"Ikaw, sino ka ba? Ang kaklase ko ang kausap ko, 'wag kang sumabat!" Nainis ang babae. Ngunit, kaagad siyang suminghal at mapangmaliit na nagsalita, "Hay naku, Selena, ito ang lalaki mo? Hindi lang siya mahirap, mukhang wala rin siyang modo. Napakabastos niya magsalita, para bang may pinagmamayabang sjya sa kanyang kahirapan. Namamangha ako!" "Hehe, sinong may sabing mahirap ako?" Tumawa si Fane, pagkatapos ay naglabas siya ng isang ATM card at inabot ito sa assistant ng kindergarten principal na may hawak sa bayarin. "Ganda, card ang gagamitin namin. Hindi nito kailangan ng password!" "Tsk… tsk… nagawa mong manghiram ng hundred and twenty thousand nang ganoon kadali? Ang hirap siguro nun! Siguro naubos lahat ng naiisip niyong paraan para makuha 'to!" Suminghal na naman si Rachel. "Hundred and twenty thousand lang naman 'yun. Bakit kailangan kong manghiram?" Walang ibang masabi si Fane. Masyadong mapangmata ang babaeng ito. "Huhu!" Sa sandaling iyon ay biglang umiyak
Magbasa pa