"Ikaw… Bakit mo sinabi yun? Ano bang problema mo? Ang kapal ng pagmumukha mo!" Sa sobrang galit ni Sonia, halos hingalin na siya. Hindi niya inasahan na magsasalita si Fane. Isa siyang malayong kamag-anak ng Drake family. Alam yun ng lahat ng nasa kumpanya. Yun ang dahilan kung bakit walang nagtatangkang galitin siya. Kahit yung dating manager ay hinihingi muna ang opinyon niya bago magdesisyon. Para sa kanya, si Fane ay isa lamang hamak na sundalo, kaya wala siyang karapatan na pagsalitaan siya ng ganun. "Pasensya na, pareho kasi tayo. Hindi kasi ako nakapag-aral at barumbado ako. Akala ko pinupuri kita!"Nagkibit balikat si Fane at dinepensahan ang kanyang sarili. Natawa ang karamihan sa mga empleyado noong marinig nila ang pag-uusap ng dalawa. Matalino at mahusay gumamit ng mga salita yung lalaking yun. "Ikaw…" Nagkulay asul ang mukha ni Sonia dahil sa sobrang galit, ngunit hindi na siya makasagot pa. Naghalukipkip na lamang siya at tiningnan ang bag na hawak ni Fan
"Mister, may hinahanap ka ba?" Nagtanong ang isa sa mga guard. "Mister, ito ang Dynasty Hotel, ang pinakamagandang hotel sa Middle Province. Tanging ang mga mayayaman at maharlika lamang ang pumupunta dito!" Hindi kasing galang ng unang security guard yung pangalawa. "Kung nandito ka para mamulot ng basura, hindi mangyayari yun. Hindi mo yun magagawa sa lugar na 'to!" Napahalakhak si Fane. "Nakakatawa kayo! Syempre nandito ako para kumain!" Pagkatapos, agad na nagdilim ang kanyang mukha. "Umalis kayo sa dinadaanan ko!" Takot na takot ang dalawang security guard nang makita nila ang kagimbal-gimbal na aura ni Fane. Napaatras sila sa takot. "Haha! May pambayad ka ba sa kakainin mo dito?" Nagtanong ang isang lalaki na napadaan. "Mahirap at barumbado ang tawag sa mga taong gaya mo!" Pagkatapos niyang sabihin yun, lumingon sa dalawang security guard ang mayamang lalaki at sinabing, "Kayong dalawa, mas mabuti pa kung paalisin niyo na siya. Ayaw ng mga mayayamang gaya namin
"Talaga? Ayos yun. Nagpa-book kami ng private room na may halagang hindi bababa sa 200,000. Sigurado ka bang gusto mong bayaran ang hapunan namin? Kung sakaling umorder kami ng masmarami, baka umabot sa 300,000 hanggang 400,000 ang babayaran!" Nagningning ang mata ng isang babaeng empleyado noong marinig niya ang pag-uusap nila. Lumapit siya at masayang kinuha ang business card ng lalaki. "Ikaw ba si Sean Logan, ang Assistant General Manager ng Union Building Materials?" "Oo!" ang sagot ng lalaki. "Nag-aalala ang tatay ko na baka hindi ko mapatakbo ng maayos ang kumpanya ng mag-isa ko lang. Ginawa niya akong assistant general manager habang siya naman ang general manager!" Nagbiro si Sean at nagtanong. "Oo nga pala, sino 'tong magandang manager na 'to?" "Ah, siya ang bago naming manager, si Selena Taylor!" sumagot ang babaeng empleyado. "Manager, may gustong manlibre satin. Bakit hindi kayo magpalitan ng mga name card niyo?" Tuwang-tuwa din ang isa pang lalaking empleyado.
