Home / All / Unwed Mother / Chapter 31 - Chapter 40

All Chapters of Unwed Mother: Chapter 31 - Chapter 40

50 Chapters

Chapter 31

NAKATINGIN ako sa repleksyon ni Lexi mula sa pinto ng elevator. Tiningnan ko ang kabuuan niya. Mas lumitaw ang ganda niya ngayon, eleganteng tingnan sa suot niyang two-piece dress. Iniangat ko sng tingin sa kanyang mukha  Nakangiti itong nakatingin kay Bennett. Sinsero ang ngiting nakikita ko sa kanyang mukha. Hindi ko maiwasang isipin na nalilinlang niya na naman ako sa ngiting iyon. Bumukas ang elevator. Lalabas na sana ako nang maramdaman ang paghawak niya sa kaliwang braso ko. Tiningnan ko iyon bago iniangat ang tingin sa kanya. "Can we talk?" Ilang segundo ko siyang tinitigan bago ko inalis ang kamay niyang nakahawak sa akin. "I can't. May checkup ang anak ko." Nilingon niya si Bennett na nasa kabilang gilid ko bago muling nag-angat ng tingin sa akin. "Saglit lang, Inari. Please?" may pagsusumamong aniya.  Bumuntong-hininga ako at umiling. "Sorry." Lumabas na kami at naglakad sa pasilyo. Muli kong naramdaman ang paghawak
last updateLast Updated : 2021-07-02
Read more

Chapter 32

TAAS-NOO akong naglakad palayo hanggang sa makarating sa parking lot. Ngunit nang makarating sa kotse at makapasok sa loob ay bumuhos ang mga luhang kanina pa pinasisikip ang d****b ko. Tahimik akong humagulgol. Kuyom ang mga kamao ko habang matalim na nakatingin sa kawalan. Iniisip ko ang mga sinabi ni Lexi. Wala namang masakit sa mga sinabi niya pero ang marinig ang pangungutya sa boses niya ay ibang galit ang ibinibigay sa puso ko.   Ilang minuto akong nanatiling tulala. Kung hindi ko pa narinig ang katok sa bintana ng kotse ay hindi pa ako mababalik sa wisyo. Nakita ko sila Bennett sa labas ng kotse kaya mabilis ko silang pinagbukasan.   "Okay ka lang, Inari?" nag-aalalang tanong ni Ate Rose. "Kanina pa ako tumatawag sa cellphone pero hindi ka sumasagot. Kanina pa rin kami kumakatok dito. May nangyari ba?" Ba
last updateLast Updated : 2021-07-05
Read more

Chapter 33

SERYOSO ang mukha ko habang pinagmamasdan si Kaiden at Bennett mula sa kusina. Nasa sala ang mga ito at nagtatawanan. Hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi ni Ate Rose na si Kaiden ang nakatira sa tapat namin.    Mabilis na nangunot ang noo ko nang maalala ang lalaking nakasabay ko noong nakaraang gabi sa elevator. Hindi ko nakita ang mukha ng taong iyon pero napansin ko ang suot nito. At hindi ako pwedeng magkamali na siya ang lalaking nakatayo sa katapat na pinto nang gabing 'yon.    Kung gano'n... Si Kaiden ang lalaking nakasabay ko sa elevator? Pero bakit hindi niya ako binati? O baka naman hindi niya rin napansin na ako 'yon?   Bumuga ako ng hangin at naglakad na palapit sa sala bitbit ang tray na naglalaman ng isang baso ng jui
last updateLast Updated : 2021-11-06
Read more

