Home / Urban / Numero Unong Mandirigma / Kabanata 1831 - Kabanata 1840

Lahat ng Kabanata ng Numero Unong Mandirigma: Kabanata 1831 - Kabanata 1840

2505 Kabanata

Kabanata 1831

“Diyos Ko, sobrang lakas niya!” sigaw ng ilang mga master ng Nine Armies na nasa Ninth-grade ultimate god level nang makita nila ang lakas ni Fane, gulat na gulat.Higit sa lahat, isa itong disipulo ng Bloodshed Clan na nasa Eighth-grade ultimate god level, at mahirap para sa isang master na nasa Ninth-grade ultimate god level na tulad nila na patayin ang ganitong klaseng tao. Gayunpaman, nanghina siya sa harapan ni Fane, na mabilis siyang tinapos. “Bakit parang mas mataas ang combat power ng binatang ito kumpara sa akin?” nagalak ang First Fortress Master nang makita niya ang nangyari.Hindi lamang si Fanae ang may mataas na combat power. May ilang mga master na nasa Sixth-grade ultimate god level at isang master na nasa Fifth-grade ultimate god level sa grupo ni Fane. Ngayong biglang sumama sa kanila ang mga taong ito, naabutan na nila ang agwat ng lakas nila sa kalaban.Maraming tao rin ang dinala ni Fane, at sa ganitong sitwasyon na mayroon silang magkapareho ng realm, makakab
Magbasa pa

Kabanata 1832

“Hindi ko kailangang sabihin sa inyo kung sino ako. Kailangan niyo lang malaman na mamamatay na kayo!” napagpasyahan ni Fane na hindi niya sasabihin kung sino siya hanggang sa huli. Higit sa lahat, maraming miyembro ang Bloodshed Clan at baka makatakas ang ilan kapag nagawa nitong makalayo. Kapag nalaman nilang mayroong isang taong kasinggaling niya mula sa abandoned world at nagawa niya ang ganitong bagay sa loob ng maikling panahon, siguradong pagtutuunan siya ng pansin ng Alliance Guard. Wala silang ibang gugustuhin bukod sa patayin siya.“Bata, tingin mo ba ikaw lang ang nakakaalam kung paano gamitin ang Twin Dragon Fist?” nagtinginan ang First at Second Elder bago sila umupo at naghandang gamitin ang Twin Dragon Fist. “Twin Dragon Fist!” sigaw nilang dalawa, at dalawang kamong hugis dragon ang lumabas. Mukhang nasa ilang talampakan ang taas ng malalaking kamaong ito at mukhang napakalakas nito.Ngunit natawa si Fane bago siya sumuntok paharap at naglabas ng isang bugso ng en
Magbasa pa

Kabanata 1833

Boom! Boom! Parehong lumipad sa langit ang dalawang Elder na parang mga sirang saranggola bago bumagsak nang malakas sa isang batong pabilyon at nasira ito.“Urfh!”Bumuhos ang dugo mula sa bibig nila. Sa isang ngisay ng kanilang binti, pumanaw silang dalawa. Nagulat ang mga miyembro ng Bloodshed Clan at Nine Armies sa nakita nila, at ang ilan ay napahinto pa dahil dito. “Paanong nangyari ‘to? Napatay niya ang First at Second Elder nang sabay? Napatay niya ang dalawang taong nasa Ninth-grade ultimate god level nang sabay?” namutla ang Third Elder ng Bloodshed Clan habang pinapanood nito ang nangyari. Napatay ni Fane ang tatlo sa kanilang mga master sa maikling panahon pagpasok sa labanan, at nabigla dito ang mga miyembro ng Bloodshed Clan. Lagot na sila kapag nagpatuloy ito. Higit sa lahat, marami sa mga miyembro ng Nine Armies na nasa Eighth at Ninth-grade ultimate god level ang hindi mag-aabalang makipaglaban sa mga master ng kalaban dahil dito.“Ito ba… Ito ba ang Fane
Magbasa pa