Hindi nagtagal at muling nagliwanag ang kanyang mga mata. Napahiyaw siya sa sobrang saya nang bigla siyang may napagtanto. "Oo nga… Bakit ba ang tanga ko? Maraming tao sa paligid, at nandito din ang mga empleyado niya. Paano naman niya tatanggapin ang alok ko kung maraming nakakakita? Kapag may nag-report sa kanya sa kumpanya nila, siguradong tapos siya kahit na hindi ito direktang binigay sa kanya!"Napangiti siya pagkatapos niyang mapagtanto ang sitwasyon. "Mukhang kailangan ko siyang yayain na lumabas para pag-usapan ang negosyo sa susunod. Pagkatapos, palihim ko siyang bibigyan ng bank card para hindi malaman ng lahat. Sigurado akong tatanggapin niya yun. Sinong matinong tao ang tatanggi sa pera!" Di nagtagal, nakarating si Selena at ang mga kasama niya sa isang malaking private room. Inilapag ni Fane ang bag sa isang sulok at umupo sa tabi ni Selena. Kampante si Selena na mababayaran nila ang mga kakainin nila dahil alam niyang may dalang dalawang milyong dolyar si Fane. Tuma
"Oo nga, dapat magsaya ang lahat ngayong gabi. Ano bang dapat nating ipag-alala kung nandito naman ang manager!" *Tumango si Felicia at tinanong si Fane. "Oo nga pala, ano nga palang trabaho mo, Fane? Bakit napakayaman mo? Sabihin mo samin!" "Isa akong bodyguard!" Ngumiti si Fane at sumagot. "Bodyguard?"Napahalakhak si Sonia noong marinig niya yun. "Haha! Pwedeng-pwede mong sabihin na bodyguard kasi mas maganda yun pakinggan, pero yung totoo isa ka lang hamak na security guard. Sa madaling salita, taga bantay ka lang ng pinto! Huhulaan ko nasa ilang libo lang kada buwan ang sahod mo, tama? Ngayong kumikita ng isang milyon ang asawa mo, hindi ka ba nanliliit?"Napahalakhak si Fane dahil dito. "Ms. Neal, nalilito ka ba sa kung ano ang security guard at bodyguard?" ang tanong ni Fane. "Ang mga security guard nakabantay sa pinto habang ako naman ay isang tunay na bodyguard!" "Bukod pa dun, tinanggap ko yung trabaho dahil ayaw kong isipin ng asawa ko na wala akong ginagawa," da
Nanatiling kalmado si Fane. Hindi siya napapagod na ibigay kay Selena ang paborito niyang pagkain. Nanlaki ang mga mata ng ibang mga empleyado dahil mukhang hindi nagsisinungaling si Fane. Subalit, alam din ng lahat na kamag-anak ng Drake Family si Sonia.Kung hindi, base sa kakayahan ni Sonia, hindi siya tatagal sa posisyon niya bilang supervisor sa loob ng napakaraming taon. "Hehe… Hindi na mahalaga yun, kasi tingin ko nagsisinungaling ka talaga! Ayos lang naman kung mababa yung sahod mo, hindi ka namin tatawanan. Kung sabagay, ikaw ang asawa ng manager namin, di ba? Kung ayos lang yun sa manager, ayos lang din yun samin!" Muling nang-insulto si Sonia. "Tama ka, ayos lang sa asawa ko ang sahod ko. Bakit ang dami mong sinasabi?" Medyo sumama ang loob ni Fane. Ayos lang sa kanya na ipahiya siya ng iba pero lagi na lang nilang dinadamay si Selena. Maraming pinagdaanan si Selena sa loob ng limang taon; ayaw na niyang masaktan pa ang asawa niya. Tinuro niya ang mga pagkain sa
Dahan-dahang uminom ng wine si Fane. "Sampung minuto lang ang binigay ko sayo. Isang minuto agad ang lumipas!" Muling tiningnan ni Sonia ang oras. Ngumiti si Fane, nilabas niya ang kanyang phone at tinawagan ang number na binigay sa kanya ni Tanya kanina. Nilagay niya sa loudspeaker mode ang phone. Nakita ng isang empleyado ang numerong tinatawagan ni Fane at nagsalita ng malakas."Tinatawagan niya si Ms. Tanya!" Di nagtagal, sinagot ni Tanya ang tawag. Narinig nila ang boses ni Tanya sa kabilang linya. "Fane? May nangyari ba? Bakit ka napatawag ngayong gabi?" "Wala namang nangyari, Ms. Tanya, may gusto lang akong kumpirmahin. 20 million kada buwan ba ang sahod ko?" Napangiti si Fane at muli siyang uminom ng wine. "Oo. Anong problema? Hindi ka naman siguro naliliitan dun 'no?" Halatang naguluhan si Tanya. "Huwag kang mag-alala. Sa Bagong Taon sabi ng lolo ko bibigyan ka ng 20 million na bonus. Sapat na yun kung hindi mo yun wawaldasin, di ba?" dagdag ni Tanya. Nagulat
Nagkaroon siya ng isang mabuting asawa dahil sa mga pabigla-bigla niyang desisyon noon. "Salamat. Iinom ako ng dalawang baso pa ng wine bilang paghingi ng tawad." Hindi nawala ang kahihiyang nararamdaman niya. Pinilit niyang ngumiti, nagsalin siya ng wine sa dalawang baso, at ininom ang mga ito. "Tara na, ipagpatuloy na natin ang kasiyahan! Pagkatapos nito, magkakaraoke tayo. Hindi ko talaga hilig ang pagkanta, kaya pakikinggan ko na lang kayong lahat!" Ngumiti si Fane at nagsalita. Doon lamang nagpatuloy sa pagkain at pag-inom ang lahat. Mabilis na lumipas ang oras, at pasado alas otso na ng gabi. Oras na para bayaran ang bill nila. "Sir, ito ang bill niyo: 363,207 lahat-lahat!" Lumapit kay Fane ang isa sa magagandang waitress na nagsisilbi sa kanila noong gabing iyon ng may ngiti sa kanyang mukha. "Sir, gusto niyo bang magbayad ng cash o gamit ang credit card niyo?" mahinahong nagtanong ang waitress. Kahit na alam ng waitress na karaniwang pinipili ng mga customer n