NAKATINGIN ako sa repleksyon ni Lexi mula sa pinto ng elevator. Tiningnan ko ang kabuuan niya. Mas lumitaw ang ganda niya ngayon, eleganteng tingnan sa suot niyang two-piece dress. Iniangat ko sng tingin sa kanyang mukha Nakangiti itong nakatingin kay Bennett. Sinsero ang ngiting nakikita ko sa kanyang mukha. Hindi ko maiwasang isipin na nalilinlang niya na naman ako sa ngiting iyon.
Bumukas ang elevator. Lalabas na sana ako nang maramdaman ang paghawak niya sa kaliwang braso ko. Tiningnan ko iyon bago iniangat ang tingin sa kanya.
"Can we talk?"
Ilang segundo ko siyang tinitigan bago ko inalis ang kamay niyang nakahawak sa akin. "I can't. May checkup ang anak ko."
Nilingon niya si Bennett na nasa kabilang gilid ko bago muling nag-angat ng tingin sa akin. "Saglit lang, Inari. Please?" may pagsusumamong aniya.
Bumuntong-hininga ako at umiling. "Sorry."
Lumabas na kami at naglakad sa pasilyo. Muli kong naramdaman ang paghawak
TAAS-NOO akong naglakad palayo hanggang sa makarating sa parking lot. Ngunit nang makarating sa kotse at makapasok sa loob ay bumuhos ang mga luhang kanina pa pinasisikip ang d****b ko. Tahimik akong humagulgol. Kuyom ang mga kamao ko habang matalim na nakatingin sa kawalan. Iniisip ko ang mga sinabi ni Lexi. Wala namang masakit sa mga sinabi niya pero ang marinig ang pangungutya sa boses niya ay ibang galit ang ibinibigay sa puso ko. Ilang minuto akong nanatiling tulala. Kung hindi ko pa narinig ang katok sa bintana ng kotse ay hindi pa ako mababalik sa wisyo. Nakita ko sila Bennett sa labas ng kotse kaya mabilis ko silang pinagbukasan. "Okay ka lang, Inari?" nag-aalalang tanong ni Ate Rose. "Kanina pa ako tumatawag sa cellphone pero hindi ka sumasagot. Kanina pa rin kami kumakatok dito. May nangyari ba?" Ba
SERYOSO ang mukha ko habang pinagmamasdan si Kaiden at Bennett mula sa kusina. Nasa sala ang mga ito at nagtatawanan. Hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi ni Ate Rose na si Kaiden ang nakatira sa tapat namin. Mabilis na nangunot ang noo ko nang maalala ang lalaking nakasabay ko noong nakaraang gabi sa elevator. Hindi ko nakita ang mukha ng taong iyon pero napansin ko ang suot nito. At hindi ako pwedeng magkamali na siya ang lalaking nakatayo sa katapat na pinto nang gabing 'yon. Kung gano'n... Si Kaiden ang lalaking nakasabay ko sa elevator? Pero bakit hindi niya ako binati? O baka naman hindi niya rin napansin na ako 'yon? Bumuga ako ng hangin at naglakad na palapit sa sala bitbit ang tray na naglalaman ng isang baso ng jui
PINAGMAMASDAN ko ang dalawang pares sa magkalayong lamesa. Mukhang hindi pa rin nagkakasundo si Karen at Niko dahil sa nakasimangot na mukha ni Ren, samantalang seryoso naman si Niko. Tahimik at mukhang payapa namang nag-uusap si Vera at Owen. "Dito na ba kayo sa Manila mamamalagi o may may magma-manage lang nitong restaurant mo?" Nilingon ko si Kaiden na kasama ko sa lamesa. "Dito na. Weekly na lang ako uuwi sa Laguna para mabisita ang ibang branch ko roon," nakangiti kong sagot. "Hindi ba nakakapagod 'yon?" may pag-aalalang tanong niya. "Nakakapagod pero kailangan, eh." "Just don't forget to rest