Chapter 34

PINAGMAMASDAN ko ang dalawang pares sa magkalayong lamesa. Mukhang hindi pa rin nagkakasundo si Karen at Niko dahil sa nakasimangot na mukha ni Ren, samantalang seryoso naman si Niko. Tahimik at mukhang payapa namang nag-uusap si Vera at Owen.   "Dito na ba kayo sa Manila mamamalagi o may may magma-manage lang nitong restaurant mo?"   Nilingon ko si Kaiden na kasama ko sa lamesa. "Dito na. Weekly na lang ako uuwi sa Laguna para mabisita ang ibang branch ko roon," nakangiti kong sagot.   "Hindi ba nakakapagod 'yon?" may pag-aalalang tanong niya.   "Nakakapagod pero kailangan, eh."   "Just don't forget to rest
last updateLast Updated : 2021-11-10
Read more

Chapter 35

LAKAD-TAKBO ang ginagawa ko palabas ng restaurant na iyon. Hindi naman malayo ang parking lot pero sobra ang hingal ang nararamdaman ko nang makarating doon. Bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse nang may humawak sa braso ko. Mariin akong napapikit nang mahulaan kung sino iyon, lalo na ng marinig ang boses niya.  "Inari? It's you, right?" Ngayon lang ako kinain ng pagsisisi kung bakit ako nagmamadaling umalis sa restaurant. Ayokong isipin niyang apektado pa rin ako kapag nakikita siya. Nabigla lang naman ako at hindi nakapag-isip agad kanina kaya ganoon ang inakto. Humugot ako ng malalim na hininga bago hinarap si Kevin. Napanganga pa siya nang makaharap ako nang tuluyan.  "It's you," masayang aniya. "I didn't expect to see you here!"  'Maski ako, Kevin. Kung alam ko lang na makikita kita rito ay dumiretso na sana ako pauwi.' "How are you?" nakangiting tanong niya. "I'm good." Pilit k
last updateLast Updated : 2021-11-12
Read more

Chapter 36

ILANG ARAW akong nakipagtalo sa sarili ko kung sasabihin ko na ba kay Bennett na gusto siyang makita ni Kevin. Ilang araw ko ring pinagpractise-an ang tamang sasabihin sa anak ko. Nang makapagpasya na ay kinausap ko muna si Kevin. Nalaman ko ang cellphone number niya nang magpadala siya ng text message nang gabing nagkita kami isang linggo na ang nakakaran. "Saan mo gustong makipagkita? Okay lang sa akin kahit saan," ani Kevin sa kabilang linya. "Kung gusto mo pupunta na lang ako riyan sa tinutuluyan n'yo." "Hindi ko gustong malaman mo ang tinitirahan namin, Kevin," walang pag-aatubili kong sabi. Ilang minuto siyang hindi nakapagsalita. Harsh man ang dating ko pero iyon ang totoo. Baka kasi kapag nalaman niya na kung saan kami tumutuloy ay pumunta siya rito lagi para makita si Bennett. Hindi pa ako handa sa ganoong set-up. Isang malalim na buntong-hininga ang sunod kong narinig sa kabilang linya. "Naiintindihan ko, Inari." "Magkita na
last updateLast Updated : 2021-11-20
Read more

Chapter 37

WALA na naman si Bennett?"  Iyan ang masungit na bungad sa akin ni Karen nang mapagbuksan ko sila ng pinto nang hapong iyon. May bitbit itong isang bote ng red wine. Hindi pa ako nakakasagot kay Karen ay si Vera naman ang nagtanong.  "Kasama ni Kevin? Baka mamaya hindi ibalik no'n ang inaanak ko, ha!" Dumiretso kami sa kusina at umupo sa dining table. Binuksan ko ang pinadeliver kong pizza. "Ilang beses ng hinihiram ni Kevin ang bata. Hindi niya naman siguro gagawin 'yon. At kapag ginawa niya 'yon hindi ako magdadalawang isip na ipakulong siya." "Aba, dapat lang! 'Wag kang papayag na makalabas siya ng kulungan," mariing ani Karen habang binubuksan ang wine. "Pero okay lang ba talaga sa'yo, Inari?" tanong ni Vera. I gave her a half smile. "Simula noong magkakilala silang mag-ama naging maluwag nang bahagya ang kalooban ko kasi naibigay ko na ang isa sa kahilingan ni Bennett." "Pero hindi pa tapos ang problema. Paano ka
last updateLast Updated : 2021-12-22
Read more

