Share

Kabanata 969

Noong una ay bahagyang napahiya si Darryl sa mga papuring binibigay sa kaniya ni Douglas.

Pero habang nagiging mas patindi nang patindi ang ginagawa nitong mga papuri, hindi na naiwasang mapasimagot sa kaniyang sarili si Darryl.

Mayroong hindi tama!

Ni hindi manlang pamilyar si Darryl kay Douglas Jensen, kaya bakit bigla siya nitong pinuri at nirekomendang ilagay sa itaas nilang lahat sa pamamagitan ng pagsira sa imahe ng iba?

Hindi pa rin narerealize ng katabi ni Darryl na si Dax ang mga nangyayari kaya hindi nito naiwasang matawa habang sinasabi na, “Darryl, masyado kang hinahangaan ni Douglas! Tingnan mo kung paano ka niya purihin?”

Hindi masyadong nagisip si Dax noong mga sandaling iyon. Ang tanging alam niya lang ay maging masaya sa sandaling may bumati sa kahit sino sa kaniyang mga kinakapatid.

“Anong paghanga?” Napapikit ng kaniyang mata si Chester at agad na pinutol sa pagsasalita si Dax bago mabigat na sabihing, “Darryl, mayroong hindi magandang binabalak itong si Dougla
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status