LAKAD-TAKBO ang ginagawa ko palabas ng restaurant na iyon. Hindi naman malayo ang parking lot pero sobra ang hingal ang nararamdaman ko nang makarating doon. Bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse nang may humawak sa braso ko. Mariin akong napapikit nang mahulaan kung sino iyon, lalo na ng marinig ang boses niya. "Inari? It's you, right?" Ngayon lang ako kinain ng pagsisisi kung bakit ako nagmamadaling umalis sa restaurant. Ayokong isipin niyang apektado pa rin ako kapag nakikita siya. Nabigla lang naman ako at hindi nakapag-isip agad kanina kaya ganoon ang inakto. Humugot ako ng malalim na hininga bago hinarap si Kevin. Napanganga pa siya nang makaharap ako nang tuluyan. "It's you," masayang aniya. "I didn't expect to see you here!" 'Maski ako, Kevin. Kung alam ko lang na makikita kita rito ay dumiretso na sana ako pauwi.' "How are you?" nakangiting tanong niya. "I'm good." Pilit k
ILANG ARAW akong nakipagtalo sa sarili ko kung sasabihin ko na ba kay Bennett na gusto siyang makita ni Kevin. Ilang araw ko ring pinagpractise-an ang tamang sasabihin sa anak ko. Nang makapagpasya na ay kinausap ko muna si Kevin. Nalaman ko ang cellphone number niya nang magpadala siya ng text message nang gabing nagkita kami isang linggo na ang nakakaran. "Saan mo gustong makipagkita? Okay lang sa akin kahit saan," ani Kevin sa kabilang linya. "Kung gusto mo pupunta na lang ako riyan sa tinutuluyan n'yo." "Hindi ko gustong malaman mo ang tinitirahan namin, Kevin," walang pag-aatubili kong sabi. Ilang minuto siyang hindi nakapagsalita. Harsh man ang dating ko pero iyon ang totoo. Baka kasi kapag nalaman niya na kung saan kami tumutuloy ay pumunta siya rito lagi para makita si Bennett. Hindi pa ako handa sa ganoong set-up. Isang malalim na buntong-hininga ang sunod kong narinig sa kabilang linya. "Naiintindihan ko, Inari." "Magkita na
WALA na naman si Bennett?" Iyan ang masungit na bungad sa akin ni Karen nang mapagbuksan ko sila ng pinto nang hapong iyon. May bitbit itong isang bote ng red wine. Hindi pa ako nakakasagot kay Karen ay si Vera naman ang nagtanong. "Kasama ni Kevin? Baka mamaya hindi ibalik no'n ang inaanak ko, ha!" Dumiretso kami sa kusina at umupo sa dining table. Binuksan ko ang pinadeliver kong pizza. "Ilang beses ng hinihiram ni Kevin ang bata. Hindi niya naman siguro gagawin 'yon. At kapag ginawa niya 'yon hindi ako magdadalawang isip na ipakulong siya." "Aba, dapat lang! 'Wag kang papayag na makalabas siya ng kulungan," mariing ani Karen habang binubuksan ang wine. "Pero okay lang ba talaga sa'yo, Inari?" tanong ni Vera. I gave her a half smile. "Simula noong magkakilala silang mag-ama naging maluwag nang bahagya ang kalooban ko kasi naibigay ko na ang isa sa kahilingan ni Bennett." "Pero hindi pa tapos ang problema. Paano ka
NAPAIWAS ako ng tingin at mahinang natawa sa naging tanong ni Kaiden. All this time ba akala niya ay kami pa rin ni Kevin? Mali yata na hindi ko itinama ang pag-aakala niyang may asawa na ako. Nilingon ko siya. Salubong ang makakapal niyang kilay habang nakatingin sa akin. Nagtataka marahil sa ginawa kong pagtawa. Itinakip ko ang kamao sa aking bibig at tumikhim. "We’re not seperated." Nangunot lalo ang noo niya nang marinig ang sinabi ko. "We’re not married in the first place. We’re just... Bennett’s parents," dugtong ko bago pa kung ano na namang maisip niya. Ilang segundo niya akong tinitigan na parang pinoproseso ang mga sinabi ko. Maya-maya ay mahinang buntong-hininga ang narinig ko sa kanya habang ilang ulit na tumatango. "I get it. I thought you’re already married. I’m sorry, Inari." Umiling ako. "I should’ve correct you when we're at my resto." "No. It’s stupid of me to think that you are a married woman just because of your ring
