Yuan
Maaga akong nagising dahil sa masamang amoy na hindi ko matukoy kung saan galing.
Nang binuksan ko ang pinto ng aking kwarto ay napabulaslas ako. Ilang mura ang nagawa ko sa aking isip ng makita ang basang katawan ni T.H.
Mula sa buhok niyang basa naglakbay ang tumulong tubig pababa ng dibdib niya hanggang sa umabot sa dulo ng tuwalya niya.
Hindi ko mabilang kung ilang beses akong lumunok habang pinagmamasdan siyang magtuyo ng buhok gamit ang puti niyang tuwalya. Sumasabay sa bawat galaw ng braso niya ang pagflex ng kanyang muscles.
Nag-init ang pisngi ko kasabay ng pakiramdam na para bang malalagutan ako ng hininga.
Nagkatinginan kami kaya't ilang beses akong kumurap.
Napaatras akong bahagya sa aking likuran hanggang sa sumandal ako sa pinto ng aking kwarto.
Lumapit unti-unti ang mukha niya saka hinawakan ang ba
Maganda Umusok ang ilong ng professor ko dahil kay Mariel, siya 'yung napili ng Prof namin na dapat sanang contestant para sa gaganaping English Literature Pageant. Hindi kasi sinabi agad nito na hindi siya pwede. Naintindihan ko naman si Mariel dahil gusto niya ang bagay na iyon pero biglaan kasi ang pagluwas ng mga magulang niya sa Maynila. Pinapasunod siya roon dahil urgent. "Sir, pasensya na po. Hindi ko po nasabi agad dahil nahihiya ako", hinuhuli ng prof namin ang mga mata niya ngunit sadyang pinili niya na lang tumungo dahil sa kahihiyan. "Isang linggo na lang ang preparation paano na yan", dagdag ni Vanna na halata namang ginagatungan niya ang galit ng professor namin. Bakit hindi na lang kaya siya ang pumalit para walang problema? "Kaya ikaw ang pinili ko Mariel dahil ikaw ang may lakas ng loob na humarap sa stage. Kumpara
PaintPinuno ang limang araw ko ng pagpra-practice namin ni Aviel. Mabuti na lang at magaling siyang maggitara saka kumanta.Dito kami malimit magpractice sa kanila dahil ang Mama nito ang naggu-guide sa amin sa pagkanta.Matapos niya kong abutan ng tubig ay sumulpot si Latrelle sa harapan ko kasama si Marcus. May dala silang meryenda.Saktong wala ang mga magulang ni Aviel ay wala ngayon. Tanging siya at kapatid niyang bunso lang ang nandito kaya wala kaming meryenda.Binaba ni Latrelle ang dala niyang basket saka inilabas ang pamilyar na tupper ware.Umupo naman si Marcus doon saka naunang kumuha ng cup cakes.
Good luck KissIto na 'yung araw na pinakahihintay ko. Gumising akong maaga para ayusan ni Jez. Umunat ako ng kaunti para makundisyon ang katawan ko matapos nito ay huminga ako ng malalim.Mabuti na lang at walang pasok si Wyn ngayong araw kaya siya muna ang namahala sa gawain ko tuwing umaga.Humahangos si Jez ng pumunta sa kwarto ko. Siya pa ang excited kaysa sa akin."Girl,anong oras na?! Dali! Maligo ka na!" Hinigit niya ko papasok ng banyo kasama ang aking towel.Pinaghalong-kaba at excitement ang naramdaman ko ngayon kasabay ng pag-agos ng tubig mula sa shower. Hindi ako naglalagay ng conditioner sa buhok pero para dumulas ay nilagyan ko. Nag h-hum ako habang kinukuskos ang bawat sulok ng aking katawan.Nang lumabas ako sa banyo ay sakto rin ang paglabas ni Marcus. Singkit ang mga mata niya at kinuskus iyon.Ngumiti siya na kasing l
