Lahat ng Kabanata ng Ang Asawa kong Tinitingala ng Lahat: Kabanata 971 - Kabanata 980

7044 Kabanata

Kabanata 971

Parang isang iglap na lumipas ang sampung minuto.Mas naging malakas ang hindi mapapantayang depensa na ginawa ng Elysium Gate kaya hindi ito magawang sirain ng Xiaoyao kahit na anong subok pa ng mga ito!Malinaw na nakita ng lahat ang landslide na pagkatalo ng Xiaoyao!Sa mga sandaling iyon, napakagat sa kaniyang labi si Naomi habang hindi maiwasang napapatingin kay Darryl at sinasabing, “Natalo ang Xiaoyao sa round na ito. Naging maganda nga ang pamumunong ipinakita rito ni Master Darby.”Kahit na isa siyang babae, buong puso pa rin niyang tinanggap ang kaniyang pagkatalo.“Ano? Nanalo nang ganoon kadali ang Elysium gate?”Dito na biglang nagulat ang mga tao sa kanilang paligid.Sa mga sandaling ito, mapait na ngumiti si Darryl at tumango kay Naomi bago tingnan ang kaniyang paligid at sabihing, “Sinong sect master ang gustong sumubok sa akin?”Wala na siyang magagawa kundi tumuloy ngayong sinimulan na nila ito. Naroroon na rin si Darryl kaya sigurado na rin siya sa kaniyang s
Magbasa pa

Kabanata 972

Hindi alam ni Darryl kung matatawa ba siya o maiiyak sa harap ng ilang libong mga tao. Gusto lang talaga niyang ipaliwanag ang kaniyang sarili iisa ang kaniyang iniisip sa mga bagay na sinabi ni Dougles Jensen na nagsimula ng gulo nang siraan nito ang ibang mga sect leader.Pero alam din ni Darryl na walang point ang pageexplain sa mga sandaling ito dahil tumatak na sa puso ng mga sect master ang pagiging tauhan ni Douglas kay Darryl.Parehong tumingin sa isa’t isa sina Dax at Chester habang nakakaramdam ng matinding pagkabahala sa mga nangyayari.“Hindi ito tama!” Hindi maiwasang sigaw ni Chester, “Malinaw na sinabi sa rules na paisa isang team ang gagawing paglaban ni Darryl sa inyo, pero agad niyo pa ring naisip na pagkaisahan siya. Hindi niyo ba naiisip na labag ang bagay na iyan sa nilatag ninyong rules?”Dito na sinuportahan ni Dax ang kaniyang mga sinabi at sumigaw ng, “Oo nga! Kung gusto niyo talagang lumaban nang ganiyan, sasali na rin sa panig ni Darryl ang Flower Mountai
Magbasa pa

Kabanata 973

Binuo lang ng ilang dosenang tao ang Elysium Gate! Pero hindi pa rin nagawang wasakin ng ilang libong tao na umaatake nang sabay sabay ang kanilang formation!“Ito…”Tumingin sa isa’t isa ang mga bihasang disipulo ng iba’t ibang sekta bago nila tiningnan nang hindi makapaniwala si Darryl!Eight Directions Sky Formation ang formation na ginamit ni Darryl sa mga sandaling ito—isa ito sa mga kumplikadong formation na kaniyang natutunan sa Bai Qi Formations Manual.Ang Eight Directions Sky Dragon Formation ay binuo ng Slaughter god na si Bai Qi na kung saan nagawang paligiran ng isang hukbo na binubuo ng isang daang libong mga sundalo ang isang libo niyang mga sundalo!Sinasabi nila na isa raw napakalakas na formation ng Eight Directions Sky Dragon Formation dahil hindi ito magagawang masira ng kahit na gaano kalaking hukbo na susugod sa sinumang gagamit nito!Mas tumindi nang tumindi ang pagkaalarma ng mga tao sa paligid habang pinapanood nang husto ang mga nangyayari!Ginamit na
Magbasa pa

