Share

Tainted Hearts 52

Nilapitan ko si Creed. Masama ang tingin niya sa kapatid niya na sumunod kay Lennox. Ang ibang mga kasama namin ay mga nagpaalam na rin.

"Mauna na rin kami."

Tumango si Creed at tinapik sa balikat si Roiland. Si Addisson, hindi makatingin sa akin nang lagpasan nila kami.

"Ayos ka lang?" Nakatingala ako sa kanya at nakahawak sa braso niya.

Ngumiti siya at isinama ako sa pag-upo niya ulit sa buhanginan. Kagaya kanina ang ayos namin, ganoon din na bumalik sa pag-upo sina Al at Bob.

"Ano ang problema ngayon niyan? Ganyan na ganyan iyan noong mamatay ang mama niya."

Napatingin ako kay Al na nilalaro ang apoy na nasa gitna. Umiling si Creed na nasa tabi ko at marahan na hinigpitan ang yakap sa katawan ko. Nagtama ang mga mata namin nang tiningala ko siya.

"Patay na ang mama niya?" Hindi ko mapigilan itanong.

Nagbuntonghininga siya at tumango. Tiningnan niya ang mga kaibigan niya na pare-parehong nagluluksa ang itsura.

"College kami noong mamatay ang mama niya. Mahilig na siya sa gulo noon. L
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Joy Barrientos
subrang nasaktan sya sa kanyang nakita
goodnovel comment avatar
Lucita Cherry Lawas Tagalog
kawawa nmam
goodnovel comment avatar
Rodelyn Quirante
ang sakit nman. huhuhuhu
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status