Share

Kabanata 967

Gasp!

Napapigil hininga ang lahat sa kaniyang mga sinabi. Tanging si Darryl lang ang tao sa buong World Universe na may lakas ng loob na asarin ang Sect Master ng Emei!

Nanlamig na parang yelo ang magandang mukha ni Aurora. Suminghal ito bago balewalain ang mga sinabi ni Darryl habang ang kaniyang puso ay nagliliyab na sa sobrang galit.

“Nagawa na niya akong bastusin ngayong itinuturing na siyang bayani ng lahat!”

“Darryl Darby!” Dito na tumayo si Jean Xander na isa sa mga disipulo ng Emei. Tumingin siya kay Darryl at sumigaw ng, “Ang lakas ng loob mong magsabi ng mga ganoong klase ng salita sa aming master, Darryl?”

Ang kanilang sect master ay malinis, puro at nirerespeto ng lahat. Kaya ang mga sinabing ito ni Darryl ay nakikita ng lahat bilang panglalait sa pride at dignidad ng buong Emei Sect.

“Hehe.” Mahinang tumawa si Darryl bago tumingin kay Jean at sabihing, “Nakikipagusap ako sa master mo. Sino ang nagbigay sa iyo ng karapatan na makisali sa usapan naming dalawa? Hindi ka
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status