Sa kasalukuyan, nagawa na ni Randall na maabot ang peak stage ng true god-level, at malapit na niyang maabot ang first-grade ultimate god-level.Naalala ni Fane na noong una siyang pumasok sa lugar na ito, nasa late stage pa lang ng true god-level si Randall, at mabilis niyang naabot ang peak stage ng true god-level. Maliban dito, ang pinakakinagulat ni Fane ay nasa peak stage pa rin ng true god-level ang pinuno ng Lancaster family, maging ang ilan sa ibang mga elder, wala pang nakaabot sa kanila sa ultimate god realm. Buti na lang, hindi gaanong malakas ang mga taong humahabol sa kanila, mas kaunti ang tauhan nila at dalawa lamang ang nasa first-grade ultimate god-level sa kanila. Kaya naman, nagawa ni Randall at ng mga tauhan niya na labanan sila. “Bwisit! Kapag nagpatuloy ‘to, malalagay tayo sa panganib! Yung dalawang nasa first-grade ultimate god-level na ‘yun, hindi natin sila kayang talunin! Ang kaya lang nating patayin ay yung mga mandirigma na nasa true god at semi-god l
Read more