Home / Urban / Numero Unong Mandirigma / Chapter 1441 - Chapter 1450

All Chapters of Numero Unong Mandirigma: Chapter 1441 - Chapter 1450

2505 Chapters

Kabanata 1441

"Para sa mga eight at ninth-grade grandmasters, magsikap kayo na makarating sa semi-god real; para naman sa mga nasa peak stage ng semi-god realm, magsikap kayo na makarating sa early stage ng true god realm. Napakaimportante nito para sa mga nasa peak stage ng semi-god realm dahil sa sandaling makarating ka sa true-god realm, malaki ang itatalon ng iyong kabuuang lakas. Lalo na't napakaimportante ng bilang ng mga fighter na nasa true-god realm sa isang pamilya!" Tinignan ni Nash ang lahat at nag-anunsyo ulit nang malakas. Puno ng galak siya Lancelot Woods, Chad Woods, at ang iba pa. Naiisip nila ang mukha ng lahat kapag dinala nila ang ganitong balita sa mga Woods branch family. Sa kasalukuyang sitwasyon ng Woods family, aangat sila nang matindi sa langit. Bigla na lang, nakita nilang lahat sa wakas ang liwanag sa dilim. "Oo nga pala, Ms. Daniella, bakit nandito rin kayo ng ate mo? Nandito ba kayo para ipadala ang Bone Marrow Cleansing Water?" Mabilis na napansin ni
Read more

Kabanata 1442

"Haha, sige! Ayos na ako roon!" Malakas na tumawa si Nash. "Simula ngayon, ang mga pamilyang Woods at Cabello ay isang malaking pamilya! Naayos na ang relasyon natin at maganda na ang pakikitungo sa'tin ng Cabello family ngayon. Tutulungan natin ang isa't-isa sa hinaharap, at ganoon rin ang Lancaster family!" "Tiyak yan!" Sumagot si Daniella nang nakangiti. Hindi nagtagal ay umalis na ang lahat. "Ms. Helena at Ms. Daniella, magpahinga na kayo. Pagkatapos, samahan niyo kami sa pagdiriwang ngayong gabi! Imbitado kayong dalawa sa party!" Lumingon si Fane sa dalawang Cabello at inimbitahan sila. "Ate, talagang nakakamangha ang tanawin banda roon! Ipapasyal kita!" Tumango si Daniella, pagkatapos ay hinila si Daniella kasama niya at umalis sa eksena. May katwiran si Daniella. Alam na alam niya na higit sa isang buwan nang hindi nagkikita sina Fane at Selena; malamang ay walang katapusan ang kwentong gusto bilang ibahagi sa isa't-isa kaya hindi niya gustong manatili d
Read more

Kabanata 1443

Gayon na nga, ang kaakit-akit ngunit malumanay na aura ni Selena ay isang bagay na hindi tinataglay ng kahit na sinong pangkaraniwang babae. Hindi napigilan ni Selena na mamula ang kanyang pisngi. "Syempre namiss kita! Paanong hindi kita mamimiss? Minsan kapag sobra kitang namimiss, binabaling ko ang atensyon ko sa martial training at pinapabilis nito ang oras! Hehe, sa ganitong paraan, pakiramdam ko ay parang saglit ka lang nawala!" "Magandang ideya yan!" Tumango sa pagsang-ayon si Fane. "Huhulaan ko, malamang nakarating na sa grandmaster level ang mahal kong asawa. Hmmm, pero hindi ko pa rin alam kung sa aling grandmaster level ka na ngayon. Hmmm… hindi kaya second-grade grandmaster ka na? Teka! O di kaya isang third-grade grandmaster?" Hula niya. Napuno ng saya si Selena na sinusulit ang init ng yakap ni Fane; bumaha ang init sa kanyang kaluluwa at umilaw ang ligaya sa loob niya. "Hehe, ikaw kamo, mali ka! Isa na akong fourth-grade grandmaster ngayon!" ngumiti siya. "W
Read more

