Sa tiger viewing area, may dalawang mabangis na Siberian tiger. Sa gitna mayroong isang tulay na gawa sa bato. Maraming mga turista ang nakatayo sa tulay na bato para tignan nang malapitan ang mga tigre at kunan ito nang larawan gamit ng kanilang mga cellphone. Sa kabilang banda may isang karatula na nagbababala sa kanila na huwag maglaro at umakyat. Sa hindi inaasahan, isang batang lalaking nasa pito hanggang walong taong gulang ang aksidenteng nahulog sa loob habang tumatalon sa guard rail. "Ah! Iligtas niyo ang anak ko!" Isang matandang babae ang kaagad na sumigaw at humingi ng tulong sa taranta. "Huhu! Huhu! Mommy…" May sugat ang binti ng batang lalaki at nagdurugo. Pero di naman malubha ang sugat. Sa kasamaang palad, mababangis na hayop ang dalawang Siberian tiger. Nang makaamoy sila ng dugo, tumayo ang mga tigre na nakahiga sa sahig at dahan-dahang lumapit sa batang lalaki. "Dali, dalian niyo at tawagin niyo dito ang mga empleyado ng zoo!" "Diyos ko, anong gaga
"Diyos ko, may tumalon talaga?!" "Di ba siya takot mamatay? Dalawang Siberian tiger yun sa harapan niya!" "Paanong di siya nasaktan matapos tumalon sa ganon kataas? Di kaya isang martial artist ang batang yun?" "10 milyong dolyar. May handang magbuwis ng buhay niya para sa 10 milyong dolyar! Pero dalawang matandang Siberian tiger yun. Nagpapakamatay lang ang batang yan!" Nagsimulang mag-usap ang mga turista. Pati si Selena ay tumakbo papunta sa tulay habang karga si Kylie. Nang makita na tumalon pababa si Fane, tila ba naramdaman ni Kylie na delikado ito. Nag-aalala siyang sumigaw, "Mommy si Daddy, tumalon pababa si Daddy!" Labis ding nag-aalala si Selena. Mga tigre yun, hindi tao, at dalawa pa sila. Kung titignan ito mukhang mg gutom ang tigre. Puno ng bagsik ang kanilang mga mata. "Wag kang mag-alala Kylie. Magiging ayos lang si Daddy. Si Daddy ay isang bayani. Nandito siya para magligtas ng mga tao!" Kahit na lubos na nag-aalala si Selena, sinubukan pa rin niyang paga
"Ah!"Nabahala nang lubos ang madla. Marami ang napasigaw sa takot. Inakala nila na mamamatay talaga si Fane. Kung isang tigre lang ito na tumalon sa kanya, baka nakapalag pa si Fane kahit saglit. Kahit na walang magagawa kahit na pumalag siya, mas mabuti pa rin na harapin niya ito isa-isa. Subalit, dahil dalawang tigre na ang sumusugod mula sa magkabila, kahit sino ay mamamatay dito. Bang! Sa hindi inaasahan, nagulat ang lahat sa nangyari. Halos malaglag na ang mga mata nila sa gulat. Ang dalawang Siberuan tiger na sumunggab sa kanya ay nakangudngod sa sahig habang hawak niya ito sa ulo. "Roar!" Buong-lakas na nagpumiglas at sumigaw ang dalawang tigre. Pero wala itong nagawa. Di sila makatakas sa lakas ng pagkakahawak sa kanila ni Fane. "Roar!"Nagpatuloy sa pagpupumiglas ang mga tigre. Nakahukay na ng bangin ang dalawang paa nila sa kakasipa pero wala pa rin itong nagawa. Sa mga oras na iyon, dalawang empleyado ng zoo ang nakarating na sa wakas. Nang buksan nila
Nagpatuloy sa pagpupumiglas ang mga tigre. Sinusubukan nilang iangat ang ulo nila. Sa kasamaang palad, mahigpit pa rin ang hawak sa kanila ni Fane. Biglaang binitawan ni Fane ang mga Siberian tiger at mabilis na umatras. "Roar!"Nakabangon na ang dalawang tigre at tinignan nang masama si Fane. Makalipas ang isang sandali, sumugod ulit ang dalang ito kay Fane. Bang! Bang! Sa pagkakataong ito, sinipa ito ni Fane at tumalsik nang ilang metro palayo ang dalawang tigre. "Diyos ko po!" Nag-alala ang mga turista sa tulay para kay Fane at inakalang nasa panganib siya. Hindi nila inasahan naareresolba uli ni Fane ang panganib. Matapos patalsikin ang dalawang tigre, tumalikod si Fane at tumakbo papunta sa dulo ng bangin. Pagkatapos ay tumakbo siya paakyat. Humakbang siya at nakaakyat sa ilang hakbang lamang. Sa isa pang talon, nasa taas na siya ng tulay na bato at nakatayo sa harapan ng lahat. Tumalon ang dalawang tigre paharap at walang tinamaan, saka lang nila napansin na naka