"Talaga po, Tito Doc?!" Bakas na ang sigla sa mukha at ang saya sa namumugtong mga mata ng anak ko. Parang hindi ito dumaan sa malalang pag-iyak kanina kung makangiti. Mabilis ang naging kilos niya nang umalis sa pagkakahiga sa bisig ko at umupo kaya naman alisto akong umalalay sa kanya. "Totoo pong sasamahan n’yo kami ni Mommy sa family activity ko sa school, Tito Doc?" Hanggang ngayon ay napapailing pa rin ako sa naging tawag ng anak ko kay Kaiden. Basta na lamang niya itong tinawag ng ganoon noong minsan namin itong nakasabay sa elevator. Sinaway ko si Bennett pero sinaway rin ako ni Kaiden. Aniya ay okay lang sa kanya iyon. Yumukod si Kaiden kaya nagkapantay sila. Isang beses niyang mahinang kinulbit ang baba ng anak ko at nakangiti itong sinagot, "Yes. Let me be your Dad for one day. If that’s... okay with you." Nagbigay pa siya ng isang sulyap sa akin bago ibinalik agad ang tingin kay Bennett. "Okay na okay po, Tito Doc!" masiglang ani B
"NGAYON ko lang nalaman ang palagi niyang pagpunta rito dahil hindi siya nasusundan ng taong pinagbabantay ko sa kanya. At hindi rin naman sinasabi sa akin ang pag-alis-alis ni Lexi kaya akala ko na palagi silang magkasama."Tulala kong natitigan ang labas ng restaurant ko. Kita ko mula sa kinatatayuan ang kotse ni Kevin sa parking lot kung saan nito hinatid si Lexi. Tuwid na nakatayo sa labas niyon ang isang matangkad na lalaki na hula ko'y bodyguard."Pasensya na, Inari! Hindi ko hinihiling na mapatawad mo siya, pero sana ay maintindihan mo pa siya kahit kaunti.""Mabuti pa puntahan mo na siya, Kevin," sabi ko nang hindi siya nililingon. Saka ko ito hinarap. Nakatungo ito. Kanina ko pa napapansin na hindi niya ako matingnan sa mga mata. "Hindi niya kailangan ng magbabantay sa kanya, Kevin. Kailangan ka ng asawa mo. Alam kong isa sa dahilan kaya ganoon ang nararamdaman ni Lexi ay dahil nasa puso niya pa rin ang takot na mawawala ka. She needed your support and love, Kev. Ibigay mo '
PERO ang balak na lapitan si Lexi at kausapin ito ay hindi ko na nagawa. Dahil siya na mismo ang lumapit sa akin. Pagkababa ko ay naroon na siya sa harapan ng counter. Nasa mukha ang bagsik kaya naman nakikita ko ang takot sa mukha ng cashier na Mira. Nang malingunan ako nito ay nakita ko ang mangiyak-ngiyak niyang mga mata. Maski ang dalawang waiter na nasa gilid ng counter ay bakas ang kaba sa mga mukha.Tiningnan ko ang kabuoan ng restaurant habang naglalakad ako palapit sa counter. Lunchtime kaya maraming lamesa ang okupado. Napahinga ako ng malalim. Humihiling na sana ay huwag mag eskandalo si Lexi. Pero sa mukha nito ay parang iyon ang pakay niya. Ngumisi si Lexi habang sinusundan ako ng tingin. Hindi rin naalis sa kanya ang tingin ko. Hindi ako pumasok sa counter, sa halip ay sa harap niya ako tumigil."Is there a problem?" malumanay ko pang tanong. Umangat ang kilay niya. Muli kong nakikita ang Lexi na nakilala ko years ago, at ang Lexi na nakausap ko sa ospital. Ang mabagsi