Casual Wear"Inhale. Exhale", sabi ni Jez bago magsimula ang pageant.Nasa backstage kami ng pinapila kami ng emcee para sa introduction number. Ilang beses nagpabalik-balik si Melissa sa gate ng eskwelahan pero walang Aviel na sumulpot.Kanina pa siyang pumapadyak sa may harapan ng dressing room. Nandoon ang nag-aalalang adviser namin kasama si Wanwan."Sir, hindi sumasagot" balisa si Melissa. Pawisan ang mukha at likod nito. Pinaypayan siya ni Wanwan saka sinuklayan ang buhok."Paano na 'yan? Wala pa naman tayong pamalit sa kanya", sabi ng professor namin na gusot ang damit. Nakapamewang siya at may kinocontact na numero.Hinawakan ni Jez ang magkabila kong mukha. "Huwag mo ng alalahanin kung wala kang partner ngayon. Basta kayo mo 'yan! Go girl!""Syempre naman no! Sa ganda kong ito matatalbugan ko sila", tinaas ko ang isa kong kilay s
Kanta"Kain ka muna lugaw girl", nilapag ni Latrelle ang burger at juice sa mesa.Inayos ni Jez ang buhok ko para sa talent portion. Natulala ako sa harap ng salamin dahil sa kagandahan ko. Hindi ko akalain na may ibubuga pala ako sa mga ganitong patimpalak.Muntik akong matapilok kanina pero buti na lang at na balanse ko agad ang paa ko. Mataas kasi ang pinasuot na heels sa akin si Jez. Maganda raw iyon para sa postura at height ng katawan ko."Salamat ha." Sabi ko."Bakit parang labag sa loob mo ang tanggapin yan?" ngumuso siya na parang bata."Babawiin ko na lang" Nang hinawakan niya ang burger ay hinawakan kong mabilis ang braso niya."Binigay mo 'di ba? Wala ng bawian"Wala naman siyang nagawa sa sinabi ko kaya humalukipkip siya sa tabi ni Marcus na kasalukuyang nakikipagkwentuhan kay Wyn."Paano na y
FieldNakahalumbaba ako habang nakatingin sa blangkong papel na bigay ni Wanwan.Ngayon ay quiz namin sa General Mathematics. Akala ko pa naman ay madali lang dahil half day kami ngayong araw. Mayroon kasing seminar ang faculty ng aming department.Bawat mahinang paghampas ng mga kaklase ko sa arm rest nila ay rinig na rinig. Luminga-linga ako para maghanap ng sagot kaso lang ay bigo ako. One seat apart ang siste namin ngayon.Ang professor ko ay parang isang manok na naghahanap ng paglilimliman dahil paikot-ikot siya sa bawat upuan niyang madaanan."Congratulations nga pala, Miss Kaoree", sabi ng lalaking mahaba ang balbas na kasing haba ng neck tie niya."Salamat po, Sir. First runner-up lang naman po iyon" pilit akong ngumiti habang tinakpan ang papel ko.Mabuti na lang at hindi nag-abala si Sir na tignan iyon.Huminga
Manood"Anong ginagawa mo rito, T.H?" pagod kong tanong ng tinignan ko ang singkit niyang mga mata na walang emosyon.Imbis na bumaling siya sa akin ay tumungo ang atensyon niya kay Latrelle."Bakit hindi mo binitbit ang gamit mo kanina?", ma-awtoridad ang boses nito.Gusto ko sanang sumingit pero hindi ko magawa nang si Latrelle ang sumagot.Nakapamewang siya saka nag-smirk."Teka, bakit parang big deal na utusan si Kaoree samantalang binabayaran naman natin siya"Nanlaki ang mga mata ko sa sagot ni Latrelle. Ang ilang mga estudyanteng nandoon ay nagbulungan.Hindi naman umimik si T.H sa sinabi ni Latrelle. Hinawakan niya ang braso ko at hinigit ako pero bago ako magpatianod sa kanya ay hinawakan ni Latrelle ang braso ko.Bumulaslas ang mga nandoon. Pakiramdam ko ay ang ganda ko ngayong ara
