Home / Urban / Numero Unong Mandirigma / Kabanata 101 - Kabanata 110

Lahat ng Kabanata ng Numero Unong Mandirigma: Kabanata 101 - Kabanata 110

2505 Kabanata

Kabanata 101

Pagkatapos ipaalam ni Sonia sa lahat ang tungkol sa party, agad siyang lumabas ng opisina at tumawag sa hotel. Lumapit sa kanya ang isa pang babaeng empleyado na malapit sa kanya pagkatapos niyang tumawag. "Supervisor, ilang taon ka nang nagtatrabaho para sa Drake family. Bakit hindi man lang nila naisip yung kontribusyon mo sa kumpanya? Hindi ba dapat gawin ka na nilang manager? May bakanteng posisyon para sa Procurement Manager, pero hindi naman ata tama na ibigay nila yun kay Selena, di ba?"Ang sabi ng babaeng empleyado nang makalapit siya kay Sonia. Galit na galit si Sonia nang marinig niya ang sinabi ng babae. Pumangit ang itsura niya dahil sa matinding galit na kanyang nararamdaman. Pinilit na lamang niyang ngumiti. "Hayy, magaling siya at ang sabi ng General Manager, si Ms. Tanya mismo ang kumuha sa kanya. Tsaka, matagal nang naipakita ni Selena ang kakayahan niya noong parte pa siya ng Taylor family!" "Letse. Ang alam ko pinalayas siya sa Taylor family limang taon n
Magbasa pa

Kabanata 102

"Napakataas? Hindi ba pareho lang yung sahod niya sa sahod ng dating manager? Hindi ba one hundred thousand yung sahod niya kada buwan? Kung isasama yung mga benefits niya, malamang nasa one hundred seventy thousand ang kabuuan ng sahod niya, tama ba?" Napasimangot si Sonia. Medyo nagulat siya sa kanyang narinig. "Ang dinig ko hindi ganun ang sahod niya. Kung di ako nagkakamali, one million ang sahod niya kada buwan at may year-end bonus pa!" Dagdag pa ni Felicia, "Hindi ko alam kung bakit ganun kalaki ang sahod niya. Kalokohan yun, hindi ba? Maiintindihan ko kung kamag-anak siya ng Drake family, pero hindi naman nila siya kaano-ano! Sa tingin ko sapat na sa kanya yung maging manager. Hindi na nila kailangan na bayaran siya ng ganun kalaki!"Nanggigigil si Sonia habang iniisip niya iyon. Kapag naging manager siya, ganun din kaya kataas ang magiging sahod niya? Kung sabagay, isa siyang malayong kamag-anak ng Drake family. Nagpaikot-ikot sa kanyang isipan ang pagiging manager ni
Magbasa pa

Kabanata 103

"Oo, di ba sabi mo asikasuhin ko yun? Pina-book ko yung isa sa pinakamagandang private room, hindi bababa sa two hundred thousand ang halaga nun!" "Ang dinig ko, bilang manager, nasa one million ang sahod mo kada buwan. Ayos lang naman sayo yun, di ba?" Ang sabi ni Sonia habang nakangisi. "Grabe! Ganun kalaki ang sahod ng manager?" "Grabe, nagpa-book kayo ng private room? Napakabait ng manager satin. Hindi bababa sa two hundred thousand ang halaga ng gagastusin dun!" Nabuhayan ng loob ang iba pang mga empleyado, may ilan pa ngang mga babaeng empleyado na nagtatalon sa tuwa. Base sa sitwasyon, bakas sa mukha ni Selena ang sama ng loob niya. Dalawang daang libong dolyar ang pinakamababang magagastos sa private room. Malamang higit pa dun ang gagastusin nila para sa pagkain. Isa pa, hindi pa rin sigurado kung magkano ang gagastusin nila sa karaoke. Galit na galit at gusto niyang sermonan ng husto si Sonia. Napakasama ng babaeng yun para magdesisyon siya ng ganun ng hindi man lan
Magbasa pa