Chapter 38

NAPAIWAS ako ng tingin at mahinang natawa sa naging tanong ni Kaiden. All this time ba akala niya ay kami pa rin ni Kevin? Mali yata na hindi ko itinama ang pag-aakala niyang may asawa na ako.  Nilingon ko siya. Salubong ang makakapal niyang kilay habang nakatingin sa akin. Nagtataka marahil sa ginawa kong pagtawa. Itinakip ko ang kamao sa aking bibig at tumikhim. "We’re not seperated." Nangunot lalo ang noo niya nang marinig ang sinabi ko. "We’re not married in the first place. We’re just... Bennett’s parents," dugtong ko bago pa kung ano na namang maisip niya. Ilang segundo niya akong tinitigan na parang pinoproseso ang mga sinabi ko. Maya-maya ay mahinang buntong-hininga ang narinig ko sa kanya habang ilang ulit na tumatango. "I get it. I thought you’re already married. I’m sorry, Inari." Umiling ako. "I should’ve correct you when we're at my resto." "No. It’s stupid of me to think that you are a married woman just because of your ring
last updateLast Updated : 2021-12-25
Read more

Chapter 39

"Talaga po, Tito Doc?!" Bakas na ang sigla sa mukha at ang saya sa namumugtong mga mata ng anak ko. Parang hindi ito dumaan sa malalang pag-iyak kanina kung makangiti. Mabilis ang naging kilos niya nang umalis sa pagkakahiga sa bisig ko at umupo kaya naman alisto akong umalalay sa kanya. "Totoo pong sasamahan n’yo kami ni Mommy sa family activity ko sa school, Tito Doc?" Hanggang ngayon ay napapailing pa rin ako sa naging tawag ng anak ko kay Kaiden. Basta na lamang niya itong tinawag ng ganoon noong minsan namin itong nakasabay sa elevator. Sinaway ko si Bennett pero sinaway rin ako ni Kaiden. Aniya ay okay lang sa kanya iyon. Yumukod si Kaiden kaya nagkapantay sila. Isang beses niyang mahinang kinulbit ang baba ng anak ko at nakangiti itong sinagot, "Yes. Let me be your Dad for one day. If that’s... okay with you." Nagbigay pa siya ng isang sulyap sa akin bago ibinalik agad ang tingin kay Bennett. "Okay na okay po, Tito Doc!" masiglang ani B
last updateLast Updated : 2021-12-28
Read more

Chapter 40

NANUNUYO na ang lalamunan ko at nakakaramdam na ng pagkailang pero hindi ko magawan alisin ang tingin sa nakangiting mukha ni Kaiden. Hindi ko alam kung dapat ko bang sagutin ang sinabi niyang iyon. Wala rin naman akong mahagip na sagot para doon kaya nanatiling tikom ang bibig ko. Hindi ko nga lang napigilan nang mag paulit-ulit 'yon sa isip ko. Paulit-ulit ko ring itinatanong sa sarili kung bakit ganoon ang sinabi niya.  "Doc Kaiden!" Laking ginhawa ang naramdaman ko nang marinig ang pagtawag sa pangalan niya. Ilang ulit akong nagpasalamat sa Diyos dahil doon at sa kung sino mang gumawa niyon. Para akong itinakas no’n sa isang gipit na pagkakataon. Sabay naming nilingon ang mga kasama niya. Nakangiting kumakaway ang isang lalaki.  "Lalamig ang pagkain," ani ng lalaking kumakaway.  May mga pagkain na nga sa lamesa nila. Mukhang si Kaiden na lang ang hinihintay ng mga ito para makapag-umpisa silang kumain. "Hinihinta
last updateLast Updated : 2021-12-30
Read more
PREV
12345
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status