Alas- otso na ng gabi nang dumating ang mga kaibigan ni Eugene. Binalaan pa siya nito na huwag lumabas ng kusina na ipinagtaka naman niya. Malulutong na halakhak ang naririnig ng mga kasambahay mula sa malaking living room. Marahil ay nagkakatuwaan ang mga ito.
"Senyorita, ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ng isa sa mga kasambahay.
"Oo naman po," tipid niyang sagot ngumiti siya upang ipakita na wala itong dapat na ikabahala.
"Hindi ko matantiya ang ugali mayroon ang bagong may-ari nitong mansiyon," ani Belen.
"Sa nakikita ko magiging maayos ang lahat huwag lang natin siyang suwain." si Aling Lilia na tumingin sa mga kasamahan.
"Ang guwapo ng mga kaibigan ni senyorito Eugene. Halos ayoko na ngang pumikit kanina, eh," nangangarap na bulalas ni Nanet ito kasi ang naghatid ng mga inumin. "Kaya siguro ayaw kang palabasin ni senyorito ay baka mapusuan ka ng mga kaibigan niya senyorita," kinikilig na dugtong ni Nanet na naging dahilan para pamulaan siya ng magkabilang pisngi.
"Hindi naman sa ganon," nahihiyang turan niya.
"Baka type ka ni senyorito Eugene, senyorita,"
"H-ha? S-saan mo naman napulot ang ideyang iyan?" iwas ang mga matang aniya.
Sina Aling Lilia at Belen ay nangingiti sa katabilan ng kanilang kasamahan.
Wala naman masama kung magkagusto ang bago nilang amo sa kanilang senyorita dahil napakaganda nga naman ni Danna at kay guwapo naman ni Eugene."Oh, siya Nanet tumigil ka na baka marinig pa tayo ng isang iyon," si Aling Lilia.
"Hindi pa natin alam kung may-asawa o girlfriend si senyorito," sumingit sa usapan na ani Belen.
"Ah basta sigurado ako, single pa siya at bagay na bagay sila ni senyorita!" giit at may diing pagbigkas ni Nanet.
Hindi nalang umiimik si Danna dahil alam naman niyang madaldal ang babae. Maya-maya'y sumulpot sa komedor ang lalaking kanilang pinag-uusapan. Ang mga mata nito'y sentrong nakatitig sa babaeng nakaupo paharap sa kanya.
"Mag-uusap lang ba kayo rito hanggang umaga?"anitong pinaglipat-lipat ang paningin sa kanilang lahat. Partikular sa kanya. "Nanet dalhan mo kami ng beer," utos nito.
"Masusunod senyorito,"
"At ikaw? Pumanhik ka sa kuwarto ko at linisin mo ang banyo." Madilim ang mukhang utos nito sa kanya.
"H-ha?"
"Don't you hear me? O baka kailangan ko pang sumigaw para maintindihan mo!"
"S-sige," nasabi nalang ni Danna pakiramdam niya'y galit sa kaniya ang lalaki sa 'di niya mawaring dahilan.
"Mawalang galang lang senyorito pero lilinisin ko rin naman iyon bukas kaya---,"
"Siya ang gusto kong maglinis. At gusto kong ipaalam sa inyong lahat na mula sa mga sandaling ito. Siya na ang magiging personal kong katulong at uutusan ko siya kung kailan ko gusto! Nagkakaintindihan ba tayong lahat?" Nakatiimbagang lintaniya nito. "Naintindihan mo ba iyon Danna?"
"O-Oo,"
"Kung ganon ano pa ang tinutunganga mo riyan? Kumilos ka na!"
Mabilis siyang napatayo mula sa pagkakaupo at minabuting sundin ang ipinag-uutos nito sa kanya. Puwede naman siyang umalis nalang at hindinsiya puwedeng pilitin ni Eugene na manatili sa mansyon pero hindi niya gagawin iyon. Sasahuran naman daw siya nito ayon sa napag usapan nila at kailangan na kailangan niya iyon para pangtustos sa pangangailangan ng papa niya sa hospital. Sa ngayon ay kailangan niya mona niyang magtiis.Nakaramdam ng awa na nasundan na lamang ng tingin ng mga katulong ang dalaga. Pakiramdam ng mga ito ay may lihim na galit ang lalaki dito. Unang araw pa lang kasi nito sa mansyon ay pinahirapan na nito si Danna."Parang may nakita akong magandang chick, ah," si Joraks. Halos humaba ang leeg nito na tila may hinahanap ang mga mata sa pangingislap.
