Sa'yo Ako
Maingay ang buong gym dahil sa sigaw ng mga babae at baklang mga estudyante.
"Ang feeling! Sa akin kaya si Aurelius!" aniya nu'ng baklang kulay pink ang pilik-mata.
"Hindi ka magugustuhan no'n! Maghilod ka muna!" sabi nu'ng babaeng chinita na kasing kapal ng kilay niya ang kanyang mukha.
Makapagsalita ang babaeng ito parang hindi siya ulikbain.
Tinuon ko na lang ang atensyon ko sa simula ng laro. Sa jump ball ay sa team nina Latrelle napunta ang bola kaya gano'n na lang ang hiwayan ng mga estudyante. Kawawa ang kalaban, malaki ang disadvantage nila dahil hindi nila ito home court.
Sa kabilang side, halos limang bleachers lang ang nabuo ng cheering squad nila.
"L-O-V-E Aurelius!" paulit-ulit na cheer ng mga babae nakamaikling pink na palda at may hawak ng pompoms.
Muntik maagaw ng kalaban ang bola
Pamilya"Congratulations!" puri ang bigay ng mga estudyante kay Latrelle kahit ang kalaban nilang team ay gano'n din sa kanya.Nagkamayan sila at tinapik ang likod ng isa't-isa. Biglang kasambahay nina Latrelle ay binitbit ko ang mga gamit niya saka inabutan siya ng tubig at pamunas."Ayos ba?" nagthumbs-up siya.Umakbay siya sa akin habang naglalakad. Naramdan ko ang lagkit ng braso niya.Sumipol ang mga kasama niyang varsity player. Ang ilang kababaihan na naiwan sa gym ay tinignan ako ng masama.Mga inggitera ng taon!Umikot ang mga mata ko."Hindi mo naman ako kailangan akbayan. Hindi kita boyfriend!" masungit kong sambit saka umunang lumakad."Woah! Payag ka no'n, Latrelle? Kinakaya-kaya ka!" pag-udyok ng mga kasama niya.Pakiramdam ko ay ngumiti ng kakaiba si Latrelle kahit di ko siy
Stay Still"Sino 'yan girlfriend mo?" naningkit ang mga mata niya ng tinignan niya ko mula ulo hanggang paa.Hindi naman umimik si Latrelle sa tanong nito at ako ay hindi mawari kung dapat ba kong ngumiti o hindi."Aba! Mukha siyang pamilyar ah!""Oo, Ate. Siya 'yung nasa painting. Nandyan na ba si Papa?"Hinigit ako ni Latrelle palabas ng kwarto niya habang nakasunod ang Ate niya sa amin."Manang, handa na ba 'yung food for celebration?" tanong ng Ate ni Latrelle sa isa sa mga kasambahay nilang nagpupunas ng mga mural paintings. Ang ganda!Hindi ko napansin ang mga ito kanina. Sa palagay ko ay constructive paintings ang tawag sa mga ganitong klase ng art. I wonder kung anong tawag na painting sa akin. Dyosa masterpiece."Yes po, Ma'am. Ang hinihintay na lang ay si Madam"Kumunot ang noo ni
UsapanMasarap sa tenga pakinggan ang bawat paghampas ng alon sa batuhan. Kasabay nito ang paglubog ng araw na para bang kinain iyon unti-unti ng lawa.Sa isang side ng lawa ay doon tumambay ang mga tao. Mayroon kasing palaruan doon para sa mga bata at may upuan pa para sa mga turista.Huminga ko ng malalim ng matapos kong makaramdam ng pagkainip. Kanina pang hindi nagsasalita si Latrelle. Pinagmasdan ko lang siyang nakasandal sa kanyang kotse habang umiinom ng soft drink. Binigyan niya rin ako no'n pero hindi ko alam bakit para bang masakit sa lalamunan kung iinom ako nito.Alam ko kung ano ang iniisip niya ngayon pero hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin. Dapat ba kong magpayo? Dapat ba kong makinig na lang? O, hindi kaya naman hayaan ko siyang tahimik ng makapag-isip siya.Nilaro ang mga batong nasa ibaba ng kinauupuan ko. Napalingon ako sa kanya
Birthday"Ang takaw mo talaga!" humalakhak siya. Araw ng linggo hindi ko alam kung bakit napagpasyahan kong sumama sa lalaking ito.Nitong nakaraan ay naging magkasundo na kami kahit pa-paano. Minsan ay sinasamahan ko siyang pumunta sa kanila.Sa katunayan nga, ngayon ay galing kami sa mansyon. Naabutan namin parehas niyang magulang pero kagaya ng kinasanayan ay hindi pinansin ni Latrelle ang Mama niya.Ang Ate niya naman ay abalang sumasayaw sa kwarto kaya hindi siya napansin nito.Nagtusok muli ako ng kikiam at sinasawsaw sa maanghang na sauce.Pinalis ni Latrelle ang sauce na naiwan malapit sa labi ko."Pang-ilan mo na 'yan. Abuso ka na." Paano kasi ay kanina niya pa kong nililibre.Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak niya na kahit pati damit ay binili niya ko. Ang dahilan niya ay para raw magmukha naman akong tao.
