"Ah!" Napatili si Dylan nang maramdaman niyang halos mabasag ang kanyang buto. Bumakat ang kanyang ugat sa noo at nanlaki ang kanyang mga mata sa sobrang sakit. "Anak ng p*ta! Di mo ba ako kilala? Isa akong factory manager na mayroong isang libong empleyado. Talagang inatake mo ako?" Sumigaw siya kay Fane. "Mga parents, wag kayong mag-away. Pwede natin 'tong pag-usapan nang mahinahon!" Nagulat lahat ng mga guro at principal sa kindergarten. Hindi nila inaasahan na magkakaroon ng gulo sa araw ng pagpaparehistro. "Factory manager? Hehe, wala akong pakialam kung anong manager ka pa, hindi mo pa rin pwedeng saktan ang anak ko at ang asawa ko. Kung hindi, sisiguraduhin ko na magsasara ang factory mo sa isang tawag lang!" Tumawa si Fane, pagkatapos ay tinulak siya sa isang hawi. Mahina lang pala ang malaking tao na si Dylan. Hindi siya gumamit ng masyadong lakas pero tumumba ito sa lapag at bumagsak sa kanyang likuran. "Aray!" Sigaw ni Dylan. Nahirapan siyang tumayo at minasa
"Hehe, sige, pero bakit ako maghihintay sayo na magdala ng mga tao para bugbugin ko?" Tumawa si Fane at diretsong sumagot. "Kalokohan. Natatakot ka lang at sinusubukan mong tumakas. Kung talagang gagawin mo 'yon, bakit ka aalis?" Hindi naniniwala si Dylan, hinarangan niya ang pinto gamit ng kanyang mga kamay. "Sa tingin mo gusto kong umalis? Sinabihan lang ako ng asawa ko na umalis. Nahihirapan ako na maghanap ng oras para samahan ang asawa ko at anak ko para mag-shopping. Paano ko sasayangin ang oras ko sa mga walang kakwenta-kwentang tao kagaya mo?" Umiling si Fane, hindi niya masyadong pinansin ang matabang lalaki sa kanyang harapan. Ngunit, sa sandaling iyon, ilang van ang huminto sa harapan ng gate ng kindergarten. Nang makita niya ang pagdating ng kanyang mga tao ay natuwa si Dylan. "Haha, bata, huli na ang lahat para sa'yo. Andito na ang mga tao ko!" "Magaling!" Nakita iyon ni Rachel at kaagad na lumapit, tumayo siya sa tabi ng kanyang asawa at nagsabing, "Bata
"Di maaari. Di naman mukhang isang taong magpapakamatay sa galit ang nanay mo!" Malungkot na ngumiti si Fane. Kahit na hindi niya maintindihan si Fiona noon, kahit paano naunawaan na niya ito nitong nakaraang mga araw. Mahal ni Fiona ang pera. Sobrang mahal na mahal niya ito. Paanong magagawa ng ganoong klaseng tao na magpakamatay sa galit?Natataranta din si Selena. "Honey, anong gagawin natin? 3.8 milyong dolyar! Inilagay ng magulang ko yun sa isang malaking bag at pwede na yung ideposit sa bangko." Sa hindi inaasahan, may pintuan mismo ng bangko sila ninakawan ng dalawang mangnanakaw na nakamotor! Nang marinig iyon, napalunok nang malalim si Fane. Malaki anh 3.8 milyong dolyar tapos nanakaw ito nang ganoon na lang. Kung naiba sana, hindi siguro magpapakamatay si Fiona. Pero sa ganoon kalaking halaga, napakaposibleng mangyari ito sa isang taong mahal ang pera nang katumbas ng buhay niya na gaya ni Fiona. "Hirap naming nakuha ang pera na iyon. Nag-iisip pa naman ang nanay k
Pagdukot ng sigarilyo sa kanyang bulsa, nagsimulang manigarilyo si Fane. Ito pa rin ang pinakamurang White-Sand cigarette, at ganon pa rin ang flavor. Matapos huminga nang malalim, sumagot na si Fane, "Edi ibig-sabihin magaling manloko si Xena. Simple siyang manamit sa harap ng kapatid mo at mukhang inosente pero sumasama siya sa mga sanggano nang palihim? Higit pa rito, talagang nahulog ang loob ng kapatid mo sa kanya. Di mo sinasabi sa kapatid mo kasi alam mong di siya maniniwala sa'yo kahit na sabihin mo sa kanya?" Tumango si Selena. "Ganon na nga. Sa ugali ng kapatid ko, kapag sinabi mo sa kanya baka uminit pa ang ulo niya. Ilang beses na akong nagparinig sa kanya na hindi niya dapat pakasalan si Xena at sinubukang baguhin ang isip niya! Sa huli hindi siya umuwi ng ilang araw, naglaro lang siya sa internet cafe kasama si Xena!" Sa puntong iyon, tumingin ulit si Selena kay Fane. "Higit pa rito, kailangan ng kapatid ko ng pera para magbayad sa internet cafe at laging nanghihing