"Lahat naman ng babae maganda para sa'yo eh," pag-iignora rito ni Eugene pero lihim na napatiim bagang.
"Gago! Marunong akong pumili," sabi nitong sinabayan ng halakhak.
"Babaero ka kasi!" panigunda ni Yougie.
"Aren't you, dude?" tumawang ganti ni Joraks kay Yougie.
"Excuse me for a second, guys. I just wanna get something up stairs," pasintabi ni Eugene sa dalawa.
Natigilan si Danna sa paghakbang nang makita kung gaano ka kalat ang silid na nilinis niya kaninang umaga. Ang mga inayos niyang damit ng lalaki ay nagkagusot-gusot halatang sinadyang itapon ang mga iyon sa sahig.
Napabuntong-hininga siyang nagtuloy sa banyo. Napangiwi pagkuwan nang makita ang loob niyon. Nakabukas ang toothpaste, nasa lababo ang toothbrush hindi tinanggal ang shaver sa saksakan. Nagkalat ang shampoo at body wash sa bathtub. Idagdag pa ang basang brief na iniwan lang sa basang sahig.
"Oh god!" nanlumong aniya. Hindi malaman kung anong uunahing linisin. Ang mga kalat sa silid o ang loob ng banyo?
Hindi niya ma-imagine na magkakaganito ka terible ang dating silid niya. Ganito ba ka kalat ang lalaking ito?
Nagulat pa siya nang biglang bumukas ang pinto't niluwa niyon ang bulto ni Eugene. Madilim ang anyo nito at matalim na nakatitig sa kanya. Bigla siyang binundol ng kaba. Ano nanaman ang ginawa niyang mali?
"Didn't I tell you not to go out from the kitchen? Sinusubukan mo ba talaga ako, ha?!" anitong hinawakan ng mahigpit ang braso niya.
"Nasasaktan ako,"
"Masasaktan ka talaga pag patuloy mo akong susuwain."
"Sinabi mong pumanhik ako rito para maglinis, paano sa tingin mo ako makakarating dito kung hindi ako lalabas ng kusina?" aniya sa impit na boses.
Tila naman natauhan si Eugene. May katwiran naman ito. Baka nakita lang ito ni Joraks nang pumanhik ito. Niluwagan nito ang pagkakahawak sa braso niya. Pero ang mga mata'y hindi humihiwalay sa pagkakatitig sa kanya. Lihim pa itong napalunok nang mapadapo ang paningin sa mga labi ng babae.
"Bilisan mo ang paglilinis. Pagod ako't gusto kong magpahinga pag-alis ng mga kaibigan ko." anitong pinawalan siya at malalaki ang habang na lumabas ng silid.
Naiwang napahawak sa namumulang braso ang dalaga. Naitanong niya sa sarili kung bakit pakiramdam niya'y galit sa kanya si Eugene. Wala naman siyang ginagawang masama na ikagagalit nito sa kanya.
At sa katunayan unang araw at gabi palang nito sa mansion pero kung pagsalitaan siya ng lalaki ay parang may matinding poot sa dibdib nito.
Dahil hindi naman siya sanay sa mga gawaing bahay ay inabot siya ng mahigit tatlong oras sa pagliligpit. Tiningnan niya ang kamay ng orasan pasado ala una na. Hindi pa pala siya naghahapunan.
Bumaba siya dala-dala ang maruming damit ni Eugene. Kaagad siyang nagtuloy sa kusina upang kumain. Laglag ang mga balikat niya nang makita ang hitsura niyon. Nagpalinga-linga siya upang hanapin ang bulto ng mga kasambahay.
Noon lang niya nakitang marumi ang kusina sa tanang buhay niya. Na saan sina Aling Lilia? Si Belen at Nanet? Bakit iniwan ng mga ito na makalat at marumi sa loob? Ngunit bago pa man niya masamagot ang mga katanungang iyon sa isip niya ay sumulpot na sa harapan niya si Eugene.
"Kung sila ang hinahanap mo, pinagpahinga ko na. Pagod sila kaya kailangan nilang matulog ng maaga," naka sandig sa bukana ng kusina
At ano naman ang tingin sa kanya ng lalaking ito? Hindi napapagod?
"Huwag kang matutulog na hindi nalilinis ang kalat, ayokong mangamoy ang kusina bukas." dugtong pa nito. "Oh, before I forgot, nagsuka si Yougie sa sofa linisin mo na rin bago matuyo." dagdag na utos nito. Halatang naiingganyong pagmasdan ang pangungunot ng noo ng dalaga.
