Kanta
"Kain ka muna lugaw girl", nilapag ni Latrelle ang burger at juice sa mesa.
Inayos ni Jez ang buhok ko para sa talent portion. Natulala ako sa harap ng salamin dahil sa kagandahan ko. Hindi ko akalain na may ibubuga pala ako sa mga ganitong patimpalak.
Muntik akong matapilok kanina pero buti na lang at na balanse ko agad ang paa ko. Mataas kasi ang pinasuot na heels sa akin si Jez. Maganda raw iyon para sa postura at height ng katawan ko.
"Salamat ha." Sabi ko.
"Bakit parang labag sa loob mo ang tanggapin yan?" ngumuso siya na parang bata.
"Babawiin ko na lang" Nang hinawakan niya ang burger ay hinawakan kong mabilis ang braso niya.
"Binigay mo 'di ba? Wala ng bawian"
Wala naman siyang nagawa sa sinabi ko kaya humalukipkip siya sa tabi ni Marcus na kasalukuyang nakikipagkwentuhan kay Wyn.
"Paano na y
FieldNakahalumbaba ako habang nakatingin sa blangkong papel na bigay ni Wanwan.Ngayon ay quiz namin sa General Mathematics. Akala ko pa naman ay madali lang dahil half day kami ngayong araw. Mayroon kasing seminar ang faculty ng aming department.Bawat mahinang paghampas ng mga kaklase ko sa arm rest nila ay rinig na rinig. Luminga-linga ako para maghanap ng sagot kaso lang ay bigo ako. One seat apart ang siste namin ngayon.Ang professor ko ay parang isang manok na naghahanap ng paglilimliman dahil paikot-ikot siya sa bawat upuan niyang madaanan."Congratulations nga pala, Miss Kaoree", sabi ng lalaking mahaba ang balbas na kasing haba ng neck tie niya."Salamat po, Sir. First runner-up lang naman po iyon" pilit akong ngumiti habang tinakpan ang papel ko.Mabuti na lang at hindi nag-abala si Sir na tignan iyon.Huminga
Manood"Anong ginagawa mo rito, T.H?" pagod kong tanong ng tinignan ko ang singkit niyang mga mata na walang emosyon.Imbis na bumaling siya sa akin ay tumungo ang atensyon niya kay Latrelle."Bakit hindi mo binitbit ang gamit mo kanina?", ma-awtoridad ang boses nito.Gusto ko sanang sumingit pero hindi ko magawa nang si Latrelle ang sumagot.Nakapamewang siya saka nag-smirk."Teka, bakit parang big deal na utusan si Kaoree samantalang binabayaran naman natin siya"Nanlaki ang mga mata ko sa sagot ni Latrelle. Ang ilang mga estudyanteng nandoon ay nagbulungan.Hindi naman umimik si T.H sa sinabi ni Latrelle. Hinawakan niya ang braso ko at hinigit ako pero bago ako magpatianod sa kanya ay hinawakan ni Latrelle ang braso ko.Bumulaslas ang mga nandoon. Pakiramdam ko ay ang ganda ko ngayong ara
Sa'yo AkoMaingay ang buong gym dahil sa sigaw ng mga babae at baklang mga estudyante."Ang feeling! Sa akin kaya si Aurelius!" aniya nu'ng baklang kulay pink ang pilik-mata."Hindi ka magugustuhan no'n! Maghilod ka muna!" sabi nu'ng babaeng chinita na kasing kapal ng kilay niya ang kanyang mukha.Makapagsalita ang babaeng ito parang hindi siya ulikbain.Tinuon ko na lang ang atensyon ko sa simula ng laro. Sa jump ball ay sa team nina Latrelle napunta ang bola kaya gano'n na lang ang hiwayan ng mga estudyante. Kawawa ang kalaban, malaki ang disadvantage nila dahil hindi nila ito home court.Sa kabilang side, halos limang bleachers lang ang nabuo ng cheering squad nila."L-O-V-E Aurelius!" paulit-ulit na cheer ng mga babae nakamaikling pink na palda at may hawak ng pompoms.Muntik maagaw ng kalaban ang bola
Pamilya"Congratulations!" puri ang bigay ng mga estudyante kay Latrelle kahit ang kalaban nilang team ay gano'n din sa kanya.Nagkamayan sila at tinapik ang likod ng isa't-isa. Biglang kasambahay nina Latrelle ay binitbit ko ang mga gamit niya saka inabutan siya ng tubig at pamunas."Ayos ba?" nagthumbs-up siya.Umakbay siya sa akin habang naglalakad. Naramdan ko ang lagkit ng braso niya.Sumipol ang mga kasama niyang varsity player. Ang ilang kababaihan na naiwan sa gym ay tinignan ako ng masama.Mga inggitera ng taon!Umikot ang mga mata ko."Hindi mo naman ako kailangan akbayan. Hindi kita boyfriend!" masungit kong sambit saka umunang lumakad."Woah! Payag ka no'n, Latrelle? Kinakaya-kaya ka!" pag-udyok ng mga kasama niya.Pakiramdam ko ay ngumiti ng kakaiba si Latrelle kahit di ko siy
