"Lennox, please," sobrang hina ng pagkakabulong ko para siya lamang ang makarinig."Please what?" Tila nang-aasar niyang inilapit sa akin ang kanyang mukha na sinamahan pa ng pagdikit niya ng braso sa akin.Kahit hindi i-analisa ay alam kong sadya ang pagbuntot niya. Nasa buffet kami ng hotel para sa breakfast at kahit saan ako magpunta ay nakasunod siya. Pagkarating pa lang namin ni Creed, umupo na siya sa tabi ko kaya napagitnaan nila ako ni Creed. At ang malala pa ay madalas silang mag-usap ni Creed. Humaharap siya sa akin kapag kakausapin si Creed o 'di kaya'y si Al na katabi nito. Paminsanan pa niyang ipinapatong ang kamay sa sandalan ng upuan ko sa tuwing hindi nakatingin ang boyfriend ko."Can you please stop following me? It's not funny, Lennox," sabay alis ko sa pinggan na puno ng prutas na ipinatong niya sa pinggan ko."Sinusundan kita? Kumukuha ako ng pagkain ko rito," inabot niya ang isang brownies na dessert at isinumpak iyon para nguyain sa harapan ko at ipakita sa akin n
Terakhir Diperbarui : 2021-06-09 Baca selengkapnya