Walang nagawa si Danna kung hindi ang sumunod. Pagod man at napipikit na ang mga mata ay sinikap niyang tapusin ang ipinag-uutos sa kanya ng damuhong lalaki.
Naisip niya ang ama dahilan para magpakatatag siya. Kailangan niyang magtiis para rito. Na mi-miss na rin niya ito. Buong araw kasi niyang hindi nadalaw sa hospital ang don. Mabuti na lang at tinawagan ni aling Lilia si nana Ging upang ipaabot dito na hindi siya makakadalaw. Pinahatiran na rin niya ito ng pagkain kay Sergio.
Mag-aalas singko na ng madaling araw nang matapos niya ang lahat. Lumabas siya ng mansion at tinungo ang bahay sa likod kung saan naroroon ang bago niyang silid.
Lingid sa kaalaman niya ay gising pa si Eugene sa mga oras na iyon. Nakamasid lamang ito sa kanya habang nagliligpit siya sa kusina.
NAGISING si Danna dahil sa malakas na kalampag ng pinto. Ayaw pa sana niyang bumangon pagkat naiidlip pa ang diwa niya. Pakiramdam din niya'y binugbog ang buong katawan niya sa subrang pananakit at pamimigat sanhi ng mahabang trabahong ipinagawa sa kanya ng bagong may ari ng mansyon. Isa pa'y hindi niya nakasanayan ang mga gawaing bahay higit sa lahat ay ang magpuyat. Muntik pang mahulog mula sa maliit na kama si Danna sa labis na pagkagulat nang muling kumatok ng malakas ang nasa labas. Tila walang pakialam kahit masira pa ang pinto. "Sandali," pupungas-pungas na sagot niya. Mabilis niyang isinuot ang tsenelas upang pagbuksan ang pangahas na gumambala sa malalim niyang tulog. "What are yo—nabitin sa ere ang anomang nais sambitin ng dila nang bumungad sa pinto ang babaeng kanina pa gustong tirisin. Napatda si Eugene habang
"Danna?!"Malakas na tawag ni Nube sa pangalan ng dalaga na ikinalingon niya. Itinigil nito ang sasakyan sa tapat niya pagkatapos ay mabilis na bumaba mula roon."Danna, bakit ka naglalakad? Nasaan si Semon? Bakit hindi ka nagpahatid? Nasaan ang kotse mo?" sunod-sunod ang mga tanong nito sa kanya."Kailan ka dumating?" Sa halip ay tugon niya na natutuwang niyakap ang kaibigan na ilang buwan din niyang hindi nakita."Kumusta ka na?""Huwag mong sagutin ng tanong ang tanong ko, Danna." Nasa kislap ng mga mata nito ang pag-aalala."G-gusto ko lang maglakad," naging mailap ang mga matang aniya na kinakunot noo ng lalake.Ang totoo'y walang kahit anumang natira sa kanya. Ayaw niyang magsinungaling sa kaibigan pero hindi niya gustong kaawaan siya nito."Are you okay?"Bumalik ito kaagad ng bansa nang mabalitaan ang nangyari sa Don . Masyado kasi itong naging abala sa pag-aasikaso ng mga negosy
Umalingawngaw ang boses ni Eugene sa buong kabahayan mula sa ikalawang palapag ng mansyon. Galit ang tinig nito habang tinatawag ang pangalan niya. Naramdaman na naman niya ang biglaang pagsipa ng kaba sa dibdib niya. Ano na naman kaya ang nagawa niyang pagkakamali? Hindi pa man niya ito nakikita ay raramdaman na niya ang galit nito. Ano na naman kaya kinakagalit ng lalake? Magalang na nagpaalam si Danna sa kanyang yaya upang puntahan ang tola tigreng lalake. Hindi na niya hinintay na makasagot ang may edad na babae bagkus ay kaagad na siyang nagtungo sa kinaroroonan ni Eugene. "Hija?!" tawag ng yaya Ging niya ngunit hindi na niya ito nilingon sa halip ay nagtutuloy-tuloy na siya sa ikalawang palapag. Hindi na lingid sa kaalaman ng mayordoma ang tungkol sa lalake sapagkat naikuwento na rito ng mga kasambahay ang tungkol dit
"Hindi yata kayo masayang makita ako ah." si Nube na napakamot ng sariling batok. "Ikaw bata ka bakit ngayon ka lang nadalaw dito?" Malapad ang mga ngiting ani aling Lilia na tila hindi makapaniwala. Lumapit dito si Nube at nagmano sa may edad na babae. Ugali na kasi nito iyon bilang paglalambing upang huwag na itong kuwentsiyonin ng ali. Isa pa'y parang ina na rin ang turing nito kay aling Lilia at sa personal na yaya ni Danna. "Hindi mo ba ako babatiin man lang Net?" may simpatikong ngiting ani Nube sa dalagang tahimik lang na nakamasid. "H-huh? Ah- eh, hello po senyorito, Nube. K-kumusta ho kayo?" nauutal pang wika ng dalaga. "Ayos la
