I just watched him monitoring my vital signs. Pinahinga niya ako ng malalim para kuhaan ng respiratory rate. Nang matapos ito ay hinarap niya ako. "May sumasakit pa ba sa iyo?" He asks"Wala naman," sabi ko."I see. If ever something hurt on you, do not hesitate to contact me, okay?""I will," sagot ko. "Uhm, matagal ka na bang doctor sa lugar na ito?""Well, I grew up here so yeah matagal na ako dito.""Ganoon ba? Salamat pala sa pag tyagang alagaan ako kahit hindi ko alam kung paano at bakit ganito ang kinahinatnan ko. Maraming salamat," wika ko."Hmm... You're welcome," aniyaNapalingon kami bigla ng bumukas ang kurtina na nag sisilbing harang sa pagitan ng kuwarto. Pumasok ang batang babae na anak ko raw. "Hello po, Mommy. Dinalhan po kita ng sopa, sabi po ni Nanay ay makakatulong po ito upang mabilis ka pong maka alala," mahabang sabi nito.
Read more