Kahit na hindi malakas ang atake ng Blazing One-Eyed Bull, hindi pa siya malakas para makalamang. Kapag nagpatuloy sila sa paglalaban, madedehado siya. Kapag dumating ang dalawang toro, siguradong mamamatay siya. Habang lumalaban siya, lalong kinabahan si Chandler. Tumagaltak ang pawis sa kanyang noo, at namutla ang kanyang mukha. Maging ang kanyang paghinga ay nagugulo na rin! Nang lumala ang kanyang pagkabahala, isang liwanag ang biglang kumislap sa tabi niya. Ang narinig lamang ni Chandler ay ang tunog na parang may nataga, at napasigaw sa sakit ang Blazing One-Eyed Bull. Pagtingin niya dito, nakita niyang may nakasaksak nang espada sa mata nito. Nabasag ang mata nito na parang salamin! Kasunod nito, ang hayop na hindi matalo ni Chandler ay bumagsak sa sahig. Nangisay ito na para bang nagdudusa ito nang sobra. Gumulong ito sa sahig sa sobrang sakit. Sa sandaling ito, akala ni Chandler na ang taong umatake ay nasa spring-solidifying realm. Kung hindi, imposibleng mataga ang
Magbasa pa