Home / Urban / Numero Unong Mandirigma / Chapter 1791 - Chapter 1800

All Chapters of Numero Unong Mandirigma: Chapter 1791 - Chapter 1800

2505 Chapters

Kabanata 1791

"Gusto tayong pigilan ng pito sa kanila? Hindi ba masyado naman silang mangmang?" Malamig na ngumiti ang babaeng nasa fifth-grade ultimate god-level nang nakita niya na puting tao lang ang natira. Sa isang iglap, sumugod siya kay Fane. "Mukhang mataas ang cultivation level mo, bata. Hayaan mong subukan kita nang kaunti ngayong araw!" "Sugod!" Kinumpas ni Fane ang kamay niya at sumugod nang walang kahit kaunting takot papunta sa babae. "Talagang ikaw mismo ang lalaban sa'kin?" Puno ng pag-aanalisa ang mga mata ng babae nang nakita niya na malakas ang loob ni Fane. Mula sa pananaw niya, malamang ay nasa third-grade ultimate god-level lang si Fane. Napakadali lang nito at hindi siya isang alalahanin para sa kanya. "Hindi, sandali. Ang bilis niya—napakabilis niya!" Ngunit sa sumunod na segundo, nasa harapan na niya kaagad si Fane. Sa sbrang gulat ng babae sa bilis niya ay kaagad na nagdilim ang mukha niya. Nang nakita niyang ang Chi sa kamao ni Fane ay bumugso sa matingkad
Read more

Kabanata 1792

"Hehe. Wag kang patayin? Marami kang pinatay sa mga tao namin. Wala akong kahit na anong dahilan para pilitin ang sarili ko na wag kang patayin! Kung hindi ka namin natalo kanina, sa tingin ko hindi ko kami pananatilihing buhay!" Malamig na ngumiti si Fane na para bang nakikinig siya sa isang biro. Inikot niya ang palad niya at isang itim na espada ang lumitaw sa kamay niya. Ibinato niya ang espada niya at pinatay ang babae. "Mula ngayon, kapag nangolekta tayo ng gamit, ang kailangan lang natin ay ang mga martial ring ng mga nasa ultimate god-level. Kung ayaw niyo ng iba, hindi niyo kailangan kunin yun. Madalas, mas maraming laman ang singsing ng isang taong nasa ultimate god-level. Kailangan nating magtipid sa oras para magligtas pa ng mas maraming tao!" Pagkatapos itong pag-isipan ni Fane, sinabihan niya ang lahat, "Higit pa roon, malinaw na ngayon na nagpadala pa ng mas maraming disipulo ang Bloodshed Clan sa gubat. Kung magbabagal tayo, mas maraming disipulo mula sa Bloodshed
Read more

Kabanata 1793

Natuwa si Alejandro nang narinig niya ito. "Oo. At may ilan rin mula sa Hemperly family. Naroon lahat sina Darcy Hemperly, Paul Hemperly, at ang iba pa. Hindi ko inakala na buhay pa sila!" Pinangunahan ni Fane ang lahat na sumugod nang nakita niya ito. Kahit na second-class aristocratic family lang ang Hemperly family, mabubuting tao sina Darcy, Paul, at ang iba pa, pero hindi masyadong mataas ang cultivation levels nila. Napakaraming araw na silang hindi nakikita ni Fane, at pagkatapos makita ang napakaraming bangkay ng mga miyembro ng Hemperly family sa daan, inisip niya na patay na siguro sina Darcy. Hindi niya inakala na buhay pa rin sina Darcy at Paul. "Father, lagot tayo. Marami tayong tao, pero masyadong malakas ang mga kalaban natin!" Habang tumakas siya, nagsabi si Paul sa ama niya. "Tama ka. Nakarating na tayo sa wakas sa peak ng true god-level, at naperpekto na rin natin ang mga martial art technique. Sayang lang at mamamatay tayo bago tayo makarating sa first-gr
Read more

