Home / Urban / Numero Unong Mandirigma / Chapter 1421 - Chapter 1430

All Chapters of Numero Unong Mandirigma: Chapter 1421 - Chapter 1430

2505 Chapters

Kabanata 1421

Isang lalake ang napatayo at hinimas ang kanyang pwetan bago tumingin sa mga tao sa harapan niya. Sa mga sandaling ito, maraming mga kalahok ang tumilapon din palabas ng spiral. Ilan sa kanila na nakakilos sa tamang oras ang kaagad na pinadaloy ang kanilang mga Chi para tulungan ang kanilang mga sarili na dahan-dahan na makalapag sa lupa. Ang mga hindi kaagad nakakilos, sa kabilang banda naman, ay bumagsak ng diretso sa lupa sa nakakahiyang paraan. “Haha… Haiden, sinasabi ko na nga ba at buhay ka. Dali, halika ka dito, mahal kong apo!” Ang Second Elder ng Zachary family ay natuwa nang makita niya na nakalabas ang kanyang apo ng ligtas. Hinimas ni Haiden ang kanyang pwetan at pinagpagan ang kanyang sarilibago naglakad papunta sa kanya. Ng may mapait na ngiti, sinabi niya, “Buhay nga ako, ngunit minalas naman ako. Hindi ako nakakuha ng maraming token!” “Kalimutan mo na ang mga token—hindi mahalaga ang mga iyon. Ang pinakamahalagang bagay ay ang gaano karami ang nabuhay sa ating
Read more

Kabanata 1422

Inirapan ni Beth ang lahat ng makita niya na hindi na makapaghintay ang mga ito at sinabi, “Bakit hindi kayo makapaghintay? Hindi ba malapit na siyang lumabas? Diyos ko naman!” “Malapit na siyang lumabas?” Sandaling natigilan si Nash bago lumitaw ang isang masayang ekspresyon sa kanyang mukha. “Magandang balita to! Ibig sabihin nito ay ayos lang ang aking anak, at palabas na siya!” Pagkatapos niyang magsalita, si Nash—na hindi na kayang pigilan ang kanyang tuwa—ay nilapitan si Trenton at pinagmayabang, “Narinig mo ba yun? Ang aming henyo ay sinabi sa amin na maayos lang ang kalagayan ni Fane at pabalik na ito. Walang nangyaring masama sa kanya, at pabalik na siya!” “Paano… Paano nangyari yun?” Hindi makapaniwala si Trenton at napasimangot. Hindi ba sumali si Fane na naganap na malaking laban, o isa bang duwag ang taong iyon at nagtago siya sa kung saan sa huling nalalabing mga araw habang naghihintay na matapos ang kompetisyon? At ganun na nga, isang anino ang tumalsik palaba
Read more

Kabanata 1423

Napanatag at naging kalamado si Alejandro ng mga salita ni Fane. Totoo sa kanyang salita, hindi nagtagal at sila Helena at ang iba pa ay tumalsik na palabas ng sunud-sunod. Pagkalipas ng ilang oras, halos 100 hanggang 200 miyembro ng Cabello family, Woods family, at Lancaster family ang lumabas. “Narinig ko na namatay si Tyrell Hunt?” Tanong ni Nash kay Fane habang nakatayo ang kanyang anak sa kanyang harapan. Ngumiti si Fane at nagsalita, “Pag-usapan na lang natin ang iba pang detalye mamaya kapag nakabalik na tayo. Baka umiyak ang iba pang mga pamilya mamaya dahil sa galit.” Tumango si Nash; hindi isang magandang ideya na pag-usapan ang tungkol sa ganun bagay sa lugar na ito. Magiging masama kapag ang ibang mga pamilya sa kanilang paligid ay marinig sila, kahit na magbulungan sila. “Umiyak dahil sa galit?” Nagulat si Nash habang natutuwa ng may mapagtanto siya. Nagawa nilang mapansin ang ilang mga bagay mula sa light dome kanina. Ang mga tao mula sa Hunt family ay mukh
Read more