Kabanata 1834

Mayroong bakas ng dugo sa sulok ng labi ni Austin habang nagmamadali siyang magsalita, "Tama 'yan! Hindi mahalaga kung makatakas ang iba, pero hindi natin pwedeng hayaang makatakas ang matandang ito. Kapatid na Fane, patayin natin siya nang magkasama!" Nabahala si Edward nang marinig niya ito. Nasa isip niya noong una pa lang na mas malakas siya kay Austin, at mapapatay niya si Austin makalipas ang ilang minuto kung hindi dumating sila Fane. Mananalo sana ang Bloodshed Clan. Ang lakas na ipinakita ni Fane ay maikukumpara sa mga nasa First-grade soul-penetrating level. Mag-isa lang ni Fane ay malaki nang problema, paano pa kung dalawa silang sabay na aatake. Habang iniisip kung anong pwedeng mangyari, nagsimulang magmakaawa si Edward kay Austin, "Austin, kailangan mo itong pag-isipan. Hindi ba sinabi mo kapag pinagpatuloy mo itong labang ito malaki ang mawawala sa ating dalawa? Bakit hindi na lang natin kalimutan ang nangyari dito ngayon at bumalik na tayo sa kani-kaniya nating
Magbasa pa

Kabanata 1835

Nasa ilang daang libo ang mga taong parating, at mabilis silang lumalapit. Mukha ring nagmula sila sa direksyon kung saan matatagpuan ang Bloodshed Clan. "Hindi ito maganda! Ang Sword King Clan 'yun! Kainis! Nagpadala ako ng mga tao para ipaalam sa Pavilion Billow Cloud, pero bakit wala pa sila dito? Anong gagawin natin ngayon, ngayong nandito na ang mga tao ng Sword King Clan?" mukhang nabahala si Austin. Nahinto ang laban habang nakapaligid any mga miyembro ny Nine Armies at ang mga kakampi ni Fane sa natitirang miyembro ng Bloodshed Clan. Naging seryoso ang mukha ni Fane nang bahagya. "First Fortress Master, anong masasabi mo sa akin tungkol sa Sword King Clan? Malakas ba sila? Gaano sila kalakas kumpara sa Bloodshed Clan?" Doon lamang sinabi ni Austin kay Fane, "Ang Bloodshed Clan at Sword King Clan ay maituturing lamang na mga third-rated pavilion. Hindi sila masyadong malaki." Gumaan ang pakiramdam ni Fane dito. Dahil dumating ang Sword King Clan para tulungan ang Bloodsh
Magbasa pa

Kabanata 1836

"Tara, tara na. Wala tayong alam kung bakit natapos kaagad ang tunog ng labanan roon kaya sa tingin ko mas mabuti kung aalis tayo kaagad. Nagkakaproblema tayo kapag nakita natin ulit ang mga tao mula sa tinatawag na Alliance Guard!" Isang matanda mula sa Hall of Divine Royal ang sumenyas sa mga tao na lumipad papunta sa kabilang direksyon kung nasaan ang Bloodshed Clan. Gayunpaman, hindi nila inasahan na makakasalubong nila ang isang grupo ng ilan daang libong tao na lumilipad papunta sa kanila hindi nagtagal pagkatapos nilang umalis. "Bw*sit! And nang dapat nating gawin ngayon na nakasalubong natin sila? Malalaking pwersa sila pareho at nakita nila tayo dahil isa tong lambak!" Dumilim ang mukha ang isang lalaki mula sa Skies Pavilion nang nakita niya ang grupo ng mga tao sa harapan nila. Nanginig nang ilang beses ang gilid ng bibig ni Lily bago siya nagsabing, "Napakamalas talaga natin! Sana hindi sila nga miyembro ng Alliance Guard!" Nagsalita ang isang miyembrong dating nagm
Magbasa pa

Kabanata 1837

Bumagsak ang puso nina Lily at ang iba nang narinig nila ang sinabi ng matandang lalaki. Tumulo ang malamig na pawis sa mga noo ng ilan na para bang takot na takot sila. Sa hindi inaasahan, alam ng mga taong ito na malaking bilang ng tao ang nakapasok mula sa inabandonang mundo. Posible kaya na mga miyembro rin sila ng Alliance Guard? Sumugod siguro sila para kumilos laban sa mga nakapasok mula sa inabandonang mundo pagkatapos nilang malaman ang balita! Buti na lang, hindi sila masyadong pinansin ng mga grupo ng taong ito at hindi man lang sila pinagsuspetsahan. Lumipad sila palampas kina Lily nang isa-isa. Hindi nagtagal, halos lahat ng nasa harapan ay nakalampas na. Nakahinga nang maluwag ang lahat sa sandaling ito. Sa hindi inaasahan, kumunot ang noo ng isang lalaking nakaputing damit at huminto malapit kay Lily sa sandaling ito. Pagkatapos siyang titigan nang mabuti ng lalaki, nagsabi siya kay Lily, "Ikaw, itaas mo ang mukha mo!" Bumagsak ang puso ni Lily at dahan-dahan n
Magbasa pa