Kabanata 1794

Nabigla si Darcy sa mga atakeng nagmumula sa panig nina Fane at ng iba pa niyang mga kasama. Hindi nila inakala na mapapatay nila Fane ang napakaraming malalakas na disipulo mula sa Bloodshed Clan nang ganun kadali. Higit pa roon, walang ni-isa sa mga kalaban nila ang nakatakas. "Magaling to, Master. Magaling. Hindi ko inakala na magkakaroon tayo ng tyansang mabuhay. Akala nating lahat hindi ka namin makikita ulit, Master!" Lumipad ang mga miyembro ng Cabello family at kinausap si Alejandro nang may nasasabik na mga ekspresyon. "Tama, Master. Mabuti at nakita ka namin. Base sa itsura mo kanina, siguro nakarating ka na sa ultimate god-level, tama? Oo nga pala. Bakit ang konti niyo rito, Master? Nasaan na ang iba? Nasaan sina First Young Mistress at ang iba pa? Nakita niyo ba sila?" Tinadtad ng mga tanong ng iba pang mga miyembro ng Cabello family si Alejandro. Lalo na't higit isang daang miyembro lang ng Cabello family ang nandito at hindi pa nila nakikita ang iba pang miyembro
Read more

Kabanata 1795

Nagdagdag ang isa pang disipulo, "Higit pa roon, base sa kasalukuyang pangyayari, malinaw na nabawasan ang mga tunog ng labanan, Master. Higit pa roon, ulat ng mga disipulo natin na wala silang masyadong nakitang mga tao mula sa inabandonang mundo. Mukhang mas mababa pa sa sampung libo ang nakapasok sa kanila. Baka napatay ng mga monster beast ang marami sa kanila, o baka marami ang namatay dahil nag-away-away sila sa spirited grass!" "Malinaw na nabawasan nga ang mga tunog ng labanan. Ibig sabihin nito ay marami na tayong napatay sa kanila at kakaunti na lang ang natitira. Pero, siguro mula sa Nine Armies ang nakapatay sa fifth-grade ultimate god-level na disipulo natin. Sana mabura ng Fourth Elder ang mga taong ito!" Sa huli, humigpit ang mga kamao ni Austin at tinitigan niya nang masama ang direksyon ng Nine Armies. "Hmph! Talagang nagpadala sila ng mga tao para palihim na tulungan ang mga taong yun. Sige pala. Sisiguraduhin kong hindi makakalabas ng buhay ang mga taong pinadala
Read more

Kabanata 1796

Whoosh!Nang narinig ang boses ni Nash, isang sword aura ang napakabilis na lumipad papunta sa kanila mula sa kabilang gilid. Kaagad na naramdaman ni Fane ang atake at inilahad ang palad niya. Hinawakan niya ang espada niya, pagkatapos ay ibinuwelo niya ang braso niya at humiwa ng isang sword aura mula rito. Bang!Hindi malayo ang narating ng sword aura ni Fane nang nagbanggaan ang dalawang sword aura at naglabas ng isang nakakatakot na pagsabog. "Magaling ka, bata. Ang bilis mo. Mukhang pambihira ang mental strength mo!" Sa hindi kalayuan, pito o walong disipulo mula sa Bloodshed Clan ang nakatingin kina Fane at sa mga kasama niya nang may interesadong ekspresyon. Ang lalaking nagsalita ngayon lang ay nakasuot ng pula at may hawak siyang berdeng espada. "Brother, mula siguro sa Nine Armies ang batang yan. Nahanap na rin natin siya sa wakas pagkatapos natin siyang hanapin nang pagkatagal-tagal. Kung hindi siya mula sa Nine Armies, hindi niya madedepensahan ang atake mo nang
Read more

Kabanata 1797

Halatang hindi nagpigil ng lakas ang kalaban niya ngayon. Kaagad siyang gumamit ng second-grade martial skill, at isang imahe ng Chi na mukhang lawin ang lumitaw sa harapan niya. Sumugod iyo nang may nakakatakot na aura. "Mag-ingat ka, Fane. Masyadong malakas ang lalaking yan!" Nang naramdaman ni Nash ang makapangyarihang aura ng lalaki habang lumipad siya para labanan ang mga disipulo mula sa Bloodshed Clan, hindi niya napigilang balaan si Fane. "Wag kang mag-alala, Ama. Hindi ko hahayaang mapatay niya ako nang ganun kadali!" Hinigpitan ni Fane ang hawak niya sa espada niya at kaagad na pinadaloy ang Chi niya na binuhos niya sa espada. Hum!Nang pumasok ang chi sa espada, isang umuugong na tunog ang narinig. Samantala, lumakas rin ang aura ni Fane. "Maganda ang espadang yan, at tinutulungan ka rin nito na palakasin ka. Mukhang isa yang ultimate-grade spiritual tool." Bahagyang nagliwanag ang mga mata ni Simon nang nakita niya ang espadang hawak ni Fane. Gayunpaman, ma
Read more