Kabanata 974

Napakaraming beses nang ipinaliwanag ni Darryl na wala siyang kinalaman sa pagkamatay ni Abbess Mother Serendipity at hindi niya rin ito nagawang saktan! Pero hindi pa rin nagawang maniwala sa kaniya ni Aurora!Nagpakita lang si Darryl ng walang pakialam na reaksyon habang pumapasok ang mga bagay na ito sa kaniyang isipan at ngumiti kay Aurora bago sabihing, “Sige, tatanggapin ko ang gagawin mong paghihiganti pero kinakailangan mo munang magsuot ng ganiyan kasexy na damit. Dahil kung hindi ay wala akong interes na makipaglaban sa iyo.”Kahit matindi na ang galit na kaniyang naramramdaman, hindi pa rin naiwasan ni Darryl na asarin ito.“Ikaw!” Nagngitngit naman ang mga ngipin ni Aurora na nakakaramdam ng matinding intensyon na patayin si Darryl sa lugar na iyon pero nagawa pa rin niyang pigilan ang kaniyang sarili.Pinanood naman ang dalawa ng ibang mga sekta. Katutungtong tungtong lang ni Darryl sa posisyon ng Alliance Master kaya hindi magiging maganda kung dito siya aaksyon ayon
Magbasa pa

Kabanata 975

Sa kabilang banda ng Red Flag Street sa Donghai City.Wala sa kaniyang sariling naglakad ang nakamask na si Lily.Niloko ni William Lyndon si Lily para maglabas ng 50 millyong dolyar para sa mga Lyndon. Kaya natural lang namakaramdam siya ng pagkaapi sa mga ito. Saan siya kukuha ng ganoon kalaking pera? Siguradong kakasuhan ni William ang kaniyang ama sa sandaling hindi niya maibigay ang perang iyon sa tamang oras.Walang direksyon siyang naglalakad sa kalye habang nagiisip ng iba’t ibang paraan para kumita ng pera nagn marinig nila ang paguusap ng mga tao sa paligid tungkol sa ginanap na martial arts conference.Wala sa mood si Lily na isipin pa ang mga ito dahil mamayang gabi na darating si William para kunin ang pera. Saan ba niya kukunin ang 50 million na iyon? Naging magulo na sa mga sandaling ito ang kaniyang isipan.Dito na niya narinig ang paguusap ng isang lalaki at isang babae nang makarating siya sa kalapit na bus stop.“Narinig mo ba ang nangyari? May napili na raw na
Magbasa pa

Kabanata 976

Nakasuot ang taong ito ng isang mahaba ng kulay beige na dress na nagpakita sa napakagandang hubog ng kaniyang katawan.Ito ay walang iba kundi si Katherine Keith, dating guro ni Darryl na matagal na niyang hindi nakikita!“Darryl Darby!”Sa mga sandaling iyon, nagulat at natuwa siya nang makita niya si Darryl. Mabilis niya itong nilapitan gamit ang kaniyang high heels at nasasabik na sinabing, “Naaalala mo pa rin ba ako, Darryl?”Nasabik at naging emosyonal si Katherine nang sabihin niya iyon!Isang taon na ang nakalilipas mula noong kilalaning bayani ang kaniyang estudyanteng ito na hinangaan ng lahat! Natuwa siya nang husto sa kaniyang puso dahil isa siya sa mga naging guro nito.“Naaalala kita siyempre, Miss Katherine. Paano po kita magagawang makalimutan.” Ngiti ni Darryl habang nakatingin kay Katherine. “Saan ka po ba pupunta at kinakailangan po ninyong magmadali nang ganoon?”Higit isang taon na niya itong hindi nakikita kaya tiningnan ni Darryl ang buong katawan ni Darry
Magbasa pa

Kabanata 977

“Ma-maraming salamat, Darryl…” Hindi na nagisip pa rito si Katherine kaya agad niyang niyakap ng sandali si Darryl bago masayang maglakad palabas ng elixir production room.Nakaramdam lang ng kaunting amoy sa kaniyang mukha si Darryl bago tuluyang mawala ang imahe ni Katherine sa kaniyang paningin sa loob ng isang iglap.“Siguradong nababahala na si Miss Katherine sa paginom ng mga Resumption Pill na iyon.” Tawa ni Darryl bago maglakad palabas ng Hexad School.Habang nasa entrance kinuha ni Darryl ang kaniyang cellphone para tawagan si Dax at tanungin kung saan naginuman ang mga ito.“Hmm?” Sa mga sandaling ito, natigilan si Darryl nang maramdaman niya ang paglapit ng isang pumapatay na aura sa kaniya.Swish! Dito na napalingon si Darryl at nakita si Aurora Hansen na nanguna sa ilang dosenang mga disipulo ng Emei na mayroong hawak na mahahabang espada sa kanilang mga kamay habang lumalapit sa kaniya mula sa malayo.Sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin nagpapalit ng kaniyang su
Magbasa pa