Sa'yo AkoMaingay ang buong gym dahil sa sigaw ng mga babae at baklang mga estudyante."Ang feeling! Sa akin kaya si Aurelius!" aniya nu'ng baklang kulay pink ang pilik-mata."Hindi ka magugustuhan no'n! Maghilod ka muna!" sabi nu'ng babaeng chinita na kasing kapal ng kilay niya ang kanyang mukha.Makapagsalita ang babaeng ito parang hindi siya ulikbain.Tinuon ko na lang ang atensyon ko sa simula ng laro. Sa jump ball ay sa team nina Latrelle napunta ang bola kaya gano'n na lang ang hiwayan ng mga estudyante. Kawawa ang kalaban, malaki ang disadvantage nila dahil hindi nila ito home court.Sa kabilang side, halos limang bleachers lang ang nabuo ng cheering squad nila."L-O-V-E Aurelius!" paulit-ulit na cheer ng mga babae nakamaikling pink na palda at may hawak ng pompoms.Muntik maagaw ng kalaban ang bola
Hindi ako nakakain ng maayos ng makita si Rosella kaya nag-take out na lang ako ng pagkain. Kinain ko ang egg sandwich habang abalang nagsasagot ang mga bata sa kanilang quiz. Natuwa naman ako sa scores nila dahil lagpas sa kalhati ang pumasa. Naiwan akong mag-isa habang naglalagay ng mga disenyo sa classroom matapos ang ilang oras na klase.Nakangiti ako habang pinapaskil ang mga top 10 sa quiz. Pinapalitan ko kada may activities ang mga nakapaskil sa bulletin board para ganahan silang mag-aral at gumawa ng homework. Alasais na nang hapon ng nakatapos ako.Wala na ang karamihang teachers ng bumalik ako sa faculty. Bawat desk ay tambak ng papel at libro. Binati ko si Manang na nagmo-mop ng sahig. Nagpaalam ako sa kanya na uuna na ko at tumango siya. Sa paglabas ko ng gate naabutan ko si Theo na kumakain ng tusok-tusok. Nakikipagtawanan siya sa kanyang mga estudyante.Napangiti na lang ako ng mukhang masaya siya. Hindi ko akalain na magiging guro siya. Parang kailan lang gusto niyang
Malaki ang pasasalamat namin kay T.H kung hindi dahil sa kanya ay hindi mapapabilis ang gawain namin ni Sasha. Nang gumising kami para mag-umagahan ay nagluto si T.H at hinatid kami ni Sasha sa eskwela.Maaga ang pasok ngayon ni Sasha dahil marami siyang aasikasuhin para sa dancing club na meron siya. Ako naman ay swerte dahil mukhang walang ma-aassign na club sa akin at kung meron man ba ako ay maging Assistant Teacher lang.Nang hinatid ni T.H ang dala kong mga gamit ay hindi maiwasan na pagtinginan siya ng mga estudyante kahit ang aking co-teachers. Rinig ko ang bulungan nila sa bawat table.Napangiti na lang ako ng pinaghinalaan nilang future husband ko raw ang lalaking kasama ko. “Gusto mo bang magkape muna?” Sakto at may bagong stocks ng mga kape sa kusina na binili ng isa sa mga facility rito.“Marami pa kong gagawin. Pero susunduin pa rin kita mamaya.” Mabilis niyang hinalikan ang noo ko saka iniwan akong parang tuod na kinikilig sa aking table. Habang inaayos ang papel ng mga