SurprisePag-uwi namin ni Latrelle ay tahimik ang bahay. Ang langitngit ng pinto ang siyang namutawi ng binuksan ko ang likod bahay."Wala sila.""Baka may kanya-kanyang gala."Tamad umupo si Latrelle sa may sala. Binuksan ang TV at tinaas ang parehas na paa sa mini table."Kung gusto mo matulog ka muna. Mag a-alas dos palang naman ng hapon."Tama nga siya, kailangan kong matulog dahil puyat ako kagabi. Tinali ko muna ang kurtina para pumasok ang hangin.Humiga ako at agad kong naramdaman iyon. Para akong dinuduyan sa bawat pagsamyo nito sa aking mukha.Nagising ako dahil sa hagikhikan mula sa ibaba. Malamang nakauwi na ang apat na lalaki.Nanlaki ang mga mata ni Marcus ng makita kong pababa ng hagdan."Uy! Kaoree! Maaga pa!"Kumunot ang noo ko. May
Kumain"Uuwi rin kami kinabukasan, Apo." Aniya Lolita.Nakatingin lang ako sa kanya habang pinagmamasdan siyang kumain. Kitang-kita sa mga mata niya kung gaano siya kasaya lalo pa ng nakipagkwentuhan sa kanya si Jez.Sandali akong tumayo upang alalayan si Melissa dahil kanina pa siyang nahihilo. Naramdaman ko ang sunod-sunod na pagkalabit ni Jez sa aking tagiliran."Dahan-dahan lang." Ani ko.Binigyan ni Marcus si Melissa ng tubig. Umikot ang mga mata ko sa kung paano lumiwanag ang awra nito."Siguro magiging ayos na ang lagay niya." Bulong ko sa aking sarili."Girl!" si Jez na kanina pa akong kinakalabit.May bahid na pag-alala sa mga mata niya. Hindi siya mapakali dahil pabalik-balik ang paglakad niya."Ano bang problema?""Nagtanong si Lolita kung nasaan sina Tita. Lakad! Ikaw ng
HahalikanHalos masuka ako dahil sa dami ng kinain naming tatlo. Nag-unli samgyupsal kami ng sumunod sa amin si Wyn.Ang kwento sa amin ni Wyn ay may inasikaso lang siya tungkol sa donation na ibibigay ng pamilya niya sa isang organization na nangangalaga ng mga bata.Hindi biro ang lakas ng kain ng tatlo kong kasama lalo na ni Latrelle. Gusto pa nitong kumain pero sinabihan siya ni Wyn na hindi magandang kumain ng sobra dahil gabi baka samain ang pakiramdam niya.Nang pabalik na kami sa ospital ay umilaw ang cellphone ko sa gitna ng kwentuhan namin. Mga kwento tungkol sa mga multo at aswang."Nakakita na kong multo." Halakhak ni Marcus."Si Latrelle, multo. Tamang ghosting yan sa mga babaeng hindi niya gusto."T.HMaiwan ka muna sa labas. Mag-usap tayo.Napalunok ang ako sa sinabi niya tila ba may so