"I want you to clean my room, aling Lilia," aniya nang makitang naglilinis sa malawak na sala ang isa sa mga kasambahay sa mansyon."S-senyorito? Ako po ba ang maglilinis ng inyong silid?" hindi makapaniwalang tanong nito na tinuro ang sarili."May ibang tao pa ba rito bukod sa ating dalawa?" walang ekspresyon ang mukhang saad ni Eugene."Ah, oho. Ngayon din senyorito," anang may edad na babae na nagmamadaling umakyat sa ikalawang palapag ng mansyon.Natutuwa ito at hindi na inutusan ng binatang amo ang kanilang senyorita Danna na maglinis ng silid nito. Hindi na rin masungit ang hitsura nito ngayon kumpara sa nakaraang mga araw. Kung sa bagay ay pinakikitunguhan naman sila ng maayos ni Eugene at sa katunayan ay mabait ito sa kanila at sa mga trabahador sa hacienda maliban na lamang kay Danna na tila noon pa man ay may galit na ito sa kanilang mabait na senyorita.Tinanggal ni Eugene sa trabaho si Nube biglang tagapangas
NANLUMONG pinagmasdan ni Danna ang kabuuan ng kuwadra. Sa dami at laki ng silid pahingaan ng mga kabayo ay hindi siya makaapuhap ng tamang sagot kung saan magsisimula. Kung paliliguan ba ang mga kabayo o lilinisin ang sahig? Napangiwi pa siya nang biglang dumumi ang dalawang kabayo. Sa dinami-rami ba naman ng maaaring ipagawa sa kanya ng guwapo pero antipatikong lalaki ay ang paglilinis pa ng silid ng mga kabayo. Kaya niyang gawin lahat ng trabaho puwera na lamang sa paglilinis ng kuwadra. Nasubukan na rin niyang magpaligo ng kabayo kaya alam na niya kung paano pero ang linisin ang buong stable? Hindi siya maarte tulad ng ibang anak ng mga mayayaman, but that was before, ngayon ay mahirap pa siya sa naghihikaos na kalahi ni Jerry masuwerte lang siya dahil walang T
"NUBE, sige na umalis ka na!" ani Danna upang huwag nang magkainitan pa ang dalawang lalaki. Ayaw niyang magbasagan ito ng mukha ng dahil sa kanya."You're coming with me Danna. Hindi ko maaatim na tumira ka kasama ng lalaking iyan!" May galit sa tono ng boses nito.Ngumisi lamang ng nakakaloko si Eugene saka hinigpitan ang pagkakahawak sa pulsuhan niya. " She'll stay here with me, right Danna? " She looked at her at that looks makes her heart jolted inside her chest.Nagsusumamo ang kislap ng mga mata nito. Gusto ba talaga nito na manatili siya ng mansyon?"Let's go, Danna." Tinangkang hawakan ni Nube ang kamay niya ngunit pumiksi siya."Sige na Nube,"Mali man ang damdaming namamahay sa dibdib niya ay nais pa rin niyang makatiyak. Gusto rin niyang malaman kung ano ang dahilan at bakit ito galit sa kaniya gayon wala naman siyang ginagawang masama dito. Sa kabila ng pagpapahirap nito kaniya ay nangingibabaw pa
BALISA si Eugene sa loob ng guest room. Mailap rin sa kanya ang antok. Hindi mawala sa isip niya ang dalaga, kahit anong pilit niyang pagtataboy rito ay ito pa rin ang naglalaro sa balintataw niya. In fact, he was so worried when she lost consciousness in front him. Buong akala niya ay napaano na ito, saka lamang bumalik sa normal ang tibok ng puso niya nang masuri ito ng doctor. He even let her sleep in his room just to make sure that she’s fine. And thinking about Nube and Danna having an affair makes him felt so furious. At ano ba ang gusto ng babaeng iyon? Ang matulog sa kuwarto ni Nube? He cursed in disbelief. That woman is really giving him a hard time. Isipin pa lang ni Eugene na may ibang lalaking humahawak sa
