Home / Urban / Numero Unong Mandirigma / Chapter 1401 - Chapter 1410

All Chapters of Numero Unong Mandirigma: Chapter 1401 - Chapter 1410

2505 Chapters

Kabanata 1401

“Hmph. sa tingin mo ba ay kaya mo akong higitan dahil lang sa marami kayo? Tignan natin kung may kakayahan kayo!” Malamig na suminghal si Cloud, at puno ng panlilibak ang kanyang mga tingin. “Sugod!” Sa ilalim ng utos ng tatlo, ang dalawang panig ay sinimulan ang laban. Sa loob lamang ng ilang sandali, ilang tao na ang nagsimulang bumagsak, at walang buhay na nakahandusay sa lapag. “Laban, Young Master Hunt! Baka hindi na kami tumagal!” Isang lalake na mula sa Church family na nasa beginning stage ng true god status ay tinignan ang kanyang mga kalaban, ang kanyang ekspresyon ay nabagabag ng pag-alala. Lalo na, bukod sa marami ang bilang ng hukbo ni Fane, kaunti lang sa kanilang mga fighter ang nasa true god realm kung ikukumpara sa kanila. Higit pa doon, sila venus at Randall ay nakakatakot na mga fighter, higit pa sa mga tao na nasa pareho nilang cultivation. Ito ang dahilan kung bakit siya nag-aalala. “Huwag kayong mag-alala. Pupunta na ako jan para tulungan kayo. Kail
Read more

Kabanata 1402

“Hindi ko inakala na ang isang bastardong anak na mula sa mundo ng mga mortal na katulad mo ay magagawang patayin ang aking kapatid. Ngunit ipaghihiganti ko siya ngayong araw na ito!”: Naging seryoso ang tingin ni Cloud. Isang nakakatakot na auera ang lumabas sa kanyang katawan. Sa loob ng isang iglap, kinontra niya ang atake gamit ang sarili niyang atake. Sa sandaling iyon, sa labas ng higanteng kulay asul na bula, ang atensyon ng lahat ay nakatuon sa iisang lugar. Lalo na ang Hunt family, Quentin family, at ang iba pa. Akala niya ang malaking grupo ng liwanag na kasama ng dalawa ay kanyang mga tao. Lalo na, meron silang lihim na kasunduan sa pagitan Hunt, Lagorio, at Church families. Nangako siya na bibigyan niya ang dalawang pamilya ng maraming spirited grass at pills kapag tinupad nila ang kanilang kasunduan, na burahin ang mga henyo ng iba pang mga pamilya. Ng sa gayon ang tatlong pamilya ay unti-unting magsasama habang ang iba pang pamilya ay nagkukumahog na tipunin ang
Read more

Kabanata 1403

“Atakhin natin siya ng sabay, Fane!”Tinignan ni Helena si Fane at sinabi ito sa kanya.“Sige!” Tumango si Fane. Hawak ang kanilang mga espada, muli silang sinugod ang kanilang kalaban. Ngayon naman, gumamit si Helena ng isang malakas na technique sa pagkakataon na ito, ang kanyang sword aura ay humiwa palabas na parang isang kometa na bumubulusok sa kalangitan. Samantala, ginamit naman ni Fane ang kanyang second-grade elementary martial skill kanina, Burning Chop. Naniniwala siya na si Cloud ay hindi magagawang salagin ang dalawang sabay na atake kung gagamitin nito ang parehong technique na ginamit nito kanina. “Twin Dragons Fist!”Hindi nila inaasahan na ikakaluban ni Cloud ang kanyang espada at ikukuyom nito ang kanyang kamao, at pinag-umpog ang mga ito. Roar!Bigla, dalawang higanteng dragon ang nabuo mula sa Chi ang lumipad sa ere. Halos mukha itong mga buhay, at ang kanilang mga kaliskis ay delikadong kuminam. Pagkatapos nitong umalulong, sumugod ang mga ito s
Read more

