All Chapters of Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat: Chapter 961 - Chapter 970

7044 Chapters

Kabanata 961

“Manang Carter, sobrang magiging masaya ako kapag dinala mo sakin si Pinunong Darby!” sabi ni Max.“Haha!”Si Darryl na nasa gilid ay ang lakas nang tawa sa mga sinasabi ni Max. Sikat na pala ang pangalan niya ngayon?Nang marinig niya si Darryl na tumatawa, kumunot ang noo ni Max at sumigaw, “Bakit hindi ka pa umaalis?!”Pinapakita ni Darryl ang kanyang calligraphy kanina lang at naging dahilan ito para mainis si Max na gusto lang naman na paalisin si Darryl. Kukunin na ni Max ang walkie-talkie niya at tatawag ng security para samahan si Darryl palabas. Sa sandaling ‘yon, galit na nakatingin si Sara kay Max at sinabing, “Kasama ko ang kapatid ko rito! Anong karapatan mong paalis siya rito!”Hinahangaan ni Sara si Darryl at ayaw niya na binabastos siya ng ibang tao, kaya naman bigla siyang nagalit. Kahit na sikat ang tao na nasa harapan niya, hindi niya ito hahayaang bastusin si Darryl!‘Ano? Tinawag ni Sara na Kuya si Darryl?’Nagulat ang mga tao sa narinig nila.‘Ang tao na
Read more

Kabanata 962

Sinundan ni Debra at Sara si Darryl habang si Max ay nakatayo lang doon. Natigilan siya noong umalis si Darryl. Paano niya nagawang sirain ang oportunidad na makilala at makita niya ang bayani niya?Naramdaman niyang gusto niyang sampalin ang sarili niya sa isip niya.Lumingon si Debra habang nakatingin kay Darryl noong nasal abas na sila at tumawa, “Hindi ko inaasahan na sikat ka pala rito sa World Universe.Napansin ni Debra ang paghanga sa mata ng mga tao habang tinitingnan nila si Darryl. Nakaramdam siya nang kasiyahan na ang lalaki niya ay magaling.Tumawa si Darryl at bago pa siya magsalita, sabi ni Sara, “Syempre naman! Idolo ng lahat si Darryl dito sa World Universe. Marami siyang fangirls dito na patay na patay sakanya!”Idolo? Tumawa nang malakas si Darryl sa salitang ‘yon at hindi niya napigilang tumawa at tinapik ang ulo ni Sara. “Ang galing mo talaga mag salita.”Tumawa si Sara, nilabas ang kanyang dila at nagpacute.“Manong Darryl!”Habang tumatawa sila, may boses
Read more

Kabanata 963

“Ma, wag kang mataranta. Gagawa ako nang paraan para makakuha ng ganong pera.” Sabi ni Lily habang kinakagat niya ang kanyang labi.“Paano? Paano ka makakakuha ng ganoon kalaking pera?” nag-aalala na si Samantha. “Isang daang milyong dolyar ‘yon! Dati, kaya mong kumita dahil sa livestreaming mo pero isang taon mo na ‘tong hindi nagagawa. Atsaka, ang mukha mo…”Noong sinabi ‘yon ni Samantha, napansin niyang nag-iba ang ekspresyon ng mukha ni Lily at agad niyang napagtanto na mali ang nasabi niya.Alam niyang nasaktan niya ang damdamin ng anak niya.Hindi na ito pinansin ni Lily dahil magulo na ang isip niya. Matatag siya na hindi niya ibebenta ang mansyon. Subalit, kahit na humiram siya ng pera sa iba, walang magpapahiram sakanya dahil ang laki nito!“Oo nga!” pumalakpak si Lily at agad na pumunta sa kwarto niya. May kinuha siyang kakaibang kahon galing sa cabinet niya.Ang isang ginto na mukhang mamahalin at ang kasama nun ay isang pares ng crystal na sapatos. Ito ang Worship of
Read more

