Home / Urban / Numero Unong Mandirigma / Chapter 1811 - Chapter 1820

All Chapters of Numero Unong Mandirigma: Chapter 1811 - Chapter 1820

2505 Chapters

Kabanata 1811

Paulit-ulit na umiling ang Fourth Elder; napuno ng gulat ang mga mata niya. Paano niya aakalaing ang isang seventh-grade ultimate god-level fighter ay kayang patalsikin ang isang ninth-grade fighter gamit lang ng isang suntok? Mas mababa ng dalawang grades ang batang ito kaysa sa kanya! Dalawang grades ng cultivation! Paano siya napatalsik ng batang ito nang ganun-ganun na lang? "Hindi na masama!" Tinignan ni Fane ang kamao niya. Para bang kuntento siya sa kasalukuyan niyang lakas. Noong nasa fourth-grade ultimate god-level siya, nagawa niyang makapatay ng isang seventh-grade fighter, at sa panahong iyon, ang lakas niya ay maikukumpara sa isang eighth-grade ultimate god-level fighter! Ngayon, napataas na niya ang martial level niya nang tatlong beses sa isang bagsakan at kaya niyang mas higitan ang isang ninth-grade fighter. Dahil dito, pakiramdam ni Fane ay baka kaya niya ring lumaban sa isang first-grade soul-penetrating level fighter. "Pesteng bata ka! Sa tingin mo kaya mong
Read more

Kabanata 1812

"Ang Twin Dragons Fist! Nakuha mo ang skill na'to? Paanong nangyari yun?" Habang naguguluhan ang First Elder at ang Head ng Bloodshed Clan sa sitwasyon, ganoon rin ang gulat ng Fourth Elder sa sandaling ito. Hindi niya inaasahan na alam at nakuha ng batang ito ang martial skill ng Bloodshed Clan! Higit pa roon, ang Twin Dragons Fist ay isa sa pinakamahirap na techniques na gustong makuha ng karamihan sa kanila! "Heh! Simple lang ito. Pinatay ko ang mga tao mo ay kinuha ko ang martial tome mula sa martial rin nila, at natural, nagawa kong matutunan at makuha ang martial skill na'to!" Tumawa lang si Fane. Gulat na gulat ang Fourth Elder sa tono at ekspresyon niya na para bang hindi nababahala. Ayon sa sinabi ni Fane, hindi ba ibig sabihin nito ay natutunan at sinanay niya lang ang technique na ito kamakailan lang? Talagang isang tunay na henyo ang batang ito! "Bata, sino ka ba talaga? Imposibleng may ganitong henyo sa Nine Armies!" Nagngitngit ang ngipin ng Fourth Elder at
Read more

Kabanata 1813

“Young Master Fane, talagang napatay mo ang matandang nasa ninth-grade ultimate god-level?” tumingin si Melody kay Fane nang puno ng galak. Tumingin sila Nash kay Fane dahil gusto talaga nilang malaman ang kinalabasan nito. Higit sa lahat, isa iyon sa mga elder ng Bloodshed Clan at maituturing itong isa sa pinakamalakas sa Bloodshed Clan.Tumango si Fane. “Oo, pinatay ko siya. Hindi ako natatakot ngayon kahit kalabanin ko pa ang pavilion master ng Bloodshed Clan dahil baka mapatay ko rin siya. Pero, hindi ito tatalab kapag sobrang dami ng mga tao nila ang dumating. Hindi ko kayo mapoprotektahan. Tara, umalis na tayo!” Kaagad na inilayo ni Fane ang lahat mula sa lugar pagkatapos niyang magsalita.Makalipas ang sampung minuto pag-alis nila, nasa isang dosenang tao ang lumitaw sa kanilang lugar. Ang mga taong ito ay ang mga elder o patronum ng Bloodshed Clan. Lahat sila ay nakatingin sa katawan sa sahig nang mukhang malungkot at nanlulumo.“Number four!” lumipad pababa ang First
Read more