"MAKIKIDALA nitong bag ko sa office, Ate Rose."Ibinigay ko kay Ate Rose ang aking hobo bag, at ang tote bag na naglalaman ng extra clothes ni Bennett."Hindi mo ba siya lalapitan? Kanina pa siya nakatingin sa 'yo."Huminga ako ng malalim. "Lalapit lang ako sa kanya kung may complaint siya o kailangan niyang makausap ang owner.""Kinakabahan ako sa babaeng iyan, Inari. Parang ano mang oras ay maghahamok," ani Ate Rose habang nakatingin sa akin pero kita sa malikot niyang mga mata ang pagkataranta."Hindi niya pwedeng gawin 'yon, ate. Pwede ko siyang ipadampot sa pulis. At sigurado akong hindi niya iyon magagawa, ate."Tumango-tango si Ate Rose saka malalim na bumuntong-hininfa. Sinundan ko pa ito ng tingin nang umakyat siya sa second floor kung nasaan ang opisina ko.Dumiretso naman ako sa counter. Chi-ne-ck ko iyon at ang kitchen na madalas kong gawin sa tuwing nasa restaurant ako. Nakailang paroon at parito na ako sa kitchen at counter to check my staffs ay naroon pa rin si Lexi. Wa
HINDI ko maiwasang isipin na parang naging teleserye ang buhay naming magkakaibigan pagkatapos ng date na iyon almost ten years ago sa Tagaytay. Nagkakilala si Owen at Vera. Nagkasundo at nagkaroon ng nararamdaman sa isa't isa pero may pumipigil. Ganoon din kay Karen at Niko na may pumapagitna. At ako naman...Malalim akong napabuga ng hangin. Punong puno ang isip ko ng mga alalahanin, una kay Bennett at Keegan, pangalawa ay kay Lexi at isama pa ang kay Kaiden na kahit ano'ng sabihin ko sa sarili na huwag nang problemahin pa iyon ay hindi ko pa rin maiwasan. Hindi ko alam kung bakit patuloy na nasasaktan ako sa nalamang may asawa na si Kaiden. Hindi lang basta simpleng betrayal ang nararamdaman ko. It's deeper than that. It's as if nagkaroon kami ng mas malalim na relasyon at nag cheat siya. O baka dahil din hindi ko matanggap na ganoon siyang tao. Hindi ko inaasahan at hindi ko nakita na katulad siya ng ibang naka-relasyon ko. O baka mahina lang talaga akong kumilatis ng tao kaya hin
'BUT THAT GUY HAS A WIFE.''But that guy has a wife.''But that guy has a wife.'Hindi ko alam sa sarili ko pero nakakaramdam ako ng pagkadismaya sa nalaman ko tungkol kay Kaiden. Pakiramdam ko pinaglihiman ako ng taong itinuring kong kaibigan. Mayroon ding pakiramdam na parang pinagtaksilan ako. Nadidismaya ako dahil pagkatapos ng pagpapakita at pagsasabi niya ng mga matatamis na salita ay malalaman kong may asawa siya. Bakit ba puro maloloko ang nakikilala ko? Kahit kailan yata ay wala na akong makikilalang matinong lalaki."Inari!"Para akong natauhan nang marinjg ang malakas na sigaw sa pangalan ko. Nakita ko ang nagtatakang mukha ni Vera at Karen na nasa unahan ko. Narito kami sa mall para bumili ng regalo para sa baby shower nila Liam. Matapos mamili ng pangregalo ay napagkasunduan naming mag grocery na rin."Are you okay, Inari? Kanina ka pa namin tinatawag," ani Vera.Napabuga ako ng hangin pero hindi nagawang suma
