Home / Romance / PANGARAP KO ANG IBIGIN MO / Chapter 1 - Chapter 10

All Chapters of PANGARAP KO ANG IBIGIN MO: Chapter 1 - Chapter 10

33 Chapters

CHAPTER 1

      "Huwag!" Awat na sigaw ng Ginang sa ginagawang pagpapahirap ng mga armadong lalaki sa esposo. Hilam na rin  sa luha ang mga mata. Wala itong magawa maliban sa pagmasdan ang pagpapahirap ng mga tauhan ng Don sa asawa.     Subalit nagmistulang bingi ang mga armadong lalaki na patuloy sa pananakit kay Doglas.        "Maawa kayo sa asawa ko, wala kaming ginagawang masama!"         Halos lumuhod sa pagmamakaawang sigaw ng Ginang. Sinugod ang isa mga ito upang itigil ang pananakit sa walang kalaban-labang  asawa.         "Huwag kang makialam!" Mabagsik na turan lalaki, hinablot ang buhok ni Ara at kinakaladgad sa damuhan.            "Ara?!" Duguan ang mukha at tila mawawalan ng ulirat na tawag ni Doglas sa pangalan ng asawa.        
Read more

CHAPTER 2

  "Malalampasan din natin ang lahat ng ito, papa." Humiwalay ito sa pagkakayakap sa ama, pigil niya ang mga luhang nais maglandas sa kanyang mga mata. Kailangan niyang magpakatagtag upang sagayon ay hindi panghinaan ng loob ang ama. Batid din niya ang labis na paghihirap nito dahil sa karamdaman nito.Kung paano at saan siya magsisimula para matubos at mabawi ang Hacienda ay hindi niya alam. Alam niyang mahirap ngunit ayaw niyang sumuko at panghinaan ng loob. Alang-alang sa nasira niyang ina gagawin niya ang lahat maibalik lamang ang lahat ng nawala sa kanila. Ilang araw nalang ang makikita na nila ang bagong may ari ng kanilang mga ari-arian. Dalangin niya na sana'y hayaan sila nito na tumira sa mansion habang hindi pa lubusang magaling ang ama. At habang pinagiipunan niya ang pambayad sa kanilang Hacienda. "Salamat, hija. Don't worry, hindi na ako muling iinom," nakangiting tugon ng matandang don. "I lo
Read more

CHAPTER 3

    Malungkot na pinaglipat-lipat ni Danna ang mga mata sa mga kasambahay na nagtipon-tipon sa malaking living room ng mansion. Napamahal na siya sa mga ito kaya napakahirap para sa kanya na magdesisyon.      Nagpakawala muna siya ng malalim na buntong- hininga bago nagsalita.      "Hindi po lingid sa inyong kaalaman na naisanla ng papa ang hacienda at ang mansion na ito sa isang mayamang negosyante." panimulang aniya. "Alam din po ninyong lahat na nasa hospital pa ang papa't hindi pa nagkakamalay. Malaki po ang mga gastusin namin sa hospital at...." muli ay humogot siya ng malalim hangin sa dibdib bago nagpatuloy. Napamahal na po kayong lahat sa akin, amin ni papa pero ikinalulungkot ko pong sabihin na hindi ko na rin po kayo kayang suwelduhan." pagtatapat niya sa mga ito. Sinikap ang sarili na huwag maiyak pero hindi mautatago ang lumbay sa magandang mukha.     
Read more

CHAPTER 4

      Bigla ang pagsipa ng kaba sa dibdib ni Danna. Kinakabahan siya ng 'di niya mawari. Marahil ay dahil ito ang unang pagkakataon na makakaharap niya ang bagong may-ari ng kanilang mga ari-arian. Dinadalangin niya na sana' y mabait at makasundo niya ito.            Nakatalikod ang lalaki na tila hinahagod at sinusuyod ng tingin ang malaking letrato ng Don na nakasabit sa makinis na dingding.                     Huminga ng malalim si Danna habang binabagtas ang kahabaan ng hagdan. May ngiti sa labing sinalubong siya ng mga katulong na matiyagang naghihintay sa kanyang pagbaba. Ginantihan niya iyon ng matamis na ngiti sa kabila ng kanyang namamahay sa loob ng dibdib niya.            "Good morning Mr. Bermudez." bati ni Danna sa lalaking nakatalikod.    
Read more

CHAPTER 5

  Alas- otso na ng gabi nang dumating ang mga kaibigan ni Eugene. Binalaan pa siya nito na huwag lumabas ng kusina na ipinagtaka naman niya. Malulutong na halakhak ang naririnig ng mga kasambahay mula sa malaking living room. Marahil ay nagkakatuwaan ang mga ito."Senyorita, ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ng isa sa mga kasambahay."Oo naman po," tipid niyang sagot ngumiti siya upang ipakita na wala itong dapat na ikabahala. "Hindi ko matantiya ang ugali mayroon ang bagong may-ari nitong mansiyon," ani Belen."Sa nakikita ko magiging maayos ang lahat huwag lang natin siyang suwain." si Aling Lilia na tumingin sa mga kasamahan. "Ang guwapo ng mga kaibigan ni senyorito Eugene. Halos ayoko na ngang pumikit kanina, eh," nangangarap na bulalas ni Nanet ito kasi ang naghatid ng mga inumin. "Kaya siguro ayaw kang palabasin ni senyorito ay baka mapusuan ka ng mga kaibigan niya senyorita," kinikilig na dugtong ni Nanet na naging dahilan pa
Read more