"Fuh!" Tumayo si Fane at huminga nang malalim. Pagkatapos ay dumukot siya ng sigarilyo at dahan-dahang sinindihan ito at umihip. Subalit kaagad na kumunot ang noo niya nang maramdaman niya na kakaiba ang tingin sa kanya ng madla. "D-d-diba isa siyang sundalo na pumapatay ng kalaban? Diba isa siyang mandirigma? May alam ba siya sa panggagamot?" Sa wakas isa sa mga babae ang dahan-dahang nagtanong. "Paano siya magkakaroon ng kaalaman sa medisina? Ang pagpatay at pagliligtas ng buhay ay dalawang magkaibang bagay okay? Atsaka nawalan pa ng malay ang bata. Di pa naman siya patay ano?" Isang matandang lalaki ang nag-aalalang nagtanong. Nang marinig ang mga salitang iyon, halos himatayin na sa gulay ang nanay ni Jake. Kaagad niyang tinignan nang masama si Fane. "Ano bang problema mo? Ayos lang ang anak ko kanina. Bakit di ka siya gumagalaw ngayon? Pinatay mo ba siya? Di kaya alam mo na mayaman ang pamilya ko at tingin mo napakaliit ng 50 milyong dolyar?" "Di maaari?!" Maraming
Nang sabihin niya ang kanyang hinaing, aalis na si Fane kasama si Selena. "Di kayo pwedeng umalis!" Subalit hinarang ng babae ang kanyang daan. "Tingin ko nakokonsensya ka lang. Kung hindi, bakit sinusubukan mong umalis?" "Tama. Ayos lang ang lagay ng bata kanina at kailangan lang maghintay ng ambulansya pero sinubukan ng lalaking ito na manggamot? Sa tingin ko manloloko siya at gusto lang niyang magyabang pero nagkamali siya at nakapahamak siya!" May ilan ding nanlait kay Fane at sinabing, "Nagpapanggap lang yan na mabuti ang hangarin niya para makagawa ng masama!" Malamang walang maniniwala sa isang sundalong gumagawa ng trabaho ng isang doktor. Dumating nang tumatakbo ang dalawang empleyado ng zoo. Nang makita nila ang sitwasyon, kaagad silang sumigaw, "Ang galing, kapatid, inakyat mo yun mag-isa? Ang galing!" Nang sabihin niya iyon, tinignan niya ang batang lalaking nakahiga sa sahig. "Diba ayos lang siya kanina?" Nang marinig ito, kaagad na nagsimulang magreklamo a
"Ako…" Galit na galit ang babae pero hindi niya alam kung anong sasabihin. Tumingin sa kanya ang lahat ng mga tao na sinasabihan si Fane kanina, sabi nila ay sumosobra na siya para pagdudahan ang taong tumulong sa kanya. "Ma…" Sa sandaling ito, nagising na ang batang nawalan ng malay. Nagpalakpakang muli ang mga tao. "50 million? Ang galing mo, dear!" Umalis na sila bago ngumiti si Selena. "Hindi ka talaga natutukso sa ganoon karaming pera? Kung kinuha mo ang 50 million, masosolusyonan mo na ang isyu sa darating na birthday ni Lolo!" Ngumiti si Fane habang nakatingin sa kanyang asawa. "My dear, kukunin mo ba ang 50 million kung nanggaling ito sa taong niligtas mo noon?" tanong niya. "Syempre hindi. Hindi ako magliligtas ng iba nang dahil lang sa pera!" Tumaas ang isa niyang kilay nang marinig niya iyon. "Heh, my dear, mukhang gusto mo talaga akong maglabas ng 40 million para makuha ang pagtanggap ng magulang mo. Sa tingin ko mahal mo talaga ako at gusto mo kong makasama
Nakasuot ang babae ng itim na satin dress na bumagay sa kanyang maputing balat, at napakaganda ng kanyang itsura dahil dito. Hindi lang iyon, umaalon rin ang kanyang buhok na nagpakita ng sariwang kagandahan. Syempre, maganda rin ang katawan ng babae. Hindi niya taglay ang natural na pagiging elegante ni Selena, pero patas sila pagdating sa pisikal na aspeto. "Masyado ka namang mapagkumbaba. Napakaganda mo kaya!" Tumawa si Selena at magalang na nagsalita. "Tatawag ba kayo ng taxi dito? Mahihirapan kayo, lalo na peak period ngayon. Marami ring magtatawag ng taxi!" Tinignan ng babae sina Fane at Selena. "Oh, ang hirap naman nang walang kotse," komento niya. "Mukhang hindi ka kayang suportahan ng asawa mo!" Naiilang na ngumiti si Hugh sa mga salita ng babae. "Tama. Selena, mamayang gabi pala mayroong class reunion. Inimbitahan na rin namin yung ilan sa mga kaibigan natin noon. Pumunta ka na rin. Pwede mong isama pamilya mo!" "Oh, oo! Pumunta kayo. Ilang taon na rin siguro kayo