"Danna?!"
Malakas na tawag ni Nube sa pangalan ng dalaga na ikinalingon niya. Itinigil nito ang sasakyan sa tapat niya pagkatapos ay mabilis na bumaba mula roon.
"Danna, bakit ka naglalakad? Nasaan si Semon? Bakit hindi ka nagpahatid? Nasaan ang kotse mo?" sunod-sunod ang mga tanong nito sa kanya."Kailan ka dumating?" Sa halip ay tugon niya na natutuwang niyakap ang kaibigan na ilang buwan din niyang hindi nakita."Kumusta ka na?"
"Huwag mong sagutin ng tanong ang tanong ko, Danna." Nasa kislap ng mga mata nito ang pag-aalala.
"G-gusto ko lang maglakad," naging mailap ang mga matang aniya na kinakunot noo ng lalake.
Ang totoo'y walang kahit anumang natira sa kanya. Ayaw niyang magsinungaling sa kaibigan pero hindi niya gustong kaawaan siya nito.
"Are you okay?"
Bumalik ito kaagad ng bansa nang mabalitaan ang nangyari sa Don . Masyado kasi itong naging abala sa pag-aasikaso ng mga negosyong naiwan ng mga yumaong mga magulang kaya't malimit na rin nitong makumusta ang kaibigan.
Hindi rin nakaligtas dito ang pangangayayat at pangangalumata ni Danna. Sa nakikita ngayon ni Nube ay ibang-iba na dalaga kumpara sa Danna na kilala nito noon. Napakalaki ng ihinulog ng katawan ng babae. Wala na rin ang kislap sa mga mata ng kaibigan na dati ay puno ng mga pangarap.
"Ayos lang ako. Ikaw? Kumusta ka?" aniyang pilit na pinagsila ang boses upang itago ang pait na nadarama.
"No you don't look okay. You're not okay, Danna."
"P-pagod lang siguro ako pero wala ka naman dapat na ipag-alala, eh,"
Nagulat na lamang si Danna nang bigla na lamang siyang yakapin ng lalaki. Pero agad din siyang kumalas sa pagkakayakap nito sa kanya.
Hanggat maaari ay ayaw niyang maging emosyonal. Lalo pa't nasasabik din siyang muling makita ang kababata.
"Masaya ako at nakabalik ka na, Nube." kagat ang ibabang labing aniya tila ba sa pamamagitan niyon ay mapigilan niyang huwag maglandas ang namumuong luha sa magkabilang sulok ng kanyang mga mata. "Kailangan ko nang umalis."
Napabuntong-hiningang mabilis na nahawakan ni Nube ang braso niya. "Ihahatid na kita."
"Baka makaabala pa ako sa'yo,"
"I insist,"
"P-pero---"
"Get in, Danna o baka gusto mong buhatin pa kita papasok ng kotse," seryosong anito.
"S-sige."
Hindi na niya tinutulan ang paanyaya ng kaibigan. Pabor na rin iyon sa kanya. Kailangan niyang magreserba ng lakas para sa iba pang ipag-uutos ng bagong may-ari ng lupain nila.
"Kumusta na nga pala ang don?"
Muli hindi nakaligtas sa sulok ng mga mata ni Nube ang pagguhit ng lungkot sa maaamong mukha ng kababata sa pagkakabanggit sa pangalan ng matanda.
"S-stable na si papa, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagkakamalay,"
"Huwag kang mag-alala, malakas ang papa mo, naniniwala ako na malalampasan rin niya ang mga pagsubok na ito." sinadyang pasiglahin ni Nube ang tono ng pananalita marahil ay upang pagaanin ang kalooban niya.
"Dadalaw nga pala ako sa kanya bukas sa hospital baka gusto mong sumabay na sa akin."
Lumarawan ang sigla sa mukha ni Danna sa tinurang iyon ng kaibigan ngunit agad din naman napawi nang maalala si Eugene. Kailangan muna niyang magpaalam dito bago niya madalaw ang ama.
"Hindi puwede eh, baka kasi late na ako makadalaw kay papa," pigil ang mga luhang sagot niya.
Pakiramdam niya'y nagbabara ang lalamunan niya at naninikip ang dibdib niya sa mga sandaling iyon. Gustong-gusto na niyang makita at mayakap ang ama subalit wala siyang magawa kung hindi ang tumalima sa mga utos binatang amo.
