All Chapters of A House With Heartthrobs (Tagalog Version): Chapter 31 - Chapter 40

108 Chapters

30

Yuan Maaga akong nagising dahil sa masamang amoy na hindi ko matukoy kung saan galing. Nang binuksan ko ang pinto ng aking kwarto ay napabulaslas ako. Ilang mura ang nagawa ko sa aking isip ng makita ang basang katawan ni T.H. Mula sa buhok niyang basa naglakbay ang tumulong tubig pababa ng dibdib niya hanggang sa umabot sa dulo ng tuwalya niya. Hindi ko mabilang kung ilang beses akong lumunok habang pinagmamasdan siyang magtuyo ng buhok gamit ang puti niyang tuwalya. Sumasabay sa bawat galaw ng braso niya ang pagflex ng kanyang muscles. Nag-init ang pisngi ko kasabay ng pakiramdam na para bang malalagutan ako ng hininga. Nagkatinginan kami kaya't ilang beses akong kumurap. Napaatras akong bahagya sa aking likuran hanggang sa sumandal ako sa pinto ng aking kwarto. Lumapit unti-unti ang mukha niya saka hinawakan ang ba
last updateLast Updated : 2021-10-16
Read more

31

Maganda Umusok ang ilong ng professor ko dahil kay Mariel, siya 'yung napili ng Prof namin na dapat sanang contestant para sa gaganaping English Literature Pageant. Hindi kasi sinabi agad nito na hindi siya pwede. Naintindihan ko naman si Mariel dahil gusto niya ang bagay na iyon pero biglaan kasi ang pagluwas ng mga magulang niya sa Maynila. Pinapasunod siya roon dahil urgent. "Sir, pasensya na po. Hindi ko po nasabi agad dahil nahihiya ako", hinuhuli ng prof namin ang mga mata niya ngunit sadyang pinili niya na lang tumungo dahil sa kahihiyan. "Isang linggo na lang ang preparation paano na yan", dagdag ni Vanna na halata namang ginagatungan niya ang galit ng professor namin. Bakit hindi na lang kaya siya ang pumalit para walang problema? "Kaya ikaw ang pinili ko Mariel dahil ikaw ang may lakas ng loob na humarap sa stage. Kumpara
last updateLast Updated : 2021-10-17
Read more

32

PaintPinuno ang limang araw ko ng pagpra-practice namin ni Aviel. Mabuti na lang at magaling siyang maggitara saka kumanta.Dito kami malimit magpractice sa kanila dahil ang Mama nito ang naggu-guide sa amin sa pagkanta.Matapos niya kong abutan ng tubig ay sumulpot si Latrelle sa harapan ko kasama si Marcus. May dala silang meryenda.Saktong wala ang mga magulang ni Aviel ay wala ngayon. Tanging siya at kapatid niyang bunso lang ang nandito kaya wala kaming meryenda.Binaba ni Latrelle ang dala niyang basket saka inilabas ang pamilyar na tupper ware.Umupo naman si Marcus doon saka naunang kumuha ng cup cakes.
last updateLast Updated : 2021-10-18
Read more

33

Good luck Kiss Ito na 'yung araw na pinakahihintay ko. Gumising akong maaga para ayusan ni Jez. Umunat ako ng kaunti para makundisyon ang katawan ko matapos nito ay huminga ako ng malalim. Mabuti na lang at walang pasok si Wyn ngayong araw kaya siya muna ang namahala sa gawain ko tuwing umaga. Humahangos si Jez ng pumunta sa kwarto ko. Siya pa ang excited kaysa sa akin. "Girl,anong oras na?! Dali! Maligo ka na!" Hinigit niya ko papasok ng banyo kasama ang aking towel. Pinaghalong-kaba at excitement ang naramdaman ko ngayon kasabay ng pag-agos ng tubig mula sa shower. Hindi ako naglalagay ng conditioner sa buhok pero para dumulas ay nilagyan ko. Nag h-hum ako habang kinukuskos ang bawat sulok ng aking katawan. Nang lumabas ako sa banyo ay sakto rin ang paglabas ni Marcus. Singkit ang mga mata niya at kinuskus iyon. Ngumiti siya na kasing l
last updateLast Updated : 2021-10-19
Read more

34

Casual Wear "Inhale. Exhale", sabi ni Jez bago magsimula ang pageant. Nasa backstage kami ng pinapila kami ng emcee para sa introduction number. Ilang beses nagpabalik-balik si Melissa sa gate ng eskwelahan pero walang Aviel na sumulpot. Kanina pa siyang pumapadyak sa may harapan ng dressing room. Nandoon ang nag-aalalang adviser namin kasama si Wanwan. "Sir, hindi sumasagot" balisa si Melissa. Pawisan ang mukha at likod nito. Pinaypayan siya ni Wanwan saka sinuklayan ang buhok. "Paano na 'yan? Wala pa naman tayong pamalit sa kanya", sabi ng professor namin na gusot ang damit. Nakapamewang siya at may kinocontact na numero. Hinawakan ni Jez ang magkabila kong mukha. "Huwag mo ng alalahanin kung wala kang partner ngayon. Basta kayo mo 'yan! Go girl!" "Syempre naman no! Sa ganda kong ito matatalbugan ko sila", tinaas ko ang isa kong kilay s
last updateLast Updated : 2021-10-19
Read more