Kabanata 1424

Ang mga kanto ng bibig ni Quentin ay nanginig ng ilang beses, at ang kanyang ekspresyon ay naging pangit matapos marinig ang mga sinabi ni Nash. Hinahamak ni Quentin ang iba kanina lang, ngunit hindi niya inakala na babalik sa kanya ang ginawa niya. ‘Master Lagorio, mukhang ang pamilya mo ay malaki ang nawala din sa pagkakataon na ito!” “Siya nga pala, bakit nga pala kaunti na lang ang taong natira sa Church family? Kayong tatlong pamilya ay mga malaking pamilya!” Hindi mapigilan ni Shelby na lumapit para hamakin ang iba pang mga pamilya ng maalala niya kung paano nagyabang ang mga ito kanina lang. “Imposible! Sigurado ako na buhay pa si Cloud! Sigurado ako doon!” Sigaw ni Quentin ng malakas matapos ayusin ang kanyang isipan. Unti-unting namula ang kanyang mga mata, at hindi niya matanggap ang katotohanan na ang kanyang panganay na anak na lalake ay patay na din. Nahirapan na nga siya na tanggapin ang pagkamatay ni Tyrell, at ang kanyang puso ay nagsimula pa lang na maging maayo
Read more

Kabanata 1425

Nagsalita si Alejandro ng Cabello family na puno ng galit. “Sana naman ay mabigyan mo kami ng isang maayos na paliwanag, Master Hunt!” Pang-uudyok ni Nash. Natahimik si Fane nang makita niya kung paano naudyukan ng mga tao mula sa Hunt family ang lahat ng naroon.Sa pag-aakalang magagalit si Quentin dahil parehong namatay ang kanyang mga anak, naniwala si Fane na tatanungin din nito kung ano ang nangyari sa paligsahan at hahanapin ang pumatay. Hindi man niya kayang patayin ang tao sa sandaling ito, hindi ito basta-basta pakakawalan ni Quentin.Subalit, ang agarang pagtanong ni Fane sa kanya bago pa man siya makagawa ng kahit na ano ang pumilit kay Quentin na matahimik. “Paliwanag niyo mukha niyo!” Singhal ni Quentin habang pinapalo niya ang kanyang hita. “Wala kaming ganun na iniisip. Kung ganun, bakit maraming miyembro mula sa pamilya namin ang namatay? Kung hindi kayo handa at nagtulungan nga ang tatlo naming pamilya, marami sa mga tao niyo ang dapat patay na kung ikukumpara
Read more

Kabanata 1426

"Buhay kami dahil napansin namin ang lahat nang maaga, at swinerte kami!" sabi ng nakangiting si Fane. "Tama!" Pinagkrus ni Daniella ang mga braso niya sa kanyang dibdib habang naghamon siya, "Sumosobra na ang paligsahan mong ito, at malamang ay pinaghandaan ito!" "Master Hunt, sana mabigyan niyo kami ng paliwanag! Wala sa tatlong anak ko ang nakalabas! Wala sa kanila!" Si Darryl, na naunahan ng galit, ay walang ibang gustong gawin kundi sumugod at lumaban, at pinipigilan lang siya ng kanyang malalim na konsensiya na nagsabi sa kanya na wala siyang laban sa lalaking nasa harapan niya. "Paano ko malalaman kung paano namatay ang anak mo? Patay na ang mga anak ko, pati ang napakaraming miyembro ng Hunt family. Masyado itong kakaiba!" Pumadyak si Master Hunt sa galit. Pagkatapos ay nagsabi siya sa maraming kalahok na nakaligtas sa paligsahan, "Alam ba ng kahit sino sa inyo ang tunay na nangyari? Naiintindihan ko na namatay ang pangalawa kong anak: siguro ay dahil hindi talaga siya ga
Read more

Kabanata 1427

"Tama ang sinabi ni Old Master Hunt; hayaan na natin ang nangyari sa nakaraan. Naniniwala ako na hindi gagawa ng ganito kasamang bagay ang Hunt family," sabi ni Master Ximenes habang humakbang siya paharap at nag-isip nang malalim. "Dahil natapos na ang paligsahan, oras na para bilangin ang mga token. Ibahagi natin ang mga pabuya para sa paligsahang ito base sa ranggo. Ayos ba iyon?" "Tama si Master Ximenes, bilangin na natin." Ang halatang nanlulumong si Quentin ay nakararamdam ng kirot sa kanyang puso sa sandaling iyon. Habang binibilang ng lahat ang mga token, lumingon si Quentin sa First Elder ng Hunt family at bumulong, "First Elder, nararamdaman ko na hindi pa patay si Cloud. Ang sikretong technique niya… Nararamdaman ko pa rin ang koneksyon niya sa katawan ko!" "May koneksyon pa rin? Ibig sabihin buhay pa talaga siya!" Tuwang-tuwa ang First Elder ng Hunt family nang marinig niya ito at nagpatuloy, "Sigurado ako na umalis ang kalaban niya dahil inakala nila ay patay na ang
Read more