Video"Ayos ka lang ba, Kaoree?" Aniya Wanwan habang pinagmamasdan ang paa ko.May bukol iyon dahil sa lakas ng sipa niya. Ramdam ko ang kirot nito. Mukhang hindi yata ako papatulugin nito sa gabi."Oo naman, hindi naman to' sugat." Pagsisinungaling ko kahit na ahon at sulong ang kaba sa dibdib ko."Ang swerte ha! May pagbuhat pa ni T.H kanina!" kinurot ako ni Melissa sa tagiliran.Matapos ng ilang minuto ng mabendahan ako ay lumabas muna sa T.H dahil may tumawag sa kanya. Habang ang naiwan dito ay kaming tatlo. Si Marcus naman ay naglalaro ng ML sa labas."Sorry talaga, Kaoree. Hindi ko sinasadyang masipa ang paa mo." Ngumuso si Wanwan."Ano ka ba! Okay nga lang 'yun!"Matapos ng ilang minuto ay bumangon ako dahil dumating ang nurse na nagbabantay sa akin. Kinausap ni T.H na kababalik lang. Mukha yatang pwede na kong
Hindi ako nakakain ng maayos ng makita si Rosella kaya nag-take out na lang ako ng pagkain. Kinain ko ang egg sandwich habang abalang nagsasagot ang mga bata sa kanilang quiz. Natuwa naman ako sa scores nila dahil lagpas sa kalhati ang pumasa. Naiwan akong mag-isa habang naglalagay ng mga disenyo sa classroom matapos ang ilang oras na klase.Nakangiti ako habang pinapaskil ang mga top 10 sa quiz. Pinapalitan ko kada may activities ang mga nakapaskil sa bulletin board para ganahan silang mag-aral at gumawa ng homework. Alasais na nang hapon ng nakatapos ako.Wala na ang karamihang teachers ng bumalik ako sa faculty. Bawat desk ay tambak ng papel at libro. Binati ko si Manang na nagmo-mop ng sahig. Nagpaalam ako sa kanya na uuna na ko at tumango siya. Sa paglabas ko ng gate naabutan ko si Theo na kumakain ng tusok-tusok. Nakikipagtawanan siya sa kanyang mga estudyante.Napangiti na lang ako ng mukhang masaya siya. Hindi ko akalain na magiging guro siya. Parang kailan lang gusto niyang
Malaki ang pasasalamat namin kay T.H kung hindi dahil sa kanya ay hindi mapapabilis ang gawain namin ni Sasha. Nang gumising kami para mag-umagahan ay nagluto si T.H at hinatid kami ni Sasha sa eskwela.Maaga ang pasok ngayon ni Sasha dahil marami siyang aasikasuhin para sa dancing club na meron siya. Ako naman ay swerte dahil mukhang walang ma-aassign na club sa akin at kung meron man ba ako ay maging Assistant Teacher lang.Nang hinatid ni T.H ang dala kong mga gamit ay hindi maiwasan na pagtinginan siya ng mga estudyante kahit ang aking co-teachers. Rinig ko ang bulungan nila sa bawat table.Napangiti na lang ako ng pinaghinalaan nilang future husband ko raw ang lalaking kasama ko. “Gusto mo bang magkape muna?” Sakto at may bagong stocks ng mga kape sa kusina na binili ng isa sa mga facility rito.“Marami pa kong gagawin. Pero susunduin pa rin kita mamaya.” Mabilis niyang hinalikan ang noo ko saka iniwan akong parang tuod na kinikilig sa aking table. Habang inaayos ang papel ng mga
