"Syempre, totoo to. Kung may kahit kaunting kasinungalingan sa mga sinabi ko, tamaan sana ako ng kidlat!" Itinupi ng First Elder ang mga braso niya sa dibdib niya at suminghal, "Maghintay ka lang, Austin. Dahil ayaw mong umamin, sige. Papasok kami sa gubat mamaya at huhulihin ng mga tao namin ang mga taong pinadala mo sa loob para tulungan ang mga taga-labas. Pagkatapos, dadalhin namin ang mga ulo nila pabalik para harapin kayong lahat. Kapag ang mga tao niyo ang pumatay sa disipulo ko, hmph! Buburahin kayo ng Bloodshed Clan!" "Sige. Dahil sinabi mo, maghihintay ako!" Hinigpitan ni Austin ang kamao niya at nagsabi. "Tara na! Maghintay ka lang at pagsisihan mo ang lahat. Tiyak na magiging masaklap ang kamatayan ng mga taong pinadala mo roon. Walang ni-isa sa kanila ang makakatakas!" Sa huli, kumumpas si Edward at pinangunahan ang lahat na umalis. "First Fortress Master, bakit di natin sila nilabanan? Nagpunta na sila sa pintuan natin. Hindi sila nagdala ng maraming tao kasam
Read more