"Kung ganon, hihintayin nalang kita para sabay na rin tayong makauwi,"
"Salamat na lang, Nube. Pero gustuhin ko man ay hindi maaari."
"Tell me, is there something wrong, na hindi ko nalalaman?" Mataman siya nitong tinitigan na tila inaarok ang nilalaman ng isip niya. "May pumipigil ba sa'yo, Danna?"
"Ipapakilala ko nga pala sa inyo ang bagong may-ari ng hacienda. Parito na rin siya ngayon," pag-iiba niya ng diskusyon upang huwag ng mangulit ang lalake.
"Kumusta naman ang pagtrato sa'yo ng bagong may-ari ng mansyon?"
Lihim na napatiimbagang si Nube. Huli na nang malaman nito na naibenta na ng don ang mga ari-arian sa iba. Walang nabangit sa kanya ang matanda tungkol sa pagkalugi at pagkakasanla ng hacienda. Marahil kung nakauwi lamang ito ng maaga at maisasalba pa nito ang hacienda pero huli na ang lahat. Ngunit gagawin nito ang lahat para matubos ang mga ari-arian ng don.
Pangalawang ama na rin kasi ang turing ni Nube sa don. Ganon din naman ang matanda. Ito na ang tumayong ama ng binata buhat nang yumao ang mga magulang.
Bahagyang natahimik ang dalaga tinatantiya kung ipagtatapat ba sa kaibigan ang kalagayan niya.
"May problema ba, Danna?" muling tanong nito nang hindi siya kaagad nakasagot.
"H-ha? M-maayos naman ang pagtrato niya sa amin sa mansyon, Nube." sinadya niyang ibaling sa ibang direksyon ang paningin upang hindi siya nito mahalata.
Magtatanong pa sana ang binata ngunit natanaw na nila ang mga magsasaka. Kumakaway pa sa kanila ang ilan na tila ba nakilala ang kung sino ang lulan ng magarang sasakyang iyon.
May ngiti sa labing sinalubong ng mga tauhan sa asyenda ang dalaga. Natutuwa silang makita ang nag-iisang anak ng don. Bukod sa kagandahang pisikal ay pinarisan din ng pagkakaroon ng busilak na puso.
Kaagapay siya ng ama sa pagtulong sa mga nangangailangan.
Ipinagpatuloy rin niya ang adhikain ng yumaong donya na tumulong sa mga kabataang kapos palad na gustong makapagtapos ng pag-aaral. Hindi rin siya tulad ng ibang mayayaman na mapagmataas at mapang mata sa mga dukha.Subalit, nakakalungkot isipin dahil matitigil na anumang nasimulan nilang mag-anak sapagkat wala na silang kakayahang gampanan pa ang mga iyon.
Sinikap niyang patatagin ang sarili at pigilin ang nagbabadyang luha. Hindi siya dapat magpakita ng kahinaan sa harap ng mga trabahador dahil lalo lamang siyang magmumukhang kahabag-habag sa harap ng mga ito at iyon ang ayaw nilang mangyari.
"Nagagalak kaming lahat na makita ka, senyorita," natutuwang sabi ng isang ginang.
"Senyorito, Nube? Kailan ka dumating? Aba't lalo ka yatang tumikas at tumangkad, ah."
"Kaninang madaling araw lang ho ako dumating mang Ben. Kayo rin naman po wala pa rin kupas sa pamumuri sa akin." nakangiting sagot dito ng binata.
"Eh, isa totoo naman, hijo. Kung hindi nga kayo parang magkapatid nitong si Danna ay bagay na bagay kayong dalawa." sang -ayon pa ng isang lalake.
Bahagyang nagkatudyuan ang ilan dahil sa tinurang iyon ng kanilang kasamahan na ikinangiti lang ng dalawa.
"Natutuwa kaming makita ka, senyorito lalo ka na senyorita."
"Ako rin na po, aling Vivian masaya po ako na makita kayong lahat." tugon niya mula sa kaibudturan ng kaniyang puso.
"Kumusta na po ang kalagayan ng don?" usisa ng isang ginang.
"Sana ay gumaling na ang don para masaksihan niya ang magandang ani sa susunod na buwan." saad naman ng isang may edad na lalake.
