Home / Urban / Realistic / Numero Unong Mandirigma / Kabanata 381 - Kabanata 390

Lahat ng Kabanata ng Numero Unong Mandirigma: Kabanata 381 - Kabanata 390

2505 Kabanata

Kabanata 381

Walang magawa si Selena. Sinubukan niya pang pilitin si Shadow pero binusalan siya ng towel sa kanyang bibig. "Tignan mo, nakikita mo tong butas na to? Bubuksan ko to nang kaunti lang, sapat lang para makita mo ang mesang yun sa labas. Dadalhin ko ang asawa mo sa mesang yun at papatayin siya doon. Manonood ka lang." "Ughh!" Masyadong kinakabahan si Selena. Umiling siya at sinubukan niyang magsalita––hindi niya magawa. "Hehe, tigilan mo na yan. Maghintay ka lang dito at panoorin mo ang palabas." Ngumisi si Shadow habang kinuha niya ang phone ni Selena para tawagan si Fane. Biglang may napagtanto si Selena––kahit na kamukha siya ni Shadow, imposibleng maging magkaboses sila. Hindi tanga si Fane, makikita niya rin kaagad ang nasa likod ng panlolokong ito!Ang sumunod na pangyayari ay nagpagulat kay Selena. Sa sandaling may sumagot ng tawag ay nagbago ang boses ni Shadow. Kaboses niya si Selena! Kahit si Selena ay naisip ang ganito. Imposible na matukoy ni Fane kung sino ang totoo
Magbasa pa

Kabanata 382

Hindi ganoon kalayo ang burol mula sa siyudad. Hindi nagtagal, nakarating si Shadow sa labas ng siyudad. Huminto siya, sumandal siya sa kotse habang naghihintay na dumating si Fane. Kagaya ng inaasahan, dumating si Fane sakay ng kanyang kotse sa sumunod na limang minuto. "Anong meron, honey? Mayroon kang oras na umalis ng office ngayon?" Huminto si Fane at nginitian ang babae. "Inisip ko lang na baka pwede tayong magsaya! Kahit na medyo luma na, payapa ang lugar na yun ay mayroong magandang tanawin." Ngumiti si Shadow at pumasok ng kanyang kotse. "Manatili ka sa kotse mo at sundan mo ko." "Sige!" Ginawa ni Fane ang sinabi sa kanya. Hindi siya mapalagay. Nagdududa si Fane kung ang 'Selena' na ito ang Selena na kilala niya. Ang kanyang mga malalanding mga mata ang nagpaduda sa kanya. Hindi ganoon ang mga mata ng tunay na Selena. Ang mga matang ito ay mapang-akit. "Nakakatawa naman, bakit niya ko dadalhin sa labas ngayon?" Tanong ni Fane habang nagmamaneho. Hindi mukhang
Magbasa pa

Kabanata 383

Mabilis na hinila ni Shadow si Fane papunta sa kanya at kinagat ang kanyang mapupulang mga labi. "Honey, tungkol nga pala diyan… ang tagal na simula noong nagsilbi ka sa militar… At walang tao rito…" sabi niya habang tinapik ang kanyang mga daliri sa dibdib ni Fane, sinusubukan niyang akitin siya. "Selena… Huwag dito… ang aga-aga pa?" Kumunot ang noo ni Fane at tumingin sa labas. "Ayy, sinara ko ang pinto pagkatapos nating pumasok. At saka na gitna tayo ng kawalan, walang ibang taong pupunta rito! Sa tingin ko pwede nating gawin kahit ano rito…" Tumingkayad siya at hinalikan ang leeg ni Fane habang nagpatuloy siya. Habang nakatingin sa 'Selena' na nasa kanyang harapan, mas dumami ang dahilan para magduda siya. Mabilis siyang nag-isip at niyakap siya. "Tignan mo ang sarili mo… Hindi ko alam na magpaplano ka ng ganito. Ang dominante mo!" "Wag mo na akong asarin. Gusto ko lang magsaya." Palihim na natuwa si Shadow sa katotohanan na ang mga kalalakihan ay simple lang mag-isip n
Magbasa pa

