Beranda / Urban / Numero Unong Mandirigma / Bab 1411 - Bab 1420

Semua Bab Numero Unong Mandirigma: Bab 1411 - Bab 1420

2505 Bab

Kabanata 1411

"Haha! Tara na, munting Cloud!" Di ba gusto mong ipaghiganti ang nakababata mong kapatid? Tignan natin kung mahahabol mo muka ako, utak lamok ka! Gusto mo pa rin bang maghiganti? Managinip ka na lang!" Sa loob ng light shield, sa taas ng kagubatan, kinontrol ni Fane ang kanyang flying sword at lumipad sa ere nang napakabilis. Pinanatili niya ang distansya kung saan hindi siya maaabot ng kalaban niya. Lumingon siya sa likod at kinutya ito. "G*go ka! Sa tingin mo ba hindi kita mahahabol? Wag kang masyadong mayabang dahil lang meron kang ultimate-grade spiritual tool!" Sobrang nagalit si Cloud at nagngitngit ang ngipin niya. Pagkatapos ay inilahad niya ang palad niya, naglabas ng isang talisman, at nilagyan ito ng Chi energy. Kaagad na umilaw ang talisman. Pagkatapos ay idinikit ito ni Cloud sa katawan niya, at bigla na lang, dumoble ang kanyang bilis. "Ano?" Napahigop ng hangin si Fane. Hindi pa siya nakakakita ng ganitong treasure noon. Nang makita niyang lumiit nang lumii
Baca selengkapnya

Kabanata 1412

"Bw*sit! Masyadong mapamaraan ang batang to!" Tumingin si Cloud sa harapan at sa sobrang galit niya ay hinabol na naman niya siya ulit. Alam na alam ng puso niya na kailangan niyang patayin si Fane sa lalong madaling panahon, kung hindi, mawawala na ang epekto ng pill. Kapag hindi na gumagana ang pill, tiyak na mapapatay siya. Swoosh!Pareho silang mabilis, gumawa sila ng linya sa ere habang naghahabulan. "Gaano kaya katagal ang epekto ng pill sa katawan niya. May hangganan rin ang magical paper ng lokong yun, di ba?" Bulong ni Fane sa sarili niya habang lumilipad paharap na kasing bilis ng kidlat. "Mapunta ka na sa impyerno!" Gayunpaman, nahabol na naman siya ni Cloud. Lumitaw na naman si Fane sa maaabutan ng kanyang atake, kung kaya't sinara niya ang kanyang mga kamao at umatake na naman kay Fane. Roar!Lumitaw ang dalawang malalaking dragon sa loob ng isang segundo. Diretso itong nagpunta kay Fane habang galit itong sumigaw. "Ano?! Nakahabol na naman siya!" Tum
Baca selengkapnya

Kabanata 1413

Nagdurusa sa sakit si Cloud; para bang napakatindi ng sakit na nararamdaman niya. Ang klase ng pagkibot niya, pinapakita nito ang kanyang martial level ay mabilis na bumababa mula peak stage papunta ng late stage ng true god realm, pagkatapos ay papuntang middle stage ng true god realm… "Diyos ko, bumaba na sa middle stage ng true god realm ang lakas niya, pero bumababa pa rin ito?" Nang makita ni Fane na bumababa pa rin ang martial level ng kalaban niya, mas lalo siyang nasabik. Sa ganitong paraan, mas magiging madali para kay Fane na patayin siya. Matiyaga siyang naghintay na mawala ang epekto ng pill, magiging para bang isang sakiting pusa ang lokong iyon. Sa wakas, huminto na ang pagbaba nito. Bumaba sa early stage ng semi-god realm ang martial level mo Cloud, at muntik nang bumaba sa grandmaster level. "Heh, early stage ng semi-god level?" Masayang ngumiti si Fane at naginhawaan ang puso niya. Bago ito, hinabol siya ng taong ito at muntik siyang mamatay. Ngayon na na
Baca selengkapnya