DAHIL sa pagod ay nakatulog na si Bennett sa passenger seat habang nasa biyahe kami pauwi. Ako man ay nakakaramdam ng pagod kaya sigurado akong ganoon din si Kaiden. Nang makarating sa condo ay binuhat niya si Bennett hanggang sa kwarto nito.“Thank you for coming with us, Kaiden. I really appreciate it a lot. Sobrang nag-enjoy si Bennett,” nakangiting ani ko nang makalabas kami ng kwarto.“Wala iyon, Inari. Masaya akong makitang masaya at nag-e-enjoy si Bennett.”Tikom ang bibig niya habang tipid na nakangiti ngunit ang mga mata ay kumikislap. Parang lumundag ang puso ko sa saya dahil sa sinabi niyang iyon. Hindi ko iyon naitago sa isang matamis na ngiti.Pinasadahan ko ng tingin ang kanyang mukha. Wala man lang mababakas na pagod doon. Nanatiling fresh ang itsura niya sa kabila ng ginawang paglalaro kanina. Kung ako ay baka mahalata na iyon. Na-concious tuloy ako kung ano na ang itsura ko sa mga oras na ito kaya naman pasim
FAMILY DAY. Dalawang salita na nagbibigay ng labis na saya sa mga bata. Sa nakalipas na taon na dumalo ako ng ganitong activity nila Bennett sa school nakikita ko ang saya niya. Pero ngayon triple ‘yon. Kita ko ang pagkislap ng saya sa mga mata niya kapag tumitingin siya sa aming dalawa ni Kaiden. Naisip kong, siguro sa isip niya masasabi niyang sa wakas kumpleto ang pamilya niya katulad ng iba.Para kaming isang masayang pamilya sa bawat palaro. Natatawa pa ako dahil kahit alam naman namin ni Kaiden ang gagawin ay paulit-ulit 'yong babanggitin ni Bennett. Parang siya pa itong matanda sa aming tatlo. Nagmistulan siyang coach. May oras pa na makikita ko sila ni Kaiden sa isang tabi na parang nag me-meeting at pinag-uusapan ang magiging laro. Kahit kailan napaka-competitive ni Bennett. Mabuti na lang at hindi kakikitaan ng pagkabigo kapag hindi nanalo.Halos mapuno ang camera ko ng litrato at video ng dalawa. Ngayon ay nakaupo na muli kami matapos ang ilang palaro.
PARA akong ipinako sa kinatatayuan. Hindi makakilos at hindi magawang alisin ang tingin kay Kaiden. Hindi ko mabura ang gulat na bumalatay sa aking mukha dahil sa paraan ng pagpapakilala niya kay Lexi.‘Boyfriend? Kailan ko pa siya naging nobyo? Ilang beses niya pa kaya akong gugulatin sa mga sinasabi niya? Mukhang eksperto siya sa bagay na iyon, ah.’"I’m Lexi... Lexi Romero."Natauhan ako nang marinig ang pagpapakilala ni Lexi rito. Ibinalik ko sa ayos ang mukha. Itinikom ang bahagyang nakangangang bibig at tumikhim para maalis ang bara sa lalamunan. Nang lingunin ko si Lexi ay naabutan ko ang nakangiti niyang pagtanggap sa pakikipagkamay ni Kaiden."Nice to meet you, Mr. Petterson.""Kaiden na lang. Masyadong pormal ang Mr. Petterson," ani Kaiden kasabay ng pagbitaw sa kamay ni Lexi. Napangiti ako roon sa hindi ko malamang dahilan."Oh, okay, Kaiden."Nakangiti akong nilingon ni Lexi. Kung hindi
"Inari, what’s wrong?"Ginising ang diwa ko nang ilang ulit na tanong at marahang paghaplos ni Kaiden sa pisngi ko. Mabilis akong napalingon sa kanya. Mabilis din ang kilos niya nang muntik na akong mawalan ng balanse dulot ng panlalambot ng mga tuhod ko. Bakas na ang labis na pag-aalala sa kanyang mukha.“Is there something wrong? May masakit ba sa’yo?” mahinang tanong niya muli pero hindi ko nagawang sagutin 'yon.Habang nakatingin kay Kaiden ay nananalangin ako na sana ay mali ang nakita ko kanina. Na hindi iyon totoo at dinadaya lang ako ng sariling paningin. Ngunit bigo ako. Dahil nang muli kong itinuon ang paningin sa unahan ay naroon pa rin si Lexi. Bakas din ang gulat sa nanlalaking mga mata niya na nakatutok sa akin. Mukhang kahit pagkilos ay hindi niya magawa dahil ganoon pa rin ang pwesto niya.Lumala ang kabang nararamdaman ko at nanlaki ang mga mata ko nang makita ang pagtakbo ni Bennett palapit kina Lexi. Masaya