Kabanata 1444

"Iyon pala ang nangyari. Nasabi ko na na ang isang taong mabagal at diretsong lalaking kagaya mo ay hindi maghahabol ng ibang babae. Sa halip, mga babae ang hahabol sa'yo. Saglit mo pa lang nakikilala si Daniella, at kung iisipin, sa tingin ko ay hindi dapat ganito kabilis ang pag-usad ng relasyon ninyo. Hindi ko inaasahan na mangyayari yun!" Tinignan ni Selena ang kinikilos ni Fane at sa halip ay nagsalita nang may seryosong tono, "Kung ganun, kailangang mong maging responsable sa ginawa mo sa isang mabuting dalaga habang lasing ka. Kung hindi ka magiging responsable, mapapahiya ako dahil sa'yo!" "Wag lang mag-alala, mahal. Maganda ang impresyon ko sa kanya mula sa umpisa, at isa siyang mabuting babae. Dahil nangyari na ito, tiyak na tatratuhin ko siya nang mabuti!" Hinigpitan ni Fane ang hawak niya kay Selena, pagkatapos ay yumuko at hinalikan siya. Pagkatapos nilang maghalikan nang ilang sandali, sumiklab ang pag-ibig sa loob ni Fane. Gayunpaman, mabilis na pinigilan ni Se
Read more

Kabanata 1445

"Ate, ang sabi mo ay ninakaw ni Fane ang first kiss mo. Nagtataka ako kung ang pag-arte mo ay unti-unting naging totoo at gusto mo na rin siya ngayon." Kumunot ang noo ni Daniella at simpleng nagsabi. "Anong pinagsasasabi mo? Imposible! Kasal na siya. Imposibleng magustuhan ko siya. At saka boyfriend mo siya. Imposibleng agawin ko siya mula sa'yo!" Kaagad na sumagot si Helena nang may nagmamadaling tono. "Bakit ka masyadong kinakabahan? Nagtatanong lang ako!" Pagkatapos itong pag-isipan ni Daniella, nagtanong pa siya ng isa pang tanong, "Oh, oo nga pala, anong pakiramdam noong pwersahan mo siyang hinalikan?" "Daniella Cabello, bakit ka ba nagtatanong ng mga kakaibang tanong?! Masyado nang malalim ang gabi. Dapat matulog ka na o magsanay ka nang maayos!" Hindi nagsayang ng oras si Helena para sagutin siya. Bumalikwas siya sa parte niya sa kama, tumalikod kay Daniella, at hindi siya pinansin. "Gusto ko lang malaman. Kalimutan mo na pala!" Sabi ni Daniella habang nakangu
Read more

Kabanata 1446

“Ah!”Biglang napasigaw si Lily nang marinig niya ito. Pakiramdam niya mababaliw na siya. Akala niya ngayong mas malakas na ang tatay niya, magagawa na nitong pagdusahin ang Woods family sa gitna ng kompetisyon. Hindi niya inakalang ganito ang kalalabasan nito.Paano na siya makakapaghiganti ngayon?Pagkatapos niyang magpahinga nang matagal, medyo magaling na ang kanyang katawan, at nagsimula siyang magsanay muli. Hanggang ngayon, isa pa lamang siyang third-grade martial artist. Ang cultivation level na ito ay napakalayo sa dati niyang kalagayan.“Ah, ginawa ko ang makakaya ko, mahal kong anak. Gusto kong maghiganti para sa’yo. Pero mukhang wala akong paraan para magawa ito dahil sa mga nangyari. Atsaka, dahil marami ang nakuha ng Woods family, siguradong magsasanay sila nang husto at papalakasin nila ang kanilang mga sarili!” Suminghal si Trenton habang nakatingin sa kanyang nababahalang anak. Nanikip rin ang kanyang dibdib.“Bakit? Bakit masyadong hindi patas ang mga diyos? Ti
Read more

Kabanata 1447

“Salamat, Dad. Maghihiganti ako mismo, pero wala pang kwenta sa ngayon ang cultivation level ko. Ang magagawa ko lang ay umasa sa’yo at sa ibang elder ng Lagorio family!” Labis na nagpasalamat si Lily.“Anak kita. Hindi ko hahayaang may mang-api sa’yo!” Ngumiti si Trenton habang maamo ang kanyang mukha. “Oo nga pala. Bakit walang palatandaan kay Lance, Dad? May ilang mga miyembro ng ibang pamilya ang sumama sa kanya. Malay natin kung may balita sila!” Nagtanong si Lily nang maisip niya ito. Muling umiling si Trenton at walang magawa. “Wala talagang balita. Tinanong ko sila bago ako bumalik, at wala silang nahanap na kahit anong palatandaan. At handa nang tumigil ang mga pamilyang iyon sa paghahanap!” “Bakit sila sumusuko? Napakasama. Miyembro ng pamilya nila ang nawala, at hindi man lang sila mag-aabala?”Nagalit si Lily nang marinig niya ito. Kapag nagpadala ang ibang mga pamilya ng search party, mas maraming tao na ang mag-aasikaso dito, at mas malaki ang pag-asang maha
Read more