Kabanata 1414

Nasabik si Fane nang maisip niya ang tungkol sa oportunidad na makagawa na ng isang second-grade pill sa wakas. Hindi pa siya nakakakuha ng formula para sa isang second-grade pill noon, kaya talagang napakahalaga nito para sa kanya. Kahit na mayroong formula ang ibang tao, hindi nila ito ibabahagi sa kanya nang ganito kadali. Hindi niya naisip na pagkatapos patayin ang henyo sa alchemy, si Second Young Master Hunt, sa paligsahan, makakakuha siya ng napakagandang benepisyo at maraming formula para makagawa ng second-grade pill. Ngayon, pwede niyang subukang gumawa ng second-grade elementary pills. Kung magtagumpay siya, isa na talaga siyang second-grade elementary alchemist. Tanging si Second Young Master Hunt at ang First Elder mula sa Cabello family ang nasa ganitong lebel. Natagalan si Fane bago niya napigilan ang kanyang pagkasabik, mabagal niyang pinainit ang kalan sa kanyang harapan at naglagay ng mga tangkay ng spirited grass ayon sa pagkakasunod-sunod nito. Pagkatapos ay
Baca selengkapnya

Kabanata 1415

Pagkatapos niya itong pag-isipan, tumingin si Fane sa labas ng kweba at naramdaman niya na medyo hindi siya matutunton ng iba, dahil nasa labas siya ng kagubatan. Marami rin siyang napatay na mga kalaban kaya wala naman sigurong problema. Nilagay niya ang pill sa kanyang bunganga at nilunok ito. Habang dumulas ang pill sa kanyang lalamunan, isang malakas na pwersa ang nagsimulang mabuo sa loob niya. Napakalakas ng second-grade pill. Kahit na isa lang itong second-grade elementary, ang enerhiyang nilalaman nito ay higit ng ilang beses kumpara sa isang first-grade premium pill. Kaagad na ginamit ni Fane ang kanyang martial skill at tinuon ang kanyang Chi sa kanyang diaphragm. Sa paglipas ng oras, bahagyang lumakas din ang aura sa paligid ni Fane. Lumipas ang dalawang araw. Dalawang araw na lang ang natitira sa paligsahan. Nakaupo sina Daniella at ang iba pa sa ilalim ng isang malaking puno, malamlam ang kanilang ekspresyon. "Anong ginagawa ni Young Master Fane? Matatapos n
Baca selengkapnya

Kabanata 1416

“Hay! Bakit ‘di pa sila umuuwi?!” Reklamo ng isa pagkatapos nilang maghintay nang matagal.“Hoy, may lalaking lumilipad sa isang flying sword patungo sa atin!” Maligayang sigaw ng isang lalaking mula sa Lancaster family nang sobrang lakas. “Talaga? Buti naman!” Nasabik nang sobra sila Helena, Daniella at ang iba pa nang marinig nila ito. Kaagad silang lumipad upang makita kung sinong nagpunta sa kanila. Subalit, nanlumo ang mukha nila nang mapansin nila kung sino ang nakasakay sa flying sword na iyon pagkatapos. Natakot ang taong ito nang makalapit siya, nang mapansin niyang sobrang daming tao sa lugar na ito. Natural, isa siyang miyembro ng isang first-class aristocratic family, ang Zachary family, at madalas ay wala siyang dapat katakutan. Subalit, anong laban niya kung ang mga taong nakatagpo niya sa sandaling ito ay ilang daang mga master sa gubat? “Binabati ko k—kayong lahat. Mag-isa lang ako, at kaunti lang ang mga token ko. Kung gusto niyo ang mga ‘to, pwede… pwede ko
Baca selengkapnya

Kabanata 1417

“Talagang… Talagang napakabait ni young master! Talagang pinili niyang isakripisyo ang sarili niya para sa lahat!” Bago pa maluha si Kaleb, isang babae ang lumapit sa kanya at nagsimulang humagulgol nang malungkot.“Tingnan niyo! Si Fane! Si Fane!” Sabik na sabik si Daniella nang mapansin niya ang isang pamilyar na spadang lumilipad patungo sa kanila sa ibabaw ng isang flying sword.Nagalak ang lahat ng tao sa gubat nang marinig nila ang sigaw ni Daniella at lumipad silang lahat.Hindi nagtagal, isang malaking grupo ng tao ang lumitaw sa himpapawid.Habang hinahanap sila noong una, ngumiti si Fane at dumiretso sa mga tao nang makita niya ang malaking grupong lumipad sa ere.“Oh, ang galing! Talagang nakaligtas siya!” Sabik na sabik rin si Helena, sa sobrang sabik niya ay namula nang bahagya ang mga mata niya sa sandaling ito.“Alam naming siguradong makakaligtas si Young Master Fane!” Sabi ng isang lalaki habang tinatapik niya ang kanyang hita sa galak.“Tama ‘yan. Si Young Mast
Baca selengkapnya