Kabanata 1404

“Ptitumpung porsyento!”Nagpalitan ng tingin sila Helena at Fane, ang kanilang mga tingin ay naging seryoso. “Anong problema? Natatakot na kayo?” Tumawa si Cloud, na may natutuwang ekspresyon. “Wala nang kwenta na makatakot pa ngayon. Hindi ko kayo pakakawalan kahit na lumuhod pa kayo at magmakaawa. Ipaghihiganti ko ang aking kapatid ngayon!” Pagkatapos niya itong sabihin, kinuyom niya ang kanyang kamao at muling inipon ang kanyang Chi. mas malakas kaysa sa dati ang naging resonance ng kanyang Chi. “Blade Wave!”Hindi nangahas si Fane na ibaba ang kanyang depensa, kaya ginamit niya ang kanyang second-grade premium martial skill. Bigla, naghalo ang Chi at ang sword aura, na bumuo ng isang masyadong matalas na talim na lumilipad na mga espada, at lumipad papunta sa nakakatakot na aura. “Falcon Strike!”Ginamit din ni Helena ang kanyang pinakamalakas na atake. Nang hinawi niya ang kanyang espada, ang kanyang Chi ay nabuo at naging isang agila, inunat ang mga pakpak nito,
Read more

Kabanata 1405

Ang dragon na bumangga sa Blade Wave ni Fane ay hindi din nagtagal. May lumilitaw na sugat sa tuwing kumokonekta ang mga espada, pagkatapos isang malakas na lamat ang pumunit sa hangin, at nabasag ito ng maraming piraso. Samantala, may ilang dosena pang espada ang natitira mula sa atake ni Fane. sumugod sila ng walang humpay. “Hindi–hindi ito maaari!” Napailing si Cloud, hindi makapaniwala sa nakikita niya. Dumilim ang kanyang ekspresyon, na para bang nasakluban siya ng mga ulap. At nang papalapit na ang ang lumilipad na mga espada, gumawa si Cloud ng isang Chi shield na pumalibot sa kanya nago lumingon at lumipad. Whoosh Whoosh Whoosh!Mabilis ang mga lumilipad na espada. Dalawa sa mga ito ang kaagad na sumugod papunta sa kanya, ngunit naharang sila ng kanyang pananggalang. May dalawa pang sumugod, na bumasag sa panggalang. Bang!Isa sa mga espada ang tumama sa kanyang hita. Sumirit ang kanyang dugo sa kanyang sugat. Bang!Nagawang ilagan ni Cloud ang isa pang espa
Read more

Kabanata 1406

“Anong gagawin natin? Malalagay tayo sa panganib kung talagang tumaas ang kanyang cultivation level, at mukhang nagawa na nga niya. Ang kanyang aura ngayon ay mukhang hindi na tulad ng dati!” Tinignan ni Helena si Fane, bakas ang pag-aalala sa mga kilay nito. Sinilip ni Fane ang kanyang likuran. “Kung hindi natin siya kayang talunin na dalawa, malalagay sa alanganin ang iba. Lamang na tayo doon, ngunit hindi tayo pwedeng magpatuloy ng ganito. Pumunta ka na doon at patayin ang lahat sa iba pang laban. Mag-iisip ako ng paraan para makuha ang atensyon niya!” “Ano?!” Huminga ng malalim si Helena pagkatapos niyang marinig iyon. “Nababaliw ka na ba? Halos nahirapan nga tayo na tamaan siya kanina. Hindi natin magagawa ang bagay na iyon kahit na magtulungan pa tayong dalawa. Mamamatay ka kapag hinarap mo siya ng mag-isa!” Hindi niya inaasahan na magmamatigas si Fane. “Wala na tayong iba pang pagpipilian. Kailangan natin patayin ang Hunt family, Church family, at ang Lagorio family,”
Read more

Kabanata 1407

tinignan ni Helena si Daniella at hinampas ang kanyang espada sa mga kalaban. Ngumiti siya para hindi mag-alala ang nakababata niyang kapatid. “Huwag kang mag-alala. Malubhang nasugatan si First Young Master Hunt, at ngayon ay kaya na siya ni Fane ng mag-isa. Sinabihan niya ako na pumunta dito at tumulong. Pupunta siya dito kapag napatay na niya si Cloud!” “Talaga? Sinasabi ko na nga ba at magagawa niya iyon. Ang galing niya. Sugod!” Masayang masaya si Daniella nang marinig niya ito. Lalong nag-alab ang damdamin ng mga tao, at sinugod ang kanilang mga kalaban ng buong lakas. Ang kasinungalingan ni Helena ay talagang may silbi. Si Randall at ang iba pa ay labis na naligalig dahil dito na para bang may lakas na dumaloy bigla sa kanilang mga ugat. Sa kabilang banda naman, ang mga kalaban na pinanghihinaan na ng loob ay nagkagulo na nang marinig nila ito. Hindi na nila ngayon prayoridad ang luamaban, ang tanging tumatakbo na lang ngayon sa kanilang isipan ay ang makatakas. Sa kal
Read more