Stay Still"Sino 'yan girlfriend mo?" naningkit ang mga mata niya ng tinignan niya ko mula ulo hanggang paa.Hindi naman umimik si Latrelle sa tanong nito at ako ay hindi mawari kung dapat ba kong ngumiti o hindi."Aba! Mukha siyang pamilyar ah!""Oo, Ate. Siya 'yung nasa painting. Nandyan na ba si Papa?"Hinigit ako ni Latrelle palabas ng kwarto niya habang nakasunod ang Ate niya sa amin."Manang, handa na ba 'yung food for celebration?" tanong ng Ate ni Latrelle sa isa sa mga kasambahay nilang nagpupunas ng mga mural paintings. Ang ganda!Hindi ko napansin ang mga ito kanina. Sa palagay ko ay constructive paintings ang tawag sa mga ganitong klase ng art. I wonder kung anong tawag na painting sa akin. Dyosa masterpiece."Yes po, Ma'am. Ang hinihintay na lang ay si Madam"Kumunot ang noo ni
UsapanMasarap sa tenga pakinggan ang bawat paghampas ng alon sa batuhan. Kasabay nito ang paglubog ng araw na para bang kinain iyon unti-unti ng lawa.Sa isang side ng lawa ay doon tumambay ang mga tao. Mayroon kasing palaruan doon para sa mga bata at may upuan pa para sa mga turista.Huminga ko ng malalim ng matapos kong makaramdam ng pagkainip. Kanina pang hindi nagsasalita si Latrelle. Pinagmasdan ko lang siyang nakasandal sa kanyang kotse habang umiinom ng soft drink. Binigyan niya rin ako no'n pero hindi ko alam bakit para bang masakit sa lalamunan kung iinom ako nito.Alam ko kung ano ang iniisip niya ngayon pero hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin. Dapat ba kong magpayo? Dapat ba kong makinig na lang? O, hindi kaya naman hayaan ko siyang tahimik ng makapag-isip siya.Nilaro ang mga batong nasa ibaba ng kinauupuan ko. Napalingon ako sa kanya
Birthday"Ang takaw mo talaga!" humalakhak siya. Araw ng linggo hindi ko alam kung bakit napagpasyahan kong sumama sa lalaking ito.Nitong nakaraan ay naging magkasundo na kami kahit pa-paano. Minsan ay sinasamahan ko siyang pumunta sa kanila.Sa katunayan nga, ngayon ay galing kami sa mansyon. Naabutan namin parehas niyang magulang pero kagaya ng kinasanayan ay hindi pinansin ni Latrelle ang Mama niya.Ang Ate niya naman ay abalang sumasayaw sa kwarto kaya hindi siya napansin nito.Nagtusok muli ako ng kikiam at sinasawsaw sa maanghang na sauce.Pinalis ni Latrelle ang sauce na naiwan malapit sa labi ko."Pang-ilan mo na 'yan. Abuso ka na." Paano kasi ay kanina niya pa kong nililibre.Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak niya na kahit pati damit ay binili niya ko. Ang dahilan niya ay para raw magmukha naman akong tao.
SurprisePag-uwi namin ni Latrelle ay tahimik ang bahay. Ang langitngit ng pinto ang siyang namutawi ng binuksan ko ang likod bahay."Wala sila.""Baka may kanya-kanyang gala."Tamad umupo si Latrelle sa may sala. Binuksan ang TV at tinaas ang parehas na paa sa mini table."Kung gusto mo matulog ka muna. Mag a-alas dos palang naman ng hapon."Tama nga siya, kailangan kong matulog dahil puyat ako kagabi. Tinali ko muna ang kurtina para pumasok ang hangin.Humiga ako at agad kong naramdaman iyon. Para akong dinuduyan sa bawat pagsamyo nito sa aking mukha.Nagising ako dahil sa hagikhikan mula sa ibaba. Malamang nakauwi na ang apat na lalaki.Nanlaki ang mga mata ni Marcus ng makita kong pababa ng hagdan."Uy! Kaoree! Maaga pa!"Kumunot ang noo ko. May