Kabanata 1428

Malaki ang nakuha ng Woods family ngayon. Sinong mag-aakala na makukuha nila ang dalawang unang parangal!" "Tama ka. Kagaya nga ng sabi sa kasabihan, 'Hindi ka dapat manghusga base sa itsura, kagaya ng hindi mo mahuhusgahan ang yaman sa sukat.' Talagang pinapaburan ng mga diyos ang young master ng Woods family. Nagawa niyang makuha ang unang parangal sa kanyang intermediate stage ng true-god realm na fighting prowess, at nakakuha siya ng napakaraming token!" "Siguro sinuwerte siya. Lalo na't ang paligsahang ito ay tungkol sa paghahanap ng token, at hindi mo kailangang lumaban sa iba. Sigurado ako na hindi niya kayang lumaban sa ibang mga halimaw na nasa final stage ng true-god level!" Marami sa mga taong nakapalibot sa kanila ay nagsimula ring mag-usap-usap. Pagkatapos ay nagpunta si Darryl kay Quentin at nag-isip muna bago nagtanong, "Master Hunt, iniisip mo ba talaga ay hindi pa patay ang eldest young master? Kung buhay pa siya, ilalabas siya dapat ng formation, di ba?" Tuman
Read more

Kabanata 1429

Bumuntong-hininga ang First Elder habang nanlulumo siyang nagpaliwanag. Sa sobrang galit ni Quentin ay nagngitngit ang ngipin niya. Nanginig sa galit ang katawan niya habang sumigaw siya, "Argh!" Ngunit, hindi inasahan ng lahat na lilipad sa ere si Fane sa sandaling iyon at nakuha niya ang atensyon ng lahat. Tumingin si Quentin kay Fane at tinanong siya, "Fans, bakit ka lumipad? Kilala mo ba ang pumatay sa anak ko?" Tumingin sa kanya si Fane at nagsabing, "Nakikiramay ako, Master Hunt. Ang mga namatay na ay hindi na mabubuhay muli, at ikaw na mismo ang nagsabi ng ito ang patakaran ng paligsahan. Kailangang pasanin ng lahat ang resulta nito kahit na anong mangyari, tama?" "Ikaw…" Galit si Quentin pero hindi niya alam kung anong sasabihin. Ito ang mga salitang paulit-ulit niyang sinabi sa lahat. "Kung ganun, bakit ka lumipad, binata? Gusto mo bang kunin ang atensyon ng lahat?" tanong ni Trenton habang tinuro niya si Fane. Malaking bilang ng mga henyo ang nawala sa pamilya niy
Read more

Kabanata 1430

Nagulat ang isang family master nang maalala niya ito. "Oo, mukhang ngang ang pattern na iyon ay ang mapa ng ating Cathysia. Hindi namin ito pinansin mashado noon, pero kamukha nga ito ngayong napag-isipan namin!" "Kilalang-kilala ang seven dangerous places, at kakaunti lang ang nakalabas mula sa mga mapanganib na lugar na iyon! Kahit na mayroong mga mahahalagang gamit sa loob ng mga lugar na iyon, wala sa amin ang nagtangkang pumasok nang tuluyan roon!" Isa pang babae ang pinag-isipan ito at tumango. Naghanap kami sa napakaraming lugar pero hindi kami nakahanap ng kahit na anong balita tungkol sa ultimate god level. Hindi kaya ang mga gamit na may kinalaman sa ultimate god level ay nasa seven dangerous places?" "Tama. Hindi pa tayo nagpunta sa malalim na bahagi ng mga lugar na iyon. Mayroon ba talagang nasa loob nito? Diyos ko. Subukan ba natin pumasok? Kahit na mahirap sa mga nasa semi-god level na nakaligtas pagkatapos pumasok, iyon ay dahil wala sa mga nasa true-god level ang
Read more
PREV
1
...
141142143144145
...
251
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status