Nanatiling kalmado si Fane. Hindi siya napapagod na ibigay kay Selena ang paborito niyang pagkain. Nanlaki ang mga mata ng ibang mga empleyado dahil mukhang hindi nagsisinungaling si Fane. Subalit, alam din ng lahat na kamag-anak ng Drake Family si Sonia.Kung hindi, base sa kakayahan ni Sonia, hindi siya tatagal sa posisyon niya bilang supervisor sa loob ng napakaraming taon. "Hehe… Hindi na mahalaga yun, kasi tingin ko nagsisinungaling ka talaga! Ayos lang naman kung mababa yung sahod mo, hindi ka namin tatawanan. Kung sabagay, ikaw ang asawa ng manager namin, di ba? Kung ayos lang yun sa manager, ayos lang din yun samin!" Muling nang-insulto si Sonia. "Tama ka, ayos lang sa asawa ko ang sahod ko. Bakit ang dami mong sinasabi?" Medyo sumama ang loob ni Fane. Ayos lang sa kanya na ipahiya siya ng iba pero lagi na lang nilang dinadamay si Selena. Maraming pinagdaanan si Selena sa loob ng limang taon; ayaw na niyang masaktan pa ang asawa niya. Tinuro niya ang mga pagkain sa
Dahan-dahang uminom ng wine si Fane. "Sampung minuto lang ang binigay ko sayo. Isang minuto agad ang lumipas!" Muling tiningnan ni Sonia ang oras. Ngumiti si Fane, nilabas niya ang kanyang phone at tinawagan ang number na binigay sa kanya ni Tanya kanina. Nilagay niya sa loudspeaker mode ang phone. Nakita ng isang empleyado ang numerong tinatawagan ni Fane at nagsalita ng malakas."Tinatawagan niya si Ms. Tanya!" Di nagtagal, sinagot ni Tanya ang tawag. Narinig nila ang boses ni Tanya sa kabilang linya. "Fane? May nangyari ba? Bakit ka napatawag ngayong gabi?" "Wala namang nangyari, Ms. Tanya, may gusto lang akong kumpirmahin. 20 million kada buwan ba ang sahod ko?" Napangiti si Fane at muli siyang uminom ng wine. "Oo. Anong problema? Hindi ka naman siguro naliliitan dun 'no?" Halatang naguluhan si Tanya. "Huwag kang mag-alala. Sa Bagong Taon sabi ng lolo ko bibigyan ka ng 20 million na bonus. Sapat na yun kung hindi mo yun wawaldasin, di ba?" dagdag ni Tanya. Nagulat
Nagkaroon siya ng isang mabuting asawa dahil sa mga pabigla-bigla niyang desisyon noon. "Salamat. Iinom ako ng dalawang baso pa ng wine bilang paghingi ng tawad." Hindi nawala ang kahihiyang nararamdaman niya. Pinilit niyang ngumiti, nagsalin siya ng wine sa dalawang baso, at ininom ang mga ito. "Tara na, ipagpatuloy na natin ang kasiyahan! Pagkatapos nito, magkakaraoke tayo. Hindi ko talaga hilig ang pagkanta, kaya pakikinggan ko na lang kayong lahat!" Ngumiti si Fane at nagsalita. Doon lamang nagpatuloy sa pagkain at pag-inom ang lahat. Mabilis na lumipas ang oras, at pasado alas otso na ng gabi. Oras na para bayaran ang bill nila. "Sir, ito ang bill niyo: 363,207 lahat-lahat!" Lumapit kay Fane ang isa sa magagandang waitress na nagsisilbi sa kanila noong gabing iyon ng may ngiti sa kanyang mukha. "Sir, gusto niyo bang magbayad ng cash o gamit ang credit card niyo?" mahinahong nagtanong ang waitress. Kahit na alam ng waitress na karaniwang pinipili ng mga customer n
Hindi kalaunan, nakarating sila sa isang mamahaling business club. Pagkatapos, dinala sila sa isang magandang VIP room. Hindi kamahalan ang bayad dito, pero sa dami nila, aabutin din sila ng isang daan hanggang dalawang daang dolyar. Baka nga higit pa dun ang gastusin nila. Syempre, hindi na pinagdududahan ni Sonia ang kakayahan ni Fane na bayaran ang bill nila. Halos mabulag siya sa dami ng perang laman ng bag ni Fane. Umorder sila ng pinakamasasarap na pagkain sa menu, at muli silang kumain at uminom. Pagkatapos siyang kulit-kulitin ng mga kasamahan niya, umakyat sa stage si Selena at kumanta. Napakaganda ng boses niya. “Waiter! Check, please!”Noong patapos na sila, binayaran na ni Fane ang bill; 220,000 ang kabuuan nito. Pinakuha niya ng 230,000 sa bag ang waiter para sa bill, at ang sukli nito ay tip para sa waiter. Lumabas ng VIP room si Fane dala ang natitirang isang milyon at apat na raang libong dolyar sa kanyang bag, at nakahanda na siyang umuwi. Buong gabing m