Nakinig kami sa music habang nag-dr-drive si T.H para ihatid ako sa eskwelahan. Para bang may dinadaga ang dibdib ko at tulo ang pawis ko kahit bukas ang aircon ng sasakyan. “H’wag kang kabahan.” Sabay hawak sa kamay ko pero mabilis kong iniwas iyon. Sariwa pa sa alaala ko ang nangyari kanina.Kung hindi lang natakluban ng pakiramdam ko ngayon ang nangyari kanina ay baka iyon ang isipin ko at halos hindi makasalita sa harap ni T.H. Inabot niya ang bottled water ng mag-red ang stop light.Halos kalhati ng tubig ang naubos ko. “It’ll be alright saka alam kong kaya mo ‘yan.”Hindi ito ang first time na nagturo ako. Maraming kwento si Sasha na maraming estudyanteng bratinela at palaban sa school na iyon kaya nabalot ako ng takot. Kaya siguro may kataasan ang sahod dahil araw-araw ay para bang digmaan sa tuwing nagtuturo kami.Hinaplos ni T.H ang kamay ko at hinalikan ng may pag-iingat ang aking noo. Nakakahiya! Baka namumula ang pisngi ko. “Natural na kabahan ka pero h’wag sobra.”Umatra
NOTE: THIS CHAPTER HAS RATED SPG PART. KUNG MINOR KA PLEASE REFRAIN READING THE ALMOST LAST PART OF THIS CHAPTER.----Kinabukasan ay umuwi rin ako matapos ng pagdalaw ko kila Mama at Papa. Naabutan ko si Sasha na nag–aayos ng visual aids niya. Traditional at modern teaching kasi ang method of teaching namin.Nagpahinga muna ako matapos ng mahabang biyahe. Hindi ako sumabay pag-uwi kay Monique dahil dalawang araw pa siya roon. Matapos ng mahabang tulog ay nag-ayos rin ako nang mga gagamitin ko sa eskwela. Pero wala naman masyadong effort dahil puro discussion muna kami saka reporting.Ang swerte nga ni Sasha at maganda ang schedule niya. Samantalang ako ay tatlong araw na pang-umaga at dalawang araw ang panghapon. Kada lunes ay alas otso ang una kong klase. Pero dahil sa flag ceremony kailangan mas maaga ako ng thirty minutes.Nag-stretch ako ng balikat saka mabilis na naligo. Amoy ko ang masarap na meat loaf at itlog sinamahan pa nang sinangag na kanin. Napapikit na lang ako sa amoy
“Ayan may genie naman pala. Tuparin na ang pangarap ng parents mo. H’wag ng tanggihan ang biyaya.” Humagikhik si Jez nang umupo siya sa likuran namin. Binudbura niya ng pulbos ang mukha at likuran ng kanyang anak saka nilagyan ng bimpo sa lingkod.Kumunot ang noo ko at binaling na lang ang sarili sa pagpapalaman ng tinapay. Nilagyan kong peanut butter saka kinain ang tatlong layers na pinagpatong-patong kong tinapay.“Tubig.” Inabot ng lalaking katabi ko ang baso na may laman na tubig. “Salamat.” Nang hindi manlang siya tinatapunan ng tingin.“Hoy mga babaita! Kumusta kayo! May dala akong chocolates!” Naka-white sleeves at short na maong si Melissa. Bitbit niya ang isang brown na paper bag.Kumpara noon mas humaba ang buhok niya. Nagkalaman din ng mga braso at hita niya. Mas lalong naging porselena ang balat nito. Tumayo ako at niyakap siya. Amoy fresh from abroad. “Huy! Ano? Kumusta naman!”Hindi ako gulat ng makita siya dahil gabi palang ay sinabihan namin siya ni Jez na pumunta.