CHAPTER 6

    NAGISING si Danna dahil sa malakas na kalampag ng pinto. Ayaw pa sana niyang bumangon pagkat naiidlip pa ang diwa niya. Pakiramdam din niya'y binugbog ang buong katawan niya sa subrang pananakit at pamimigat sanhi ng mahabang trabahong ipinagawa sa kanya ng bagong may ari ng mansyon. Isa pa'y hindi niya nakasanayan ang mga gawaing bahay higit sa lahat ay ang magpuyat.     Muntik pang mahulog mula sa maliit na kama si Danna sa labis na pagkagulat nang muling kumatok ng malakas ang nasa labas. Tila walang pakialam kahit masira pa ang pinto.    "Sandali," pupungas-pungas na sagot niya.      Mabilis niyang isinuot ang tsenelas upang pagbuksan ang pangahas na gumambala sa malalim niyang tulog.    "What are yo—nabitin sa ere ang anomang nais sambitin ng dila nang bumungad sa pinto ang babaeng kanina pa gustong tirisin.     Napatda si Eugene habang
Read more

CHAPTER 7

  "Danna?!" Malakas na tawag ni Nube sa pangalan ng dalaga na ikinalingon niya. Itinigil nito ang sasakyan sa tapat niya pagkatapos ay mabilis na bumaba mula roon. "Danna, bakit ka naglalakad? Nasaan si Semon? Bakit hindi ka nagpahatid? Nasaan ang kotse mo?" sunod-sunod ang mga tanong nito sa kanya."Kailan ka dumating?" Sa halip ay tugon niya na natutuwang niyakap ang kaibigan na ilang buwan din niyang hindi nakita."Kumusta ka na?" "Huwag mong sagutin ng tanong ang tanong ko, Danna." Nasa kislap ng mga mata nito ang pag-aalala."G-gusto ko lang maglakad," naging mailap ang mga matang aniya na kinakunot noo ng lalake. Ang totoo'y walang kahit anumang natira sa kanya. Ayaw niyang magsinungaling sa kaibigan pero hindi niya gustong kaawaan siya nito."Are you okay?" Bumalik ito kaagad ng bansa nang mabalitaan ang nangyari sa Don . Masyado kasi itong naging abala sa pag-aasikaso ng mga negosy
Read more

CHAPTER 8

    Umalingawngaw ang boses ni Eugene sa buong kabahayan mula sa ikalawang palapag ng mansyon. Galit ang tinig nito habang tinatawag ang pangalan niya. Naramdaman na naman niya ang biglaang pagsipa ng kaba sa dibdib niya. Ano na naman kaya ang nagawa niyang pagkakamali?     Hindi pa man niya ito nakikita ay raramdaman na niya ang galit nito. Ano na naman kaya kinakagalit ng lalake?       Magalang na nagpaalam si Danna sa kanyang yaya upang puntahan ang tola tigreng lalake. Hindi na niya hinintay na makasagot ang may edad na babae bagkus ay kaagad na siyang nagtungo sa kinaroroonan ni Eugene.      "Hija?!" tawag ng yaya Ging niya ngunit hindi na niya ito nilingon sa halip ay nagtutuloy-tuloy na siya sa ikalawang palapag.    Hindi na lingid sa kaalaman ng mayordoma ang tungkol sa lalake sapagkat naikuwento na rito ng mga kasambahay ang tungkol dit
Read more

CHAPTER 9

            "Hindi yata kayo masayang makita ako ah." si Nube na napakamot ng sariling batok.        "Ikaw bata ka bakit ngayon ka lang nadalaw dito?" Malapad ang mga ngiting ani aling Lilia na tila hindi makapaniwala.        Lumapit dito si Nube at nagmano sa may edad na babae. Ugali na kasi nito iyon bilang paglalambing upang huwag na itong kuwentsiyonin ng ali. Isa pa'y parang ina na rin ang turing nito kay aling Lilia at sa personal na yaya ni Danna.        "Hindi mo ba ako babatiin man lang Net?" may simpatikong ngiting ani Nube sa dalagang tahimik lang na nakamasid.        "H-huh? Ah- eh, hello po senyorito, Nube. K-kumusta ho kayo?" nauutal pang wika ng dalaga.      "Ayos la
Read more

CHAPTER 10

  "I want you to clean my room, aling Lilia," aniya nang makitang naglilinis sa malawak na sala ang isa sa mga kasambahay sa mansyon."S-senyorito? Ako po ba ang maglilinis ng inyong silid?" hindi makapaniwalang tanong nito na tinuro ang sarili."May ibang tao pa ba rito bukod sa ating dalawa?" walang ekspresyon ang mukhang saad ni Eugene."Ah, oho. Ngayon din senyorito," anang may edad na babae na nagmamadaling umakyat sa ikalawang palapag ng mansyon. Natutuwa ito at hindi na inutusan ng binatang amo ang kanilang senyorita Danna na maglinis ng silid nito. Hindi na rin masungit ang hitsura nito ngayon kumpara sa nakaraang mga araw. Kung sa bagay ay pinakikitunguhan naman sila ng maayos ni Eugene at sa katunayan ay mabait ito sa kanila at sa mga trabahador sa hacienda maliban na lamang kay Danna na tila noon pa man ay may galit na ito sa kanilang mabait na senyorita.Tinanggal ni Eugene sa trabaho si Nube biglang tagapangas
Read more
PREV
1234
DMCA.com Protection Status