Kabanata 384

"Uhhhh!" Nagpumilit na makawala si Selena. Sinubukan niyang balaan si Fane pero wala siyang magawa. Hindi nagtagal, napansin niya na wala nang ingay na nagmumula sa labas. Sobrang tahimik. 'Patay na ba… si Fane?' nagsimula siyang mag-alala. Bigla na lang, natakot siya nang may makita siyang kamay na lumitaw sa may pintuan at mabilis na binuksan ng pinto. "Uhhm!" Namula at naluha ang mga mata ni Selena sa saya nang makita niya na si Fane ang pumasok. Ngayon niya lang napansin kung gaano siya nag-aalala sa lalaking ito sa sandaling nasa panganib ang kanyang buhay. Hindi lang niya nalaman kung gaano niya ito kamahal, natakot rin siya sa kanyang kamatayan at maiiwanang walang ama ang kanyang anak. Nang makita niya si Fane na ligtas na pumasok ng kwarto ay nakahinga siya nang maluwag. "Sabi na nga ba hindi ikaw ang babaeng iyon!" Sa kanyang pagkataranta, pumunta siya kay Selena at tinanggal ang tela na nakabusal sa kanyang bibig. Mabilis niya siyang niyakap at nagtanong, "
Magbasa pa

Kabanata 385

Natulala si Selena. Mukhang nag-alala lang siya sa wala. Nakita agad ni Fane ang mga nakakadudang ebidensya. Doon lamang nagtapat si Fane, "Kahit na naisip ko iyon, nagdadalawang-isip pa rin ako na kumilos para patayin siya. Paano kung mali ako? Kikilos lang ako kapag nabunyag na siya.""Anong nagpabunyag sa kanya?" Kumunot ang noo ni Selena at nagduda dahil inisip niya na perpekto ang pagpapanggap ng hitman. "Iyon ay ang katotohanan na hindi ako hahalikan ng asawa ko. Higit pa roon, nakaamoy ako ng sigarilyo. Ibig sabihin naninigarilyo siya. Hindi naninigarilyo ang asawa ko! Doon ko nakumpirma ang pagdududa ko, na ang babaeng iyon ay isang hitman at hindi ikaw." "Ang talino mo rin, ano?"Pagkatapos naisip niya kung paano hinalikan si Fane ng babaeng iyon. Sa kanyang inis ay nagpasaring siya, "So, ano na? Natuwa ka ba na siya ang kumilos para halikan ka? Maganda rin ang katawan niya. Masaya ka na ba?" Nahiya si Fane. Nagseselos pala talaga si Selena. Mapait siyang ngumiti,
Magbasa pa

Kabanata 386

”Haha, okay lang hindi naman ako nagmamadali. Bukas mo na lang sila papuntahin dito!” Ngumiti si Fane at tumingin sa kanyang tabi kung nasaan si Selena, “Honey, dahil andito ka na rin lang, pumunta tayo sa siyudad at doon kumain para makapag-relaks tayo. Ano sa tingin mo?” “Magandang ideya.” Sumang-ayon si Selena at kaagad silang bumaba ng burol sakay ng kanilang kotse. Sa sandaling yun, si Ivan Taylor at Janet ay naghihintay pa rin sa loob ng opisina ni Selena. “Anong nangyayari? Ito ay…” Hindi na makapaghintay si Ivan. Sampung beses na niyang tinawagan si Selena kanina ngunit ni isa sa mga ito ay hindi nito sinagot. Tinignan niya si Janet at sinabi, “Sa tingin mo ba ay niloloko lang tayo nito? Mukhang pinaglalaruan lang tayo ng babaeng yun eh. Kung ganun rin lang, sumosobra na siya!”Si Janet naman sa kabilang banda, ay ngumiti. “Imposible, may tiwala ako kay Manager Taylor. Dahil nangako siya, pupunta yun. Nadelay lang siguro siya dahil sa baka may importanteng bagay lang
Magbasa pa

Kabanata 387

“Bwisit, bwisit. May posibilidad na nadukot si Selena. Wala akong ideya kung pinatay na ba siya ng assasin!” Galit na galit si Ivan habang nakatikom ang mga kamao nito. “Masyado akong nagpadalos-dalos. Hindi ko pa napipirmahan ang kontrata, pinaghintay ko pa dapat siya ng ilang araw bago kumilos. Ito…” Hindi inaasahan ni Ivan na papalpak ang pagpirma ng kontrata nila nang dahil lang sa binalak niyang ipapatay si Fane.Habang nakaupo siya sa kotse, napuno ang ang kanyang isipan na bisitahin ang lugar na kung saan nagpalipas ng gabi si Selena at ng iba. Per, pagkatapos pag-isipan, hindi na lang niya itinuloy. Kung maayos lang ang kalagayan nila Fane at Selena at hindi pa kumilos ang assasin, wala siyang maidadahilan kung bakit siya bumisita. Sabagay, naipakita na niya ang pandidiri sa kanila noon at hindi pa bumisita sa kanila ni minsan.Kung nabigo ang assassin, Magdududa kaya si Fane na siya ang nagpadala ng assassin? Kahit na mababa ang tyansa na pumalpak ang assassin.Pinag
Magbasa pa

