyain si Ms. Tanya. Hindi makatuwiran para sa kanila na hayaan lang siyang makatakas sa mga nagawa niya. "Subukan mo lang! Sinasabi ko sa'yo ngayon––isa akong Bane, at ang pamilya ko ay isang second-class aristocrat sa Lone City. Mas malakas ang second-class aristocratic family namin roon kumpara sa inyong lahat rito. Napakalakas rin ng Big Five ng pamilya namin!" "Ang 'lakas' mo ay nasa yaman at pagmamay-ari mo lamang. Yun nga lang, hindi ibig sabihin noon mas malakas ang mga fighter niyo kesa sa'min!" Sobrang natakot si Flynn nang nakita niya si Fane na naglalakad papalapit. Wala siyang magawa kundi pagngitngitin ang kanyang ngipin at pagbantaan ang lalaki. Heh. Ang tapang mo rin, binantaan mo pa kami imbis na magmakaawa para sa buhay mo sa sandaling to!" Tumawa si Fane at humakbang paharap. Hinablot niya ang isang braso ng lalaki at hinigpitan ang kany
Magbasa pa

Kabanata 410

Ngunit hindi nagtagal ay umiling si Ken at hindi makapaniwala. "Imposible. Bakit napakasimple ng lalaking yun kung mayroon nga siyang isang bilyon?" "Hindi ko rin alam. Simple lang talaga ang ibang mga tao––o kaya ayaw niya lang na mabuhay nang magara!" Pagkatapos itong pag-isipan ni Dan ay nagpaliwanag siya, "Young Master Clark, makinig ka sa'kin. Maganda si Selena Taylor, pero hindi ba makakahanap ka naman ng ibang babae gamit ng pera mo? Hindi mo pwedeng galitin si Fane! Naiintindihan mo?" "Manahimik ka!" Wag mo kong pagsabihan na para bang nanay kita!" Galit na sigaw ni Ken, hindi talaga siya natutuwa. Hindi lang talaga siya makapaniwala na napakasimple ni Fane kung mayroon nga siyang ganoon karaming pera. Magaling nga makipaglaban ang lalaking iyon, oo, pero hindi ibig sabihin non ay isa siyang commander o kung ano sa militar. Maliban roon, ano naman ngayon kung isa siyang commander? Mamamatay pa rin siya kung gagalitin niya ang isang taong kagaya ni Ken Clark.
Magbasa pa
PREV
1
...
3940414243
...
251
DMCA.com Protection Status