35

Kanta"Kain ka muna lugaw girl", nilapag ni Latrelle ang burger at juice sa mesa.Inayos ni Jez ang buhok ko para sa talent portion. Natulala ako sa harap ng salamin dahil sa kagandahan ko. Hindi ko akalain na may ibubuga pala ako sa mga ganitong patimpalak.Muntik akong matapilok kanina pero buti na lang at na balanse ko agad ang paa ko. Mataas kasi ang pinasuot na heels sa akin si Jez. Maganda raw iyon para sa postura at height ng katawan ko."Salamat ha." Sabi ko."Bakit parang labag sa loob mo ang tanggapin yan?" ngumuso siya na parang bata."Babawiin ko na lang" Nang hinawakan niya ang burger ay hinawakan kong mabilis ang braso niya."Binigay mo 'di ba? Wala ng bawian"Wala naman siyang nagawa sa sinabi ko kaya humalukipkip siya sa tabi ni Marcus na kasalukuyang nakikipagkwentuhan kay Wyn."Paano na y
last updateLast Updated : 2021-10-20
Read more

36

FieldNakahalumbaba ako habang nakatingin sa blangkong papel na bigay ni Wanwan.Ngayon ay quiz namin sa General Mathematics. Akala ko pa naman ay madali lang dahil half day kami ngayong araw. Mayroon kasing seminar ang faculty ng aming department.Bawat mahinang paghampas ng mga kaklase ko sa arm rest nila ay rinig na rinig. Luminga-linga ako para maghanap ng sagot kaso lang ay bigo ako. One seat apart ang siste namin ngayon.Ang professor ko ay parang isang manok na naghahanap ng paglilimliman dahil paikot-ikot siya sa bawat upuan niyang madaanan."Congratulations nga pala, Miss Kaoree", sabi ng lalaking mahaba ang balbas na kasing haba ng neck tie niya."Salamat po, Sir. First runner-up lang naman po iyon" pilit akong ngumiti habang tinakpan ang papel ko.Mabuti na lang at hindi nag-abala si Sir na tignan iyon.Huminga
last updateLast Updated : 2021-10-21
Read more

37

Manood "Anong ginagawa mo rito, T.H?" pagod kong tanong ng tinignan ko ang singkit niyang mga mata na walang emosyon. Imbis na bumaling siya sa akin ay tumungo ang atensyon niya kay Latrelle.  "Bakit hindi mo binitbit ang gamit mo kanina?", ma-awtoridad ang boses nito. Gusto ko sanang sumingit pero hindi ko magawa nang si Latrelle ang sumagot. Nakapamewang siya saka nag-smirk. "Teka, bakit parang big deal na utusan si Kaoree samantalang binabayaran naman natin siya" Nanlaki ang mga mata ko sa sagot ni Latrelle. Ang ilang mga estudyanteng nandoon ay nagbulungan. Hindi naman umimik si T.H sa sinabi ni Latrelle. Hinawakan niya ang braso ko at hinigit ako pero bago ako magpatianod sa kanya ay hinawakan ni Latrelle ang braso ko. Bumulaslas ang mga nandoon. Pakiramdam ko ay ang ganda ko ngayong ara
last updateLast Updated : 2021-10-23
Read more

38

Sa'yo AkoMaingay ang buong gym dahil sa sigaw ng mga babae at baklang mga estudyante."Ang feeling! Sa akin kaya si Aurelius!" aniya nu'ng baklang kulay pink ang pilik-mata."Hindi ka magugustuhan no'n! Maghilod ka muna!" sabi nu'ng babaeng chinita na kasing kapal ng kilay niya ang kanyang mukha.Makapagsalita ang babaeng ito parang hindi siya ulikbain.Tinuon ko na lang ang atensyon ko sa simula ng laro. Sa jump ball ay sa team nina Latrelle napunta ang bola kaya gano'n na lang ang hiwayan ng mga estudyante. Kawawa ang kalaban, malaki ang disadvantage nila dahil hindi nila ito home court.Sa kabilang side, halos limang bleachers lang ang nabuo ng cheering squad nila."L-O-V-E Aurelius!" paulit-ulit na cheer ng mga babae nakamaikling pink na palda at may hawak ng pompoms.Muntik maagaw ng kalaban ang bola
last updateLast Updated : 2021-10-24
Read more

39

Pamilya"Congratulations!" puri ang bigay ng mga estudyante kay Latrelle kahit ang kalaban nilang team ay gano'n din sa kanya.Nagkamayan sila at tinapik ang likod ng isa't-isa. Biglang kasambahay nina Latrelle ay binitbit ko ang mga gamit niya saka inabutan siya ng tubig at pamunas."Ayos ba?" nagthumbs-up siya.Umakbay siya sa akin habang naglalakad. Naramdan ko ang lagkit ng braso niya.Sumipol ang mga kasama niyang varsity player. Ang ilang kababaihan na naiwan sa gym ay tinignan ako ng masama.Mga inggitera ng taon!Umikot ang mga mata ko."Hindi mo naman ako kailangan akbayan. Hindi kita boyfriend!" masungit kong sambit saka umunang lumakad."Woah! Payag ka no'n, Latrelle? Kinakaya-kaya ka!" pag-udyok ng mga kasama niya.Pakiramdam ko ay ngumiti ng kakaiba si Latrelle kahit di ko siy
last updateLast Updated : 2021-10-25
Read more
PREV
123456
...
11
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status