"Hindi pa po nagkakamalay si papa," malungkot niyang turan.
Lumunok muna siya para mawala ang tila pait na nagbabara sa lalamunan niya bago muling nagsalita.
"Naparito po ako para ipaalam po sa inyong lahat na maya-maya lang po ay darating na ang bagong may ari ng lahat ng ari-arian ni papa. Hinihiling ko rin po sa inyo, na sana'y ibigay niyo sa taong ito ang respeto, kabaitan at katapatan na tulad ipinakita ninyo sa amin ng papa." hindi na nagpatumpik-tumpik na pahayag niya na ikinabigla ng mga magsasaka.
Alam ng mga ito na matagal nang naghihikahos ang asyenda ngunit umasa sila na maisasalba pa rin ito ng don.
Ngunit sa kasamaan palad ay huli na ang lahat dahil ibang tao na ang nagmamay- ari ng mga lupang sakahan nila at iba pa nilang kinabuhayaan.
"Senyorita, wala pong nagbago sa tingin ko sa inyo, nawala man po ang lahat ng ari-arian ninyo ng don labis pa rin po akong nagpapasalamat sa inyong mga kabutihan." anang isang lalake.
"Tama po iyon, senyorita, naniniwala kami na mababawi mo rin ang mga nawala sainyo.
Si Nube ay nakamata at matamang nakikinig sa mga ito. Ito man ay hindi rin makapaniwala sa kinasadlakan ng mga aria-arian ng don na labis nitong inalagaan sa mahabang panahon noong naririto pa ito sa hacienda.
Tipid namang ngumiti ang dalaga bilang pagtugon. Maya-maya'y pumarada ang magarang sasakyan sa tabi ng kotseng pagmamay- ari ni Nube. Nakuha niyon ang buong atensyon ng lahat.
Tila ba alam na ng mga ito na ang sakay niyon ay ang taong nitutukoy ng kanilang senyorita. Napahanga ang mga ito nang bumaba ang makisig at matangkad na lalaking lulan n
iyon.Tinanggal nito ang salamin sa mata at nakangiting tumingin sa mga tauhan ng asyenda. Maging si Nube ay saglit na natigilan. Pinag-aralan ang kabuang anyo ng bagong dating.
Bahagyang nangunot ang noo ni Eugene habang lihim na pinapasandahan ng tingin ang lalaking nasa tabi ni Danna. Ito ang lalaking natanaw niyang nakayakap sa babae kanina.
Lihim siyang nagngingitngit buhat sa pakaisiping may lalaking kayakap ang anak ng lalaking kinasusuklaman niya. Nadagdagan pa ang galit niya nang magpagtantong may sinabi ang lalaki kung sa pisikal na kaanyuhan ang paglalabanan.
Mukha rin edukado ang tindig. At kung bakit nakaramdam siya ng selos dito ay hindi siya makaapuhap ng tamang kasagutan.
"Ahmm... ipinapakilala ko po sa inyong lahat si Mr. Eugene Bermudez. Siya po ang nakabili ng mga ari-arian ni papa. Sana po ay pag lingkuran niyo siya ng maayos tulad ng ipinakita niyo sa amin." Nakangiting pagpapakilala rito ni Danna.
Subalit, hindi maitago ang pag-aalala sa nababanaag niyang galit sa mga mata nito. Para saan na naman ang galit na iyon? Sinunod naman niya ang habilin nito sa kanya. Bakit kay bigat ng loob nito sa kanya?
"Magandang araw po," halos magkapanabay na bati ng mga magsasakaka.
"Ikinalulugod ko na makilala kayong lahat." nangiting ani Eugene bago nagpatuloy. "Sisikapin ko pong ibangon ang hacienda sa abot ng aking makakaya, magtulungan po sana tayong lahat."
Nilingon ito ni Danna sakto namang nakatingin din ito sa kanya. Nagtama ang kanilang mga mata, ngunit siya rin ang kusang bumitiw sa kadahilanang hindi niya kayang makipagtitigan dito ng matagal lalo pa't tila patalim sa talas ang mga matang nitong nakatitig sa kanya na wari bang pati kaluluwa niyan nakasanla na rin dito.