Eugene pulled her waist closer to his as he covered her lips with his. He kissed her with full of longing as if he yearned to kiss her for so long, as if he was craving to meet hers. As for Danna, she deliberately raised her hands and placed them around his nape and kissed him back in the same ferocity. Katulad ni Eugene ay pinananabikan din niya ang muling magtagpo ang mga labi nilang dalawa. Ang muling mahalikan ang isat–isa. They were both panting and catching for air to breath nang putulin ni Eugene ang pagtutukahan ng kanilang mga labi. Pagkatapos ay ikinulong nito sa mga palad ang magandang mukha ng dalaga. “I miss you so much, sweetheart.” He kissed her forehead, nose, cheeks at nagtagal muli ang mga labi nito sa mga labi niya na tila ayaw na siya nitong pakawalan. “I miss you, too. Eugene. Subra–subra pa nga
NAPAPAWI ang lumbay at pangungulila niya sa pamamagitan ni Nick. She loved talking, playing and reading a stories for him every time she got the chance to be with him. Napakabait at napakalambing nitong bata. Bagamat apat na taon pa lamang ito ay matatas na kung magsalita na lalo niyang kinaaaliwan. Matalino rin itong bata, bukod sa nakakapagsulat na ito ng mga maiikling pangungusap ay nakakapagbasa na ng mga pambatang libro nang mag–isa. Wala sa loob na napangiti si Danna habang pinagmamasdan ang paglalaro ni Nick. Excited na nga rin itong makapunta ng San Ignacio. Gusto raw nitong makasakay ng kabayo pero hindi niya maipapangako rito na madadala niya ito sa hacienda. Dahil maging siya man ay wala nang karapatan tumuntong sa lugar na iyon. Nahulog na naman siya sa matinding kalungkutan at pagnanais na makabalik sa mansion nang maalala ang lugar kung saan siya lumaki at nagkaisip.
NABITAWAN ni Eugene ang dala–dalang plastic bag na naglalaman ng mga vitamins na binili niya sa Mercury Drug. Tumilapon at nagkalat sa makintab na sahig ang mga pinamili niya nang bigla na lang siyang salubungin ng malakas na sapak ng nakatatandang kapatid. Dahilan para masubsob siya sa sahig. Napahawak siya sa nasaktang panga. Nagulat siya sa ginawang iyon ni Nube. Hindi sila nagkita nito ng halos dalawang linggo pero heto ito at bigla na lang siyang sinapak sa hindi malamang kadahilanan. “What the hell, Eugene! Anong ginawa mo kay Danna?!” Galit na singhal ni Nube sa kanya. He was about to punch him again nang biglang pumagitna si nanay Ging. “Huminahon ka, Nube. Hindi makakatulong ang pakikipagbasagan ng mukha.” Awat ng matanda. “Wala akong ginawa sa kanya, ok
HINDI mapakali at kanina pa tinatambol sa kaba ang dibdib ni Euegene. Habang naghihintay sa paglabas ng doctor na kasalukuyang sumusuri sa kalagayan ng dalaga. Ang totoo ay hindi siya halos nakatulog sa nagdaang gabi dahil sa kakaisip kung ano ang dahilan ng pag–iyak ni Danna. Labag sa loob niyang iwanan ito sa gano’n kalagayan ngunit halos ipagtabuyan siya nito kagabi. Nasaktan siya sa pagpapaalis nito sa kanya pero mas nangingibabaw ang pag–aalala niya para rito. Kanina pa niya inaabangan ang paglabas ni Danna. Subalit mag–aalas nuwebe na ay hindi pa rin ito bumaba para mag—agahan. He was so worried that he could no longer wait for another tick of the clock. He has to talk to Danna whether she likes it or not. And so, he decided to enter her room only to be shocked as she found her on the floor and seemed so lifeless. Sa pakiwari niya ay t
