Napangiti si Selena pagsakay niya sa electric scooter ni Fane. Limang taon niyang hinintay ang pagbabalik ni Fane. Siya ang unang nagpakita at tumulong sa kanya sa pinakamahirap na sandali ng kanyang buhay. Nakakapit siya ng mahigpit kay Fane habang hawak niya sa isang kamay ang ice cream na binili ni Fane. Naglalaro pa rin sa kanyang isipan ang mabubuting bagay na ginawa ni Fane. Namula ng husto ang mga pisngi ni Selena. "Dahan-dahan. Nakakatakot ka magmaneho!" ang sinabi ni Selena upang itago na sinasadya niyang kumapit ng mahigpit kay Fane. Sinilip ni Fane ang maputing kamay ni Selena; natuwa siya. Para sa kanya, napakabagal na ng takbo nila. Du nagtagal, nakarating ang dalawa sa tapat ng banko. Pagkatapos, pinarada ni Fane ang kanyang scooter sa tabi ng kalsada. "Honey, pumunta muna tayo dun para bumili ng malaking duffel bag. Malaking halaga ang two million. Kung hindi tayo bibili ng malaking bag, hindi natin yun mabibitbit!" Ngumiti si Fane at tumawid ng kalsada kas
Bumilis ang tibok ng puso ni Fane ng marinig niya iyon. Huminto siya sa tapat ng banko at hinawakan ang mukha ni Selena. "Huwag kang mag-alala. Nandito na ako, at hindi ka na maghihirap ulit. Tsaka, mataas na ang katayuan ng asawa mo. Kumikita na nga rin ako ng 20 million kada buwan, di ba?" Napuno ng saya ang puso ni Selena at napangiti siya. "Mukhang hindi nagsinungaling sayo si Ms. Tanya. Nakuha mo talaga yung trabaho!" "Oo. Binigyan din nila ako ng isang kwarto sa villa. Pwede akong tumira dun kung gugustuhin ko, pero tingin ko mas komportable na matulog ako sa isang kwarto na kasama ang asawa ko!" Ngumiti si Fane habang tinitingnan si Selena. Napagtanto niya na napakaganda ng mundo dahil kay Selena. Mula sa puntong iyon, hinding-hindi niya pababayaan si Selena. "Anong ginagawa niyo dito dala yang bulaklaking bag na yan? Mamumulot ba kayo ng mga bote ng tubig dito? Tumabi nga kayo!" Lumapit ang isang lalaking nakasuot ng gintong kwintas. Pagkatapos nun, bumaba ang tin
"Asawa?" Maituturing na isang magandang babae na may kaakit-akit na katawan ang manager. Sandaling napatigil ang manager nang marinig niya ang sinabi ni Fane. Nainggit siya kay Selena. "Napakaswerte ng binibining ito dahil napangasawa niya ang isang gwapo at mayamang lalaki na gaya mo. Wala ka nang aalalahanin pa sa buong buhay mo!" Umasa siya na magkaroon sila ng relasyon ni Fane. Kung sabagay, ito ang unang beses na may nakilala siyang isang napakayamang tao. Subalit, nahiya siya agad nang makilala niya si Selena. Higit na masmaganda at maskaakit-akit si Selena kaysa sa kanya. Pagdating nila sa private room, nagtimpla ng kape ang manager para kay Fane at Selena, at pagkatapos ay inasikaso ang mga kailangan nila. Pagkalipas ng ilang oras, iniabot kay Fane ang malaking halaga ng pera na binabantayan ng dalawang security guard. "Tulungan niyo akong ilagay sa bag ang mga 'to!" Ang sabi ni Fane habang nakangiti. Naguluhan ang dalawang security guard nang makita nila ang bula
"Saan?" "Alin dyan ang kotse niya?" ang tanong ng isa sa kanila. "Bakit hindi ko siya makita?" "Mukhang yung manager yung taong nakasakay sa likod ng electric scooter!" Itinuro ng lalaki ang electric scooter na palapit sa kanto ng kalsada. "Diyos ko, siya nga! Sino yung lalaking yun? Hindi naman siguro yun yung asawa niya, tama ba? May bulaklaking bag sa harap niya. Papasok ba ng trabaho yung asawa niya at inihatid lang siya dito?" Nagulat si Felicia sa nakita niya. "Posible kaya? Di ba sabi mo one million kada buwan ang sahod ng manager? Kung ganun kalaki ang sahod niya, bakit pa kailangang magtrabaho ng asawa niya?" Napasimangot ang isang lalaking empleyado dahil sa sinabi niya. "Hehe. Baka hindi niyo alam, siya ang kilalang pinakamagandang babae sa Middle Province, si Selena Taylor. Siya yung napalayas sa Taylor family." Dagdag pa niay, "Baka nakabalik na galing sa militar yung asawa niya!" "May sasabihin ako sa inyo. Alam niyo ba kung bakit nakasakay siya sa elect