For heaven sake! Eh, ano ngayon kung bumagsak man ng tuluyan ang hacienda? In fact, he'll be the most happiest person in the world dahil iyon naman talaga ang plano niya ang pabagsakin ang don at lahat ng mahahalagang pag-aari nito dahil alam niyang matagal na panahon na pinahalagahan ng don ang mga lupain nito.
Subalit ang pakaisipin na maraming mawawalan ng hanap buhay sa paghihiganti niya ay nagiging dahilan ng pagsisikip ng dibdib niya.
"Mr. Bermudez. I want you to meet, Nube Magdangal. Siya ang dating kanang kamay ni papa sa pamamalakad nitong asyenda," pormal na pagpapkilala ni Danna rito.
Umalingawngaw ang boses ni Eugene sa buong kabahayan mula sa ikalawang palapag ng mansyon. Galit ang tinig nito habang tinatawag ang pangalan niya. Naramdaman na naman niya ang biglaang pagsipa ng kaba sa dibdib niya. Ano na naman kaya ang nagawa niyang pagkakamali? Hindi pa man niya ito nakikita ay raramdaman na niya ang galit nito. Ano na naman kaya kinakagalit ng lalake? Magalang na nagpaalam si Danna sa kanyang yaya upang puntahan ang tola tigreng lalake. Hindi na niya hinintay na makasagot ang may edad na babae bagkus ay kaagad na siyang nagtungo sa kinaroroonan ni Eugene. "Hija?!" tawag ng yaya Ging niya ngunit hindi na niya ito nilingon sa halip ay nagtutuloy-tuloy na siya sa ikalawang palapag. Hindi na lingid sa kaalaman ng mayordoma ang tungkol sa lalake sapagkat naikuwento na rito ng mga kasambahay ang tungkol dit
"Hindi yata kayo masayang makita ako ah." si Nube na napakamot ng sariling batok. "Ikaw bata ka bakit ngayon ka lang nadalaw dito?" Malapad ang mga ngiting ani aling Lilia na tila hindi makapaniwala. Lumapit dito si Nube at nagmano sa may edad na babae. Ugali na kasi nito iyon bilang paglalambing upang huwag na itong kuwentsiyonin ng ali. Isa pa'y parang ina na rin ang turing nito kay aling Lilia at sa personal na yaya ni Danna. "Hindi mo ba ako babatiin man lang Net?" may simpatikong ngiting ani Nube sa dalagang tahimik lang na nakamasid. "H-huh? Ah- eh, hello po senyorito, Nube. K-kumusta ho kayo?" nauutal pang wika ng dalaga. "Ayos la
"I want you to clean my room, aling Lilia," aniya nang makitang naglilinis sa malawak na sala ang isa sa mga kasambahay sa mansyon."S-senyorito? Ako po ba ang maglilinis ng inyong silid?" hindi makapaniwalang tanong nito na tinuro ang sarili."May ibang tao pa ba rito bukod sa ating dalawa?" walang ekspresyon ang mukhang saad ni Eugene."Ah, oho. Ngayon din senyorito," anang may edad na babae na nagmamadaling umakyat sa ikalawang palapag ng mansyon.Natutuwa ito at hindi na inutusan ng binatang amo ang kanilang senyorita Danna na maglinis ng silid nito. Hindi na rin masungit ang hitsura nito ngayon kumpara sa nakaraang mga araw. Kung sa bagay ay pinakikitunguhan naman sila ng maayos ni Eugene at sa katunayan ay mabait ito sa kanila at sa mga trabahador sa hacienda maliban na lamang kay Danna na tila noon pa man ay may galit na ito sa kanilang mabait na senyorita.Tinanggal ni Eugene sa trabaho si Nube biglang tagapangas
NANLUMONG pinagmasdan ni Danna ang kabuuan ng kuwadra. Sa dami at laki ng silid pahingaan ng mga kabayo ay hindi siya makaapuhap ng tamang sagot kung saan magsisimula. Kung paliliguan ba ang mga kabayo o lilinisin ang sahig? Napangiwi pa siya nang biglang dumumi ang dalawang kabayo. Sa dinami-rami ba naman ng maaaring ipagawa sa kanya ng guwapo pero antipatikong lalaki ay ang paglilinis pa ng silid ng mga kabayo. Kaya niyang gawin lahat ng trabaho puwera na lamang sa paglilinis ng kuwadra. Nasubukan na rin niyang magpaligo ng kabayo kaya alam na niya kung paano pero ang linisin ang buong stable? Hindi siya maarte tulad ng ibang anak ng mga mayayaman, but that was before, ngayon ay mahirap pa siya sa naghihikaos na kalahi ni Jerry masuwerte lang siya dahil walang T