Kabanata 1408

“Ayun pala ang nangyari. Ang galing naman!” Walang ideya si Daniella na nagsisinungaling sa kanya si Helena. Natuwa siya nang marinig niya ito. Ang lahat ay nagpatuloy sa pagpatay sa kanilang mga kalaban. Talagang wala silang tinirang buhay, at binura ang lahat ng kanilang mga kalaban. “Maganda to. Halos wala pa sa isang daan ang nalagas sa atin. Isa itong panalo para sa atin. Hah!” Tumawa si Randall, sa labis na kaligayahan. “Tama ka. Maganda nga ito. Naipaghiganti na din natin ang lahat ng mga namatay nating kasamahan!” Napangiti din si Venus sa tuwa, na pakiramdam niya ay sasabog na ang kanyang puso sa tuwa. “Ngayon naman, ang Hunt, Church, at Lagorio family ay malaki ang naging kawalan. Sigurado ako na marami pa din silang mga henyo na natitira sa kanilang pamilya, ngunit ang mga sumali sa kompetisyon ay marahil ang mga malakas nila. Sa dami ng mga namatay dito, sigurado na hihimatayin sila o kaya ay mapapadasal sila sa mga diyos!” Natuwa din pati si Yule. saman
Read more

Kabanata 1409

Nagulantang si Daniella. Malakas na nga si Cloud sa advanced stage ng true god realm. Kung talagang narating na niya ang rurok ng true god realm, talagang walang laban si Fane sa kanya. “Ano? Nasa panganib si Fane kung ganun. Paano kung nahuli at napatay siya? Paano niya nagawa iyon? Sasabihin ko kay Ama ang tungkol dito kapag nakabalik tayo!” Nagsimulang mataranta si Yule, habang pinupunasan ang kanyang mga luha. Hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin. Kahit na siya at si Fane ay magkapatid lang sa ama, mabait siya sa lahat, at mabit din siya sa kanya. Kahit paano, mas mabait siya kaysa kay Lance. Iyon ang dahilan kung bakit nang marinig niya na kinuha ni Fane ang atensyon ni Cloud para iligtas silang lahat, ay nag-alala siya. “Ah. kung hindi niya kinuha ang atensyon ni Cloud, malamang ay pinatay na niya kaming dalawa, at susugod siya dito para tulungan ang mga kasamahan niya na makatalas. Lahat kayo ay baka patay na pagkatapos nun!” Napabuntong hininga na lang si Hel
Read more

Kabanata 1410

Kahit na sinabi ni Helena ang lahat ng iyon, nag-aalala pa din si Daniella. Nakahinga din siya ng maluwag. Kahit paano ay may pag-asa pa si Fane. May tiyansa na manalo pa siya kung panghahawakan niya ito. Kahit na mababa ang tiyansa nito. “Ah, anong gagawin natin ngayon? Hihintayin ba natin siya dito?” Sa wakas, bumuntong hininga si Daniella at tinanong si Helena. Ang lahat ay napatingin kay Helena. Lalo na, siya ang may pinakamataas na cultivation level at fighting power kung wala si Fane. Higit pa dun, iniisip ng lahat na dapat silang makinig sa kanya dahil sa siya ang kasintahan ni Fane. Napansin ni Helena ang tingin ng lahat, pagkatapos ay dahan-dahan na nagsalita, “Sinabi sa akin ni Fane na lisanin ang Kobe Mountain. Malapit nang matapos ang kompetisyon, kaya dapat na tayong pumunta sa labas ng kakahuyan. Kapag nakaligtas siya, hahanapin niya tayo. Kailangan na lang natin na hintayin siya saanman!” “Sige. Pwes bumaba na muna tayo. Lilipad tayo ng mga ilang oras bag
Read more
PREV
1
...
139140141142143
...
251
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status