Nakinig kami sa music habang nag-dr-drive si T.H para ihatid ako sa eskwelahan. Para bang may dinadaga ang dibdib ko at tulo ang pawis ko kahit bukas ang aircon ng sasakyan. “H’wag kang kabahan.” Sabay hawak sa kamay ko pero mabilis kong iniwas iyon. Sariwa pa sa alaala ko ang nangyari kanina.Kung hindi lang natakluban ng pakiramdam ko ngayon ang nangyari kanina ay baka iyon ang isipin ko at halos hindi makasalita sa harap ni T.H. Inabot niya ang bottled water ng mag-red ang stop light.Halos kalhati ng tubig ang naubos ko. “It’ll be alright saka alam kong kaya mo ‘yan.”Hindi ito ang first time na nagturo ako. Maraming kwento si Sasha na maraming estudyanteng bratinela at palaban sa school na iyon kaya nabalot ako ng takot. Kaya siguro may kataasan ang sahod dahil araw-araw ay para bang digmaan sa tuwing nagtuturo kami.Hinaplos ni T.H ang kamay ko at hinalikan ng may pag-iingat ang aking noo. Nakakahiya! Baka namumula ang pisngi ko. “Natural na kabahan ka pero h’wag sobra.”Umatra
NOTE: THIS CHAPTER HAS RATED SPG PART. KUNG MINOR KA PLEASE REFRAIN READING THE ALMOST LAST PART OF THIS CHAPTER.----Kinabukasan ay umuwi rin ako matapos ng pagdalaw ko kila Mama at Papa. Naabutan ko si Sasha na nag–aayos ng visual aids niya. Traditional at modern teaching kasi ang method of teaching namin.Nagpahinga muna ako matapos ng mahabang biyahe. Hindi ako sumabay pag-uwi kay Monique dahil dalawang araw pa siya roon. Matapos ng mahabang tulog ay nag-ayos rin ako nang mga gagamitin ko sa eskwela. Pero wala naman masyadong effort dahil puro discussion muna kami saka reporting.Ang swerte nga ni Sasha at maganda ang schedule niya. Samantalang ako ay tatlong araw na pang-umaga at dalawang araw ang panghapon. Kada lunes ay alas otso ang una kong klase. Pero dahil sa flag ceremony kailangan mas maaga ako ng thirty minutes.Nag-stretch ako ng balikat saka mabilis na naligo. Amoy ko ang masarap na meat loaf at itlog sinamahan pa nang sinangag na kanin. Napapikit na lang ako sa amoy
“Ayan may genie naman pala. Tuparin na ang pangarap ng parents mo. H’wag ng tanggihan ang biyaya.” Humagikhik si Jez nang umupo siya sa likuran namin. Binudbura niya ng pulbos ang mukha at likuran ng kanyang anak saka nilagyan ng bimpo sa lingkod.Kumunot ang noo ko at binaling na lang ang sarili sa pagpapalaman ng tinapay. Nilagyan kong peanut butter saka kinain ang tatlong layers na pinagpatong-patong kong tinapay.“Tubig.” Inabot ng lalaking katabi ko ang baso na may laman na tubig. “Salamat.” Nang hindi manlang siya tinatapunan ng tingin.“Hoy mga babaita! Kumusta kayo! May dala akong chocolates!” Naka-white sleeves at short na maong si Melissa. Bitbit niya ang isang brown na paper bag.Kumpara noon mas humaba ang buhok niya. Nagkalaman din ng mga braso at hita niya. Mas lalong naging porselena ang balat nito. Tumayo ako at niyakap siya. Amoy fresh from abroad. “Huy! Ano? Kumusta naman!”Hindi ako gulat ng makita siya dahil gabi palang ay sinabihan namin siya ni Jez na pumunta.