Kabanata 388

Tinitigan ni Ivan si Xena at nginitian ito. “Paanong magiging aksaya ang kumain sa labas kasama ang isang napakagandang binibini? Ikinararangal ko pa nga ito!”Napangiti si Xena nang marinig ito, “Young Master Taylor, sigurado akong marami ka nang nakita na magagandang babae. Hindi ako maituturing na isang magandang babae sa iyong opinyon!”“Haha, huwag ka nang maghiya!” Tumayo si Ivan at iniabot ang kamay kay Xena, “Tara na, pretty!”“Mukhang wala na akong pagpipilian pa kung hindi ang tanggagpin ang alok mo!”Kahit na nagtataka pa rin si Xena sa kung ano ba ang gustong mangyari ni Ivan kaya siya nito inimbitahan na kumain sa labas ng sila lang, naramdaman niya na mukhang isang importanteng bagay ang sasabihin nito. Kaya, hindi na siya nag-sisp pa ng matagal at sumama na lang.Umalis na silang dalawa at nakarating sa isang high-end hotel. Nakakuha sila ng isang private room at umorder ng ilang mga pagkain.“Young Master Taylor, may importante ka bang sasabihin kaya personal mo p
Magbasa pa

Kabanata 389

”Oh, Young Master Taylor, sobra ka naman. Hindi naman ako ganung kaganda!” Nagkunwaring mapagkumbaba si Xena at kumuha ng pagkain at inilagay sa plato ni Ivan. “Tara, kain na tayo!”“Haha, sige!” tumawa si Ivan at nagsimula na silang kumain. Pagkatapos ng ilang mga sandali, muling nagsalita si Ivan, “Miss Xena, nahulog na ang loob ko sayo nang una kitang makita. Ilang araw na rin kitang iniisip at napakaswerte ko at nagkita tayo ngayon. Kinailangan ko pang mag-ipon ng lakas ng loob para lang maimbitahan ka na kumain sa labas!” “Paano naman nangyari yun?” Napasimangot si Xena at tinignan si Ivan bago sinabi, “Young Master Taylor, seryoso ka ba sa sinabi mo?” “Huwag kang mag-alala, seryoso ako sayo!” Muling inilagay ni Ivan ang kanyang kamay sa hita ni Xena pagkatapos ay ngumiti at sinabi, “Simula sa araw na to at sa mga susunod, ibibigay ko sayo lahat ng gusto mo. Ibibigay mo rin naman sa akin ang gusto ko, diba? Naniniwala akong hindi mo naman talaga gusto si Ben, tama?”“Tama
Magbasa pa

Kabanata 390

”Young Master Taylor, huwag! Hindi natin pwedeng…” Talagang nagulat si Xena at nalaban ito.“Xena, magiging akin ka. Susundin mo ako sa isang paglalakbay para magpakasaya simula sa araw na to at sa mga susunod pa. Bukod pa dun, pwede kong bilhin kahit na anong gusto mo!”Nakainom si Ivan ng wine. Iyon at ang katotohanan na maganda si Xena at may magandang katawan, kaya hindi niya mapigilan ang kanyang sarili, at tuluyang nawala sa sarili dahil sa alak.“Hindi-hindi… Hindi pwede! Ngayon lang tayo nagkakilala!”“Nagkakaroon ng isang relasyon dahil sa nararamdaman ng dalawang tao para sa isa’t isa at walang kinalaman dun kung gaano kahaba ang oras ng magkakilala tayo…”“Young Master Taylor, huwag! Hindi pa ako handa para sa bagay na to!”“...” Lihim na natuwa si Xena sa nangyari at bumigay din kay Ivan pagkatapos na tumanggi.Pagkalipas ng kalahating oras, tinignan ni Ivan ang babaeng nasa kama at nasiyahan sa nangyari. Isinuot niya ang kanyang damit, “Honey, ang galing mo. Tara at
Magbasa pa
PREV
1
...
3738394041
...
251
DMCA.com Protection Status