Kabanata 1838

Sa sobrang akot ang matandang lalaki, hindi niya alam ang sasabihin nang nakita niya ang galit na ekspresyon sa mukha ng matandang babae. Nagsalita siya nang may nanginginig na boses. "Ito ay… Ito ay dahil sa…" Nakita ni Lily na hindi maganda ang sitwasyon kaya kaagad siyang nagsabi, "Kagalang-galang na senior, hindi naman sa hindi namin gustong tumulong. Hindi lang sa mababa ang fighting prowess namin, mas marami rin ang tao ng kanilang grupo at wala kaming laban sa kanila. Magkalaban kami noon at tiyak na papatayin nila kami kapag nagpunta kami roon!" Doon lang lumapit si Lance para sumenyas ng magalang sa matandang babae at nagsabing, "Master, ito ang nanay ko at sigurado ako na hindi siya magsisinungaling sa'tin. Malamang napilitan siyang gumawa ng ganito!" Doon lang tumango ang matandang babae. "Sige, sundan mo kami roon kung ganun. Dahil inaatake ng Bloodshed Clan ang Nine Armies, kailangan nating maglakbay nang mas mabilis!" Ngumiti lang ang isang matandang lalaki na m
Magbasa pa

Kabanata 1839

Nagtataka ang ekspresyon ni Lance. Hindi niya naisip na magbabago ang lahat kahit na nawala lang siya ng pito hanggang walong buwan. "Hindi mo alam to noon pero may anak sa labas si Nash sa babaeng nagngangalang Joan Xavier, anak," sabi ni Lily nang may galit na tono. "Simula nang nawala ka, nagpadala nga ng tao si Nash para hanapin ka, pero naisip niyang pabalikin ang anak niya sa labas. Syempre, hindi ako pumayag dun kaya sinubukan ko siyang pigilan. Binanggit ni Lily ang buong kwento kay Lance habang nagdagdag ng detalye rito. Gayunpaman, hindi niya kwinento kay Lance ang tungkol sa relasyon niya sa Third Elder pati na rin ang paglason niya kay Nash. Lalo na't wala siyang paraan para sabihin ang mga ito nang malakas. "Ang Nash Woods na yun! Ibig sabihin nun patay na ang lolo at lola ko? At ito na lang ang natitira sa Lagorio family?" Sa sobrang galit ni Lance, sinara niya ang mga kamao niya pagkatapos itong marinig. "Hindi ko inakala na tatratuhin ka niya ng ganito, Mama. Wa
Magbasa pa

Kabanata 1840

"Pero imposibleng patay na ang ilan sa mga Elder niyo, pati ang clan master niyo? Alam ko ang lakas ng clan niyo!" Hindi pa rin makapaniwala si Josh sa eksenang nakita niya. Lagpas ito sa inaasahan niya. Ayon sa prediksyo niya, ang Nine Armies dapat ang nagdurusa nang matindi. Kahit na nakatanggap ng tulong ng maraming tao mula sa inabandonang mundo ang Nine Armies, maganda na kung nakarating ang ilan sa mga tao ng inabandonang mundo sa first o second-grade ultimate god level. Higit pa roon, kakaunti lang ang taong nakarating sa ultimate god level. Pambihira iyo kung ilang dosena o ilang daan sa kanila ang nakagawa nito. Kahit sa ilalim ng ganitong sitwasyon, hindi matatalo nang ganito ang Bloodshed Clan. Kahit papaano ay hindi mapapatay si Edward. "Ang batang yun ang may gawa nito, Master Wallman. Ang bw*sit na batang yun. Nasa seventh-grade ultimate god level pa lang siya pero napakalakas niya. Pinatay niya ang mga Elder namin, at ang lakas niya ay malamang na mas higit sa Fi
Magbasa pa
PREV
1
...
182183184185186
...
251
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status