Kabanata 964

Sa tanong ni Darryl, tiningnan ni Debra si Jewel nang nag-aalala.Si Sara na nasa tabi niya ay sinabing, “Jewel, sabihin mo samin agad. Sinong nanakit sa’yo? Hindi palalampasin ito ni Darryl.”“Hmmm…” kinagat ni Jewel ang kanyang labi habang nakaharap sakanilang tatlo. Inisip niya muna bago niya sabihin, “Masyadong madilim noong gabing ‘yon, hindi ko masyadong nakita kung sino siya.”Naguguluhan si Jewel habang sinasabi niya ito at hindi nagtangkang tingnan si Darryl. Syemre alam niya na si Yvonne Young ang nanakit sakanya noong gabing ‘yon pero hindi niya ito masabi kay Darryl.Hindi alam ni Jewel kung bakit siya sinaktan ni Yvonne. Alam niya lang na may relasyon sina Darryl at Yvonne. Natatakot siya na baka makaapekto ito sa relasyon nila kapag sinabi niya ang totoo.Naniniwala rin siya na ang gustong babae ni Darryl ay mabait. May rason siguro kung bakit siya sinaktan ni Yvonne, kaya naman napagdesisyunan ni Jewel na wag na niyang sabihin ang totoo at tanungin nalang nang perso
Read more

Kabanata 965

Samantala, naglakad palabas ng kwarto si Darryl at sinabihan ang dalawang katulong na ipaghanda ng pagkain si Jewel.“Kuya Darryl.” Kinausap siya ni Nimbus Dixon sa malayo sa sandaling ‘yon.Dahil sa relasyon ni Darryl sa mga Carter, ang mga miyembro ng Elysium Gate ay hindi na kailangan magreport sakanya kapag papasok ng mansyon ng mga Carter.Kumuha ng imbistasyon si Nimbus at agad itong binigay kay Darryl. “Kuya Darryl, itong imbitasyon na ‘to ay galing kay Shaolin, Wudang at ang limang sekta na naghanda para maghost ng martial arts conference.”‘Martial arts conference?’ tinanngap ni Darryl ang imbitasyon. Hindi niya napigilan at kumunot ang noo niya.Patuloy na nagsalita si Nimbus. “Narinig ko na lahat ng sekta ay pupunta sa martial arts conference. Oo nga pala, ang Flower Mountain at Eternal Life Palace Sect ay nakatanggap din ng imbitasyon.‘Si Dax at Chester ay imbitado rin? Sige titingnan ko.’ Sinabi ni Darryl sa isip niya atsaka siya tumango at sumagot, “Sige. Nakuha ko
Read more

Kabanata 966

Dahan dahang tumayo si William at walang emosyong sinabi na, “Humingi ba kami ng kapalit sa iyo noong lokohin ng ama mo ang pamilya natin? 150 million lang ang hinihingi namin sa iyo pero nagawa mo na kaming sabihan na mga walang awa?”Nanlamig nang husto ang mukha ni William sa mga sandaling ito. “Sinasabi ko sa iyo, mas maigi kung maibibigay mo sa amin ang pera bukas dahil kung hindi ay hahanap na ako ng taong magsasangla sa bahay na ito. Maghanda ka na ring makulong ang tatay mo kung hindi mo kami susundin.”Agad na tumalikod si William nang matapos niyang sabihin ang lahat ng ito.“Ikaw…” Nagalit nang husto ang “Mga wala kayong awa! Paano na kami mabubuhay ngayon…”Nanginig sa sobran galit si Samantha habang naluluhang umuupo sa isang tabi.…Kinabukasan, sa Hexad School ng Donghai City.Napasok sa isang hindi kapanipaniwalang krisis ang Donghai City noong nakaraang taon nang atakihin sila ng mga sundalong mula sa New World. Pero agad din itong napigilan ng mga naglalakasa
Read more

Kabanata 967

Gasp!Napapigil hininga ang lahat sa kaniyang mga sinabi. Tanging si Darryl lang ang tao sa buong World Universe na may lakas ng loob na asarin ang Sect Master ng Emei!Nanlamig na parang yelo ang magandang mukha ni Aurora. Suminghal ito bago balewalain ang mga sinabi ni Darryl habang ang kaniyang puso ay nagliliyab na sa sobrang galit.“Nagawa na niya akong bastusin ngayong itinuturing na siyang bayani ng lahat!”“Darryl Darby!” Dito na tumayo si Jean Xander na isa sa mga disipulo ng Emei. Tumingin siya kay Darryl at sumigaw ng, “Ang lakas ng loob mong magsabi ng mga ganoong klase ng salita sa aming master, Darryl?”Ang kanilang sect master ay malinis, puro at nirerespeto ng lahat. Kaya ang mga sinabing ito ni Darryl ay nakikita ng lahat bilang panglalait sa pride at dignidad ng buong Emei Sect.“Hehe.” Mahinang tumawa si Darryl bago tumingin kay Jean at sabihing, “Nakikipagusap ako sa master mo. Sino ang nagbigay sa iyo ng karapatan na makisali sa usapan naming dalawa? Hindi ka
Read more