"Sinabi mo ah. Ikaw mismo nagsabi. Wala akong pake. Kapag di mo nabawi ang pera, kailangan mo akong bigyan ng 3.8 milyon!" Nang marinig ang sagot ni Fane, kaagad na tumayo si Fiona at hinablot ang kwelyo ni Fane at nagsabi ng mga di makatwirang hiling. "Ma, di si Fane ang kumuha ng pera mo. Bakit ka ba ganyan? Ang makakaya lang niya ay tulungan kang hanapin ito at kung mababawi niya pa ito. Kahit na di niya mabawi ang pera, di mo naman pwedeng hingiin ang pera sa kanya diba?" "Wala akong pake. Siya ang nagsabi na sigurado siyang mababawi niya ang pera!" Hindi pinakawalan ni Fiona si Fane. "Sige, sige. Kapag di ko nahanap, pwede mong hingiin sa akin!" Walang masabi si Fane nang alisin niya ang kamay nito. "Ina, huwag kang mag-alala. Nanay ka ni Selena kaya nanay na rin kita. Hindi ko hahayaang basta na lang manakaw ang pera mo!" "Mabuti kung ganon!" Huminto na si Fiona sa pag-iyak at ngumiti ulit. Tapos tinanong niya si Fane, "Galingan mo dapat. Bigyan mo ako ng deadline. Di ak
"Yay ang galing! Di pa ako nakakapunta sa amusement park!" Sabik na sabik si Kylie. "Kylie, pag hinalikan mo si daddy, dadalhin din kita sa zoo pagkagaling natin sa amusement park. Ayos ba?" Tinapik ni Fane ang ulo ni Kylie. "Opo! Opo! Pwede din tayo pumunta sa zoo. Di pa ako nakakapunta sa zoo!"?Lalong ngalak si Kylie nang halikan niyan si Fane sa pisngi. Naramdaman ni Fane na kumabog ang puso niya sandalo. Iyon ang sarili niyang anak na humalik sa kanya sa unang pagkakataon. Isa itong damdamin na mga tatay lamang ang makakadama. Limang taon na ang nagdaan. Mula sa kapanganakan ni Kylie, kulang na siya sa pagmamahal ng isang ama. Sinusubukan na lamang niya ang kanyang makakaya para makabawi sa kanyang mag-ina. "Pupunta ba talaga tayo?" Kumabog ang puso ni Selena sa eksenang ito. Naramdaman niya na para siyang lumulutang. Maaaring mahilig magyabang si Fane, pero talagang isa siyang mabuting ama at isang magaling na asawa. Sa katotohanan, napapanatag ang loob niya kapag k
Sa tiger viewing area, may dalawang mabangis na Siberian tiger. Sa gitna mayroong isang tulay na gawa sa bato. Maraming mga turista ang nakatayo sa tulay na bato para tignan nang malapitan ang mga tigre at kunan ito nang larawan gamit ng kanilang mga cellphone. Sa kabilang banda may isang karatula na nagbababala sa kanila na huwag maglaro at umakyat. Sa hindi inaasahan, isang batang lalaking nasa pito hanggang walong taong gulang ang aksidenteng nahulog sa loob habang tumatalon sa guard rail. "Ah! Iligtas niyo ang anak ko!" Isang matandang babae ang kaagad na sumigaw at humingi ng tulong sa taranta. "Huhu! Huhu! Mommy…" May sugat ang binti ng batang lalaki at nagdurugo. Pero di naman malubha ang sugat. Sa kasamaang palad, mababangis na hayop ang dalawang Siberian tiger. Nang makaamoy sila ng dugo, tumayo ang mga tigre na nakahiga sa sahig at dahan-dahang lumapit sa batang lalaki. "Dali, dalian niyo at tawagin niyo dito ang mga empleyado ng zoo!" "Diyos ko, anong gaga
"Diyos ko, may tumalon talaga?!" "Di ba siya takot mamatay? Dalawang Siberian tiger yun sa harapan niya!" "Paanong di siya nasaktan matapos tumalon sa ganon kataas? Di kaya isang martial artist ang batang yun?" "10 milyong dolyar. May handang magbuwis ng buhay niya para sa 10 milyong dolyar! Pero dalawang matandang Siberian tiger yun. Nagpapakamatay lang ang batang yan!" Nagsimulang mag-usap ang mga turista. Pati si Selena ay tumakbo papunta sa tulay habang karga si Kylie. Nang makita na tumalon pababa si Fane, tila ba naramdaman ni Kylie na delikado ito. Nag-aalala siyang sumigaw, "Mommy si Daddy, tumalon pababa si Daddy!" Labis ding nag-aalala si Selena. Mga tigre yun, hindi tao, at dalawa pa sila. Kung titignan ito mukhang mg gutom ang tigre. Puno ng bagsik ang kanilang mga mata. "Wag kang mag-alala Kylie. Magiging ayos lang si Daddy. Si Daddy ay isang bayani. Nandito siya para magligtas ng mga tao!" Kahit na lubos na nag-aalala si Selena, sinubukan pa rin niyang paga