Kabanata 1418

“Paano nangyari ‘yun? Ganoon ba talagang nakakatakot ang epekto ng pill na ito? Muntik na siyang bumaba mula sa final stage ng true-god level papunta sa isang ninth-grade grandmaster?” Napahinga nang malalim ang lahat nang marinig nila ang kwento ni Fane at nahiya sila sa loob nila.Masasabing talagang makapangyarihan ang gamot na ito dahil napapataas nito ang lakas ng isang tao sa loob ng ilang oras, at isa itong bagay na makakatulong sa isang taong manalo sa mga mahalagang sandali. Subalit, mukhang malaki rin ang kabayaran nito.“Totoo ‘yan. Hindi iinumin ni Cloud ang gamot na ito kung ganito kasama ang epekto nito. Ininom lang niya ang pill dahil nasaktan din siya at wala siyang laban sa atin.” Hindi mapigilan ni Fane na mapahinto saglit bago magpatuloy, “Buti na lang mabilis na lumipad ang flying sword ko dahil kung hindi ay napatay na niya ako!”“Totoo. Talagang delikado nga ito ngayong pinapakinggan namin ang kwento mo!” Napuno ng emosyon si Randall. Pinag-isipan niya ito at p
Baca selengkapnya

Kabanata 1419

Tumawa nang malakas si Randall. :”Haha! Ito ang kalalabasan ng pagbangga sa kuya ko. Wala silang ibang dapat sisihin sa pagpapakamatay nila!”Noong gabing iyon, nangaso ng ilang mga halimaw ang lahat at niluto ang mga ito.Dahil walang malalakas na mga halimaw sa labas ng gubat, makakahinga na nang maluwag ang lahat.Maraming ibang mga kalahok ang nagsimulang tumungo sa labas ng gubat habang ang ilan ay humanap ng lugar na pagtataguan habang naghihintay silang matapos ang paligsahan sa susunod na araw. Makalipas ang ilang araw, sumikat na ang araw at nag-usap ang lahat habang hinihintay nilang opisyal na matapos ang paligsahan.Nagsimulang gumalaw ang himpapawid at may isang ginintuang anyo sa langit sa itaas ng Kobe Mountain. May pitong ilaw na iba’t iba ang kulay sa anyong ito, at nagsimula itong kumutitap mula noong lumitaw ito.“Mukhang lalabas na tayo. Maglalaho na ba ang light dome na ito?”“Hindi ko alam. ‘Di ko alam kung dapat ba tayong lumabas, pero bakit parang pakira
Baca selengkapnya

Kabanata 1420

“Nakakabilib. Mukhang palabas na ang mga henyo!” Nadala ng emosyon ang mga miyembro ng mga pamilya habang tinititigan nila ang malaking asul na light dome mula sa labas.Kasama sa kanila ang kampanteng si Quentin. Lumapit ito nang ilang hakbang at sinabi nang malakas, “Kayong lahat, malinaw na maraming mga henyo ang namatay sa paligsahang ito. Hay… Isa itong pagsasanay para sa kanila, at ang mga henyong nakaligtas sa paligsahang ito ang mga tunay na henyo. Siguradong magiging mahaba ang landas nila sa buhay pagkatapos maranasan ang pagbibinyag na ito.”Hindi alam ni Quentin na ang secret technique na nagkonekta sa kanila ng kanyang anak ay nasira pagkatapos inumin ng panganay niyang anak ang gamot upang pataasin ang lakas nito. Kaya wala siyang naramdaman nang mamatay si Cloud.Dahil dito, natural na isipin niyang buhay pa rin si Cloud at matagumpay nitong naipaghiganti si Tyrell.“Tama. Ang mga henyong nakaligtas ay siguradong marami ang makakamit sa hinaharap!” Buong-pusong suman
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1
...
140141142143144
...
251
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status