Kabanata 104

Agad na lumabas ng kumpanya si Selena nang makaalis na ang iba pang mga empleyado, makikita ang pagkabalisa sa kanyang mukha. Mayroon lamang siyang 100,000, pero siguradong gagastos siya ng higit sa 300,000 sa pagkain at karaoke. Namroblema siya dahil dito. Subalit, walang ibang pagpipilian si Selena. Kung hinayaan niya na magtagumpay si Sonia, magiging miserable ang buhay niya sa kumpanya. Bukod dito, kahit na malaki ang gagastusin niya, malaki naman ang sahod niya. Kapag nakuha na niya ang unang sahod niya, hindi na siya mamomroblema sa pera. Wala siyang ibang maisip na solusyon, pagkatapos niyang mag-isip-isip, nagdesisyon siyang tawagan si Fiona. Kung sabagay, nagwithdraw na ng isang milyon si Fane noon, at mayroon pang natirang 800,000 kay Fiona. Malulusutan lamang niya ang gusot na ito kung kukuha siya ng pera kay Fiona. "Ma..."Mahinahong nagsalita si Selena nang sagutin ni Fiona ang kanyang tawag. "Selena, kamusta ka sa trabaho?" Nag-aalalang nagtanong si Fiona
Magbasa pa

Kabanata 105

Ayaw tumigil ni Fiona. Nainis si Selena sa mga sinabi ni Fiona. Nadismaya siya at ibinaba na lamang ang phone. "Honey. Anong problema? Mukhang masama ang loob mo sa unang araw mo sa trabaho!" Nagkataon namang pinarada ni Fane ang kanyang electric scooter sa tapat ni Selena. Nilabas niya ang ice cream na binili niya at binigay ito kay Selena. "Ang init ng panahon ngayon. Maaga pa naman, kaya bumili muna ako ng dalawang ice cream!"Malungkot na ngumiti si Selena kay Fane. Kinuha niya ang ice cream at nagsalita. "Hubby, hindi ko alam ang gagawin ko. Kakapasok ko lang sa trabaho, pero nabiktima na agad ako ng plano ng ibang tao. Yung nakakalungkot pa dun, nung humingi ako ng 300,000 kay mama at babayaran ko siya kapag sumahod na ako, hindi niya ako pinahiram. Akala niya napahamak ka at hinihingi ko yung pera para bayaran yung taong naperwisyo mo."Nalungkot si Fane nang makita niya na malungkot si Selena. Lumapit kay Selena at ngumiti. "Honey, okay lang yan. Kung kailangan mo ng pe
Magbasa pa

Kabanata 106

Napangiti si Selena pagsakay niya sa electric scooter ni Fane. Limang taon niyang hinintay ang pagbabalik ni Fane. Siya ang unang nagpakita at tumulong sa kanya sa pinakamahirap na sandali ng kanyang buhay. Nakakapit siya ng mahigpit kay Fane habang hawak niya sa isang kamay ang ice cream na binili ni Fane. Naglalaro pa rin sa kanyang isipan ang mabubuting bagay na ginawa ni Fane. Namula ng husto ang mga pisngi ni Selena. "Dahan-dahan. Nakakatakot ka magmaneho!" ang sinabi ni Selena upang itago na sinasadya niyang kumapit ng mahigpit kay Fane. Sinilip ni Fane ang maputing kamay ni Selena; natuwa siya. Para sa kanya, napakabagal na ng takbo nila. Du nagtagal, nakarating ang dalawa sa tapat ng banko. Pagkatapos, pinarada ni Fane ang kanyang scooter sa tabi ng kalsada. "Honey, pumunta muna tayo dun para bumili ng malaking duffel bag. Malaking halaga ang two million. Kung hindi tayo bibili ng malaking bag, hindi natin yun mabibitbit!" Ngumiti si Fane at tumawid ng kalsada kas
Magbasa pa

Kabanata 107

Bumilis ang tibok ng puso ni Fane ng marinig niya iyon. Huminto siya sa tapat ng banko at hinawakan ang mukha ni Selena. "Huwag kang mag-alala. Nandito na ako, at hindi ka na maghihirap ulit. Tsaka, mataas na ang katayuan ng asawa mo. Kumikita na nga rin ako ng 20 million kada buwan, di ba?" Napuno ng saya ang puso ni Selena at napangiti siya. "Mukhang hindi nagsinungaling sayo si Ms. Tanya. Nakuha mo talaga yung trabaho!" "Oo. Binigyan din nila ako ng isang kwarto sa villa. Pwede akong tumira dun kung gugustuhin ko, pero tingin ko mas komportable na matulog ako sa isang kwarto na kasama ang asawa ko!" Ngumiti si Fane habang tinitingnan si Selena. Napagtanto niya na napakaganda ng mundo dahil kay Selena. Mula sa puntong iyon, hinding-hindi niya pababayaan si Selena. "Anong ginagawa niyo dito dala yang bulaklaking bag na yan? Mamumulot ba kayo ng mga bote ng tubig dito? Tumabi nga kayo!" Lumapit ang isang lalaking nakasuot ng gintong kwintas. Pagkatapos nun, bumaba ang tin
Magbasa pa