Naglakad lamang palapit si Fane noong pumayag si Selena. "Ito ay…"Nagkatinginan ang mga lalaking empleyado na kasama nila. "Wow, gusto mo talagang sumugod hah?" Nagdiriwang si Sonia dahil sa nangyayari. "Ms. Taylor, sigurado ka bang magiging ayos lang ang mahal mong asawa? Hindi lang isa o dalawang tao ang kalaban niya." Nananalangin si Sonia na mabugbog at mapatay ng gang si Fane. Hindi siya nirespeto ng bwisit na yun; pinagmukha pa nga siyang masama ni Fane sa harap ng lahat. "May tiwala ako sa kanya!" Ngumiti si Selena. Noong binugbog ni Fane ang mga tauhan ni Neil kaninang tanghali, tumaas ang kompyansa niya sa kanya. "Anong problema mo, bata? Nagpapaka bayani ka ba hah?" Lumapit ang dalawang lalaki kay Fane noong makita nilang palapit siya sa kanila. "Sabi ng babae na nandito lang siya para samahang uminom ang mga customer, at hindi para makipagsiping sa kanila. Hindi niyo ba narinig yung sinabi niya?" ang sagot ni Fane. "Pakawalan niyo siya. Kung hindi, ipapaintin
Nakahinga ng maluwag ang mga empleyado ng procurement department nang makita nilang madaling napabagsak ni Fane ang tatlong miyembro ng gang. Hindi maitatanggi na may kakayahan si Fane upang maging bodyguard ng Drake Family. Sumugod ang pulutong ng mga kalalakihan mula sa VIP room pagkatapos silang tawagin ng isa sa kanila. "Diyos ko! Ang dami nila!" Nagulat si Sonia at ang iba pa sa nangyari. Napaatras sila, sa takot na madamay sila sa oras na magsimula ang gulo. "Salamat, Sir! Maraming maraming salamat!" Agad na nagtago sa likod ni Fane ang babae pagkatapos siyang bitawan ng mga lalaki. "Pero marami sila," nag-alala siya sa mga mangyayari. "Sir, a-anong gagawin mo?" Nginitian lamang siya ni Fane. "Diyan ka lang sa likod ko. Huwag mo kong alalahanin; ako si Fane Woods. Kahit na nandito pa ang hari ng lahat ng mga diyos, hindi niya susubukang kalabanin!" Sinipa ni Fane ang lalaking may tato sa sikmura. Tumalsik ang lalaki at sumalpok sa ibang lalaki na pasugod kay Fane. "
Lumapit si Selena kay Mr. Meyer at ipinaliwanag sa kanya ang sitwasyon. "Tama siya, Mr. Meyer! Nanggugulo ang mga taong yan. Dapat may gawin kayo!" Lumapit ang ilang procurement staff upang patunayan ang mga sinabi ni Selena. "Mr. Meyer, nandito lang ako para uminom kasama ng mga customer. Noong naghahanap kayo ng mga trabahador, sabi niyo na part-time job lang yun na may bayad na three hundred kada araw! Hindi ko ibebenta ang sarili ko!" Humagulgol ng parang isang namamatay na banshee ang babae. Napaiyak siya sa tindi ng sakit na kanyang naranasan. "P-pero pinilit nila akong—" Hindi nila inasahan ang ginawa ni Mr. Meyer; umalingawngaw ang isang malakas na sampal bago pa man niya matapos ang mga sinasabi niya. "Hindi ka talaga nag-iisip!" "Anong ibig mong sabihin, Mr. Meyer?" Ang pagalit na tanong ni Selena. Tumawa si Mr. Meyer. "Anong problema niyo? Problema 'to ng kumpanya namin!" Ang sagot ni Mr. Meyer. "Tsaka, di ba dapat alam mo na ang mangyayari kapag magtrabaho ka
"G-gusto ko sana… pero hindi ba makapangyarihan yung taong nasa likod nila? Anong gagawin natin kapag…" Kinagat ni Selena ang mapupula niyang labi at bahagyang nagsalubong ang kanyang mga kilay. "Hehe. Honey, permiso mo lang ang hinihintay ko. Kapag sinubukan nila akong saktan, parang kinalaban na din nila ang mga Drake, di ba?" Natawa si Fane at bumulong sa tenga ni Selena. Agad na kumislap ang mga mata ni Selena sa mga sinabi ni Fane. Tama siya! Isa na siyang elite bodyguard ng Drake family. Bukod pa dun, mataas ang tingin ni Ms. Tanya kay Fane. Kapag may nangyaring masama sa kanila, magiging ayos lang ang lahat kung tutulungan sila ng Drake family. Wala silang dapat ikatakot!"Nakakatuwa naman kayong tingnan." Kinutya sila ni Mr. Meyer nang makita niyang nagbubulungan ang dalawa. "Naghahamon ka ng gulo, huh? May koneksyon kami sa Clark family. Alam niyo na; ang Clark family, yung pangalawang pinaka maimpluwensyang pamilya sa lungsod. Pinagsisisihan mo na ba ang katangahan m