"NUBE, sige na umalis ka na!" ani Danna upang huwag nang magkainitan pa ang dalawang lalaki. Ayaw niyang magbasagan ito ng mukha ng dahil sa kanya."You're coming with me Danna. Hindi ko maaatim na tumira ka kasama ng lalaking iyan!" May galit sa tono ng boses nito.Ngumisi lamang ng nakakaloko si Eugene saka hinigpitan ang pagkakahawak sa pulsuhan niya. " She'll stay here with me, right Danna? " She looked at her at that looks makes her heart jolted inside her chest.Nagsusumamo ang kislap ng mga mata nito. Gusto ba talaga nito na manatili siya ng mansyon?"Let's go, Danna." Tinangkang hawakan ni Nube ang kamay niya ngunit pumiksi siya."Sige na Nube,"Mali man ang damdaming namamahay sa dibdib niya ay nais pa rin niyang makatiyak. Gusto rin niyang malaman kung ano ang dahilan at bakit ito galit sa kaniya gayon wala naman siyang ginagawang masama dito. Sa kabila ng pagpapahirap nito kaniya ay nangingibabaw pa
BALISA si Eugene sa loob ng guest room. Mailap rin sa kanya ang antok. Hindi mawala sa isip niya ang dalaga, kahit anong pilit niyang pagtataboy rito ay ito pa rin ang naglalaro sa balintataw niya. In fact, he was so worried when she lost consciousness in front him. Buong akala niya ay napaano na ito, saka lamang bumalik sa normal ang tibok ng puso niya nang masuri ito ng doctor. He even let her sleep in his room just to make sure that she’s fine. And thinking about Nube and Danna having an affair makes him felt so furious. At ano ba ang gusto ng babaeng iyon? Ang matulog sa kuwarto ni Nube? He cursed in disbelief. That woman is really giving him a hard time. Isipin pa lang ni Eugene na may ibang lalaking humahawak sa
Eugene took a deep breath when he saw the bouquet of flowers on top of his parents grave. He hastily scanned the whole cemetery hoping that he’ll see anyone around pero laglag ang mga balikat niya nang wala siyang makitang tao. Hindi ito ang unang pagkakataon na may nadatnan siyang mga bulaklak sa puntod ng mga magulang. Bigla ang pagbundol ng kaba sa dibdib niya. Could it be his older brother, Dylan? Oh, yes! Kailanman ay hindi siya nawalan ng pag-asa na buhay pa ang kapatid niya. But where is he? Matagal na niya itong pinapahanap pero hangang ngayon ay wala pa rin resulta. Muli ay nagpakawala siya ng hangin sa dibdib. The thoughts of his older brother missing him even more. Miss na miss na niya ang kuya Dylan niya, nasasabik na siyang makita ito, mayakap at makasama. And he l’ll do everything just to find him. &nbs
NANINIKIP ang dibdib ni Danna sa mga narinig at nalaman niya buhat sa pag-uusap ng mag-ina. Tila nakisimpatiya ang mga luha niya na kusang naglalandas sa gilid ng kanyang mga mata. Hindi siya naniniwala ay ayaw niyang maniwala na magagawa ng papa niya ang pumatay. Buong buhay niya ay kabutihwn ng parehong magulang ang namulatwn niya. Isa sa turo ng mga magulang niya ay ang pagiging mabait sa kapwa, mapamayaman man o mahirap ay dapat pantay-pantay ang pagtrato niya sa mga ito. And Hurting others would not tolerate by his father, but the accusation she had have heard makes her confused. Hindi kaya pabalat-kayo lamang ang mga katangian at kabaitanng pinamalas ng kanyang ama sa kanya? Kaya ba galit si Eugene sa kanya ay dahil ang papa niya ang nagpapatay sa mga magulang nito? At kaya ba ito naririto ay upang maghig