Walang araw ngunit maulap ngayong araw. Walang hangin pero hindi mainit sa pakiramdan. Nilatag ko ang brown na blanket at nilagay ang picnic basket. Habang ang trashcan ay nasa tabi ng punong narra na siyang nagbibigay silong sa pwesto namin.Nakakapagtaka at hindi mataas ang damo sa paligid kahit ilang taon kaming hindi nakadadalaw.“Jaycee! H’wag takbo nang takbo!” Saway ni Jez sa anak nito. Kararating lang namin pero parang kinahig na nang manok ang buhok ng kaibigan ko. Habol doon. Habol dito ang ginawa niya. “Momma! Ganda!” Wika nang paslit habang hawak ang lollipop niya sa pagtakbo. Sinundan niya ang dalawang paru-paro na tila ba naghahabulan. Dumapo iyon sa ilang bulaklak na nakahanay malapit sa puntod nina Mama at Papa.Hinawi ko ang mga piraso ng tuyong dahon.Nagsindi ako nang dalawang kandila katabi ng mga bulaklak na binili namin ni Jez sa labas. Nilabas ko ang picture frame nina Mama at Papa. Nakaupo sila sa batuhan habang nakaakbay si Papa kay Mama. Labing limang taon
Nilibang namin ang aming sarili sa pagkwe-kwentuhan. Muntik pang makatulog si Marcus habang nag dr-drive kaya pinalitan siya ni Latrelle. Gamit ng rearview ng kotse ay nakatingin ako kay T.H. Hindi ako makapaniwalang hindi siya pinansin ng mga kaibigan niya matapos ang ilang taon.Kwento nila ay nito lang nila lubusan napatawad si T.H kahit si Wyn ay hindi rin daw siya kinakausap. Hindi ko akalain na nakiramay sila sa nangyari sa akin na kahit mas matagal nilang kilala si T.H ay hindi nila iimikan dahil sa nagawang mali nito.Isa lang ang hindi nila sigurado—kung napatawad na nga ba ni Jez si T.H. Sa kanilang apat si Jez ang hirap magpatawad. May punto kasi siya ang pinakamatalik kong kaibigan.Gusto ko man marinig ang kwento ni T.H pero nahihiya akong magtanong. Hindi pa man isang daan porsyento na napatawad ko na siya pero may malaking tanong sa akin bakit niya ‘yun nagawa. Trip niya lang ba? O, may mas malalim pang dahilan? Baka naman dahil bata pa siya noon at hindi niya sigurado
"Breakfast?" Alok sa akin ni Sasha matapos niyang um-order ng sopas. Pasado alas-dyes na siya nang umaga nagising.Gulo ang buhok niya at hindi manlang naghugas ng mukha niya. Uupo sana ako sa tabi niya pero inuna kong ipagtimpla siya nang kape. Napansin kong hinihimas niya ang kanyang sentido."Salamat. Kaunti lang ang kakainin ko. Saka nga pala pabalik ako ng Laguna at bukas pa ang uwi ko." Napatigil siya sa pagsandok ng sopas na para sa akin."Go on. Mag-ingat ka." Akala ko pa naman ay sasabihin niyang sasama siya at magmamaktol dahil alam kong matagal na rin siyang hindi nakakauwi. Hindi pa siguro sila nagkaayos ng kapatid niyang si Sachi.Napatitig ako sa kanya sandali. Wala manlang reaksyon ang mukha nito. "What are you staring at?" Umiling-iling ako."Wala naman. Saka ito pala, magkape ka para sa hang-over mo." Dinama niya ang init nito ng inamoy niya iyon saka sumimsim. Mukhang nahimasmasan ng kahit kaunti ang kaibigan ko.Habang kumakain ay nagkwentuhan kami. Nag-sorry siya d
Hindi ko akalain na ganito pa rin ang epekto niya sa akin. Nasasaktan pa rin ako kapag nakikita ka T.H pero hindi ko maipagkakaila na hindi pa rin kita nalilimutan."Bakit hindi ka makaimik?" Kumurap ako ng ilang beses at nag i-init ang pisngi ko. Hindi pa ko handang magdagdag ng populasyon sa bansang ito kaya bawal ang marupok."Pwede na ba?" Akmang hahalikan niya ko ng tinulak ko siya. Aktong sasampalin ko na siya pero mabilis kong binawi iyon.Tumakbo akong lumabas at saka bumalik sa condo. Dumapa ako saka nagtaklob ng unan para sumigaw.Tinawagan ko si Sasha at mabilis siyang sumagot. Bumungad sa akin ang mapang-asar na tawa nito."Masaya ka ha! Masaya ka!?" Kung 'di ka lang mas matangkad sa akin masasabunutan kita."Yeah! Finally! What do you think? Mas gumawapo si T.H 'di ba?" Tumawa siya at nakarinig akong pamilyar na boses."Marcus! Ikaw ba 'yan?! Humanda ka talaga! Pipingutin ko ang tenga mo!" Imbis na sumagot pabalik ay tawa lang ang naging reaksyon nito.Napagpasyahan ko na