Kabanata 978

Gasp!Agad na nasabik at natuwa ang mga nagtipon tipong mga tao sa nasasaksihan nilang eksena.Si Aurora Hanson—na isang makasaysayang goddess ng martial arts community na kasing ganda ng isang diwata. Kasalukuyan siyang nakikipaglaban kay Darryl gamit ang perpektong hubog ng kaniyang katawan na nakapagpapalaki sa mga mata ng sinumang lalaki na titingin dito. Isa na itong napakalaking bonus para sa kanila!Sa loob ng isang iglap, nagawa na ng dalawang magpalitan ng dosedosenang mga pagatake.Hindi kagaya ni Darryl, hindi na masyadong inisip pa ni Aurora ang mga move na kaniyang gagawin matapos maglabas ng napakalakas na intensyong pumatay! Habang si Darryl naman ay kasalukuyang gumagamit ng Celestial Swordsmanship na sinamahan ng puro niyang internal energy para salagin ang mga pagatake ni Aurora at protektahan ang mga tao na nasa kanilang paligid.Kung hindi lang dahil sa ginawang protective shield ni Darryl, kanina pa siguro namatay ang mga taong nakikiusyoso ngayon sa kanilang
Magbasa pa

Kabanata 979

“L-Lily? Lily?! Ikaw ba iyan?” Nasabik nang husto sa mga sandaling ito si Darryl!Sa mga sandaling iyon, nasa harapan na rin ni Darrly ang Ice Dragon Punch na ginawa ni Aurora!Clang!Sa sobrang panic ay agad na umiwas nang patagilid si Darryl at binuhat ang Blood Drinking Sword sa kaniyang harapan para salagin ang paparating na dragon ni Aurora.Naging mabilis ang pagilag na ginawa ni Darryl. Pero kahit na nagawa niyang iwasan ang ulo ng dragon, hindi naman niya maiiwasan ang buntot nito! Tumama ang buntot ng dragon sa Blood Drinking Sword at gumawa ng isang napakalakas na tunog na nakapagpaatras kay Darryl ng ilang dosenang hakbang.“Uh!” Dito na dumura si Darryl ng sariwang dugo sa kaniyang bibig. Naramdaman niya na para bang napinsala nang husto ng pagatakeng itoa ng kaniyang mga internal organ. Nasugatan na talaga siya nang malubha sa mga sandaling ito!Pero wala na siyang pakialam sa mga tinamo niyang sugat habang tumitingin sa kaniyang paligid. Dito na niya desperadong hin
Magbasa pa

Kabanata 980

“Opo!”…Sa kabilang banda, mabilis na tumakbo pauwi ang naiistress na si Lily.Habang nasa daan ay napuno ang kaniyang isip ng mga bagay na tungkol kay Darryl habang walang tigil na tumutulo ang kaniyang luha at naninikip ang kaniyang dibdib na para bang sinaksak ng kutsilyo. Nasa harapan na niya ang taong pinakamamahal niya pero hindi niya pa rin ito magawang mayakap.Mas tumindi nang tumindi ang bigat sa loob ni Lily! Dito na niya sinisi nang husto si Matteo Hanson! Tumulo nang malakas ang walang tigil na luha sa mukha ni Lily.Kasalukuyang naglalaro ng kaniyang phone sa sofa si Samantha nang makauwi si Lily sa kanila.“Lily…” Mabilis na napatayo si Samantha nang makita ang paguwi ni Lily nang may namumulang mga mata kaya hindi na nito naiwasan pang magtanong ng, “Ano ang nangyari? Tinawagan ka nanaman ba ni William para pilitin kang ibigay ang pera?”Naging mapait ang itsura ni Lily pero wala siyang nagawa kundi pilit na ngumiti at iiling ang kaniyang ulo habang sumasagot ng
Magbasa pa
PREV
1
...
96979899100
...
705
DMCA.com Protection Status