Kabanata 1798

“Walang kwenta! Kakasimula pa lang natin, hindi mo na agad kaya?” Galit na galit si Simon. Akala niya madali lang patayin si Fane. Ngunit napagtanto niyang talagang kayang pigilan ng atake ni Fane ang atake niya, kahit na halos magkasinlakas lang ito.“Imposible. Isa itong second-grade martial skill. Pe-pero kaya pa rin ito ng martial skill niya. Higit pa rito, napakababa ng cultivation level niya kumpara sa akin!" Dito mismo, pakiramdam ni Simon ay dinudurog ang kanyang dangal. Siya ang disipulo ng First Elder, at maraming tao ang humahanga at rumerespeto sa kanya sa angkan. Maraming mga babaeng disipulo ang nagkakagusto sa kanya. Dahil dito ay pakiramdam niya isa talaga siyang tunay na henyo. Higit pa rito, hindi pa siya masyadong matanda. Naniniwala siyang sa loob ng ilang taon, makakarating na siya sa soul-penetrating realm. Sa mga oras na iyon, kapag magtatalaga na sila ng bagong clan master, walang magdadalawang-isip—siya na ito, si Simon Greene. Hindi niya inakalang i
Read more

Kabanata 1799

Halos sumuka ng dugo si Simon sa inis dahil sa sinabi ni Fane.“Twin Dragons Fist!”Huminga nang marahan si Fane, at dalawang kamaong gawa sa Chi ang sumugod. Bago sila maging ulo ng dragon, at naglabas ito ng isang malakas na sigaw at sumugod nang may nakakatakot na aura ng dragon.“Parang magpapatalo ako!” Namutla ang mukha ni Simon dahil ito ang unang pagkakataon niyang makaramdam ng kamatayan. Tinikom niya ang kanyang bibig pagkatapos niyang makita ang nakakatakot na atake ni Fane, gamit ang martial skill na ipinagmamalaki niya.Bang!Narinig ang isang malakas na pagsabog. Ang martial skill na ipinagmamalaki ni Simon ay sobrang hina sa sandaling ito. Sa sandaling bumangga ito sa atake ni Fane, kaagad itong humina at nadurog na parang pulbo. “Hindi!” Habang sumisigaw siya, si Simon, na nasa seventh-grade ultimate god-level, ay nabutasan sa dibdib. Pagkatapos ay tumalsik siya at bumagsak sa sahig, wala nang buhay.“Mahusay sa pakikipaglaban ang taong ito!”Lumipad si Fan
Read more

Kabanata 1800

Nabigla ang First Elder sa sinabi ng Fourth Elder. Bigla siyang may naisip—higit sa lahat, ilan sa mga disipulo niya ang umalis para patayin ang mga taong nanghimasok sa sagradong lugar. Kung sinabi ng Fourth Elder ang bagay na ito, siguradong may nangyari sa isa sa kanyang mga disipulo.Kaagad siyang nagsalita. “Namatay ba ang isa sa mga disipulo ko dito, Fourth Elder?” tanong niya.Tumango ang Fourth Elder. “Si Simon. Hindi ko inakalang makikita ko ang bangkay niya ngayon!” “Ano! Bakit siya?”Huminga nang malalim ang First Elder, halos himatayin na sa galit. Pakiramdam niya parang isang kidlat ang pagdating ng balitang ito. Hindi niya ito mawari. “Imposible.” Napatayo ang Sixth Elder nang marinig niya ito. “Si Simon ang pinakamagaling na disipulo ng First Elder, at nakarating ito sa seventh-grade ultimate god-level matagal na. Bakit siya mamamatay? Sigurado ka bang hindi ka lang nagkamali ng tingin? Siguro ibang tao ang nakita mo.” “Tama siya. Fourth Elder, hi-hindi ito is
Read more
PREV
1
...
178179180181182
...
251
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status