Kabanata 1814

Nalagay sa mahirap na sitwasyon si Edward nang sabihin ito ng First Elder. Kailangan niyang aminin na talagang ang Nine Armies ay isang tinik sa kanilang dibdib at matagal na nilang gustong sirain ang pwersa nito. Dati, balak nilang patayin nang direkta ang mga taong pumasok mula sa abandoned world at siguradong sasama ang Nine Armies sa labanan dahil miyembro sila ng Anti-Alliance Guard. Siguradong gagawin nila ito kahit palabas lamang ito. Palihim nilang pinaalam sa ibang pwersang miyembro ng Alliance Guard na magpunta at tulungan sila. Masisiguro nitong mabubura nila nang madali ang Nine Armies.Sa pamamagitan ng pagtingin ng oras, hula niya na parating na ang mga tao ng Sword King Clan at gusto niyang hintayin ang mga ito. Subalit, nagagalit ang First Elder at ang iba dahil sa pagkamatay ng Fourth Elder. Mukhang wala siyang magagawa bukod sa atakihin ang Nine Armies.“Tatalab ‘yan pero kailangan nating humanap ng dahilan? Siguradong hindi ito tatalab kapag wala tayong dahilan
Read more

Kabanata 1815

“Tama ‘yan! Hindi pa kami nakakakita ng ganito kahusay na henyo!” maraming tao ang natawa. “Sigurado ‘yan dahil ‘yun ang kuya ko!” mukhang nagmamalaki si Randall habang sinasabi niya nang masaya. “Nakarating na ako sa first-grade ultimate god-level. Sa kasamaang-palad, sobrang hirap na makahabol sa kuya ko. Tingin ko imposible ‘yun sa buhay na ‘to!” “Tama! Kung hindi tayo binigyan ni Young Master Fane ng martial art technique, paano tayo makakarating sa first-grade ultimate god-level!” isa pang elder ng Lancaster family ang nagsalita nang masaya. Ang buhay niya nang makarating siya ng first-grade ultimate god-level ay nadagdagan ng 200 taon. Ang ganitong paghaba ng buhay ay talagang nakakagalak para sa isang matandang tulad niya, na nasa pitompung taon mahigit na ang edad. Bukod pa riyan, bumata siya nang sobra nang makalagpas siya. “Kung gusto niyong bumawi sa kanilang kabutihan, makipaglaban kayo nang buong-lakas niyo sa susunod. Binibigyan tayo nila Fane ng oras para makapag
Read more

Kabanata 1816

“Ang galing! Talaga bang pinapakawalan na nila tayo?” naluha ang isang third-class aristocratic family master sa sobrang tuwa. Hindi na sila tinutugis ng Bloodshed Clan.Kahit mabilis nakalagpas sila Fane, marami sa kanila ang namatay at kaunti na lamang ang natitira. Wala pa rin silang laban sa Bloodshed Clan kahit dumami na ang mga miyembro nilang nasa first-grade ultimate god-level. Bukod pa riyan, kahit gaano pa kalakas sila Fane, hindi nila matatapatan ang mga master ng Bloodshed Clan.Ito ang dahilan kung bakit pakiramdam nila mamamatay sila kapag nagpatuloy ang labanan, at hindi madaling manatiling buhay dito. Subalit, hindi nila inakalang aatras ang mga miyembro ng Bloodshed Clan sa sandaling ito.“Nakakapagtaka. Bakit sila umatras?” kumunot rin ang noo ni Ethan, nagtataka sa nangyari.Pinag-isipan ito ni Sam at sinabi, “Kahit ano pa ito, mabuti at umalis na sila. Malapit nang sumapit ang hapon, at hindi sila magpapatuloy sa pag-atake sa gabi kapag nagawa nating makaali
Read more

Kabanata 1817

“Tama ‘yan. Pwede kayong umalis ngayon kung balak niyo, at ayos lang sa amin kung may magpapaiwan, pero kung umalis kayo ngayon, huwag niyong sisihin ang Woods family kapag hindi namin kayo matulungan kapag nakasalubong niyo ang Bloodshed Clan mamaya,” sumingit si Yolanda. “May sariling plano si Young Master Fane kaya pinaghintay niya tayo dito. Kung gusto niyong umalis ngayon na, hindi namin kayo pipigilan!” “Tama ‘yan!” sinabi ng isa pang matanda mula sa Woods family. “Tama si Elder Yolanda. Kung mayroon sa inyong gustong umalis ngayon na, sige lang. Sa totoo lang, hindi maganda ang masyado tayong marami, at baka maging pabigat pa ang iba. Mas magiging madali kung kaunti lang kami!” Yumuko ang lahat, walang naglakas-loob na umalis pagkatapos ng sinabi nila.Hindi sila tanga. Kung wala ang tulong nila Fane, magiging mahirap na makaligtas, kahit umalis pa sila dito. Higit pa rito, walang nakakaalam kung nagpadala ba ng ilang disipulo ang Bloodshed Clan sa kagubatan. Nang mapansi
Read more