Kabanata 1448

Kaagad na umalis si Trenton habang si Lily naman ay bumalik sa kanyang kwarto nang mag-isa. Humiga siya sa kama, hindi makatulog. Hindi nagtagal, umupo siya ulit. “Hindi maaari. Kapag nagpatuloy ito, hindi na ako makakapaghiganti. Mahusay rin si Fane. Ngayong ang Woods family ang tinanghal na kampeon, siguradong lalakas sila kaagad. Kailangan kong mag-isip para makapaghiganti!” Tinikom ni Lily ang kanyang kamao, habang nagsisimulang magplano sa kanyang isipan. Makalipas ang isang sandali, nagliwanag ang mga mata niya. “Oo nga. Sa halip na magpatuloy nang ganito, bakit hindi ko palihim na ipaalam sa Four Ancient Clans ang tungkol dito at makipagkasundo ako sa kanila?” Habang lalo itong iniisip ni Lily, lalong gumaganda ang oportunidad sa tingin niya. Hindi mag-aabala ang Four Ancient Clans sa ibang balita, pero siguradong magiging interesado sila tungkol sa ultimate god realm. Higit sa lahat, maraming malalakas na fighter sa Four Ancient Clans, at marami sa kanila ang nasa t
Read more

Kabanata 1449

“Gusto kong ipaghiganti ang anak ko, Eighth Elder. Kaya umaasa akong ililihim mo ito. Pakiusap huwag mong sabihin kahit kanino ang tungkol sa pagpunta ko sa Pavilion of Gods and Kings at kung paano ko hinahanap ang Four Ancient Clans!”Tumingin si Lily sa Eighth Elder, habang nagsasalita nang seryoso, “Sasabihin ko sa tatay ko ang tungkol dito pag-uwi natin!” “Sige. Pero tingin ko lang hindi man lang nila makita kapag nagpunta ka doon!” Ngumiti nang nanlulumo ang Eighth Elder. Patuloy niyang dinala ang flying carpet patungo sa Pavilion of Gods and Kings. Nagsasanay nang husto ang mga miyembro ng Woods family. Samantala, si Yoseph, Adam, at ang iba ay umaasang makakalagpas sila sa beginning stage ng true god realm sa loob ng isang buwan. Higit sa lahat, nabalitaan rin nila ang tungkol sa ultimate god status. Gusto nilang marating ito. Nagalak din si Nash, nang makita niya kung paanong nagsusumikap ang mga disipulo ni Fane na palakasin ang kanilang mga sarili. Kapag may oras
Read more

Kabanata 1450

Nagalit si Lily.Noon, isa siyang kilalang young mistress ng Lagorio family, ipinanganak na mayaman at pinapalaki sa layaw ng mga magulang niya mula pagkabata.Pagkatapos niyang ikasal, siya ang asawa ng First Young Master ng Woods family. Pagkatapos maging isang first-class family ng Woods family, ang posisyon niya ay lalong tumaas. Maraming mga tao ang naghabol sa kanya at sinubukang kunin ang loob niya. Hindi niya inakalang darating ang araw na basta siya babalewalain ng mga taong ito na nasa semi-god realm. Napahiya siya nang sobra dito. “Ikaw…” Galit na galit si Lily kaya nagkiskisan ang kanyang ngipin, at lumubo ang ugat niya. “Eldest Miss, umalis na tayo!” Ikinakatakot ng Eighth Elder na baka hindi mapigilan ni Lily ang galit niya nang makita niya ang mukha nito. Magiging magulo kapag binangga niya ang mga miyembro ng Pavilion of Gods ang Kings. Mataas ang cultivation level niya, at ang mga guwardiyang ito ay walang laban sa kanya.Ngunit siguradong mababalitaan n
Read more
PREV
1
...
143144145146147
...
251
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status