Kabanata 108

"Asawa?" Maituturing na isang magandang babae na may kaakit-akit na katawan ang manager. Sandaling napatigil ang manager nang marinig niya ang sinabi ni Fane. Nainggit siya kay Selena. "Napakaswerte ng binibining ito dahil napangasawa niya ang isang gwapo at mayamang lalaki na gaya mo. Wala ka nang aalalahanin pa sa buong buhay mo!" Umasa siya na magkaroon sila ng relasyon ni Fane. Kung sabagay, ito ang unang beses na may nakilala siyang isang napakayamang tao. Subalit, nahiya siya agad nang makilala niya si Selena. Higit na masmaganda at maskaakit-akit si Selena kaysa sa kanya. Pagdating nila sa private room, nagtimpla ng kape ang manager para kay Fane at Selena, at pagkatapos ay inasikaso ang mga kailangan nila. Pagkalipas ng ilang oras, iniabot kay Fane ang malaking halaga ng pera na binabantayan ng dalawang security guard. "Tulungan niyo akong ilagay sa bag ang mga 'to!" Ang sabi ni Fane habang nakangiti. Naguluhan ang dalawang security guard nang makita nila ang bula
Magbasa pa

Kabanata 109

"Saan?" "Alin dyan ang kotse niya?" ang tanong ng isa sa kanila. "Bakit hindi ko siya makita?" "Mukhang yung manager yung taong nakasakay sa likod ng electric scooter!" Itinuro ng lalaki ang electric scooter na palapit sa kanto ng kalsada. "Diyos ko, siya nga! Sino yung lalaking yun? Hindi naman siguro yun yung asawa niya, tama ba? May bulaklaking bag sa harap niya. Papasok ba ng trabaho yung asawa niya at inihatid lang siya dito?" Nagulat si Felicia sa nakita niya. "Posible kaya? Di ba sabi mo one million kada buwan ang sahod ng manager? Kung ganun kalaki ang sahod niya, bakit pa kailangang magtrabaho ng asawa niya?" Napasimangot ang isang lalaking empleyado dahil sa sinabi niya. "Hehe. Baka hindi niyo alam, siya ang kilalang pinakamagandang babae sa Middle Province, si Selena Taylor. Siya yung napalayas sa Taylor family." Dagdag pa niay, "Baka nakabalik na galing sa militar yung asawa niya!" "May sasabihin ako sa inyo. Alam niyo ba kung bakit nakasakay siya sa elect
Magbasa pa

Kabanata 110

"Ikaw… Bakit mo sinabi yun? Ano bang problema mo? Ang kapal ng pagmumukha mo!" Sa sobrang galit ni Sonia, halos hingalin na siya. Hindi niya inasahan na magsasalita si Fane. Isa siyang malayong kamag-anak ng Drake family. Alam yun ng lahat ng nasa kumpanya. Yun ang dahilan kung bakit walang nagtatangkang galitin siya. Kahit yung dating manager ay hinihingi muna ang opinyon niya bago magdesisyon. Para sa kanya, si Fane ay isa lamang hamak na sundalo, kaya wala siyang karapatan na pagsalitaan siya ng ganun. "Pasensya na, pareho kasi tayo. Hindi kasi ako nakapag-aral at barumbado ako. Akala ko pinupuri kita!"Nagkibit balikat si Fane at dinepensahan ang kanyang sarili. Natawa ang karamihan sa mga empleyado noong marinig nila ang pag-uusap ng dalawa. Matalino at mahusay gumamit ng mga salita yung lalaking yun. "Ikaw…" Nagkulay asul ang mukha ni Sonia dahil sa sobrang galit, ngunit hindi na siya makasagot pa. Naghalukipkip na lamang siya at tiningnan ang bag na hawak ni Fan
Magbasa pa
PREV
1
...
910111213
...
251
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status