Walang araw ngunit maulap ngayong araw. Walang hangin pero hindi mainit sa pakiramdan. Nilatag ko ang brown na blanket at nilagay ang picnic basket. Habang ang trashcan ay nasa tabi ng punong narra na siyang nagbibigay silong sa pwesto namin.Nakakapagtaka at hindi mataas ang damo sa paligid kahit ilang taon kaming hindi nakadadalaw.“Jaycee! H’wag takbo nang takbo!” Saway ni Jez sa anak nito. Kararating lang namin pero parang kinahig na nang manok ang buhok ng kaibigan ko. Habol doon. Habol dito ang ginawa niya. “Momma! Ganda!” Wika nang paslit habang hawak ang lollipop niya sa pagtakbo. Sinundan niya ang dalawang paru-paro na tila ba naghahabulan. Dumapo iyon sa ilang bulaklak na nakahanay malapit sa puntod nina Mama at Papa.Hinawi ko ang mga piraso ng tuyong dahon.Nagsindi ako nang dalawang kandila katabi ng mga bulaklak na binili namin ni Jez sa labas. Nilabas ko ang picture frame nina Mama at Papa. Nakaupo sila sa batuhan habang nakaakbay si Papa kay Mama. Labing limang taon
Nilibang namin ang aming sarili sa pagkwe-kwentuhan. Muntik pang makatulog si Marcus habang nag dr-drive kaya pinalitan siya ni Latrelle. Gamit ng rearview ng kotse ay nakatingin ako kay T.H. Hindi ako makapaniwalang hindi siya pinansin ng mga kaibigan niya matapos ang ilang taon.Kwento nila ay nito lang nila lubusan napatawad si T.H kahit si Wyn ay hindi rin daw siya kinakausap. Hindi ko akalain na nakiramay sila sa nangyari sa akin na kahit mas matagal nilang kilala si T.H ay hindi nila iimikan dahil sa nagawang mali nito.Isa lang ang hindi nila sigurado—kung napatawad na nga ba ni Jez si T.H. Sa kanilang apat si Jez ang hirap magpatawad. May punto kasi siya ang pinakamatalik kong kaibigan.Gusto ko man marinig ang kwento ni T.H pero nahihiya akong magtanong. Hindi pa man isang daan porsyento na napatawad ko na siya pero may malaking tanong sa akin bakit niya ‘yun nagawa. Trip niya lang ba? O, may mas malalim pang dahilan? Baka naman dahil bata pa siya noon at hindi niya sigurado
"Breakfast?" Alok sa akin ni Sasha matapos niyang um-order ng sopas. Pasado alas-dyes na siya nang umaga nagising.Gulo ang buhok niya at hindi manlang naghugas ng mukha niya. Uupo sana ako sa tabi niya pero inuna kong ipagtimpla siya nang kape. Napansin kong hinihimas niya ang kanyang sentido."Salamat. Kaunti lang ang kakainin ko. Saka nga pala pabalik ako ng Laguna at bukas pa ang uwi ko." Napatigil siya sa pagsandok ng sopas na para sa akin."Go on. Mag-ingat ka." Akala ko pa naman ay sasabihin niyang sasama siya at magmamaktol dahil alam kong matagal na rin siyang hindi nakakauwi. Hindi pa siguro sila nagkaayos ng kapatid niyang si Sachi.Napatitig ako sa kanya sandali. Wala manlang reaksyon ang mukha nito. "What are you staring at?" Umiling-iling ako."Wala naman. Saka ito pala, magkape ka para sa hang-over mo." Dinama niya ang init nito ng inamoy niya iyon saka sumimsim. Mukhang nahimasmasan ng kahit kaunti ang kaibigan ko.Habang kumakain ay nagkwentuhan kami. Nag-sorry siya d
Hindi ko akalain na ganito pa rin ang epekto niya sa akin. Nasasaktan pa rin ako kapag nakikita ka T.H pero hindi ko maipagkakaila na hindi pa rin kita nalilimutan."Bakit hindi ka makaimik?" Kumurap ako ng ilang beses at nag i-init ang pisngi ko. Hindi pa ko handang magdagdag ng populasyon sa bansang ito kaya bawal ang marupok."Pwede na ba?" Akmang hahalikan niya ko ng tinulak ko siya. Aktong sasampalin ko na siya pero mabilis kong binawi iyon.Tumakbo akong lumabas at saka bumalik sa condo. Dumapa ako saka nagtaklob ng unan para sumigaw.Tinawagan ko si Sasha at mabilis siyang sumagot. Bumungad sa akin ang mapang-asar na tawa nito."Masaya ka ha! Masaya ka!?" Kung 'di ka lang mas matangkad sa akin masasabunutan kita."Yeah! Finally! What do you think? Mas gumawapo si T.H 'di ba?" Tumawa siya at nakarinig akong pamilyar na boses."Marcus! Ikaw ba 'yan?! Humanda ka talaga! Pipingutin ko ang tenga mo!" Imbis na sumagot pabalik ay tawa lang ang naging reaksyon nito.Napagpasyahan ko na