Kabanata 1818

“Paanong nangyari ‘to? Napatay ni Young Master Fane ang isa sa mga elder ng Bloodshed Clan? Ibig-sabihin ba nito na kaya nang labanan ni Fane ang pavilion master nila?” nagulat nang sobra ang ilan sa mga miyembro ng reclusive families nang marinig nila ito.“Magaling! Marami na tayong mga master ngayon. Kasama ng mga taong nakarating na sa first-grade at second-grade ultimate god-level dito, maganda na ang grupo natin. Hindi na tayo madaling mapapahirapan ng Bloodshed Clan!” ngumisi si Helena nang masaya. Gumaan ang loob ng lahat nang malaman nilang ang ilan sa kanila ay malakas at nagawa ni Fane na mapatay ang isa sa mga elder ng Bloodshed Clan. “Diyos Ko. Ang family master namin… ang family master namin ay nasa sixth-grade ultimate god-level na rin?” nagalak ang Cabello family nang malaman nila ito, at nanginig ang ilang matatandang lalaki habang nagsasalita sila. Hindi nila inakalang ang kanilang family master na si Alejandro Cabello ay nakarating na sa sixth-grade ultimate god-l
Read more

Kabanata 1819

Pagkatapos ay tinawag ni Aureole ang mga miyembro ng Pavilion of Divinity, “Magbigay-pugay kayo sa ating bagong pavilion master!” Sa pangunguna ng isang elder, sumaludo ang buong Pavilion of Divinity, “Maligayang bati, bagong pavilion master, sa iyong pag-angat sa posisyon!”Samantala, inilabas ni Aureole ang kanyang pavilion master token at inabot ito kay Melody.“Sige. Kung ganoon, kukunin ko na ang posisyon bilang pavilion master.” tumango si Melody at tinanggap ang token. “Tumayo kayong lahat. Kailangan lang nating magsanay nang magkakasama sa hinaharap. Kahit na ang lugar na ito ay maganda para makapagsanay, alam na alam ng lahat na ang pwersa ng Alliance Guard ay pinupuntirya tayo, at baka malagay pa tayo sa panganib sa hinaharap. Gayunpaman, kahit gaano karami pa ang natitira sa ating pavilion, umaasa akong mananatili tayong nagkakaisa at magtutulungan tayo!”Ngumiti sa tuwa si Aureole pagtayo ng lahat. “Pavilion Master Melody, ikaw na ang pavilion master, hindi ka na ang s
Read more

Kabanata 1820

“Matagal na nilang pinagpaplanuhan ‘to?” kumunot ang noo ni Nash nang marinig niya ito. “Ibig-sabihin mo bang handa na ang Bloodshed Clan na atakihin ang Nine Armies?” Tumango si Fane. “Tingin ko hindi malabong mangyari ‘yan. Baka nakapatay na sila ng marami sa mga tao natin nitong nagdaang mga araw dahil mukhang kaunti na lamang ang labanan ngayon. Pero, hindi nila alam na nasagip natin ang ibang tao at pinapaalam na natin sa mga taong nadadaanan natin na magtago sa lugar na ito.” Mas natuwa ang elder mula sa isang second-class aristocratic family na nagsalita kanina nang marinig niya ito. Nagagalak niyang sinabi, “Nakakatuwa! Ang galing, Young Master Fane. Kapag inatake nila ang Nine Armies, gagamitin natin ang pagkakataong ito para tumakas!” Tumango ang iba sa pagkakataong ito. Sa hindi inaasahan, naging seryoso ang mukha ni Fane nang tanungin niya ang lalaki, “Kung ganoon nga, saan tayo pupunta? Ayon sa pagkakaunawa ko, siguradong ipapadala ng Alliance Guard ang mga pavilio
Read more
PREV
1
...
180181182183184
...
251
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status