Kabanata 968

Kahit na hindi kasing kilala ng Wudang o Shaolin ang Iron Palms, humahawak naman ito ng isang titulo sa larangan ng martial arts. Si Douglas Jansen na kanilang Sect Master ay nagtatanglay ng isang specialized technique na Iron Palm na sa sobrang lakas ay may kakayahan nang pulbusin ang anumang bato na tatamaan nito.Gasp!Agad na umingay ang lahat nang marinig ang mga sinabi nito.Dito na kumplikadong tumingin kay Darryl ang mga nakapaligid sa kaniyang sect master sa stage.Sa totoo lang, kahit na nirerespeto si Darryl ng kaniyang mga kasamahan sa larangan ng martial arts noong makipaglaban sila sa Wishing Star Tower noong nakaraang taon, masyado pa rin siyang napagiiwanan sa ibang mga sect master na kagaya ng Wudang kung titingnan ang kanilang karanasan sa mundo ng martial arts.Hindi lang ng Sect Master sa Wudang dahil ang kilalang Sect Master na si Endless ng Shaolin Sect ay nauna rin nang husto kay Darryl.“Hindi yata tama ang iyong mga sinabi, Master Jensen.”“Oo nga. Kahit
Read more

Kabanata 969

Noong una ay bahagyang napahiya si Darryl sa mga papuring binibigay sa kaniya ni Douglas.Pero habang nagiging mas patindi nang patindi ang ginagawa nitong mga papuri, hindi na naiwasang mapasimagot sa kaniyang sarili si Darryl.Mayroong hindi tama!Ni hindi manlang pamilyar si Darryl kay Douglas Jensen, kaya bakit bigla siya nitong pinuri at nirekomendang ilagay sa itaas nilang lahat sa pamamagitan ng pagsira sa imahe ng iba?Hindi pa rin narerealize ng katabi ni Darryl na si Dax ang mga nangyayari kaya hindi nito naiwasang matawa habang sinasabi na, “Darryl, masyado kang hinahangaan ni Douglas! Tingnan mo kung paano ka niya purihin?”Hindi masyadong nagisip si Dax noong mga sandaling iyon. Ang tanging alam niya lang ay maging masaya sa sandaling may bumati sa kahit sino sa kaniyang mga kinakapatid.“Anong paghanga?” Napapikit ng kaniyang mata si Chester at agad na pinutol sa pagsasalita si Dax bago mabigat na sabihing, “Darryl, mayroong hindi magandang binabalak itong si Dougla
Read more

Kabanata 970

Sa mga sandaling ito, tumayo si Naomi Grand at tumingin sa kaniyang paligid bago kumalat ng malinaw at malutong niyang boses sa paligid. Hindi naging malakas ang kaniyang boses pero malinaw itong kumalat sa buong hall na umabot sa punto na kung saan agad itong naintindihan ng lahat.Dito na agad nanahimik ang buong hall.Sa mga sandaling ito, tahimik na tumingin si Naomi kay Darryl at nanlalamig na sinabing, “Darryl, bakit hindi mo ipakita sa amin ang kakayahan mong mamuno ngayong hinahangaan ka nang ganito ni Master Jensen? Ganito na lang ang gawin natin. Paano kaya kung pumili tayo ng ilang dosenang mga disipulo sa bawat isang sekta at magkaroon ng isang kompetisyon na pamumunuan ng mismong sect master? Tingnan natin kung mas malalamangan ka ng ibang mga sekta o talagang mas mahusay talaga ang iyong Elysium Gate.”Hindi halos maitago ni Naomi ang kaniyang pagkainis habang sinasabi ang mga bagay na iyon.Sa totoo lang, maganda ang naging impresyon ni Naomi kay Darryl. Pero naramda
Read more
PREV
1
...
9596979899
...
705
DMCA.com Protection Status