PASADO alas–dos na ng madaling araw nang maulingan niya ang tonog ng mamahaling sport car ni Eugene. Ang totoo ay sinadaya niyang huwag isara ang glass sliding door sa may balkonahe niya nang sa gayon ay marinig niya kaagad ang pagdating nito. Bumangon siya buhat sa kama at dahan–dahang lumabas ng balkonahe. Aminin man niya sa hindi ay kanina pa niya hinihintay ang pagdating nito. Kung sa bagay ay nakasanayan na niyang manatiling gising hangga’t hindi nakakauwi ang lalaki. Isa pa’y nag–alala rin siya na baka napaano na ito sa daan. Pero mukhang wala naman nabali alin mang bahagi ng katawan nito dahil nakabalik ito ng mansion. Natural ay kasama nito Jennifer. Walang meeting na tumatagal hanggang alas–dos ng madaling araw. Nagngingit ang kalooban na na aniya. Nag–over time? At kailangan kasama pa nito si Je
NASA harden siya nang hapong iyon at nagdidilig ng mga bagong sibol niyang pananim ng ibat–ibang uri ng mga bulaklak nang daluhan siya ni Nanet. Ayon dito ay may babaeng bisita sa living room na naghihintay sa kanya. Nagtatakang kumunot ang noo niya. Wala naman siyang inaasahang bisita ngayon araw. "Ano raw ang sadya Net?” "Hindi sinabi eh, mas makakabuti kung puntahan mo na lang sa loob para malaman mo. Pero sinasabi ko sa'yo, my friend. Hindi ko gusto ang babaeng iyon. May pakiramdam akong hindi maganda ang pagparito niya." Hindi nakaligtas sa paningin niya ang hindi pagka–gusto sa mukha ng kaibigan. Inabot niya buhat dito ang hawak–hawak nitong maliit na tuwalya upang tuyuin ang basang kamay. "Taga rito ba siya sa San Ignacio?"
HE was crushing her body to his body. Marahas din na hinahalikan ang mga labi niya. Naglulumikot ang mainit nitong dila sa loob ng bibig niya, dahilan para mapaungol siya. Kasabay ng mapusok na mga halik nito ay ang paglalakbay ng mga palad ni Eugene sa katawan niya at sa maseselang bahagi ng pagkababae niya. Pagkalipas ng ilang minuto ay tumigil ito sa pananakop sa mga labi niya, bagkus ay naglakbay pababa sa leeg niya ang mga halik nito hanganga sa marating nito ang pakay. She moaned in her throat as she felt her hot mouth sucking each of her breast. Kung paano kay bilis natanggal ni Eugene ang hook ng brasserie niya ay hindi niya alam at wala na rin siyang pakialam doon. Involuntarily, ay itinaas niya ang dalawang kamay upang tulungan itong tanggalin ang damit niya. Ang sunod niyang ginawa ay inabot niya ang batok ng lalaki. Tila inaalalayan itong lalong ipalasap dito ang magkabila niyang tuktok.
IT’S BEEN more than a week since Eugene left San Ignacio. And the last time they have spoken was through an exchange message. Hinintay niya ang tawag mula rito subalit mahigit isang linggo na ito sa America ay hindi pa siya nito tinatawagan. Not even a single message from him. Ngunit ano nga ba ang dapat niyang asahan buhat dito? Marahil sa mga sandaling ito ay kapiling nito kung sino man ang huling nakausap nito sa telepono nang gabing iyon. Hayon na naman ang pagsibol ng matinding selos sa dibdib niya. Pilit niyang iwinawaksi sa bahagi ng isipan niya ang tungkol doon. Kung sana’y hindi na lang niya narinig iyon. ‘Di sana siya nasasaktan ngayon. She took a deep breath and exhale after. Siguro ay masyadong abala ang binata kaya hindi siya nito magawang kamustahin. Gusto niyang mainis at magalit kay Eugene dahil sa pagbabaliwala nito sa kanya. Ngunit ano
HINDI NAITAGO ng mga titig ni Eddie ang pagtataka at ‘di pagkagusto nang madatnang nakaupo sa tabi niya ang mayordoma ng mansion. Iyon ang unang pagkakataon na makakasalo niya sa hapunan ang tiyuhin at tiyahin niya mula nang umalis ang mga ito ng San Ignacio. Maraming taon na ang nakalipas upang manirahan sa ibang bansa. Nakaramdam siya ng pagkadismaya sapagkat bumalik na sa Manila ang pinsan niya. Pero nauunawaan naman niya ang dahilan nito. “Ging, pakitawag mo na si Miaka sa silid niya para makapaghapunan na kami?” Wika nito sa nang–uutos na tinig. “Umalis na ho si Miaka bandang ala–una ng hapon, tito Eddie.” aniya bago pa man makasagot ang katabi. Hindi niya tiyak kung guni–guni lamang niya ang nakita niyang gali