Eugene pulled her waist closer to his as he covered her lips with his. He kissed her with full of longing as if he yearned to kiss her for so long, as if he was craving to meet hers. As for Danna, she deliberately raised her hands and placed them around his nape and kissed him back in the same ferocity. Katulad ni Eugene ay pinananabikan din niya ang muling magtagpo ang mga labi nilang dalawa. Ang muling mahalikan ang isat–isa. They were both panting and catching for air to breath nang putulin ni Eugene ang pagtutukahan ng kanilang mga labi. Pagkatapos ay ikinulong nito sa mga palad ang magandang mukha ng dalaga. “I miss you so much, sweetheart.” He kissed her forehead, nose, cheeks at nagtagal muli ang mga labi nito sa mga labi niya na tila ayaw na siya nitong pakawalan. “I miss you, too. Eugene. Subra–subra pa nga
NAPAPAWI ang lumbay at pangungulila niya sa pamamagitan ni Nick. She loved talking, playing and reading a stories for him every time she got the chance to be with him. Napakabait at napakalambing nitong bata. Bagamat apat na taon pa lamang ito ay matatas na kung magsalita na lalo niyang kinaaaliwan. Matalino rin itong bata, bukod sa nakakapagsulat na ito ng mga maiikling pangungusap ay nakakapagbasa na ng mga pambatang libro nang mag–isa. Wala sa loob na napangiti si Danna habang pinagmamasdan ang paglalaro ni Nick. Excited na nga rin itong makapunta ng San Ignacio. Gusto raw nitong makasakay ng kabayo pero hindi niya maipapangako rito na madadala niya ito sa hacienda. Dahil maging siya man ay wala nang karapatan tumuntong sa lugar na iyon. Nahulog na naman siya sa matinding kalungkutan at pagnanais na makabalik sa mansion nang maalala ang lugar kung saan siya lumaki at nagkaisip.
NABITAWAN ni Eugene ang dala–dalang plastic bag na naglalaman ng mga vitamins na binili niya sa Mercury Drug. Tumilapon at nagkalat sa makintab na sahig ang mga pinamili niya nang bigla na lang siyang salubungin ng malakas na sapak ng nakatatandang kapatid. Dahilan para masubsob siya sa sahig. Napahawak siya sa nasaktang panga. Nagulat siya sa ginawang iyon ni Nube. Hindi sila nagkita nito ng halos dalawang linggo pero heto ito at bigla na lang siyang sinapak sa hindi malamang kadahilanan. “What the hell, Eugene! Anong ginawa mo kay Danna?!” Galit na singhal ni Nube sa kanya. He was about to punch him again nang biglang pumagitna si nanay Ging. “Huminahon ka, Nube. Hindi makakatulong ang pakikipagbasagan ng mukha.” Awat ng matanda. “Wala akong ginawa sa kanya, ok
HINDI mapakali at kanina pa tinatambol sa kaba ang dibdib ni Euegene. Habang naghihintay sa paglabas ng doctor na kasalukuyang sumusuri sa kalagayan ng dalaga. Ang totoo ay hindi siya halos nakatulog sa nagdaang gabi dahil sa kakaisip kung ano ang dahilan ng pag–iyak ni Danna. Labag sa loob niyang iwanan ito sa gano’n kalagayan ngunit halos ipagtabuyan siya nito kagabi. Nasaktan siya sa pagpapaalis nito sa kanya pero mas nangingibabaw ang pag–aalala niya para rito. Kanina pa niya inaabangan ang paglabas ni Danna. Subalit mag–aalas nuwebe na ay hindi pa rin ito bumaba para mag—agahan. He was so worried that he could no longer wait for another tick of the clock. He has to talk to Danna whether she likes it or not. And so, he decided to enter her room only to be shocked as she found her on the floor and seemed so lifeless. Sa pakiwari niya ay t
PASADO alas–dos na ng madaling araw nang maulingan niya ang tonog ng mamahaling sport car ni Eugene. Ang totoo ay sinadaya niyang huwag isara ang glass sliding door sa may balkonahe niya nang sa gayon ay marinig niya kaagad ang pagdating nito. Bumangon siya buhat sa kama at dahan–dahang lumabas ng balkonahe. Aminin man niya sa hindi ay kanina pa niya hinihintay ang pagdating nito. Kung sa bagay ay nakasanayan na niyang manatiling gising hangga’t hindi nakakauwi ang lalaki. Isa pa’y nag–alala rin siya na baka napaano na ito sa daan. Pero mukhang wala naman nabali alin mang bahagi ng katawan nito dahil nakabalik ito ng mansion. Natural ay kasama nito Jennifer. Walang meeting na tumatagal hanggang alas–dos ng madaling araw. Nagngingit ang kalooban na na aniya. Nag–over time? At kailangan kasama pa nito si Je