"Ikaw… Bakit mo sinabi yun? Ano bang problema mo? Ang kapal ng pagmumukha mo!" Sa sobrang galit ni Sonia, halos hingalin na siya. Hindi niya inasahan na magsasalita si Fane. Isa siyang malayong kamag-anak ng Drake family. Alam yun ng lahat ng nasa kumpanya. Yun ang dahilan kung bakit walang nagtatangkang galitin siya. Kahit yung dating manager ay hinihingi muna ang opinyon niya bago magdesisyon. Para sa kanya, si Fane ay isa lamang hamak na sundalo, kaya wala siyang karapatan na pagsalitaan siya ng ganun. "Pasensya na, pareho kasi tayo. Hindi kasi ako nakapag-aral at barumbado ako. Akala ko pinupuri kita!"Nagkibit balikat si Fane at dinepensahan ang kanyang sarili. Natawa ang karamihan sa mga empleyado noong marinig nila ang pag-uusap ng dalawa. Matalino at mahusay gumamit ng mga salita yung lalaking yun. "Ikaw…" Nagkulay asul ang mukha ni Sonia dahil sa sobrang galit, ngunit hindi na siya makasagot pa. Naghalukipkip na lamang siya at tiningnan ang bag na hawak ni Fan
"Mister, may hinahanap ka ba?" Nagtanong ang isa sa mga guard. "Mister, ito ang Dynasty Hotel, ang pinakamagandang hotel sa Middle Province. Tanging ang mga mayayaman at maharlika lamang ang pumupunta dito!" Hindi kasing galang ng unang security guard yung pangalawa. "Kung nandito ka para mamulot ng basura, hindi mangyayari yun. Hindi mo yun magagawa sa lugar na 'to!" Napahalakhak si Fane. "Nakakatawa kayo! Syempre nandito ako para kumain!" Pagkatapos, agad na nagdilim ang kanyang mukha. "Umalis kayo sa dinadaanan ko!" Takot na takot ang dalawang security guard nang makita nila ang kagimbal-gimbal na aura ni Fane. Napaatras sila sa takot. "Haha! May pambayad ka ba sa kakainin mo dito?" Nagtanong ang isang lalaki na napadaan. "Mahirap at barumbado ang tawag sa mga taong gaya mo!" Pagkatapos niyang sabihin yun, lumingon sa dalawang security guard ang mayamang lalaki at sinabing, "Kayong dalawa, mas mabuti pa kung paalisin niyo na siya. Ayaw ng mga mayayamang gaya namin
"Talaga? Ayos yun. Nagpa-book kami ng private room na may halagang hindi bababa sa 200,000. Sigurado ka bang gusto mong bayaran ang hapunan namin? Kung sakaling umorder kami ng masmarami, baka umabot sa 300,000 hanggang 400,000 ang babayaran!" Nagningning ang mata ng isang babaeng empleyado noong marinig niya ang pag-uusap nila. Lumapit siya at masayang kinuha ang business card ng lalaki. "Ikaw ba si Sean Logan, ang Assistant General Manager ng Union Building Materials?" "Oo!" ang sagot ng lalaki. "Nag-aalala ang tatay ko na baka hindi ko mapatakbo ng maayos ang kumpanya ng mag-isa ko lang. Ginawa niya akong assistant general manager habang siya naman ang general manager!" Nagbiro si Sean at nagtanong. "Oo nga pala, sino 'tong magandang manager na 'to?" "Ah, siya ang bago naming manager, si Selena Taylor!" sumagot ang babaeng empleyado. "Manager, may gustong manlibre satin. Bakit hindi kayo magpalitan ng mga name card niyo?" Tuwang-tuwa din ang isa pang lalaking empleyado.
Hindi nagtagal at muling nagliwanag ang kanyang mga mata. Napahiyaw siya sa sobrang saya nang bigla siyang may napagtanto. "Oo nga… Bakit ba ang tanga ko? Maraming tao sa paligid, at nandito din ang mga empleyado niya. Paano naman niya tatanggapin ang alok ko kung maraming nakakakita? Kapag may nag-report sa kanya sa kumpanya nila, siguradong tapos siya kahit na hindi ito direktang binigay sa kanya!"Napangiti siya pagkatapos niyang mapagtanto ang sitwasyon. "Mukhang kailangan ko siyang yayain na lumabas para pag-usapan ang negosyo sa susunod. Pagkatapos, palihim ko siyang bibigyan ng bank card para hindi malaman ng lahat. Sigurado akong tatanggapin niya yun. Sinong matinong tao ang tatanggi sa pera!" Di nagtagal, nakarating si Selena at ang mga kasama niya sa isang malaking private room. Inilapag ni Fane ang bag sa isang sulok at umupo sa tabi ni Selena. Kampante si Selena na mababayaran nila ang mga kakainin nila dahil alam niyang may dalang dalawang milyong dolyar si Fane. Tuma