NASA harden siya nang hapong iyon at nagdidilig ng mga bagong sibol niyang pananim ng ibat–ibang uri ng mga bulaklak nang daluhan siya ni Nanet. Ayon dito ay may babaeng bisita sa living room na naghihintay sa kanya. Nagtatakang kumunot ang noo niya. Wala naman siyang inaasahang bisita ngayon araw. "Ano raw ang sadya Net?” "Hindi sinabi eh, mas makakabuti kung puntahan mo na lang sa loob para malaman mo. Pero sinasabi ko sa'yo, my friend. Hindi ko gusto ang babaeng iyon. May pakiramdam akong hindi maganda ang pagparito niya." Hindi nakaligtas sa paningin niya ang hindi pagka–gusto sa mukha ng kaibigan. Inabot niya buhat dito ang hawak–hawak nitong maliit na tuwalya upang tuyuin ang basang kamay. "Taga rito ba siya sa San Ignacio?"
HE was crushing her body to his body. Marahas din na hinahalikan ang mga labi niya. Naglulumikot ang mainit nitong dila sa loob ng bibig niya, dahilan para mapaungol siya. Kasabay ng mapusok na mga halik nito ay ang paglalakbay ng mga palad ni Eugene sa katawan niya at sa maseselang bahagi ng pagkababae niya. Pagkalipas ng ilang minuto ay tumigil ito sa pananakop sa mga labi niya, bagkus ay naglakbay pababa sa leeg niya ang mga halik nito hanganga sa marating nito ang pakay. She moaned in her throat as she felt her hot mouth sucking each of her breast. Kung paano kay bilis natanggal ni Eugene ang hook ng brasserie niya ay hindi niya alam at wala na rin siyang pakialam doon. Involuntarily, ay itinaas niya ang dalawang kamay upang tulungan itong tanggalin ang damit niya. Ang sunod niyang ginawa ay inabot niya ang batok ng lalaki. Tila inaalalayan itong lalong ipalasap dito ang magkabila niyang tuktok.
IT’S BEEN more than a week since Eugene left San Ignacio. And the last time they have spoken was through an exchange message. Hinintay niya ang tawag mula rito subalit mahigit isang linggo na ito sa America ay hindi pa siya nito tinatawagan. Not even a single message from him. Ngunit ano nga ba ang dapat niyang asahan buhat dito? Marahil sa mga sandaling ito ay kapiling nito kung sino man ang huling nakausap nito sa telepono nang gabing iyon. Hayon na naman ang pagsibol ng matinding selos sa dibdib niya. Pilit niyang iwinawaksi sa bahagi ng isipan niya ang tungkol doon. Kung sana’y hindi na lang niya narinig iyon. ‘Di sana siya nasasaktan ngayon. She took a deep breath and exhale after. Siguro ay masyadong abala ang binata kaya hindi siya nito magawang kamustahin. Gusto niyang mainis at magalit kay Eugene dahil sa pagbabaliwala nito sa kanya. Ngunit ano
HINDI NAITAGO ng mga titig ni Eddie ang pagtataka at ‘di pagkagusto nang madatnang nakaupo sa tabi niya ang mayordoma ng mansion. Iyon ang unang pagkakataon na makakasalo niya sa hapunan ang tiyuhin at tiyahin niya mula nang umalis ang mga ito ng San Ignacio. Maraming taon na ang nakalipas upang manirahan sa ibang bansa. Nakaramdam siya ng pagkadismaya sapagkat bumalik na sa Manila ang pinsan niya. Pero nauunawaan naman niya ang dahilan nito. “Ging, pakitawag mo na si Miaka sa silid niya para makapaghapunan na kami?” Wika nito sa nang–uutos na tinig. “Umalis na ho si Miaka bandang ala–una ng hapon, tito Eddie.” aniya bago pa man makasagot ang katabi. Hindi niya tiyak kung guni–guni lamang niya ang nakita niyang gali